watch now

Author Topic: Cagbalete Island, Mauban Quezon Thread 3  (Read 9480 times)

traxxex21

  • Guest
Re: Cagbalete Island, Mauban Quezon Thread 3
« Reply #20 on: April 23, 2015, 07:51:27 am »
Hello mga sis! we just got back from Cagbalete last Sunday.
To be honest, I'm quite disappointed :(. It's not what I am expecting.

We are 35 pax + 15-16 pax dun sa other group. we hired a private van BTW.

1. We went there very early, we left Shell-Ayala via private van @ 3:30 AM and arrived in Mauban Port @ 7:30 AM and the boat just left...so no choice but to wait.

2. Boat arrived @ 10:30 AM. sabi nung coast guard, yung may environmental ticket muna ang sasakay. Take note.. they will never check the 50/ea na evironmental fee ticket. No proper lines, so unahan lang talaga sa boat. kahit may ticket o wala ka.. deadma... Note na mainit sa port.. wala kang sisilungan

3. When we arrived sa Cagbalete Port..maganda sya ;). but the trekking to villa cleofas is really difficult. Mainit, maalikabok, rough at malayo...marami din kasi kaming bitbit at nasira pa yung stroller na binili ko :( we hired pa ng 2 guides para naman may pagkakitaan sila. nung magbabayad na ibinigay ko sa isang guide yung 60 pesos. sabi ba naman sakin.. ma'am 2 po kami.. inask ko kung magkano ba, 100 daw. binigyan ko ng 100.. bigla ba naman sinabi na 100 daw dapat sa kanya.. dineadma ko.. kasi sabi nung kausap kong local sa boat 20 lang daw yun.

4. pag dating sa reception ng villa cleofas.. wala yung name ko sa reservation ng medium cottage na good for 15 pax. pero yung sa beach hut na 2 andun. sabi ko kay sir tonet, na pano nangyari sa meron ako sa beach hut pero yung medium cottage eh wala...pinakita ko yung deposit slip ko.. even the text messages. yun pala mali yung name na nilagay

5. mainit na ulo ng mga kasama ko kasi gutom na... mainit.. at uhaw :( so far na enjoy naman yung pagluluto at kwentuhan. kaya lang nagrereklamo sila sa water kasi talagang disyerto na siya pag 10 AM until mga 5PM

6. day 2- I opted to hire a private boat from villa cleofas to Mauban port so we don't need to walk (ugh! d ko na talaga keri magtrek pa ng ganun :((). so may kinausap ako na boat na pumayag na 2pm na maghahatid samin... 2:30 wala pa.. 2:45 PM wala padin.. i decided to look for other option and asked Sir tonet if he knows someone who can bring us 35 pax to mauban. unfortunately.. no show ulet :(. Kinapalan ko na yung face ko and ask other guests kung may kilala sila.. someone handed me a calling card so ok na.. 3 boats daw samin kasi hindi kaya kaming 35 at maliliit yung bangka.. nagkasundo kami na 2K each :( 6K for 35 pax.

7. Nung dumating yung boats.. 4 na kasi yung isa daw 6 pax lang ang kaya.. tnanong ko kung 6k pa din.. 8k na daw.. WTF! sabi ko kuya.. sinabi ko naman na 35 pax... pumayag ng 7.5K daw.. sabi ko 7K lang... pagbalik sa mauban port.. kung kaya niu yung gamit niu na bitbitin palabas ng boat.. bitbitin niu. kasi yung mga porter eh siningil kami... ang ginawa lang eh inabot lang yung gamit at hinwakan lang kamay namin...

8. nung sinigil nako.. inask ko yung bangka na dapat sya yata magbigay sa kanila..bigla nalang ako sinabihan na bahala na daw kami kasi bangka lang daw sila.. WTF again. pagbukas ng wallet ko... binigyan ko ng 20 pesos bigla ba naman kinuha yung 50 pesos sa wallet ko at yung 20 na original na inabot ko sa kanya... WTF 3 again!. so nung lumapit na yung porter ng other 3 boats. lahat ng barya ko binigay ko na. sabi ko yan na lang pera ko.

Grabe mga sis.. nastress talaga ako dito...

zelda

  • Guest
Re: Cagbalete Island, Mauban Quezon Thread 3
« Reply #21 on: April 23, 2015, 08:29:12 am »
^ Horrors of any travelers!  :(

zelda

  • Guest
Re: Cagbalete Island, Mauban Quezon Thread 3
« Reply #22 on: May 18, 2015, 05:40:17 am »
Biglang plano lang kami sa Cagbalete. We stayed 1 night in Joven's Resort. Well, after reading lots of blogs, may idea na ako sa difficulties that we could encounter but yun lang, super stressful sya for me. Feeling ko nasa Amazing Race kami.  ;D

2 days before the trip, nagparareserve na kami ng 2 tens sa Joven's Halos fully booked lahat ng resorts, and contacting each one was not an easy task. Kahit calls, minsan di nila sinasagot.

1. We got there around 9 am. Ang haba ng pila sa Tourism and sa port. Wala rin pila, basta kumpol-kumpol lahat ng tao. We just decided to hire a private boat (one way; pumayag lang si Kuya na ihatid kami while waiting sa grupo na naghire sa kanya).

2. Low tide when we got there so we had to walk sa tapat ng resorts. Kaloka ang init! Buti na lang yun anak ng boatman tinulungan kami sa pagbitbit ng gamit kasi di talaga namin kakayanin.

3. Bumalik na yun tubig around 2 p.m. but super nag-struggle ako sa pagswim. Maybe I was just so maarte pero feeling ko ikalulunod ko talaga yun seaweeds na asahan mong laging magbabrush sa binti mo! Hahaha Ang hirap.

4. Cool yun Yang-in sandbar! Ideal for pics! But if you're like me who is really into swimming, medyo hirap maghanap ng deep areas. If meron man, ingat sa sea urchins na nagkalat!

5. Maganda ang beachfront ng Pansacola.  ;D Our boatman was sooo nice when he took us dun sa beach area ng Pansacola. Nun low tide na, dinala nya kami sa medyo malalim na area sa tapat ng Pansacola para makalangoy pa without any urchins around. LOL

6. The trek going to Sabang port wasn't too bad basta may payong ka lang. Mas nakakatest lang ng patience yun paghihintay sa public boat.

7. If you have extra money, mag-van na lang from Lucena to Mauban (vice versa). Mabagal ang bus.

8. Wear aqua shoes or slippers all the time, esp pag naabutan ng low tide.

Overall, di ko masyadong na-enjoy yun time ko rito. Swim talaga ang habol ko sa beach.  So, if you're not willing to spend on island hopping then di ka talaga makakalangoy ng bongga.  ;)
« Last Edit: May 18, 2015, 05:45:39 am by zelda »

sassy_gal18

  • Guest
Re: Cagbalete Island, Mauban Quezon Thread 3
« Reply #23 on: May 21, 2015, 12:43:54 pm »
finally nakarating din ng Cagbalete.

So here's my honest story:

1. 12 ng madaling araw may 16 nakapila na kame sa jac liner pa lucena. Grabe haba ng pila. 2:30 nakapila pa rin kame. May nag alok samen ng van to mauban. 14 pax 7k all in. So kinagat na namin.

2. Arrived at mauban wet market 6:00am, may16. From there inayylok kame ng trike driver na pumunta na sa port para makapila. So nag 2trike kame. 10 peso each. Pag dating sa port,bigla kame tinanong nung driver kung may environmental fee na kame, eh wala pa so nag aalok sila ng service kahit isang tao lang daw ang magpunta dun 100 pesos balikan port to court vice versa. Hindi namin pinatulan dahil over naman ang mahal. Nilakad na lang nun isa namin friend.

3. 630 am waiting na kame sa publi port. Pang 3rd batch kame. 8am daw start ng pagsakay. 830 na wala pa yung boat para sa 1st batch. So may nag alok samin dun na private boat 4k balikan for 14 pax. Pero yung boat 12pax lang pwedeng isakay. Dadayain na lang daw sa manifesto.

4. 9am nakasakay na kame sa private boat. Waiting sa kasama namin na nagpasa ng manifesto at nagbayad ng boat dun ulit sa court. Dito na umepal yung babae na parang punont abala. We called her "manifesto" dahil wala syang alam sabihin kundi manifesto. super daming aberyang nangyare up to the point na si ateng manifesto pumunta sa court para ireklamo kame kasi overloading daw to think na ang laki ng boat eh mas mukang overloading pa nga yung public boat. Ang ending hindi inapprove yung permit so binaba lahat ng gamit namin sa boat pati kame.

5. 12 ng tanghali nasa port pa rin kame waiting sa nilalakad na private boat sa court. Super damint pila sa public boat at private boat. Yung kasama nga namin na dalawa napauwi ng wala sa oras sa sobrang badtrip. Imagine 6am nasa port na kame nag aantay. Ang init init pa sa port wala man lang masilungan walang cr walang maupuan so kanya kanyang diskarte.

6. Dahil sa pag emote ng friends ko dun sa department of tourism sa court napasakay kame sa isabg fisherman's boat na pwede na rin pampasahero. Ang laki pa talaga.

7. Arrived at cagbalate 130pm ng sabado. we stayed at Villa Noe. Low tide that time. Walang tubig so nag tayo muna kame ng tent.

>> review on villa noa:
Ok naman spacious.
May lutuan pero makikipag unahan kapa kasi hindi naman kayang icater lahat ng nagttent lang.
Kulang sa cr. Para makawiwi ka pipila kapa ng over over.
Panghi ng cr.
Sungit ng receptionist.
Ok naman yung tent na pinaparent. Bago at malinis.

>>Review on beach:
pino an buhangin
White sand. Ang ganda!
may mga part ng tubig na madahon or seaweeds. Pero sa may bandang gitna ok na malinis.
the best din ang sandbar For picture taking.

8. Inavail din namin yung island hopping na alok samen nun bangkero. 150 each.

Dinala nila kame sa may part na super linis ng tubig. Pwede maglangoy.
May mga sa urchins din. Starfish. Etc.

Aywub nga lang nadaya kame kasi inikot lang pala kame sa kabilang side parang pinasyal lang kame ng boat nila tapos binaba kame sa isang island todo picture kame ayun pala sa gilid lang yun ng villa noe. Wow diba??


Downside ng trip na to:
pagkakakitaan ka talaga nila ng bongga.
Para san ang environmental fee kung hindi man lang nila mamaintain ang beach? Wala man lang maupuan at masilungan ang nga tourist.
hindi organized ang system nila. Bakit ang layo ng port sa bilihan ng tickets etc??

Kung babalik pa ko??
Pag siguro may tamang sistema na sila.

summary:
Maganda ang buhangin at tubig pero super stressful ang pagdadaanan. Back and forth.

zelda

  • Guest
Re: Cagbalete Island, Mauban Quezon Thread 3
« Reply #24 on: May 21, 2015, 04:29:59 pm »
^ Nagkasabay tayo.

So true, may pila para sa pagbayad for environmental fee (court) but pagdating sa public port, kahit anong batch ka i-assign, alam mong di pa rin susunod ang mga tao. Sasakay pa rin ng boat dahil siempre ang init nga naman. Ayaw na maghintay pa.

Basta once you're in Mauban na, pay the environmental fee first. Nananaga ang tryke drivers.

In our case, mga 12:30 na kami nakahanap ng private boat. Nagmakaawa lang yun isang friend ko sa 1 bangkero. Hahaha 6th batch kami dapat sa public boat eh. Kamusta naman, 12 na ata, nakaka-3rd batch pa lang ata nakaalis nun.

Wala talaga silang system. Mapapanganga ka na lang kung san dinadala ang environmental fee eh, parang ang tagal ng ganun condition ng port nila. 😊

Won't go back there til magka-sistema sila.

sassy_gal18

  • Guest
Re: Cagbalete Island, Mauban Quezon Thread 3
« Reply #25 on: May 21, 2015, 09:51:53 pm »
True sis. Hindi ka makakapag relax sa place na to. Super dami pa tao.

Sabi nga nung tl ng jowa ko,isa lang masasabi nya sa place "overrated".

aranses

  • Guest
Re: Cagbalete Island, Mauban Quezon Thread 3
« Reply #26 on: May 24, 2015, 12:15:13 pm »
may friend kami may-ari ng house beachfront sa cagbalete with private yacht 4years ago lagi niya kami inaalok pumunta. ngayon decided na kami puntahan cagbalete siya na umaayaw kasi hindi daw pinapayagan na small yacht niya magtravel from mauban to cagbalete island. iritado siya sa patakaran ng mauban port puro pamemera daw ginagawa. kaya ngayon tengga na lang beach house niya.

23mirAmir

  • Guest
Re: Cagbalete Island, Mauban Quezon Thread 3
« Reply #27 on: May 28, 2015, 02:57:03 pm »
thanks sa mga infos sis.. base on your staements confirmed ko na ang gut feeling ko for this place.. yung friend ko kasi dito nya kame gusto maghuling hirit sa tag init.. kaya lang sabi ko mas preferred ko ang galera..

itsKat!

  • Guest
Re: Cagbalete Island, Mauban Quezon Thread 3
« Reply #28 on: April 15, 2016, 02:17:58 pm »
hi everyone! hoping to get a 2016 review dito sa cagbalete, we are planning to go here pero after ng mga nabasa ko dito parang nakakatakot pala and ang hassle.

 :(

rasee16

  • Guest
Re: Cagbalete Island, Mauban Quezon Thread 3
« Reply #29 on: April 15, 2016, 02:55:31 pm »
Whoa ang pangit pala ng reviews dito.. Buti hindi kami natuloy. Ayokong mastress ng bongga eh kaya ka nga magbabakasyon para marelax diba.. Oh well, madami pa namang ibang beach

sassy_gal18

  • Guest
Re: Cagbalete Island, Mauban Quezon Thread 3
« Reply #30 on: April 15, 2016, 04:34:39 pm »
Tuwing naaalala ko ang experience namin sa cagbalete, napapailing na lang ako haha grabe talaga dito. ang init init nung panahong yun tapos pagdating mo sa island, bam! walang tubig low tide. pag naman may tubig na, palutang lutang yung mga dahon. pag may kasama ka pang bata nako tyak matatakot yun dun at pag maarte ka titili ka ng titili kasi nakakakiliti sa paa yung mga sumasayad na dahon sa ilalim.

i just don't get the hype sa cagbalete last year. eh yung sandbar hindi naman ganun kalaki.

rowan

  • Guest
Re: Cagbalete Island, Mauban Quezon Thread 3
« Reply #31 on: April 15, 2016, 06:47:48 pm »
^Lahat ng stress at hassle na sinabi dito sa thread na ito totoo!  I dont want to blame the "ruralness" of the island coz thats part of its character. Limited electricity, floating leaves and the talahib in the water, its all part of it. Pero grabe lang ang sobrang gulo nilang port (naencounter din namin si ate manifesto) and pananaga ng mga bangkero, porter, etc. Sobrang init din when we visited May last year. Pati tubig mainit so mas maginhawa pa na tumambay sa beach under the shade kaysa magswim, promise haha! When we were lounging sa beach, minimal movements kami sa sobrang init. Maganda lang yung pagkalowtide niya sa photos pero pagkailangan mo na lakarin to reach your boat, isusumpa mo. My gosh, feeling ko mas makakatipid ako if nagboracay na lang ako! mas maayos sistema plus sure pa na mag eenjoy ako! Ang mali ko dito, hindi ako nagbasa ng online reviews before I said yes to the trip lol
« Last Edit: April 15, 2016, 07:01:17 pm by rowan »

mrsonthego

  • Guest
Re: Cagbalete Island, Mauban Quezon Thread 3
« Reply #32 on: May 19, 2016, 12:18:50 pm »
Hi mga sisess, kakagaling lang namin sa Cagbalete Island, sa Villa Pilarosa kami nag stay, medyo malayo to dun sa mga ibang resort since ang two boat rides kami, public boat, saka another 15 minutes na maliit na boat papunta sa resort mismo. We paid 500 pesos for the small boat balikan na yun sa port sabang.

Anyway, di naman ganun kapangit experience namin. True na medyo dun kami nairita sa Mauban Port, naguguluhan ako sa schedule ng public boat, 3 lang kasi kami hindi practical mag rent ng private boat. Pagdating sa Port Sabang, walang dock, kaya nahirapan ako mag transfer from the public boat to the smaller boat, eh lampa ako, at di marunong lumangoy, hehe.

Pababa ba yung water nun dumating kami sa resort, around 1 pm, kung swimming ang gusto nyo, di kayo mag eenjoy gaano since kahit high tide na, mababaw pa rin, ang layo na namin from the shore pero ang babaw pa rin ng water, wala pa sa waist ko, pero napakalinaw ng tubig, fine sands, dun lang sa area ng mga mangroves ang mabato kaya mas mabuti lagi kayong naka slippers.

Yung Villa Pilarosa parang bago lang sya kasi konti lang ang cottages, may mga under construction pa ang dami kasing semento at hollow blocks sa paligid, mababait mga staff sa resort hindi naman kami nawalan ng gamit kahit yung room na ni rent namin ang laki ng windows pwedeng pumasok ang tao kasi sobrang lapad, at kurtina lang ang tabing, may fan naman kahit wala aircon. We chose this resort kasi nagandahan kami sa mangroves, ang lawak ng sand bar, at parang kami lang ang tao nun first day namin, Saturday morning nagdatingan ang maraming tao.

I suggest tong resort na to kasi mabait mga resort staff, parang dun na sila nakatira may alaga pa silang aso, at mabait din yung owner mismo nakausap namin.

Dagdagan ko pa pag may naisip ako, currently writing my blog about our trip there, i post k na lang dito  :)

 

Latest Stories

Load More Stories
Close