watch now

Author Topic: ayaw pa ng mom ko na mag-asawa ako pero...  (Read 6581 times)

yeca

  • Guest
ayaw pa ng mom ko na mag-asawa ako pero...
« on: March 14, 2011, 11:58:06 pm »
help me naman.. kasi ganito yun, nasa ibang bansa yung mom ko and yung brother ko nasa province with his own family na tapos ako nandito sa manila.. pag nag-uusap kami lagi sinasabi saken ni mama na wag daw muna ako mag-aasawa kasi ako lang daw yung pag-asa niya na makakatulong sa family namin since wala na ko tatay. pero ang totoo nyan eh may bf ako ngayon and 1 year na kami magkasama, as in magkasama sa isang bahay. in short live-in. hay, pano ko sasabihin to sa nanay ko? im sure sasama loob niya xe ang laki ng expectations niya saken. baka magkasakit pa siya dahil dun. tapos yung kuya ko bale uuwi ng manila, eh alam nila may nirerent akong apartment, pero ang totoo nyan, yung bestfriend ko na ang nakatira dun kasi nagmove-in na ko kila bf.. huhuhu.. di ko alam kung anong gagawin ko..

sistah!

  • Guest
Re: ayaw pa ng mom ko na mag-asawa ako pero...
« Reply #1 on: March 16, 2011, 02:51:04 pm »
how old are you?

in any case, i still recommend honesty. it may be easier for you to pretend to still live in your old apartment with your friend BUT it will be more difficult if they find out the truth. it isn't easy keeping up with a lie that big. just sit them down and tell them about your living arrangements. if you stand by your decision and feel that you can defend your choice, then they will get upset initially, but hopefully, they will come around and accept your decision. good luck.

ava_camille

  • Guest
Re: ayaw pa ng mom ko na mag-asawa ako pero...
« Reply #2 on: March 16, 2011, 03:24:30 pm »
sis how old are you nga ba? just like what sis sistah said better tell them the truth , mas mahirap kasi kung mag sisingulaling ka tapos mahuhuli ka din

prettykhae

  • Guest
Re: ayaw pa ng mom ko na mag-asawa ako pero...
« Reply #3 on: March 16, 2011, 03:46:35 pm »
sis TS, how old are you? if you are already at the right age, so be it.. hope you are responsible at your age now. tell them abt your live-in thing na...kasi malalaman rin nila e... at kahit pa nasa right age kana, may mga parents kasi na closed minded pa rin e.. kaya ayun, they object pa rin. sana lang, hindi mahighblood mama mo... good luck!

mavhy

  • Guest
Re: ayaw pa ng mom ko na mag-asawa ako pero...
« Reply #4 on: March 16, 2011, 03:49:04 pm »
Same question, how old are you? Better to come clean bago mahuli ang lahat. Alam naman ng mama mo na may bf ka?

yeca

  • Guest
Re: ayaw pa ng mom ko na mag-asawa ako pero...
« Reply #5 on: March 17, 2011, 11:19:02 am »
thanks mga sis for your advices. btw im 24 na pala. hindi rin alam ni mama na may bf na ko. ayoko lang kasi madisappoint siya saken kasi ang gusto niya tumulong muna ko sa kanya bago mag-asawa. magpakasawa daw muna ko sa pagiging dalaga bago ko mag-asawa. kasi mahirap daw lalo na di pa stable. kaso nga ganon na nangyari. hay hirap mag-open sa kanya. for sure sasama loob niya saken. kaya lang gabi gabi iniisip ko mas sasama loob niya saken if patatagalin ko pa. pwede parin naman ako makatulong sa kanya kahit na may asawa na ko kasi wala pa naman ako plan magka-baby eh. kaso once na malaman niya na nagli-live in na kami lalo magagalit yun kasi medyo conservative yun.

tonette815

  • Guest
Re: ayaw pa ng mom ko na mag-asawa ako pero...
« Reply #6 on: March 17, 2011, 11:36:07 am »
nasagot mo na tanong nila about your age. pero may follow up question ako. paano nasabi ng mom mo na ikaw na lang ang inaasahan niya? you mentioned about your bro who has a family na. any other siblings na kailangan tulangan sa gastos sa pag aaral or something? 

hay nakaka relate ako diyan pero hindi dahil ayaw nila ako mag asawa pero dahil ayaw nila sa bf ko pero ngayon tanggap naman nila. pero i tell you sis - better deal with it soon. come out in the open na. kasi like me there were nights na di ako makatulog nakaka konsensya rin eh. kaso minsan no choice ako although dalawa kami ng bro ko sa bahay graveyard shift naman siya so most nights wala ako kasama sa bahay sa gabi eh delikado pa naman sa lugar namin kaya iyon madalas sa bahay natutulog si bf. pero ngayon nasa ibang bansa na ako at hopefully magpapakasal na kami next year matapos niya sumunod sa akin dito.

aquacharly

  • Guest
Re: ayaw pa ng mom ko na mag-asawa ako pero...
« Reply #7 on: March 17, 2011, 11:53:37 am »
YECA, kaaliw ka ha!   :D

1st what is YOUR REALITY>  ayan, nakipag live-in ka na.
When you moved in with your BF, alam mo na siguradong darating ang araw mabubuko ka sa secret mo.
UNLESS, your BF will play along with you and habang andito ang mother mo eh -- kunwari single na single ka pa rin.  :D

IMO, just "face the music" ika nga, you made your decision a long time ago -- pwes, there is always the consequence of negative reactions from your family.  Kung ako ikaw, mabuti na ang galit eh sumabog habang hindi ako kaharap, kasi puedeng puede pa - your mom is out far away.....  hehe     Reveal all to your mom while she is abroad, with assurance of course hindi mo sya pababayaan.  By the time she gets back here, eh siguradong bawas na ang galit --  may time na syang makapag isip isip.

Atchaka, hwag ka matakot, nasa lugar ka .    hindi como anak eh "slave" ... may right ka to your happiness and diskarte.  Ewan ko ba kung bakit kasi ibang magulang eh kelangan taling tali mga anak .. puede naman silang alagaan na happy din ang anak nila.   

^kaye^

  • Guest
Re: ayaw pa ng mom ko na mag-asawa ako pero...
« Reply #8 on: March 17, 2011, 12:11:32 pm »
my husband and i lived together before we got married. he had just finished grad school while i was in my last year. it was difficult hiding it especially when my relatives would visit. ayaw kong sabihan ang mga kamag-anak ko kasi baka kung ano yung sasabihin nila. kaya pag may dadalaw, my boyfriend would find another place to sleep in, tapos ako, mega linis ako ng bahay, kailangang walang bahid ng ebidensiya na nagli-live in kami. tinanggal ko nga mga damit niya sa closet just in case nuknukan ng usisero yung kamag-anak na dadalaw. ;D

we never admitted that we lived together before we got married.when my mom suggested that i get a new place, doon na kami nagpaalam na we were getting married. he had a stable job with a good salary  kaya hindi na sila kumontra.

shiftingsands

  • Guest
Re: ayaw pa ng mom ko na mag-asawa ako pero...
« Reply #9 on: March 17, 2011, 12:19:33 pm »
@yeca, just tell your mom the truth. of course she will get disappointed pero andyan
na yan ginawa mo na and nasa right age ka na para mag decide for yourself. sa umpisa
lang naman yun eventually she will accept it kasi no choice naman siya e.


moonie

  • Guest
Re: ayaw pa ng mom ko na mag-asawa ako pero...
« Reply #10 on: March 17, 2011, 01:49:24 pm »
Tell your family the truth.  It is still your decision and not your mom's if you should get married or not.  She may be expecting you to help with your family's financial burden but she should realize that that isn't really your responsibility.  It is also unfair and unrealistic.  Besides you can still help out even after you are married.

I suggest you confide to your brother about your living arrangement with your bf now.  Maybe he can help in disclosing the information to your mom.  I'm sure he will better understand the position you are in since he is not only the male child but, older than you, the responsibility to your family should naturally fall unto him first.


prettykhae

  • Guest
Re: ayaw pa ng mom ko na mag-asawa ako pero...
« Reply #11 on: March 17, 2011, 03:04:05 pm »
sis TS, ayan ang mahirap yung conservative ang magulang. siempre, nanay kasi yan e... at babae ka. kaya sigurado lahat ng nanay, ayaw muna na makipag live-in ang anak na babae kasi nga, alang kasiguraduhan na papakasalan ka ng boy...engaged na ba kayo? kung oo, e di explain mo na papakasal naman na kayo e. hehe. POV ko lang ito a.

yeca

  • Guest
Re: ayaw pa ng mom ko na mag-asawa ako pero...
« Reply #12 on: March 17, 2011, 04:29:22 pm »
nasagot mo na tanong nila about your age. pero may follow up question ako. paano nasabi ng mom mo na ikaw na lang ang inaasahan niya? you mentioned about your bro who has a family na. any other siblings na kailangan tulangan sa gastos sa pag aaral or something? 

hay nakaka relate ako diyan pero hindi dahil ayaw nila ako mag asawa pero dahil ayaw nila sa bf ko pero ngayon tanggap naman nila. pero i tell you sis - better deal with it soon. come out in the open na. kasi like me there were nights na di ako makatulog nakaka konsensya rin eh. kaso minsan no choice ako although dalawa kami ng bro ko sa bahay graveyard shift naman siya so most nights wala ako kasama sa bahay sa gabi eh delikado pa naman sa lugar namin kaya iyon madalas sa bahay natutulog si bf. pero ngayon nasa ibang bansa na ako at hopefully magpapakasal na kami next year matapos niya sumunod sa akin dito.

2 lang din kami ng bro ko. kaso wala sila work ngayon. unplanned din yung pagbuntis nun gf niya kaya si mama yung gumagastos sa kanila. so parang gusto ni mama wag muna ko mag-aasawa kasi para makatulong ako sa kanya. ayun.

nice sis! buti ka pa nagawa mo, sana ako rin kaya ko to.. hehe.. congrats pala senyo ng magiging hubby mo :-)

yeca

  • Guest
Re: ayaw pa ng mom ko na mag-asawa ako pero...
« Reply #13 on: March 17, 2011, 04:42:35 pm »
@aquacharly, kasi sis parang ayaw niya lang mangyari saken yung nangyari sa kuya ko na nabuntis niya yung gf niya eh di naman planado pati yung cousin kong babae nabuntis din ng bf pero unplanned din. lagi niya sinasabi wag daw ako gagaya dun kasi mahirap daw. hehe, wala pa naman ako plano magkababy eh kaya nothing to worry di ba. thanks sis for a piece of advice ;-)

@kaye, mom ko kasi medyo conservative gusto niya kasal muna bago sama. hehe..

@shiftingsands, yup, pinaghahandaan ko na yun sasabihin ko.. thanks ha :-)

@moonie, yun nga sis eh kaso nakabuntis siya kaya parang ayaw lang siguro ni mama na mabuntis din ako ng hindi pa handa.

@prettykhae, oo sinabi mo pa sis, lagi niya sinasabi saken na wag daw ako gagaya sa pinsan ko na nabuntis na hindi naman kasal. nga pala hindi pa kami engaged pero sabi ni bf gusto niya ko pakasalan ako lang yung umaayaw muna. para kasi natatakot din ako patali. hehe..

tonette815

  • Guest
Re: ayaw pa ng mom ko na mag-asawa ako pero...
« Reply #14 on: March 17, 2011, 06:23:36 pm »
^ha blessing in disguise lang yun sis kasi biglang nag announce yung younger brother ko na mag papakasal na daw sila tapos di nag paalam sa akin tapos biglang nag tanong nanay ko kailan plano ko. sabi ko next year. ahahaha eh di wala nang introng kailangan. di na rin naman siya nag go against. going 34 na ko kailan pa nila ako pag aasawahin. haha


kaya pala kasi dependent din sa inyo yung kapatid mo. pero paano na lang yung sis pag ilang taon na di pa rin sila maka stand on their own magiging matandang dalaga ka na lang? :( unfair naman ata iyon.

moonie

  • Guest
Re: ayaw pa ng mom ko na mag-asawa ako pero...
« Reply #15 on: March 17, 2011, 09:28:59 pm »
Naku, elder bro mo lang pala ang kailangan mong tulungan.  I thought you have more siblings you need to support.  Sis, matatanda na kayo.  Your brother needs help but I don't think you need to sacrifice like what your mom wants just to be able to help him and his family.  Hindi naman siguro invalid yung brother at sis-in-law mo na kailangan alagaan mo pa.

I think your living with your bf will probably be more disappointing to your mom if she's very conservative.  But if you have plans of getting married maybe you can tell her that too. 

The fact that she has been reminding you not to get married yet means she is well aware of the possibility that you could anytime and even without her knowledge or blessing.  Hindi na siguro magugulat yon.  Just make sure you assure her that you've made plans for your future which include extending assistance to your brother and his family.

prettykhae

  • Guest
Re: ayaw pa ng mom ko na mag-asawa ako pero...
« Reply #16 on: March 18, 2011, 04:13:10 pm »
sis yeca: nako sis, pumayag kana. mamya magbago pa isip ng bf mo. :D

yeca

  • Guest
Re: ayaw pa ng mom ko na mag-asawa ako pero...
« Reply #17 on: March 18, 2011, 09:16:26 pm »
girls thanks sa mga advices and suggestions niyo. at least kahit papano alam ko na gagawin ko. and sana nga maayos ko na to as soon as possible. thanks again! :-)

 

Latest Stories

Load More Stories
Close