Author Topic: SIPSIP/EPAL/CHISMOSA OFFICEMATES  (Read 2534 times)

nerddict

  • Junior GirlTalker
  • ***
  • Posts: 307
SIPSIP/EPAL/CHISMOSA OFFICEMATES
« on: March 02, 2018, 11:05:13 am »
I know meron tayong lahat na ganitong katrabaho. Kumabag sa 10, merong isa o dalawa.

How do you deal with them?

Sobrang nakakatoxic sila sa totoo lang. :(

Yung ang gagaling magkalat ng maling balita at ang galing manira ng kapwa sa boss.

hushush

  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 1316
Re: SIPSIP/EPAL/CHISMOSA OFFICEMATES
« Reply #1 on: March 02, 2018, 12:06:28 pm »
^isumbong sa HR or ethics committee. Kung di ka komportable, sa boss mo muna iraise.. Sa office namin dati wala naman ethics committee. Pero dahil maraming narereceive na complaints e nagtatag na sila.atsaka mas lalo sila naghigpit. Let say para di mabastos ang babae e bawal na ang indecent outfits like spaghetti strap tops.mini-skirt.. Mga ganun. Miski yung gumamit ng wallpaper na obscene let say pic ng babae na nakabikini ay ipinagbawal.

nerddict

  • Junior GirlTalker
  • ***
  • Posts: 307
Re: SIPSIP/EPAL/CHISMOSA OFFICEMATES
« Reply #2 on: March 02, 2018, 01:12:15 pm »
the problem is, paano kung sila pa yung malalapit mismo sa boss?

bunnylai11

  • GirlTalker
  • **
  • Posts: 48
  • A Woman Can Dream
Re: SIPSIP/EPAL/CHISMOSA OFFICEMATES
« Reply #3 on: March 05, 2018, 09:11:47 am »
^ oo nga, pano kung malapit sila kay boss. huhu tsaka out of 10, isa o dalawa lang? pano kung out of 10 e 5 sila? kakastress.  :'(
Be the game changer.

hushush

  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 1316
Re: SIPSIP/EPAL/CHISMOSA OFFICEMATES
« Reply #4 on: March 05, 2018, 12:24:51 pm »
^sumipsip ka din ke boss. Ang bale ba eh sila lang? LOL.di ba kasabihan yun.. Keep your friends close and your enemies closer.. Ay ganun ba yun haha! 😂😂

nerddict

  • Junior GirlTalker
  • ***
  • Posts: 307
Re: SIPSIP/EPAL/CHISMOSA OFFICEMATES
« Reply #5 on: March 05, 2018, 01:15:15 pm »
hahaha! sis, how I wish ganun kadali. matindi galamay ng mga ito. Magaling ang radar. Kumbaga e kongreso at senado e kami ang minority. yung mga hindi pinapakinggan ang side. hahaha. saklap.

bunnylai11

  • GirlTalker
  • **
  • Posts: 48
  • A Woman Can Dream
Re: SIPSIP/EPAL/CHISMOSA OFFICEMATES
« Reply #6 on: March 05, 2018, 01:29:35 pm »
hahaha i feel you sis, same same lang pala, so i guess normal to sa lahat ng workplace. hahaha! gosh. padami sila ng padami. epidemic talaga yung pagiging chismosa/sipsip
Be the game changer.

crzysxycl

  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 2399
Re: SIPSIP/EPAL/CHISMOSA OFFICEMATES
« Reply #7 on: April 05, 2018, 10:09:15 am »
Baka dapat magising din sa katotohanan si boss. :D Meron talagang mga boss na nadadaan sa pasipsip sipsip eh. Dito nga sa amin, yung natutulog at walang ginagawa, napromote pa! Madalas kasi nya ilibre si boss ng kape plus pasalubong pa pag nagtatravel sya. How do I deal with her? Aloof naman sya sa akin from the start kahit friendly naman ako towards her. Edi dedma nalang din ako. Ewan ko, pero parang namimili sya ng iffriend nya. Mas senior ako sa kanya at pansin ko ganun sya sa seniors except kay boss haha. I make sure maayos ang trabaho ko, satisfied ang clients and counterparts sa deliverables ko at nakikita naman ni boss yun in fairness so pili nalang si boss kung sino bibigyan nya ng malaking increase - me or her. charot! :P

nerddict

  • Junior GirlTalker
  • ***
  • Posts: 307
Re: SIPSIP/EPAL/CHISMOSA OFFICEMATES
« Reply #8 on: April 13, 2018, 09:21:58 am »
Meron talagang mga boss na nadadaan sa pasipsip sipsip eh. Dito nga sa amin, yung natutulog at walang ginagawa, napromote pa!

sila pa yung malakas ang loob manilip. LOL!

crzysxycl

  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 2399
Re: SIPSIP/EPAL/CHISMOSA OFFICEMATES
« Reply #9 on: April 14, 2018, 10:19:28 am »
^LOL!

Cookie_Dough

  • GirlTalker
  • **
  • Posts: 54
Re: SIPSIP/EPAL/CHISMOSA OFFICEMATES
« Reply #10 on: April 15, 2018, 12:32:54 pm »
Bootlickers are everywhere! Kahit saang organisasyon o setup basta may pinag-uusapang posisyon laging andyan yan. The best you can do is to master the art of Deadmatology.  ;D Several times, I was also in that same situation wherein ako yung apple of the eye nila, what I did was strive more to do better in my field.  It wasn't easy and took some time bago na-notice ng admin ang trabaho ko but when they did, sarap sa pakiramdam kasi alam kong ginawa ko lahat sa tamang paraan at hindi kailangang mang-apak ng kapwa.

Shadow Angel

  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 2145
Re: SIPSIP/EPAL/CHISMOSA OFFICEMATES
« Reply #11 on: April 15, 2018, 10:08:24 pm »
IMO normal to kahit saan ang sakin lang if boss ka be professional no favoritism napaka unethical sa akin kapag may ganyan lalo na at obvious. Kaya when I handle staff I make sure wala ako favorite sa kanila kahit pa mahilig makipagchikahan sa akin. I tried not be too close with them too. Ang masama lang nyan ang boss ko ang may favorite kaya ginagawa ko na lang work ko na alam ko walang maibabato sa akin.

yellowminion

  • Senior GirlTalker
  • ****
  • Posts: 604
Re: SIPSIP/EPAL/CHISMOSA OFFICEMATES
« Reply #12 on: October 19, 2018, 03:08:08 pm »
After more than two years in my current work, ngayon ko lang na-realize na I was working with these kind of people. Before kasi ang babait nila sa tingin ko pero these past few days grabe ang toxic.

I like my job kasi I have the kindest boss at very good compensation pero tinatamad ako pumasok dahil sa mga officemate ko na ganito. Ang hirap kasi more than 10yrs na sila sa office at ako yung bago. Pero dinadaanan nila sa seniority. Kung tutuusin under ko naman sila dahil staff lang sila pero kung makakilos at salita akala mo tagapag-mana ng kompanya. Hayy hirap kumita ng pera guyssss

 


Latest Stories

Load More Stories
Close