Have you experienced being so tired and lutang that you just know half of your brain has already checked out? We know you probably have, and so have these hard-working Pinays who have shared their pinaka-sabaw moments will have you saying "It me."
Assumed pasalubong
From Jel Estrellado Amor via Facebook
Galing Japan 'yong boss ko, tapos noong umaga may inaabot siya sa akin na USB. Akala ko pasalubong, panay "Thank you" ko... Ayon pala pa-download daw ng report at tapusin ko daw waaaaaahhh #asumera
Tired na si Teacher
From Sheryl Lou via Facebook
Primary teacher ako sa public school. Medyo inuubo ako that time so sa table ko magkatabi water bottle ko at alcohol. After discussion, inom ako ng water, ang na-open ko pala sisidlan ng alcohol. Natungga ko na alcohol ng ma-realize iba hawak ko. 'Di ko na ma-explain lasa. Buti na lang nakatalikod ako sa mga pupils ko.
From @xxynsbxx via Instagram
Isa akong teacher, marker ang gamit mo sa whiteboard. Noong minsan na nalipat ako ng room na blackboard ang gamit, nagsulat ako sa board na marker ang gamit. Naka ilang words pa ako sa pagsulat ng mapansin ng student na hindi chalk ang gamit ko...haha.
"Bayad po"
From Sheryl Lou via Facebook
Mag-wi-withdraw ako sa ATM. Pagbaba ko ng tricycle, cash card ko binigay ko kay manong driver. Sabi niya, "Wala 'ko dalang ATM ma'am." Naka-uniform pa naman ako.
From Shan Shayn via Facebook
Sakay ako ng madaling araw sa jeep, nag-abot ako ng bayad. Sabi ko "Manong, pabili po..."
From Ireneo De Leon Ramirez via Facebook
Tinapon ko 'yong sukli sa basurahan tapos 'yong resibo nilagay ko sa bulsa.
From Chricel de Jesus
[me is programmer] So inalok ako ni ateng cashier kung gusto ko mag-avail ng SMAC
Me: Kailangan ko pa po ba mag-populate ng fields?
...
...
...
Me: Kailangan pa po ba magsagot ng forms?
Cashier: Ay 'di na po ma'am.
From @jennifermiko_ via Instagram
It happened one late night; I was about to pay my jeep fare when I accidentally (!!!) gave the jeepney driver a pantyliner, thinking it was a paper bill from my coin purse.
From Marian Celestin de Leon via Facebook
Sa sobrang pagod ko, instead na sa kundoktor ako magbabayad ng pamasahe, d'on ko inabot sa umakyat na nagtitinda ng mani.
From Grtl Corros via Facebook
Nagpara ako sa elevator.
Wardrobe malfunction
From Kennette Ann Ditablan
Pasakay na sana sa tricycle nang maalala ko may tuwalya pa 'ko sa buhok ko.
From Jeh Young via Facebook
'Yong malapit na 'ko sa office saka ko napansin 'di pala ako nakapagsuot ng bra. Buti na lang walking distance 'yong office.
From Lala Marie M via Facebook
'Yong parehong kaliwang sapatos nabitbit papasok ng work... May I call a friend to hatid the kanang sapatos pls.
From Nvñz Colin via Facebook
Nakarating ako sa school na gamit ko yung fluffy Hello Kitty slippers na pangbahay.
From Zerry Ayn Zamora - Retubado via Facebook
Pagpasok ko sa elevator sa office, nagtinginan lahat nang tao. Kaya pala, naka-helmet pa ako. Late na kasi ako sa work.
Swiping in
From Nathally France via Facebook
Nag-badge ako ng ID sa fire exit.
From Cristy Joy Timpug via Facebook
Nag-su-swipe ng badge access sa elevator. Naiinis pa 'ko n'on kasi hindi siya bumubukas.
From Fel Flores via Facebook
Pagbaba ng MRT Araneta Station is the entrance to Farmers Plaza, and papasok ako d'on, may guard... so kinuha ko 'yong ID ko.
Skincare shenanigans
From nikkiunie via Instagram
Kulang sa tulog, instead of toner, acetone 'yong nailagay ko sa cotton ball. Nalaman ko lang na mali noong pag-swipe sa forehead ko, mahapdi.
From Marian Jean from Facbook
Dahil sa pagod 'ko from duty, ginawa kong facial wash ang pH Care.
From Mary Ann via Facebook
'Yong ginawa kong toothpaste ang Pond's Facial Cleanser.
Sorry, wrong number
From Leo Nor via Facebook
'Yong sinagot ko 'yong cellphone ko ng isinagot namin sa work 'pag may tumatawag sa phone namin sa work area: "Hello, good afternoon! In-patient pharmacy!"
From Dredd Mangapit via Facebook
I picked up the phone. It was a banana.
"Wala na, finish na"
From Lovelle Sucquit via Facebook
Tinanong ng officemate ko kung magdadala ba dapat siya ng jackets for his trip to Melbourne this January. Sagot ko isang malaking “Yeheeey!”
From Dianne Reyes Amparo via Facebook
Pagsakay ko sa kotse, iniwan ko sandals ko sa labas. Isip ko kasi pahiga na ko sa kama. Sizt is tired. Sizt is me.
*Answers have been edited for clarity by Femalenetwork.com editors