Author Topic: Anong gagawin mo if your close friend is kuma-kabitch? (inspired by Liz Uy)  (Read 2798 times)

lalee888

  • Chinay American in The City
  • Junior GirlTalker
  • ***
  • Posts: 372
I have ruined friendships because of this kaya I ask. I tend to be headstrong and stand by my moral principles, although I can understand people make mistakes and I do listen first and offer help/advice when asked.

I just think that if my friend can do that to someone else's husband, then they can do it with my own husband too. Good riddance na lang but I can't enable such things.

Has anyone had ruined friendships because of this and if so, how's it like since friendship break-up? Was there any chance to patch friendships?

timetraveller

  • Junior GirlTalker
  • ***
  • Posts: 462
I have been in this situation, though hindi pa naman married si guy and 'yung orig. Schoolmate ko nung college 'yung orig GF tsaka si guy. Naging workmates kami ni guy after graduation. Ayun, may naging sidechick si guy sa work namin noon na eventually, naging ka-close ko rin.

Sobrang hirap kasi close ko the kabit and I know the orig -- in fact ka-major ko pa. Never inamin sa'kin ni kabit ang relasyon nila nung guy but duh, sobrang obvious nila kahit mga bagong employees nahahalata sila after a few days of observation. Plus nahuhuli silang nagsisine, nagda-date, and may one time may nakakita pa sa kanilang nag-check in sa motel.

Hindi ko na-confront nun si kabit about that kasi nga aside from close kami eh never nya inamin sa'kin. Pwede niyang i-deny kahit na hindi naman ako t**ga para maniwala. Gustong gusto ko sabihin dun sa orig GF kaso ayoko rin naman makielam, as much as I can hinihiwalay ko ang personal na buhay ko sa work.

Then when I resigned and got in another company, dun umamin si kabit close friend sakin. Months after natapos ang affair nila ni guy dahil finally nagka-jowa na si kabit.

Ngayon nga lang kinakarma na si kabit close friend dahil nambababae sa kanya ang jowa niya, iyak nang iyak lately sa mga kabarkada namin dahil kahit daw nambababae eh hindi niya maiwan dahil mahal na mahal niya raw.

Whatevs.

alice_alice

  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 1240
I've a friend na KB and kahit na anong pagsaway ang sinabe namen pasok sa isang tenga labas sa isa. So we just let her be. And then the inevitable happened. Nalaman ni OW at ayun sinugod sila sa partment ng friend ko and she was dragged outside the house hila hila ang buhok niya. Tapos sa labas ng apartment ngf friend ko siya binugbog nung OW. Of course with audience. Dun lang nadala si friend eh. Minsan talaga pag nakahanap ka ng katapat na palaban na misis. Pagsisisihan mo na lang bakit di ka nakinig sa mga tao sa paligid mo.

lalee888

  • Chinay American in The City
  • Junior GirlTalker
  • ***
  • Posts: 372
sis @timetraveller -- karma's a *censored* talaga diba, and it doesn't have to be in this lifetime or direct karma, but it will really hurt regardless. I am sympathetic to people in that I know everyone is prone to make mistakes, can fall for a moment of weakness, or may lack good judgment at certain moments in their lives.. but i also believe that you can right a wrong.. kaya i refuse to judge agad, but i don't want to be part of a sin and of something that hurts others so i feel like i need to either leave, or tell my friend my thoughts and let her be.

a few years ago, one of my brothers cheated on their wife... my sister-in-law was in so much pain, i felt for her.. she actually attacked the KB and the KB went away after that. Now okay na sila ng brother ko. I don't support violence or public cat fights, but i really do think it works haha! Kaya lang i think BOTH the man (husband) and the KB should be attacked kasi it takes two to tango hehe

megansmomma

  • Senior GirlTalker
  • ****
  • Posts: 919
  • what's wrong with being different baby? :) JM00
this topic sucks (oops in a good way) it happened to me geez, a bestfriend of mine is KB, the KB na literal.. 1st serious BF nia si MM wayback 2007 they got separated because MM is MM na at that time, unfortunately last 2015 the MM made it's comeback and my gagang mapagmahal bestfriend fell again..the relationship from then on continued... fast forward 2018, my bestfriend the KB, is currently pregnant. I don't feel sorry for her, why? that's her decision, I am her bestfriend i tried stopping her literally but she told me souvenir daw so before the MM left again the country, the cut communications and all. praying and hoping na for good na yun, it's not a trend to be an unwed mother but it's what makes her happy so I'll just support her. sayang lang, they are too perfect for each other pero ganun talaga, right love at the very wrong time. good thing my bestfriend got into her senses this time.

Lady.Doloroso

  • Newbie
  • *
  • Posts: 27
Re: Anong gagawin mo if your close friend is kuma-kabitch? (inspired by Liz Uy)
« Reply #25 on: February 28, 2019, 02:29:37 pm »
I'm currently into this situation. We are tropa sa office for 8 years na. We're 5 in the group tapos super close mga family namin. Then yung guy naman is officemate din namin, yung wife ni guy eh kilala ko rin kasi dati rin siya nagwork dun sa company namin. So here's how I discovered. Na assign kasi yung guy sa overseas eh nandun din ako. Tapos around 12MN, nagmessage sa akin yung friend ko sa viber. Tinatanong ako kung bat gising pa daw ako. Late ko na nabasa kasi kachat ko mama ko that time. So I answered her, sabi ko kachat ko mama ko. Nagulat ko sa sagot niya, ang sagot niya akala daw kasi niya kachat ko si guy kasi matagal ding online. WTF! So dahil friend ko siya, biniro ko pa rin. sabi ko minomonitor niya si guy. kala ko titigil na pero sumagot pa rin. sabi niya "oo nagmomonitor ako ng mga babad sa viber". Kalurkey. Eh I have the number nung guy, so I checked yung viber nya pero hindi naman siya online nung mga oras na sinasabi ng friend ko. So may ibang number na sinasabi si friend ko. Haaay. By the way, she's married and has 2 kids. After nun, naglakas loob na ako itanong kung ano real score. And she admitted na nadedevelop na siya. Grabe, ang sakit nun. kasi both of them have a picture perfect family.  Lahat ng characters kilala ko. At yung mga asawa nila ang babait.


Marami akong masasakit na salita nasabi sa friend ko. Jinujustify pa kasi niya yung action niya na sweet lang talaga siya. Yun daw calling niya. I told her na umiwas na siya, ang sagot niya eh kilala niya daw sarili niya. Hindi niya paabutin sa alam niyang may mali.Parang hello, hindi pa ba mali yung nadevelope ka na nga???Lagi ko rin siyang pinariringgan dun sa viber group namin. So I guess, naruin na rin yung friendship namin. Actually, she begged na wag ko sabihin sa iba naming friends. Secret lang daw namin yun dalawa at sumunod ako.


Hindi ko na pinapakelaman ngayon, kasi una mas matanda siya sa akin. Isa pa, nasabi ko na lahat  so decision niya un. Tapos panay lie na rin naman niya eh, nagstop na lang ako kesa gawin niya pa akong t**** ulet. Pero I'm hoping na magising na siya sa kahibangan siya. Sayang yung friend kong yun, beauty and brains, isa sya sa office namin na talagang nilalagay sa pedestal kasi nga ideal wife/mother and peg niya. Kaya sobrang sakit na nagawa niya yun. Siya na super against sa mga ganung acts. Ang ginagawa ko na lang ngayon eh kapag napaguusapan sa group namin yung mga kabitch thingy ginagamit ko un para magparinig. Which I know alam ni friend na para sa kanya yun.

In the end, kapag ready na siya magpakatotoo, I'm still willing na kalimutan ang lahat. Sana ganun rin siya. Pero sa ngayon, hindi ko magawang malike mga post nilang mag asawa kasi nasasaktan ako para dun sa lalake at sa mga anak. Yung lalake kasi kitang kita namin na sobrang mahal niya yung friend namin. Hatid sundo yung friend namin yun kasi di sya marunong magdrive. YUng time na lumalabas yung friend ko kasama yung guy, pero may isa pang kasama. Pero Im sure accessory lang yung isa naming officemate, ang totoo eh ang gusto lumabas eh yung friend ko and si guy. Ayun, yung asawa sinusundo yung friend ko without knowing na kaya pala panay labas ng asawa niya eh dahil nadedevelop na nga dun sa guy. Haay, heartbreaking talaga pag gantong mga issue.

Sana matauhan na yung friend ko. 
« Last Edit: February 28, 2019, 02:56:20 pm by Lady.Doloroso »

 


Latest Stories

Load More Stories
Close