watch now

Author Topic: Coron [Thread 8]  (Read 106671 times)

ellyse

  • Guest
Re: Coron [Thread 8]
« Reply #560 on: March 16, 2012, 05:06:10 pm »
lahat b ng island tour eh whole day? like what time aalis at what time ang balik? may nagpaparent dun ng underwater camera di ba. sabi samin 500 a day daw, magdala na lang kame SD card, parang ang mahal di ba? =/

cristyles

  • Guest
Re: Coron [Thread 8]
« Reply #561 on: March 16, 2012, 05:21:40 pm »
Hi! sis ellyse, based on my experience, parang lahat ng tour nila ay per day. Yung sa amin sa Corongaleri kami kumuha ng tours, ang call time sa amin ay 7:30am or 8am nasa Corongaleri na then sabay sabay kaming pupunta sa Coron Bay then makakabalik or tapos ng tour ay mga 4pm-5pm  :) .

ellyse

  • Guest
Re: Coron [Thread 8]
« Reply #562 on: March 16, 2012, 05:32:16 pm »
^

Ah so whole day pala talaga at wala na magagawa na any activity sa town except ang kumain. hahaha. maaga ba nagsasara mga establishments sa Coron or maaga natutulog mga tao? Hahaha. Kase province sya eh and basing sa experience namin sa ibang lugar, ang aga magsara ng ibang establishments so parang hindi man lang kame makagimik. hahaha

cristyles

  • Guest
Re: Coron [Thread 8]
« Reply #563 on: March 16, 2012, 05:39:59 pm »
@sis ellyse Naku! maaga matulog ang mga taga Coron, sanay pa naman ako matulog ng 12 midnight hehe. Mga 8pm tahimik na sa Coron sis, yung makikita mong may tao ay yung mga kainan doon  :D . May mga tumatambay naman na local tourist at foreigners sa Centro Coron Bed & Breadfast. Mababait yung mga nagseserve doon. Kaya dun rin kami tumambay para mag wifi at kumain one night  :D .

Maraming pwedeng kainan dun ^^

ellyse

  • Guest
Re: Coron [Thread 8]
« Reply #564 on: March 16, 2012, 05:47:57 pm »
^

hahaha. ako rin umaga na ako natutulog eh. pero usually mga what time nagsasara mga kainan dun?

cristyles

  • Guest
Re: Coron [Thread 8]
« Reply #565 on: March 16, 2012, 06:05:08 pm »
Sis di lang ako sure kung hanggang what time open yung mga kainan doon. Kasi yung pinaka-late namin ay 10:30pm sa kainan, pero talagang tahimik na ang atmosphere pag ganung time :D .

ellyse

  • Guest
Re: Coron [Thread 8]
« Reply #566 on: March 16, 2012, 06:13:23 pm »
ah ok...naku kakatawag ko lang sa ceb pac, hindi pala pwede web check in pag papunta coron kase propeller plane pala ang sasakyan dun. grabe ayoko pa naman propeller plane. hahaha.

sweet_vanilla

  • Guest
Re: Coron [Thread 8]
« Reply #567 on: March 16, 2012, 09:55:59 pm »
kababalik lang namin from Coron this afternoon, ang ganda!!! 4d3n kami ni hubby c/o coronwonders.
tama si sis sexyroxy, lakas ng hangin yesterday so lakas din ng alon. went on safari tour by boat, my gulay, tumaas ata bp ko sa takot.  ;D awa ng Dyos, naitawid namin yung tour ng safe. buwis-buhay talaga pero sulit! on our way back, sumaglit pa kami sa Black Island...grabe, ng ganda. pumasok pa kami sa cave. stopover sana kami sa north cay for lunch, kaso sa lakas ng hangin, di maitali yung banca so sa Calumbuyan Is. na kami kumain. snorkeling sandali sa Coral Gardens tapos sa shipwreck sana, kaso maalon, wala kami makita sa ilalim. worth it talaga kahit sobrang kaba ko.
Nakakaaliw yung makita yung mga nababasa ko dito sa GT na places to stay at hehe
Medyo mahal para sa min yung mga kainan like sa Kawayanan, tagal ng service pati yung nagse serve sa min, nagalit na sa cook nila. hahaha masarap pa nga kumain dun sa kanto tapat ng harbour center. dami din local & foreign tourists na kumakain. Tried Lolo Nonoy's too.

yung souvenirs, sa market na lang kami namili. mas mura naman kahit paano.

We stayed at Amphibiko. me sariling daungan na ng bangka so di na kami sasakay ng tricycle. Ok naman, maganda yung rooms, malinis at maluwag ang cr. mabait pa yung owner na me japanese husband. me resto din sila sa upper floor.

Pasensya na, haba ng post ko. Just wanna share our experience sa Coron. Definitely babalik kami pero next time, kaya na mag DIY para mapili yung pupuntahan. :)

ellyse

  • Guest
Re: Coron [Thread 8]
« Reply #568 on: March 16, 2012, 10:06:12 pm »
ganun, maalon? pero di naman maulan? gusto ko sana blue ang sky para okay sa pictures. hehe. pag maalon ba di na pupunta yung boat? =(

sublime1

  • Guest
Re: Coron [Thread 8]
« Reply #569 on: March 17, 2012, 12:01:35 pm »
Hi mga sis! :) Finally may accommodation and tours na kami. ;) We got the package from Coron Wonders. And since 32 kami in the group, super ok na deal na yun. :D Thank you sis reamae for the recommendation. :)

sweet_vanilla

  • Guest
Re: Coron [Thread 8]
« Reply #570 on: March 17, 2012, 03:01:12 pm »
sis ellyse, di naman maulan, ang ganda nga ng weather. nagkataon lang last march15, malakas ang hangin kaya mababasa ka sa hampas ng alon sa bangka. the first 2 days na nandun kami, kalmado lang...  :)
Sis sublime1, sa coron wonders din kami nag avail ng pkg, di ko lang nga nameet si Ms. Rina kasi nandito sa Manila at nakabakasyon. Sa 22 pa balik nya. Si Ate Lovie yung nag-asikaso sa min. Pero from time to time, nagtetext si Ate Rina kung ok kami o me problem ba.. Mahusay yung mga bangkero nila. Hays, miss ko na ang Coron!  :)

 

Latest Stories

Load More Stories
Close