Hehe, malabo ba? Sige sis I will explain why:
When couples separate especially those who migrated abroad, usually mag-aaway yan tapos lahat ng ari-arian nila paghahatian. So imbis na sabihin natin 10 M meron sila together, it becomes 5M + 5M
Imbis na may bahay sila na malaki, they have to downgrade to a smaller house kasi isa na lang ang parent sa bahay. So ibebenta ang malaking bahay at hahatiin ang pera imbis na joint asset sana yun para sa mga bata.
Now, if you have 10M joint savings, mas may leverage ka to engage in business or whatever you want to engage in like time deposit man yan or what, mas malaki ang interest ng 10M kesa 5M
Pag may 10M kayo na joint, mas makaka-loan ka ng malaki sa bank--usually 8M ang maximum loan kung may deposit ka na 10M, again that's leverage for a couple. Mas madali mo mapopondohan ang anumang business or project na gusto mo pagkakitaan.
Ngayon, pag naghihiwalay, mabuti kung parehong magstrive sila para sa anak nila. Usually, isa na lang ang nagsisikap at yun ang parent kung nasan ang mga anak naiwan.
The other parent, imbis na maging supportive, puwedeng mag-asawa ng iba at magka-anak sa iba so yun na yung focus nya. Minsan pa nga, malululong sa bisyo like babae, alak or sugal dahil shempre malungkot ang mag-isa. Walang drive na magtrabaho kasi nasira ang pamilya. Magaabot kung magkano lang ang kaya sa mga anak na nasa poder ng kabila. Bottom line miski idemanda mo pa yung other parent for child support, ibibigay lang nya kung ano kaya nya at di mo sha mapipilit. Ganyan nangyari sa kapatid ko kaya nasa US na sha ngayon being a single mom, di nya kinaya support family nya dito she had to work abroad.
Ngayon ang mga anak, lalaking broken family-- pag mahina ang loob at di maganda ang pagpapalaki, masisira pa ang kinabukasan. Magdadrugs or di mag-aaral mabuti. Ending, hindi magiging maunlad ang buhay. Sabihin na nating hindi naman lahat ganyan pero ilang beses na ba tayo nakakita ng batang broken family ang dahilan kung bakit nagpabaya sa sariling buhay? Masasabi ba natin na NEVER itong nangyari? Totoo namang may ganyan di ba.
Ang ending kasi sa broken family, isa sa inyo will act na single parent and mahirap yon. Mas mahirap para sa isang single parent na mapaunlad ang buhay kesa kung may katuwang ka na nagmamahal at sumusuporta sa yo at kasabay mo na nagtatrabaho.
Shempre case to case basis yan, but my MIL told her story from her own circle of friends. Kumbaga yun ang common na nangyari sa kilala nya nung time nya.
Ang pinaparating lang ng MIL ko sa amin non is mag-asawa ng taong alam mo na aalagaan ka at mamahalin ka miski ano mangyari, at the same time yung mamahalin mo at aalagaan mo din miski ano mangyari. Mahalaga daw yan sa pagkakaroon ng maganda at masaganang buhay. Kasi hindi madaling makipaghiwalay--madaming consequences na hindi maganda.
How can you say there is NO truth to it when madami nga shang kilala na ganun ang nangyari? Kaya nga nya kinuwento sa min, and sure enough kilala ng family namin yung mga tinukoy nyang tao at naghirap talaga sila.
Maybe you can say ITS NOT ALWAYS TRUE but to say there is NO truth to it is simply wrong. It is TRUE based from her life experience.
Maybe it will be easier if I say what she meant in a different way:
***Mas madali para sa isang pamilya na buo at magkakasama ang umunlad dahil sama sama, tulong tulog at sumusuporta sa isa't isa. Mas inspired magtrabaho therefore mas productive, kesa sa isang pamilya na watak watak.****
Ang payo binibigay yan ng kusa at libre, nasa sa yo kung alin ang gagamitin mo at alin ang hindi di ba? Nevertheless, lahat ng payo pag solicited, I consider them as a gift and Im thankful sa ano mang pinayo nya sa ken. Again, sa AKIN nya yan sinabi at pinayo, hindi sa lahat ng tao. Shinare ko lang dito dahil baka makatulong din sa iba. Now, if it does not help you then by all means, dont use it-
Ang mahalaga, ako alam ko na totoo sha kaya may halaga sa akin yung payong yan.