Author Topic: Pera padala business  (Read 26424 times)

Ma.Jewel_1987

  • Senior GirlTalker
  • ****
  • Posts: 984
  • Certified SRC fanatic
Pera padala business
« on: December 08, 2014, 10:21:26 am »
Hi mga sis paanu kaya magstart ng pera padala business? Okay kaya ito?Please share your inputs  :)
Mods if merun ng ganito paki delete na lang po.
Enjoy the little things in life, because one day you will realize they were the big things.

ilovemybaby12

  • Senior GirlTalker
  • ****
  • Posts: 730
    • redbowtique
Re: Pera padala business
« Reply #1 on: January 14, 2015, 05:51:28 am »
Nag Inquire ako sa Cebuana Lhuilier until now wala pang reply. I hope someone can enlighten us regarding this business :)
simply irresistable:)

jmeangeL

  • Senior GirlTalker
  • ****
  • Posts: 593
  • Casita del Rose
    • Casita del Rose Tagaytay
Re: Pera padala business
« Reply #2 on: January 19, 2015, 03:06:08 pm »
I do SMART Padala at home.  Ang puhunan ko ay cellphone, tarpaulin at cash.

Just register with Smart for Smart Money.
Get a Smart Money card so you can transfer money, worth more than 1K.
Print a tarpaulin stating that you're offering Smart Padala.
Create a padala fee matrix. Bahala ko kung magkano ang gusto mo.  Basta ang Smart will charge your Smart Money account 5pesos for the first 1000pesos, and 2.50pesos for every 500pesos in excess of the 1000pesos.

Hindi kaylangan i-register sa Smart or anywhere.  Been doing this for 3yrs na.

Next, I'll register with Smart to be a Padala Center since magkakaroon na ako ng physical store.  This is to allow me to receive money transfer from abroad.  And increase my Smart Money credit limit to 100K instead of 50K.

To reload you Smart Money credit, just go to BDO and furnish a payment form to Smart Money.
this is my life

female01

  • GirlTalker
  • **
  • Posts: 90
Re: Pera padala business
« Reply #3 on: January 21, 2015, 09:44:16 am »
sis jmeangeL, please give me an idea about sa padala fee matrix mo. malaki ba difference sa ibang padala centers (example: palawan pera padala). pede pahingi ng sample computation mo?

saan ma claim ng receiver ang perang pinadala? may fee din ba yan?

tia
« Last Edit: January 21, 2015, 09:55:54 am by female01 »

jmeangeL

  • Senior GirlTalker
  • ****
  • Posts: 593
  • Casita del Rose
    • Casita del Rose Tagaytay
Re: Pera padala business
« Reply #4 on: January 21, 2015, 10:17:06 am »
fee matrix
Sa akin, malaki ang difference. I charge only about 1% of the padala as fee.
For example, may magpapadala ng 1000pesos.
Ang rate ni smart ay 5pesos for the 1st 1000pesos, and 2.50pesos for every 500pesos in excess of the initial 1000pesos.

Kapag, pinadala ko ang 1000pesos, babawasan ni smart ang smart padala wallet ko ng 1000pesos + 5pesos as fee.

Sisingilin ko ang client ng 1000pesos (padala) + 15pesos (fee).

Kumita ako ng 10pesos sa transaction na yan.  Ang expense ko ay 5pesos lamang.  Unlimited text ako to any network, kaya kahit i-forward ko ang confirmation text sa 50 cellphone number, walang additional na bawas sa akin.

To compare:
Cebuana for 1000pesos, fee is 50pesos
Mlhuillier for 1000pesos, fee is 45pesos
LBC padala for 1000pesos, fee is 60pesos
Palawan Express for 1000pesos, fee is 29pesos

Kung ako ang client, sa iyo na lang ako magpapadala kahit pa 20pesos ang singil mo for 1000pesos.  Ikaw ang magset ng fee mo per padala range.  Basta tandaan mo ang fee ni Smart.  Kaya naman ng i-compute yan.

Kung magpapadala ka ng 1001, ang ibabawas sa iyo ni Smart ay 7.50pesos.  5pesos for the 1000pesos, and 2.50pesos for the 1peso in excess of the initial 1000pesos.

Ang singil ko for 1001 to 2000 ay 20pesos.

Encashment
Ikaw naman ang makakatanggap ng Smart Money credit to your wallet.  Ito ay galing sa ibang Smart Money center.
Walang bawas sa Smart Money wallet ang receive or encashment.  Pero, pwede ka pa rin magbigay ng fee sa client.  Pareho lang ang singil ko sa Remittance (padala) at Encashment (receive).

Kapag may na receive akong 1000pesos sa Smart Money ko, alam ko na meron magpupunta sa bahay na kukuha ng 1000pesos.

Titignan ko lang kung pareho ng Reference number sa text ni client as sa text na nareceive ko from Smart.  Kapag pareho, sya nga ang owner ng pera na iyon.

Ibibigay ko ang 1000pesos nya, at magbabayad sya sa akin ng 15pesos as fee.

Kita ako ng 15pesos.

Puhunan
Nagpuhunan ako ng 5000pesos noon para sa Smart Money wallet ko.  Maliit lang.
Ang problema, kapag may nagpadala ng 5000pesos, ubos agad ang credits ko.  Kaylangan ko ng pumunta sa BDO para i-deposit ang actual cash at ma-convert ito sa Smart Money credit.

Ngayon nasa 12K ang puhunan na pinapa-ikot ko.  Meron rin nag-eencash.  Mas gusto ko ang encash dahil magkakaroon ako ng Smart Money credit at di ko na kaylangan pumunta sa BDO.  Wala rin akong expense.  Buo ang kita.

Pero dahil malapit ako sa Industrial Zones, o lugar ng mga manufacturing company, mas marami talaga ang nagpapadala.  Regular clients na sila.  Asahan mo, pagdating ng sweldo, diretso sila sa bahay mo para magpadala ng pera sa kamag-anak nila.

Kaya kapag sweldo, 15k to 20k ang laman ng Smart Money credit ko.  Ubos naman yan in 3days.  Kaya cash na ulit ang hawak mo.

Ikot lang ng ikot ang pera.
this is my life

female01

  • GirlTalker
  • **
  • Posts: 90
Re: Pera padala business
« Reply #5 on: January 22, 2015, 12:34:48 am »
^thanks sis for the detailed info.

paano malalaman ni receiver kung saan ma encash yung pinadala ko?

jmeangeL

  • Senior GirlTalker
  • ****
  • Posts: 593
  • Casita del Rose
    • Casita del Rose Tagaytay
Re: Pera padala business
« Reply #6 on: January 22, 2015, 08:44:08 am »
Ang client mo po ang magsasabi sa'yo kunng saan Smart Money number mo ipapadala ang Remittance nya.  Bawat Smart Money center ay meron sariling Smart Money number.

16-digits ito na naka-link sa smart cellphone nila at merong physical na Smart Money ATM/Debit card.

Ibibigay ni client sa'yo ang Smart Money number at amount na ipapadala nya.  Key-in mo lang iyon sa Smart Menu ng cellphone mo na naka-link sa iyong Smart Money wallet.

Makakatanggap ka ng confirmation text from Smart na na-transfer na ang Smart Money credit mo from your wallet papunta dun sa wallet ng pinadalhan mo.  May unique reference number ito.

Makakatanggap din ang pinadalhan mo ng confirmation text from Smart na may nareceive silang Smart Money credit, together with the amount at reference number.

I-text mo lang ang copy ng confirmation text kay client para mabigay nya dun sa kamag-anak nya na pinadalhan nya ng pera.

Pupunta ang taong pinadalhan nya sa center kung saan napadala ang pera at i-encash sa lugar na iyon.

Unique ang Smart Money number kaya sigurado ka na kahit mamali ka ng forward ng text sa ibang tao or meron magpunta sa center na nagsasabi may pinadala sa kanila pero wala ka naman natanggap from Smart, sure ka na nanloloko lang ang tao na iyon.

Simpleng concenpt lang naman.  Think of it as online bank transfer.  Pero instead of online, you use your mobile phone.  Instead of bank, you use Smart as the medium.
this is my life

female01

  • GirlTalker
  • **
  • Posts: 90
Re: Pera padala business
« Reply #7 on: January 24, 2015, 01:51:58 am »
^thanks ulit sis

pinklilac

  • Senior GirlTalker
  • ****
  • Posts: 955
Re: Pera padala business
« Reply #8 on: June 28, 2015, 05:26:39 am »
Sis jmeangel salamat sa napaka detalyadong paliwanag...


nylaner

  • Newbie
  • *
  • Posts: 10
Re: Pera padala business
« Reply #9 on: June 05, 2017, 03:03:21 pm »
sis okay lang ba kahit 5K lang ang ideposit mo sa smart money? pano bayun? bibili ka pa ba ng card ng smart money? and paano yung sinasabing magiging padala center na?

jmeangeL

  • Senior GirlTalker
  • ****
  • Posts: 593
  • Casita del Rose
    • Casita del Rose Tagaytay
Re: Pera padala business
« Reply #10 on: June 06, 2017, 08:55:15 am »
Wala na pong card ang smart money ngayon. Yes, kahit magkano ang ilagay mo sa account mo.
As for the padala center, mas madali na mag-accredit ngayon especially sa mga may tindahan.  Magpapasa lang ng business registration, etc.

Check full details from their website:  https://smartpadala.ph/
this is my life

nylaner

  • Newbie
  • *
  • Posts: 10
Re: Pera padala business
« Reply #11 on: July 11, 2017, 09:19:37 am »
mga sis bakit nung pumunta ako sa smart money center ang sinasabi nila ay paymaya na daw. so wala ng smart money padala? ang hirap kasi ang paymaya ay need pa ng internet para lang makapagpasa ka ng pera unlike sa smart money padala,..

gusto kasi maging smart padala center

anna

  • GirlTalker
  • **
  • Posts: 123
Re: Pera padala business
« Reply #12 on: May 22, 2020, 03:32:49 pm »
is ml kwarta padala express business feasible?  only 99,000 pesos.  what are your experiences/feedback?

fall2pieces

  • Senior GirlTalker
  • ****
  • Posts: 565
    • Tumblr Me and I'll Tumblr You
Re: Pera padala business
« Reply #13 on: July 09, 2020, 04:55:40 pm »
^ also interested on ML express.. how is it?
"Everything that happens in this world happens at the time God chooses." Ecclesiastes 3:1" :)

 


Latest Stories

Load More Stories
Close