Re: jokes
Okay ako with green jokes and in fact, I also participate in some, especially with my husband. Pero yung mentality na women are mababa, that's a no-no for me. And I guess, may pagka-ganun yata yung dating ng convo nila, that is why TS is bothered.
Yes. I am bothered about his friends mentality on women. Medyo bastos kasi yung ibang convo, I won't write it here anymore. Yung mas hindi brutal na lang sa kanilang messages like this: Yung si barkada #1, just recently lang nagpabinyag ng anak. And malamanlaman ko lang nagkaroon pa siya ng STD sa kakababae niya. Tapos now, meron na naman. According sa convo nila, "malinis daw yung girl." Nagsend pa ng mga convo nila nung kabit, nagIIloveyouhan sa isa't isa. Then nakakainis pa lagi sinasabi dun "mambabae tayo!" Hinikayat pa yung isang friend nila na may pinsan yung girl kung gusto daw niya tikman. Nagsend pa ng pic nung pinsan kasama nung babae. Nagreply naman si barkada #2 ng picture na may kasamang babae din saying "kayo lang ba ang meron? Syempre ako din!"
And then was worst is barkada #3. Etong guy na ito just last month nagkaroon ng issue about his wife who is working abroad. Pinagbintangan niya ang wife niya na may affair doon. Brinodcast pa sa FB so natural nasira ang reputation ng wife. Si bf nga sobrang nagalit din sa wife (kakilala niya kasi) saying to me na ang landi niya. Then nalaman nung barkada #3 na parang siniraan lang pala ng isang kaibigan si wife and hindi totoo yung affair. So nagkabalikan ulit. Awang awa ako sa wife syempre. Ang alam ng lahat, nangaliwa siya. And then mabasabasa ko lang na nambabae din pala siya. Sobang inis ako, to think kung magjudge siya sa wife niya basing from his FB posts, ang dumi dumi ng asawa niya, and all of a sudden, nagsesend siya ng mga pictures ng mga babae niya sa mga barkada niya! Sent pictures with caption, "bakit kayo lang ba? Kagabi lang yan."
Sample lang yan. Sobrang daming kalokohan dun, hindi ko na mailalagay dito dahil hahaba na ito ng masyado.
Out of topic: I feel for the wives and gfs. Wala silang kamalay malay naglalaro ang mga asawa nila. Nakakaiyak na nakakainis.

PERO, nakakalakas kasi ng loob kung may "support group" na ok lang mambabae.. Bad influence sila hindi maganda yan lalo kung kasal na kayo.
Sample, kasal na kayo, nag-away kayo o kaya merong problema, imbis na tulungan nila umayos baka sabihin pa "hanap ka na lang iba", "iraos mo lang yan sa iba", etc.
Possible risk yan kung kayo magkatuluyan at diyan siya tatakbo pag may pinagdadaanan kayo.
Meron ba siyang ibang group of friends na matino at responsable naman? O yan na talaga?
My point ka diyan sis. Kasi if you based it from the convo, may pattern sila. If one initiates, susunod yung iba. Magsesendan na sila ng mga pictures that depict their extra sinful activities.
Meron siyang ibang circle of friends na matitino. But these guys kasi yung parang original group niya and malimit niyang kainuman kapag asa province siya.
Anyway, appreciate it ladies. For now, kumalma na rin utak ko. I will talk to him about this, pero not now. By the way, we both are ok with knowing each other's passwords. Minsan din, kung meron siyang question about my messages, he talks to me about it. Like kung may pinagseselosan siya na nagmemesage sa akin. We discuss it naman. However, ako lang kasi yung medyo hindi nakekealam sa message niya. This time siguro, iba. Lahat naman nakukuha sa open communication.
Depende if strong ang personality ng bf un tipong hindi madaling maimplwensyahan ng kahit na sino friends or family. May sariling disisyon sa buhay. Pero kung si bf madaling mahikayat dyan ka medyo magworry. Sa situation ng bf mo mas mataas nga lang percentage ng temptation kasi naka paligid sa kanya ganun ang gawain. Naniniwala rin ako na kung gusto magcheat magchecheat kahit ano pang higpit at bantay mo.
We are good. He loves me and I love him. I know naman that in the end, it will be his decision and doing. I just hope and pray lang that he won't be influenced with his friends' lifestyle in the near future.
Haay. Praying for the poor wives and gf of these men.
