Author Topic: All about the Airport 2  (Read 3973 times)

em_ramos

  • Newbie
  • *
  • Posts: 18
Re: All about the Airport 2
« Reply #20 on: July 17, 2017, 04:08:46 pm »
Hello girls! Share ko lang experience ko with airport taxi sa NAIA 3. Medyo mahaba lang, sensya na. hehe.

Last February, dumating ako sa NAIA  3 from Kuala Lumpur.  Madilim pa kaya ngpalipas muna ko ng oras sa loob. Mga around 6 am, saka ako lumabas at hinanap ko agad yung regular taxi. Hindi ko first time pero yung last travel ko mga 2 years ago na, so hindi na ko masyado familiar. Anyways, so nakita ko naman agad yung pila ng regular taxi. By the way, sa Baliwag terminal sa may Cubao ako pupunta.  Nung malapit na ko, tinawag ako ng isang driver, taxi nga daw. Mga pang apat o pang lima sya sa pila.

Driver: Miss taxi?
Me: Regular taxi po?
Driver: oo
Me: Di po ba doon pa. (since hindi nga sya una sa pila)
Driver: Hindi ganun rin yun.

Tumingin ako sa driver na nasa unahan nya, as if na nagtatanong kung ok lang. Tapos tumango naman yun.  So I considered it as a 'YES'. Walang pila ng pasahero, so I assumed na ok nga lang talaga. Nung nakasakay na ko, saka ko lang naalala, na dapat nga pala may coupon!  Nakalista dun yung destination at yung plate no. (diba?)

So medyo nagduda na ko. Lalo tumindi hinala ko kasi on the way, tinanong nya ko kung magkano usually binabayad ko papunta dun. Sobrang pagod na ko at di ko rin naman natatandaan masyado (although may idea ako na nasa around 300) kaya sabi ko nalang hindi ko alam dahil first time ko sumakay doon.

Tapos pagdating sa terminal, inabot pa ng 569 (yata) basta almost 600! Take note mga sis, 6 am yun, walang traffic.  Hindi ako maka-complain kasi nasa metro naman talaga, kaya hinayaan ko nalang.

Pagdating ko sa bahay, gusto ko talaga mag-complain kaso hindi ko nakabisa yung buong plate number. Yung first 3 letters lang.  At isa pa, hindi ko rin sure kung overpriced nga yung binayaran ko. Sinubukan ko parin, sa isip ko, may violation rin naman siguro sya kasi nagsakay sya without coupon eh. 

I called NAIA 3 immediately. Infairness, na-identify nila yung company, kasi yun lang daw yung may ganung simula ng number.  Tumawag ako sa company number na binigay, kaso useless naman! haha Nung una nga sarcastic pa yung kausap ko na bakit nga daw ako sumakay eh may procedure nga daw etc. etc.  Bumait lang sya nung nagtaas ako ng boses.  Pero, still obvious na pinagtatakpan nila.  Di ko rin nman ma-push masyado yung complain ko since hindi ko naman memorized yung plate number. Anyways, and ending, since di nga namin ma-identify kung sino yung driver, i-brought up nalang daw nila sa meeting, para in general nalang.

Wala lang, very disappointing lahat na it happens sa airport taxi.  Akala ko pa naman well-monitored sila. Last June, nung nagtravel ako, early morning  din dating ko, nag Grab ako, 300 plus lang.  So I think dapat more or less ganun lang rin dapat yung taxi fare ko last time.

RE Airport tax,  last time nagbayad ako online, ok naman. May charge lang pero minimal lang. Mga 1650 something inabot instead of 1620. Ok narin, at least bawas sa oras sa pagpila. hehe

mysterioza_me

  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 5767
Re: All about the Airport 2
« Reply #21 on: July 18, 2017, 05:32:40 am »
Sa Terminal 4 ang bad experience ko sa regular taxi. Naibigay na yung coupon namin at nailagay na sa compartment yung mga gamit. Di kami nagsabi kung saan kami kasi ang alam ko bawal na bawal mamili ng pasahero sa pila sa airport. Pagsakay namin saka kami tinanong kung saan. Nung sinabi namin na Philcoa, pinababa kami nung driver. So baba kami, ayaw na namin makipagtalo (masaya mood namin dahil galing kami sa bakasyon). Good thing nakita nung tagabigay ng coupon yung nangyari, siya na nakipag-away sa driver at pinaalis niya sa pila kasi namimili ng pasahero.
If a girl understands your b******t, stick through your mistakes, smiles even when you've done nothing for her , it's obvious she's a keeper. But it's also obVious that you don't deserve her...

crzysxycl

  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 2398
Re: All about the Airport 2
« Reply #22 on: October 02, 2018, 03:29:52 pm »
Hello sisses. Ask lang sana ako about parking in naia terminal 3. Ok ba dun?

mysterioza_me

  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 5767
Re: All about the Airport 2
« Reply #23 on: October 02, 2018, 03:32:53 pm »
^Yung covered parking ba sis? Nagpark kami dun ng 11 or 12 days last month. Ok naman. 3500k ata binayaran namin
If a girl understands your b******t, stick through your mistakes, smiles even when you've done nothing for her , it's obvious she's a keeper. But it's also obVious that you don't deserve her...

hushush

  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 1316
Re: All about the Airport 2
« Reply #24 on: October 02, 2018, 06:46:11 pm »
^yun park and fly ba yan? Angmahal din pala dun..

mysterioza_me

  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 5767
Re: All about the Airport 2
« Reply #25 on: October 02, 2018, 07:04:32 pm »
^No sis. Iba pa yung parknfly, iba pa yung covered parking ng Naia T3. Mas mahal sa parknfly.
If a girl understands your b******t, stick through your mistakes, smiles even when you've done nothing for her , it's obvious she's a keeper. But it's also obVious that you don't deserve her...

simang

  • Acts like a lady, thinks like a man.
  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 5849
Re: All about the Airport 2
« Reply #26 on: October 02, 2018, 09:12:25 pm »
Yung covered parking sa T3 nasa 340/day ang rate. Okay naman sya safe naman, ilang beses na rin kaming nagpark dun ng ilang days.
...all adventurous women do.

hushush

  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 1316
Re: All about the Airport 2
« Reply #27 on: October 02, 2018, 09:47:11 pm »
^ ^^Ah ok.. Pede pala dun sa t3 magpark ng ilang days.. Now ko lang nalaman..hehe. Tnx mga sis. Dagdag-kaalaman hehe.. Yun din ba yung sa may arrival area or may bukod pa sa departure area?  Di ko pa kasi natry pa maghatid sa departure. Nun sat sa arrival nagsundo ako then sa t3 kami nagpark. 😊

mysterioza_me

  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 5767
Re: All about the Airport 2
« Reply #28 on: October 03, 2018, 12:20:41 am »
Sa ?arrival? ka papasok tapos derecho lang. Bandang dulo sa kanan yung multi-level covered parking.
If a girl understands your b******t, stick through your mistakes, smiles even when you've done nothing for her , it's obvious she's a keeper. But it's also obVious that you don't deserve her...

crzysxycl

  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 2398
Re: All about the Airport 2
« Reply #29 on: November 07, 2018, 10:32:53 pm »
Re parking, thanks sa info sisses.

Sabi ng friend ko na nag out of the country 4 weeks ago, pinapaiwan daw yung mga power banks na malaki ang capacity. Hindi pa raw umabot sa check in counter, yung iba raw kinuha na. May idea ba kayo kung hanggang ilang mAh lang ang pwede? Plano ko pa kasi dapat bumili ng 20000 mAh kaso kung maconfiscate lang, sayang naman.

mysterioza_me

  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 5767
Re: All about the Airport 2
« Reply #30 on: November 08, 2018, 03:36:31 am »
^New policy? Bumyahe kami last Aug-Sept and two 10k mah powerbank dala ko di naman bawal as long as nasa handcarry daw and hindi din tinanong kung ilang mah ang powerbank ko.

May nabasa ako (not sure if it depends sa airlines), 20k mah ang maximum capacity daw na allowed pero better check with your airline sis kung ano ba talaga.
If a girl understands your b******t, stick through your mistakes, smiles even when you've done nothing for her , it's obvious she's a keeper. But it's also obVious that you don't deserve her...

crzysxycl

  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 2398
Re: All about the Airport 2
« Reply #31 on: November 08, 2018, 08:28:55 pm »
^thanks sis. march pa kasi last byahe ko, 10050 lang din capacity ng power bank ko pero di rin sinita. di ko pa kasi matawagan cebpac, dami ata nagrereklamo dun sa cancelled flights.

chikit

  • Junior GirlTalker
  • ***
  • Posts: 288
Re: All about the Airport 2
« Reply #32 on: November 11, 2018, 07:45:27 pm »
Nag Japan kami 3 weeks ago may dala kami 2 powerbank na pareho 20k mah wala naman issue.  Kailangan lang talaga handcarry sya hindi sya pwede isama sa checked in bag same like other batteries.

crzysxycl

  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 2398
Re: All about the Airport 2
« Reply #33 on: November 12, 2018, 02:36:10 pm »
Nag message nalang ako sa FB ng cebupac, ang sabi limited to 32k mAh capacity ng powerbank per passenger. Ayos, pwede pa rin pala ako bumili.

 


Latest Stories

Load More Stories
Close