Author Topic: Family of three  (Read 4471 times)

airish_2

  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 1745
  • You must do the things you think you cannot do.
Family of three
« on: August 31, 2017, 11:18:23 am »
Hello hindi ako sure kung dito ba tama i post. Ask ko lang sa mga may family na tatlo lang sila sa bahay like us my husband and isang anak, WAHM ako paano yung daily niyo? Hindi ba nakakabagot? As of now kasi dito kami sa parents ko then by next year lipat na kami, nasanay kasi ako na maraming tao sa bahay kaya napapaisip ako paano galawan pag tatlo lang kayo? yung anak ko 1 yr. old pa lang.
We don't need more laws, we need implementation.

simang

  • Acts like a lady, thinks like a man.
  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 5848
Re: Family of three
« Reply #1 on: August 31, 2017, 03:33:05 pm »
Hi sis, ganyan ang usual set up namin. Kami lang din ng husband and daughter ko sa bahay, wahm din ako. Right now we're staying sa parents ko kasi kakamatay lang ng dad ko 2 months ago so andito muna kami with my mom. Pero before that, kami lang sa house namin.

Sa experience ko, hindi sya nakakabagot, nakakapagod sya. Haha. Especially when my daughter started crawling and walking around (she's 15 months now). I can barely finish any work kasi wala kaming yaya and my daughter doesn't want to stay sa playpen nya. I also breastfeed her exclusively and when she naps, she has to be latched on the whole time or else magigising sya within 15mins. So she kept me busy all the time, my day was full. I have group chats with my family and another one with my friends so sila kinakausap ko whenever i feel saturated. I try to put baby to sleep around 8pm para by the time dumating husband ko, kami naman magbabonding. But most times, she would wait for her dad and mag playtime pa sila before matulog.

We'll be goimg back to our house in a few months na rin but this time, with a nanny na para may time ako to work.
...all adventurous women do.

naizlabonita

  • Junior GirlTalker
  • ***
  • Posts: 273
Re: Family of three
« Reply #2 on: August 31, 2017, 04:00:01 pm »
Family of three din kame with 1 year old baby.. kabaligtaran nyo mga sis.. yung partner ko ang WFH and ako yung nagwowork outside and nakahiwalay kame sa families namen since 6 months si baby so kame lang tatlo sa bahay. Nakakapagod nga siya I think hahaha..yung partner ko yung lageng pagod.. lalo yung shifting sched kame ng bantay kasi nga walang yaya.. ang hirap maghanap ng yaya na mapagkakatiwalaan. So yung mom ko nagpupunta sa bahay namen tue-friday morning para bantayan si baby. Nagrequest din ako ng earlier shift pag Monday and Friday sa office kasi si partner ang shift nya is night shift ako midshift so pag gabi na mag wowork na siya need ko na umuwing bahay para bantay.. ang labas nyan lagare si partner ng Monday and Friday siya bantay kay baby.. kaya pag weekend..I let him sleep all day then ako bantay kay baby. Minsan nagleleave nalang din ako if pansin kong pagod talaga si partner.

Ang mahirap pa breastfeeding kame since midshift ako halos 12am na ako nauwi..si baby inaantay talaga ako..ayaw matulog gang di naka latch nakakastress..puyat tuloy pati mom ko.

We are thinking na magpalit naman..ako mag WFH and siya outside.. hays ang hirap, pero tyagaan talaga.
Protect your heart and mind from the ugliness that does not belong to you

cescilay

  • GirlTalker
  • **
  • Posts: 183
    • Rural Dame
Re: Family of three
« Reply #3 on: August 31, 2017, 09:56:58 pm »
Nakakapagod! Parang ayaw ko na ngang magkaanak ulit   ;D I can't even eat properly lalo if gising anak ko kasi kailangan talaga nakasunod ako sa kanya when he's awake kasi he tends to climb na sa mga furniture. And I can't work longer hours. I can only work when he's asleep but I need my sleep too. :(

izabelle

  • Extremely Happy Wife and Mom
  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 2258
Re: Family of three
« Reply #4 on: September 01, 2017, 05:09:46 am »
Hindi boring, nakakapagod nga e! haha!

3 lang din kami sa bahay. May office work ako, ang husband ko nag aasikaso ng business namin. Tumutulong ako hanggat kaya ko.

We have a 5yr old daughter. Sa sobrang busy namin mag asawa, ni wala kaming oras na turuan anak namin sa homework nya, etc. May tutor pa yon to think preschool lang.

May  helper kami pero umuuwi after ng gawain bahay. My mom cooks for us, nagdadala ng lutong pagkain sa bahay.

So yung daily routine namin, umiikot lang sa work at sa anak namin pero sa totoo lang sobrang kulang ang 24hours.

laking advantage na isa lang anak namin and medyo independent na din. Pwede mo sya iwan mag isa sa room nya, hindi sya nangungulit pag may inaayos husband ko sa business namin. Kumakain mag isa, nag CCR mag isa, nagbibihis mag isa, etc. Malaking bagay kapag hindi na masyadong alagain ang bata.
The less you respond to rude, critical, argumentative people, the more peaceful your life will become. :)

airish_2

  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 1745
  • You must do the things you think you cannot do.
Re: Family of three
« Reply #5 on: September 01, 2017, 11:39:10 am »
Yes, nakakapagod nga. Kahit kasi may kasama kami dito sa bahay hands on ako, ako mismo nag aalaga. Buto flexi time ng work ko kaya pag natulog si LO doon ako start paspas ng work. Yun nga lang hindi ako nagluluto si Mama so ayun lang kinabawasan, pag kaming tatlo na lang iniisip ko kung paano ako makakakilos like laba, luto. Grabe haha! Thanks! sa mga insights
We don't need more laws, we need implementation.

wandergirl1980

  • GirlTalker
  • **
  • Posts: 118
Re: Family of three
« Reply #6 on: September 01, 2017, 03:30:11 pm »
I so agree! Nakakapagod kahit tatlo lang kayo sa bahay. I have an 8-year old daughter. Pareho kami ni hubby na work from home. So araw-araw kaming tatlo ang magkakasama at nagkikita which is the best part for me hahaha. Si hubby full time ang work; ako part-time. I work 3-4 hours a day or 15-20 hours a week. Yun lang kaya ko kasi I do most of the housework - luto, laba, cleaning, tutor sa anak, etc.

Dati I feel guilty and bitter kasi na-slash yung workload ko which means reduced income. Pero natanggap ko na rin, after all, nanay at asawa ako first and foremost. I don't get bored kasi when I'm not working or doing household chores, it's "me" time so I catch up on reading and watching movie or TV.

May pagka-introvert din kasi ako kaya ayaw ko ng marami sa bahay hahaha. Dati may yaya anak tapos di na bumalik nung umuwi ng province. After 3 years nakakuha ulit ako ng househelp pero after 3 months lang binigay ko na sa sister ko kasi nga ayaw ko makisama lalo na sa sumpungin na househelp. Dagdag stress lang sya...lol.

kvan

  • Introvert, Demisexual
  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 3321
  • Accidental Cougar
Re: Family of three
« Reply #7 on: September 01, 2017, 10:41:12 pm »
Kami nga dalawa lang but I like the quiet ambiance. It's calming.
"Do not worry about tomorrow, for tomorrow will worry about itself. Each day has enough trouble of its own" ---Matthew 6:34

TysLolakins

  • one half of Ty's 'PoPs and WoWa' act...
  • Senior GirlTalker
  • ****
  • Posts: 871
  • bite me!!!
Re: Family of three
« Reply #8 on: September 01, 2017, 11:54:05 pm »
empty-nesters here so it's just the two of us....and this is the life!

aut viam inveniam aut faciam

Girltalker2

  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 3245
Re: Family of three
« Reply #9 on: September 03, 2017, 08:47:00 am »
Usually if your kids are just babies or toddlers, never iyan boring.

If lumalaki naman, you always engage them in conversations or have some bonding time - kahit watching tv together, doing homework together, preparing dinner together, etc.

Music also makes the house more noisy :)

ficklemind

  • Free as a Bird
  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 1345
Re: Family of three
« Reply #10 on: September 06, 2017, 06:15:51 pm »
Family of three din kami , yes nakakapagod siya! hinde pa naman boring so far. mag 5 months pa lang si baby.
Pero working kami both ng hubby ko. Si baby iniiwan ko kay MIL na katapat lang ng bahay namin pag may pasok ako.
Hinde nauubos mga gagawin, mas nakakapagonline pa nga ako pag nasa trabaho.

I want a helper or yaya pero hinde ko siya gusto kasama sa bahay hehe ang labo. I'm loving our privacy kasi, gusto ko kami lang din 3 sa bahay, so if ever dun siya magsettle sa house ni MIL.

Len0523

  • Senior GirlTalker
  • ****
  • Posts: 995
  • Keep Calm & Use Manners
Re: Family of three
« Reply #11 on: September 06, 2017, 08:32:06 pm »
Family of three. Full time mom. Husband is working. So kami lang ng daughter ko.
One of the hardests being F3 ay nung malayo kami sa relatives if you need anything no one is there to get things done for you.
Tapos nung lumipat kami ng bahay. Naiiyak pa ako kase naninibago ako. Ayaw kong natutulog ang baby ko kase nalulungkot ako nag tahimik. Ganyan. Eh kase hindi naman ako makatulog pag daylight. Wala din masyadong gawain kase tatlo lang naman kami e. Laba linis luto lang 2yo pa lang baby ko.
Hanggang naka 1 year na kami sa bahay namin, nakapag adjust na ako. Masaya na rin. Nililibang ko sarili ko. Naggarden ako, nagssew ako ng damit ng baby ko. Nagasssemble ng mga toys ni baby. Nagbobonding kami. Yung maghapon ko kulang pa. hehe.
Pero gusto ko pa mag anak mga apat pa.
Gusto ko kase marami talaga pag pasko mas masaya pag marami.
Although napakahirap pag stage na kelangan magpuyat.
"Truth sounds like hate to those who hate truth"

rics

  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 1175
Re: Family of three
« Reply #12 on: October 16, 2017, 12:04:50 am »
We are a family of three - my husband and I work full time, only thing is, hubby works from home. We do things together as a family also. Our kid is in already in the age where he plays with his classmates or neighbors after school or during the weekend so he doesn't get bored. I don't get bored, there are just so much things to do that would occupy my time. Besides, nasanay na ako, I prefer it this way actually, tahamik.
-- If the only prayer you say in your life is "Thank you Lord," that would suffice. --

preciousjulia

  • GirlTalker
  • **
  • Posts: 91
Re: Family of three
« Reply #13 on: January 05, 2018, 10:18:22 am »
Family of three. Husband and I are working. We have 1 year old daughter. May yaya/helper pero umuuwi pag tapos na house chores. Nakakapagod pero masaya. :) Sa morning dahil maaga nagigising si baby at wala pa si yaya si hubby ang nagluluto while ako nagpe-prepare ng gamit namin sa office and ni baby kasi ihahatid ko sya sa house ng parents ko kasama si yaya nya. Ayaw ko kasi sila iwan ng sila lang kahit mabait si yaya. Then after office sundo ko sila then si hubby prepare ng dinner. After dinner uwi na si yaya and kaming 3 bonding na. Super sweet  ni baby girl kaya nakakawala ng pagod. Pag weekend laba, linis and asikaso ng mga dapat asikasuhin sa bahay with the help of yaya/helper. Sunday, day off na ni yaya so kami na lang talaga asikaso kay baby at sa bahay. Then mass kami at kain sa labas. Akala ko nung una mahihirapan kami pero thank God kaya naman pala namin.
"Admire someone else's beauty without questioning your own"  - Unknown

simang

  • Acts like a lady, thinks like a man.
  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 5848
Re: Family of three
« Reply #14 on: January 08, 2018, 04:59:51 pm »
I want a helper or yaya pero hinde ko siya gusto kasama sa bahay hehe ang labo. I'm loving our privacy kasi, gusto ko kami lang din 3 sa bahay, so if ever dun siya magsettle sa house ni MIL.

Same thoughts! :) We have a very diligent helper pero stay out. I appreciate also na kaming 3 lang sa bahay most of the time. Helper comes in at 8am then leaves at 6pm.

Husband is out working for 12-16 hours a day, ako naman I work from home so bantay ko pa rin si baby most of the time. Helper's job is mainly cleaning, cooking, and doing the laundry. Sometimes I ask her to look after my baby if I have a concall, ganyan. But with feeding, bathing, playing with baby, ako pa rin talaga. She's 19 months, medyo clingy kasi I still breastfeed her on demand.

...all adventurous women do.

_ilovepink_

  • GirlTalker
  • **
  • Posts: 192
  • First time mom.
Re: Family of three
« Reply #15 on: January 09, 2018, 03:27:03 am »
We're a family of 3 too. Tiring but happy! I and my husband are working full time and we have a 19-month old baby with us. I work nightshift while hubs is working regular hours. so shifting kami to take care of our little one. Minsan nalalate lang sa office kasi need to wait na umuwi ang isa bago umalis. Weekend lang rin ang bonding namin and laba. We see to it na lumalabas kami ng weekend to expose baby rin sa madaming tao. Teamwork talaga kami ni hubs to make sure na di kami magkakasakit. We thought at first na hindi namin kakayanin pero kaya naman pala ng no househelp. True, nakakapagot but soo fulfilling.  :-)
Happily married and a first time mom. :)

kvan

  • Introvert, Demisexual
  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 3321
  • Accidental Cougar
Re: Family of three
« Reply #16 on: January 09, 2018, 03:36:39 am »
^Kaya ng walang helper especially dalawa kayong magkatulong. I am a single mom working full time and I manage fine. Mas pagod ako nung magkasama pa kami ng ex ko. Kasi pati sya problema ko pa. When I moved out, sobrang aliwalas ng pakiramdam ko...lol!
"Do not worry about tomorrow, for tomorrow will worry about itself. Each day has enough trouble of its own" ---Matthew 6:34

Girltalker2

  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 3245
Re: Family of three
« Reply #17 on: January 09, 2018, 09:36:52 am »
^ haha sobrang relate 😂

LABYU

  • member since 2015
  • Junior GirlTalker
  • ***
  • Posts: 223
  • wala lang :)
Re: Family of three
« Reply #18 on: March 20, 2018, 06:09:08 pm »
Masaya naman yung tatlo lang kayo sa bahay, kami ganun only daughter lang ako pero mas lamang yung mga pagkakataon na nung nasa elementary stage na ako, ang lungkot lungkot kasi kami kami lang yung nagbabonding although puwede naman mangapit bahay kaya lang malungkot lang talaga tapos maririnig mo yung mga kapitbahay mo na ang lalakas ng mga tawanan kasi mga 4 or 5 members sila sa bahay tapos kami tatatlo lang, pinakamalungkot yung panahon ng New Year at Pasko, diyos ko ako lang ang nag-aabang ng fireworks while my parents preferred to stay inside than going outside with me.

Imagine me how sad that was being alone sinasalubong yung fire works tapos makikisali ako dun sa mga kapitbahay ko makikipicture LOL palalim na hahaha. Masaya naman yung 3 lang kayo habang bata pa yung bata at focus talaga sa family yan. Sa mother ko never ko na experience yan kasi public high school teacher yun busy sa school halos kalahati o mas matagal pa ang stay niya sa school kesa kasama kami ng tatay ko  :( buti ka, WAHM ka mas matutukan mo yung family at anak mo.

Masasabi ko lang malungkot overall, may times masaya and this is maybe the reason why alone ako or nadevelop yung pagiging loner ko kasi bago ako napunta sa ganitong situation, nasa crowded place ako as in with my cousins sa probinsya at masaya talaga kaya nung nilagay na ako sa ganyang situation grabe ang lungkot lungkot ko parang nadevelop tuloy yung pagkamalungkutin ko eh masayahin naman akong tao bago pa ako napunta sa 3 member in the house lang, sorry napahaba.
"If opportunity doesn't knock, build a door ~ Milton Berle"


10:15 AM - December 1, 2017

kaythrielle

  • Senior GirlTalker
  • ****
  • Posts: 536
Re: Family of threea
« Reply #19 on: August 18, 2018, 05:37:33 am »
Okay naman ang family of 3. Lalo na pag maliit pa, baby pa, talagang matututukan yung anak. At sobrang busy ang mommy kahit isang anak lang, the baby will really take a lot of the moms time and energy.

« Last Edit: August 18, 2018, 05:46:48 am by kaythrielle »

Shadow Angel

  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 2145
Re: Family of three
« Reply #20 on: August 18, 2018, 06:54:01 am »
Family of 3 din kami never naboring kulang pa ang oras sa maghapon. No helper/yaya kami although minsan kapag may date kami ni hubby pinapaalagaan namin maximum of 4hrs. Nagwowork din ako minsan pag ok schedule ko para lang once in awhile maiba surroundings ko. Active din ako or kami sa get together and any outside activities lalo na pag summer. Tulong kami ni hubby sa house chores and pag alaga kay LO. Natry ko ng may kasama sa bahay for few months and stress lang inabot lalo na kasama mo lahat napansin, pinakialaman at ang gusto sya ang queen ng bahay un feeling mo ikaw ang nakikitira at ikaw ang lagi mag aadjust at anak ko dapat din mag adjust para sa kanya kahit baby pa anak ko. Kaya never ng mauulit na magkaroon ako ng kasama sa bahay. Masaya naman kami na kami tatlo lang.

 


Latest Stories

Load More Stories
Close