Author Topic: Maid na mahilig mag-advance  (Read 19849 times)

shineadet

  • GirlTalker
  • **
  • Posts: 86
Re: Maid na mahilig mag-advance
« Reply #40 on: June 17, 2012, 06:14:44 pm »
sa house namin pag nag ca ang yaya di ako pumapayag. ineexplain ko na dapat kung ano lang ang sweldo nila yun ang pagkasyahin nila. (live within their reach) pag kase wala silang siswelduhin dahil sa ca nila, mag aadvance na naman yan hangang sa mabaon na sa utang. so parang hinayaan mo lang sila malubog.
" footprints in the sand"

mama7

  • GirlTalker
  • **
  • Posts: 127
Re: Maid na mahilig mag-advance
« Reply #41 on: January 07, 2015, 12:01:51 pm »
pa reply nga dito since mahilig sila mag advance..

gusto mag advance kagabi ng helper ko ng 500 pang apply ng trabaho ng asawa niya ngayon. Nainis ako kasi kahit small amount lang naman at pwede kong bigay di ko ginawa. Pati ba naman pang apply ng asawa niya problema ko pa? dito pa nila kukunin samin. mabait naman si helper she proves her worth kaya lang di naman pwede tuwing magbabale bigay ako ng bigay kasi last year from June nag start siya twice na siya naka bale.

Nahihiya din ako konti kasi what if di nakapunta sa Interview asawa niya? Kaya lang di sila dapat aasa dito.

mama7

  • GirlTalker
  • **
  • Posts: 127
Re: Maid na mahilig mag-advance
« Reply #42 on: January 07, 2015, 12:29:13 pm »
hay naku ito pa pala pahabol sa post ko. Kinausap ko siya kung wala ba iba mahihiraman yung asawa niya since may mga kamag anak sila na malapit don sa bahay nila. Wala daw at nahihiya daw asawa niya manghiram. Bakit samin di kayo mahiya? May problema daw kasi yung  Tita ng asawa niya bakit kami wala bang problema? ang itsura pa mukhang sumama ang loob nung kinausap ko. Ang sabi ko lang naman lesson na yon sa kanya na wag uubusin ang sweldo lalo na siya lang ang may trabaho at may anak pa sila na 1 taon.

Ayaw tumingin sakin nagsasalita, ang facial expression galit pa. Aba mayabang pa gesture mo ano ba akala mo minahan ng pera bulsa namin? Sabi ko siya ba wala naitabi kahit konti?, Meron daw kaso ayaw ipagalaw ng asawa niya. Yon naman pala may naitabi ka dyan bakit uutang ka pa sakin. Ano yon may pera kayo ayaw nyo galawin tapos pera ng iba uutangin niyo. Gusto ko siya pagtaasan ng boses baka kasi akala niya laging Pasko dito anytime mag advance may ihahain akong pera. Alam ko maayos siya pero di ko siya lagi pagbibigyan sa gusto nila.

Di ko lang mapagalitan gusto ko sabhin na paano di mauubos pera niya na bigay ko nung pasko, binilan pa niya cellphone asawa niya imbis na ipasa niya don yung lumang phone niya dahil niregaluhan ko siya ng phone nitong pasko (naghalungkat kasi ako sa damitan niya). Ngayon wala ka dyan ako pa problemado sa pang apply ng asawa mo pag di napahiram masama pa loob. Bullsh*t talaga itong pigrolac na ito isang beses na di napahiram di niya naisip yung mga tulong,advance at regalo sa kanya dito.

airwaterfire

  • mi amore'
  • Junior GirlTalker
  • ***
  • Posts: 387
Re: Maid na mahilig mag-advance
« Reply #43 on: January 08, 2015, 12:12:54 pm »
^pigrolac talaga..lol

may helper ako dati dami advances, ayon ng pinaalis ko, nag iwan pa ng utang. never mind nalang

buti nalang ang current help ko maaasahan talaga at tipid sa pera. di rin mahilig mag advance unless kailangang kailangan talaga.
When we are no longer able to change a situation,
we are challenged to change ourselves.

mama7

  • GirlTalker
  • **
  • Posts: 127
Re: Maid na mahilig mag-advance
« Reply #44 on: January 09, 2015, 11:11:35 am »
Ubos biyaya kasi. Nakakapikon yung ganon tapos aasahan agad may pang advance ka lagi. Pigrolac talaga tinawag ng hubby ko kasi para daw ako may alagang pig kasi pataba ng pataba.

airwaterfire

  • mi amore'
  • Junior GirlTalker
  • ***
  • Posts: 387
Re: Maid na mahilig mag-advance
« Reply #45 on: January 09, 2015, 12:34:55 pm »
^ hahaha

Hindi ang yaya ko ang problema ko sa pagiging pala-advance kundi ang tutor nang anak ko.
Sabi ko nalang wala pa sweldo. Buti nalang di na nagpumilit. Paano kasi nakapag advance na last month.
When we are no longer able to change a situation,
we are challenged to change ourselves.

lilvanity

  • GirlTalker
  • **
  • Posts: 71
Re: Maid na mahilig mag-advance
« Reply #46 on: January 25, 2015, 09:36:55 am »
yaya namin ilang beses na rin nag-aadvance. in fairness naman sa kanya, kapag nag-aadvance siya iilang araw na lang bago yung sweldo talaga. taon taon yata nanghihiram samin ng pera si yaya, ayan bawas sa sweldo niya yun every month. hindi tuloy siya makauwi sa probinsya nila kasi nga may utang siya samin.

mama7

  • GirlTalker
  • **
  • Posts: 127
Re: Maid na mahilig mag-advance
« Reply #47 on: February 18, 2015, 08:50:52 pm »
Ano ba gagawin ko pwede bang bigyan nyo naman ako ng advice.

Yung helper ko kasi ilang beses na nag advance, maliit lang naman kung mag advance pa 500 lang Kaso monthly na kung gawin. Tuwing may kailangan ng pera laging nag sasabi sa kanila na pagbalik niya dito hihiram siya dito, magpapadala sa asawa niya. Ang nakakainis wala naman lagi ipapahiram dahil may mga bagay din kaming pinag iiponan isa pa umuupa lang kami ng bahay kaya kahit may konting savings, malaki pa din ang gastos namin.

Nagdahilan kasi na kaya 6pm na nakabalik after ng 3 araw na day off nabalian anak niya. Akala ko naman dinala sa doctor di naman pala. Walang nabali, ipapahilot lang. Ang nakakapikon wala pala siyang balak bumalik dito kaso pinilit lang siya ng asawa niya. Sabi daw niya doon sa kanila magpapadala na lang siya pag may gagastosin. Tinanong ko kung may pera pa, wala na daw mag a-advabce na lang daw siya bayaran na lang kung ilang araw siya dito. Sabi ko sa kanya ah bakit sure ka na agad may ipapahiram ako?

Nag init ulo ko kasi gabi ka na nga nakabalik pagdating mo may dala ka na naman na problema na ako pa mamroblema. Puro advance dito ano ba akala nito bangko kami? Sabhin na nating may kaunting pera, bakit ang lagay pag nakakita ka ng pera uutangin mo agad? masyadong assuming na makakahiram agad dito. Napipikon ako kasi nagiging abusado Na. Oo mabait, kahit paano mapagkatiwalaan kaso di pwede ganon.

Ano yan ora mismo pag sinabi mong advance bibigay ko? Tapos nung sinabi kong baka wala ako maibigay kasi lagi na lang nag advance parang kasalanan ko pa. Hay naku nakakapikon. Konting konti na lang papauwiin ko na to..

shawliin

  • GirlTalker
  • **
  • Posts: 180
Re: Maid na mahilig mag-advance
« Reply #48 on: March 12, 2015, 01:39:20 pm »
yaya namin ang hilig mag advance linggo linggo din umuutang so binabawas namin. anong feeling nila may patago sila sa mga amo nila?  tama sis mama7 pag hindi mo naibigay sisimangutan ka pa at parang kasalanan mo pa na hindi sila napagbigyan.

Purple_Power

  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 1713
Re: Maid na mahilig mag-advance
« Reply #49 on: February 24, 2016, 09:23:39 am »
Ito naging problema ko sa dati naming kinuhang maid. Unang buwan pa lang niya CA na agad. Well the problem is she is a mom with 3 kids yet her youngest is just baby pa and she is claiming na her husband is not working. Ako nagtataka  na ako nung una pa lang paano niya bubuhayin pamilya niya na pambahay lang naman ang sweldo niya at hindi pang corporate. Nung una pinagbigyan muna namin siya so eh di binigay na namin. Next month she is asking for CA again. I told her na process ko muna papers niya to Baranggay, I want to be in legal process already. I called the DOLE na dun ko nalaman yung about sa magkakaroon siya ng utang run eh di dahil 2500 nga lang siya it will be 2k ng 2k kapag ganyan siya. Abah!!! one day while I am cooking, nakipagtarayan sa akin kung hindi ko raw ibibigay yung advance doon na lang raw siya sa Tiyahin niya sa Makati dahil P3500 raw ang sweldo run. Eh di ni let go ko na lang siya mas okay pala run eh! She is forcing me to give the CA agad agad if not then aalis na siya. Hindi ba malinaw naman na pananakot na yun? Sabi ko magpaalam na siya sa Mom ko na aalis na siya. I talked to my mom kung kinausap na siya, on that day itself nagtaka naman ako sa Mom ko kung bakit sinabi niya sa akin na sa Linggo na lang pag-usapan dahil busy siya. I am assuming na aalis na siya dapat. Kinabukasan I talked again to my mom she told me na she is asking for advance so I told her the whole thing na tinakot niya ako. Sunday morning I officially told the maid na binibitawan ko na siya at may sagot pa siya na kung binigay ko raw sana CA hindi raw sana siya aalis.  ??? What the heck? Obligasyon ko pa? Hindi nga ineencourage ng DOLE ang CA eh!

Sunday afternoon 1 maid na kasama rin namin told my dad pinalalayas ko na raw yung kasama niya. So itong Dad ko paniwala again at nagpapauto na naman sa kasinungalingan eh di lumalabas na ang sama ko na naman. My mom got angry and nag away sila ng Dad ko regarding the issue. Nagkaharap harap kami rito eh di buking itong maid dapat namin siya mismo nagsalita na humihingi ng advance. Iyakan pa itong dalawang ito. So todo explain mom ko sa mismong harap nila na she is asking for advance which is hindi naman namin magagawa yun.

At night umalis sila going somewhere then pagbalik dito sa house I am hearing them or yung isa na crying. I talked to other maids sa neighbor and they have feeling na hindi totoo yung sa lilipatan kundi pananakot lang raw para mapilitan ako to give CA.  :P Eh di sino nawalan ng trabaho? Kala ba niya maloloko niya ako? Wala rin pala siyang mapupuntahan.

engr_neechee

  • Junior GirlTalker
  • ***
  • Posts: 315
  • I'm in love with my Labrador Retriever
Re: Maid na mahilig mag-advance
« Reply #50 on: April 06, 2016, 06:39:19 am »
Just to share my story:

Brief Background

My former yaya gave an ultimatum na hanggang February 19 na lang siya of this year kasi pagod na siya.  Mahirap daw alagaan ang baby ko.  That was a month's notice.  Hirap na hirap kami sa paghahanap at hindi ko naman afford yung 10k na fees ng mga agency.  I can only offer P3500 na starting. 

Sa amin, since yaya lang and hindi all around, hindi ko sagot ang toiletries. Iba ang housegirl ko, sa yaya, sa labandera, sa hardinero.  P3,000 si housegirl, P3,500 si yaya for a start.  Alam nila yun na hindi ko sagot ang toiletries.

My baby stays with my mom during the day tapos kukunin ko sa hapon when I arrive from work.

Come February 12, yung dating kasambahay ng Mom ko ay may dinalang woman in her 40's in dire need of tumanggap ng labada.  Tumakas daw sila from Quezon Province, sa mga kamag-anak niya kasi daw inaapi sila.  The husband is a paralyzed ex-construction worker, bedridden and alagain.  They have five kids to feed, one is a special child tapos the eldest is 16.  Pero si 40 year old woman cannot go stay in.  So hindi siya ang naging yaya.  Since naawa kami, kinuha namin yung anak na babae as yaya.  She is 14 years old. 

The Employment of the 14yo

Sa simula pa lang, nagcash advance na sila ng P3,500 panimula daw nila.  Ibinili ata ng gas stove kasi nga two weeks pa lang sila dun sa amin sa San Mateo, Rizal. 

Kahit hindi qualified si 14 year old, we gave her P3,500 dahil sa awa sa sitwasyon nila.  So ang P3.500 na binale, she worked for February 15 - March 15.  Ang usapan is hanggang katapusan lang siya ng May dahil uulitin daw niya ang grade six sa June. 



The Start of the Sakit sa Ulo

1.  Unang-una, she doesn't know what a bib, face towel, hood, diaper, bottle are.  Oo nga naman, kahit na siya ang nag-alaga sa mga kapatid niya, [textspeak!] makain nga wala sila, bakit pa sila gagamit ng bib, face towel, etc for babies diba? So sige na, my also-paralyzed mom ang nagtuturo kung ano ang gagawin.  She wasn't really qualified and doesn't deserve the P3,500 salary.  Dapat nga P3,000 lang binigay ko. 

2.  Sa una pa lang, nagsabi na siya na hindi daw siya pwede maglista nung mga gamit ng baby na wala na.  Ang term na sinabi niya is mahina daw siya. 

3.  Mormon siya.  I don't know if it has something to do with being mormon na hindi daw pwede gupitin ang buhok until makatapos ng grade six.  Eh may kuto pala siya.  O sige, pasensiya na lang ako.

4.  Mahina daw siya magbasa. I was once asking for the cough syrup of my child and what she handed me was astringent number 3.  O sige na, mahina nga kasi magbasa diba? 

5.  Sunod, binalik ko sa pedia ang anak ko kasi di nawawala yung sipon.  Tapos inendorse ko sa Dad ko yung gamot na dinala naman ng Dad ko sa bahay nila.  Pag-uwi ko, malaman laman ko eh yung old medicine pa rin ang pinapainom.  Sabi ko Nasatapp hindi Dynatussin.  Nalaman kong ganun kasi hindi naiuwi yung medicine sa bahay namin.  PInakuha ko ulit sa bahay ng mom ko.  Sabi ko, pakibasa.  "Nah-sa" OMG! Akala ko grade six siya.  Eh pang-grade one ang level ng pagbabasa niya.  Sinabi ko na lang na, "Alam mo, may mga namamatay sa maling bigay ng gamot."  Maryosep!  Kabilin-bilinan ng mga tiyahin ko at tatay ko, wag ako mag-angas at wag ko pagalitan.  Napaiyak na lang ako.

6.  Sabi ng mom ko, marunong naman magbasa raw ng time.  I asked, "Anong oras na?"  Ang sagot eh, "Mag-aalas sais na po."  Ipeprepare ko na kasi supper ng anak ko.  Sabi ko, "Anong saktong oras?"  "Mahina po ako."  I had to stand up and checked.  5:20 ang oras...alright..sige na nga!  Mag-aalas sais na nga yun! Grrr!

7.  Nung una ayaw sa kanya ng anak ko, tapos tumakas pa ang house girl ko.  So stressed much ako.  Since iyak nang iyak yung bata at ayaw bumitaw sa akin, all I can do is to ask her to abot.  Sabi ko, "Pakiabot ang dropper."  "Ano po yung dropper?" Shiet! Ansket sa ulo!  Wala lang talaga ako choice!

8.  So March 13 of this year, since matatapos nang mapagtrabahuan yung nicash advance, tumawag yung tatay na lumpo sa phone ko.  HIndi ko naman inusisa ang pinag-usapan.  Ang sabi eh susunduin na raw siya.  Sabi ko, "agad agad?  Di ba usapan hanggang Mayo?  At hindi ka pwedeng umalis ng walang kapalit!"  So I called up my Mom kasi siya ang kausap nung family na kinaawaan namin.  Aba pinupull out nung tatay na lumpo right there and then.  At nagthreat pa sa Mom ko na isusumbong daw kami sa DSWD.  Nanginginig daw sa takot yung anak niya dahil hindi daw alam ang trabaho, hindi daw alam ang gagawin, sinisigawan daw.  Kapag di daw nirelease lagot daw kami sa DSWD dahil matatrauma daw.  Eh hindi nga namin masigawan kasi nga super t****.  Hindi pa rin niya maiintindihan ang mali kahit pagalitan siya.

So sabi namin, "Sige, magsumbong tayo sa DSWD, tingnan natin kung sino ang may kasalanan.  Tandaan nyo kayo ang lumapit."  Sinoft skills ng husband ko yung nanay na sumusundo.  Ayun, napapayag na hanggang May.

9.  Three days after kaming sabihan na isusumbong kami sa DSWD, bumabale ng P750, pambili daw ng gamot nung father. Sabi ko, 500 lang ang meron ako dito at hindi ako nagtatago ng pera sa bahay.  Sige, pumayag.  After ilang araw, bumale ulit ng P500. 

10.  Dumating ang March 30, dapat 500 lang ang sswelduhin niya.  Humihingi ng PhP1,000 yung nanay.  Sabi ko, P500 lang mabibigay ko kasi budgetted ang pera namin.  Aba, nagtext na kukunin na lang daw nila at siya ang magtatrabaho sa Marikina sa P4,500 ang pasahod.  KInausap ulit ng nanay ko, sabi "Bakit ba kayo nananakot?  Di ba may usapan na hanggang Mayo? Saka diba nga, hindi ka pwede magstay in?"

11.  Ni minsan walang nahawakang pera yung anak niya. Tapos mabaho na anak niya, tinitiis niyang walang toothpaste, sabon, shampoo, etc.  So sabi ko, hindi ko ibibigay yung kasunod na P500 kung walang toiletries.  Aba ang sagot eh, "Sa iba namasukan ako, sagot yan eh!"  Grabe talaga, lalo akong nahighblood!  Sabi ko, "Sige sasagutin ko, pero paglilinisin ko siya ng dalawang kotse at pagpapaliguin ng dalawang aso.  HIndi siya all around dito ok?"  HIndi ko na sinabing sobra sobra yang P3,500 sa kakayahan niyang anak mo. 

12.  Ilang beses akong naubusan ng kanin kapag siya ang nauuna.  Ang lakas kumain palibhasa ngayon pa lang nabubusog.  One time, inalok namin ng pizza ng Pizza Hut.  She ate four slices.  So nung sa S&R na pizza naman, pinagbukod ng asawa ko.  Ang ginawa kumuha muna sa box.  Sabi ng asawa ko, "Bakit yan ang kinain mo?  Ito dapat sayo!" sabay turo sa binukod niya.  Ayun, nakakuha na nga siya sa box, inubos pa rin niya yung binukod for her.

So feeling ko anytime ngayon eh darating na naman ang "Kim Henares" ng buhay ko.  As in ganun an yung feeling ko.  Ayoko nang makita yung nanay ni yaya.  Actually kaninang umaga, nagulat na lang ako kasi naiwan pala niya yung house keys namin sa tipong maaabot na lang ng magnanakaw para mabuksan yung pinto namin.  Grrr!!! Kung may iba lang sanang makukuha.....

It feels like I don't have a choice.  Kapag hinamon ko na man na sige, kuhanin ninyo anak niyo, pano kung kuhanin nga?  Eh di ako naman ang di nakapasok ng office....
« Last Edit: April 06, 2016, 07:09:34 am by engr_neechee »
When you want something, the whole universe conspires on helping you to achieve it.

http://vimeo.com/56471638

Jeannybaby

  • GirlTalker
  • **
  • Posts: 113
    • My Blog :)
Re: Maid na mahilig mag-advance
« Reply #51 on: May 25, 2016, 10:58:05 pm »
based from our experience, kapag first day palang hihingi na ng CA ang maid, that's already a red flag. Ilang beses na nangyari sa amin, hihingi ng advance (mabait kasi ang inlaws ko so they will give) and wala pang 1 week or 2 weeks, aalis at hindi na babalik. Kaya as much as possible, hindi sila pwede na mag cash advance kailangan magwork muna sila -- prove muna that they are serious to work, and siguro pwede na mag CA after let's say, 3 months or so.

SnowBall

  • Love my Stars!
  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 2768
  • yebah!
Re: Maid na mahilig mag-advance
« Reply #52 on: June 15, 2016, 12:26:41 pm »
Never ako nagpapa advance, inuunahan ko na palagi, na bawal ang advance.

Kasi sa experience ko, once na makuha na ng advance ang sweldo eh nagiging tamad na, tapos iinisin ka na nila, para mapalayas mo na,
and ending, naiwanan ka ng utang.

POV lang, Walang Personalan ;)


"Don't get down in the mud with the pigs. You will both get dirty and the pigs will love it."

crazycatlady

  • Newbie
  • *
  • Posts: 17
Re: Maid na mahilig mag-advance
« Reply #53 on: June 16, 2016, 04:02:08 pm »
Yung maid ko na pasaway konti, plano mag advance ng 500pesos sa Day off niya. Small amount lang naman pero pinag iisipan ko pa kung ibibigay ko. 2 months pa lang kasi siya sa amin kaya parang ayaw ko muna magpa advance. sabi naman niya kung pwede,di naman sapilitan kaso yung mga ganito madalas masama agad loob eh hahaha!

engr_neechee

  • Junior GirlTalker
  • ***
  • Posts: 315
  • I'm in love with my Labrador Retriever
Re: Maid na mahilig mag-advance
« Reply #54 on: June 17, 2016, 11:04:24 am »
^ingat sis sa ganyan.  Yung mga ganyan na two months pa lang tapos umaadvance, kailangan ng mas malaking pera tapos gagamitin sa pagtakas/paglipat sa ibang amo.
When you want something, the whole universe conspires on helping you to achieve it.

http://vimeo.com/56471638

imeego

  • full-time mom of 2 adorable kids and a
  • Senior GirlTalker
  • ****
  • Posts: 630
Re: Maid na mahilig mag-advance
« Reply #55 on: June 17, 2016, 12:21:26 pm »
If small amount lang,  we allow it..pero siguro not more than 1k..yung isang helper kasi namin few months pa lang sa amin humiram sa mother in law ko ng 5k, may emergency daw, then one daw lumayas na walang paalam, habang nasa trabaho kami pareho ni hubby..makakapal na talaga mukha ng iba ngayon

blushberry

  • Senior GirlTalker
  • ****
  • Posts: 655
Re: Maid na mahilig mag-advance
« Reply #56 on: August 12, 2016, 10:23:52 pm »
Meron nga iba bag dating pa lang gusto na mag tang.  I don't allow it, though for some reason most of them think I will give in.  May one time nga, may balak yung maid patubos necklace nya sa husband ko. Kainis lang that she thinks my
 husband will agree to that.
Vulgarity begins when imagination succumbs to the explicit.

blushberry

  • Senior GirlTalker
  • ****
  • Posts: 655
Re: Maid na mahilig mag-advance
« Reply #57 on: May 20, 2019, 07:14:37 pm »
Most kasambahays don't have anyone they can ask for help with kaya pag trusted, i give financial assistance narin talaga  kung magtatagal naman narin samin.
Vulgarity begins when imagination succumbs to the explicit.

highness127

  • GirlTalker
  • **
  • Posts: 112
Re: Maid na mahilig mag-advance
« Reply #58 on: May 21, 2019, 08:03:19 pm »
Kami, we really make it clear bago pumasok yung yaya na di talaga kami nagbibigay ng CA. Sagot namin ang pamasahe nila papunta sa bahay. Pati toiletries sagot narin namin. May contract kami lagi for protection ng both parties and we also make sure na naintindihan nila lahat ng nasa contract. Pinapangako lang namin na laging on time ang sweldo nila and mas gusto namin na buo yung makukuha nilang sweldo, hindi yung mauubos lang dahil sa kaltas ng CA. Ineexplain namin na mas maganda yung ganung scenario over sa magsisimula sa puro CA. Mahirap pero kelangan maging tough kesa maging abusado sila. Sa sobrnag hirap makahanap ngayon ng helper, minsan wala na talaga tayong choice :(

cupcakejane

  • Junior GirlTalker
  • ***
  • Posts: 379
Re: Maid na mahilig mag-advance
« Reply #59 on: May 27, 2019, 10:22:13 pm »
There has to be a limitation sa cash advance.  Just inform your maids about it, kahit pa malaki ka kumita that is not the point.  You are working and saving for the rainy days and yan ang constant reminder ko sa kanila.  Now in the event that they really need help, i will help of course. 
« Last Edit: May 27, 2019, 11:06:01 pm by cupcakejane »

 


Latest Stories

Load More Stories
Close