Author Topic: Budol-budol, salisi gang and ibang form ng thievery  (Read 57415 times)

iwannabeasupermodel

  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 2818
  • #cantbuyclass
Re: Budol-budol, salisi gang and ibang form ng thievery
« Reply #100 on: February 22, 2015, 06:52:36 pm »
Yung friend ko din nabudol budol. Same events din na she is somewhat aware pero couldnt stop from giving them her phone. Tsk tsk.

Kaya ako talagang di ko pinapansin yung mga nagtatanong sa daan. Bahala ng sabihan akong suplada.
I know women - and none of us are that nice

astarte

  • IT Girl
  • Senior GirlTalker
  • ****
  • Posts: 576
Re: Budol-budol, salisi gang and ibang form ng thievery
« Reply #101 on: February 22, 2015, 09:33:02 pm »
Ako din hindi na lang ako nag eentertain kahit nagtatanong lang ng time at directions kasi pwede naman sila magtanong sa mga police, traffic enforcer at nadadaanan nilang security guards lalo na if wala naman talaga sila masamang intention but to ask help.

Cher_Y

  • GirlTalker
  • **
  • Posts: 61
Re: Budol-budol, salisi gang and ibang form ng thievery
« Reply #102 on: July 20, 2015, 11:36:40 pm »
Just last week my aunt got robbed I mean some low life snatched her fake earings

Valkerie

  • Junior GirlTalker
  • ***
  • Posts: 213
Re: Budol-budol, salisi gang and ibang form ng thievery
« Reply #103 on: July 23, 2015, 11:53:20 am »
My then boyfie (now hubby) and I experienced this. FOR THE FIRST TIME in Guadalupe. I just don't know  kung budol-budol gang nga ang tawag doon. This time din pa naman was the first time that we commuted after a long while.

It was a rainy day around 6PM in the streets of Guadalupe. We were struggling to find a jeepney going to Gate 3 - wala naring pila kasi. Kaya kada dating ng jeep eh ura-urada ang mga katulad naming passengers sa pagsakay. To cut it short, ayun nga nakasakay din kami after ng matinding gitgitan. Magkatapat kaming nakaupo. Di pa lumalabas ang jeep sa may Edsa eh may binanggit ang guy na katabi ni hubby sa right side niya na may matandang babaeng nakawhite tshirt na nakikipag gitgitan sa pagsakay sa kanila and he noticed nga na ang kamay nung matanda is nasa pocket na nya. Muntik na daw matangay ang CP nya. Dagdag pa nya na "Kayo baka nanakawan din kayo; Check ninyo mga gamit ninyo." At ayun, napansin ng hubby ko na wala na pala ang wallet nya sa pocket nya. Dalidali naman kaming bumaba with no hesitation. At nagtanong tanong pa kami ha. After siguro ng mga 30Mins or 1hr saka namin narealize na malamang, yung mga kasabayan din namin sa jeep ang mga salarin.

Hahaha feeling engeng naman kami and syempre dami rin naming naisip na SANA..
...SANA nagpaiwan nalang ako sa jeep para mareasses ko ang situation after bumaba ni hubby, tutal naman di naman din nila siguro alam na magkasama kami.
...SANA di nalag kami bumaba since obviously, sa sobrang daming tao sa Guada and sa ulan na din, very minimal nang visibility. Maghahanap ka pa ba sa kapal ng tao doon ng naka white na matandang babae?hahaha

Nakaka engeng talaga ...super nalungkot ang hubby ko ang mukha talagang nanghina. Kakawithdraw pa naman niya sa ATM ng 10T and may 100 dollars pa sa wallet nya.

At dahil may flight din si hubby sa next day, we needed pa to pagawa new IDs which is nasayang din kasi while nasa Recto kami eh his mom called and ayun nga may 'nagmagandang loob' na taga walis sa may Heritage na nakapulot daw sa wallet ni hubby. Ayun, pagkuha namin wala na siyang laman except sa ibang IDs (wala na ang driver's license niya).

Hirap na talagang lumalabaslabas ng bahay ngayon.
 

little.black.dress.lover

  • GirlTalker
  • **
  • Posts: 109
Re: Budol-budol, salisi gang and ibang form ng thievery
« Reply #104 on: July 23, 2015, 03:06:29 pm »
My lola lost all her yaman because of Budol2. Awang awa kami sa kanya, until now, di pa sya maka move on... kahit 6 years ago na yung nangyari. Yung mga alahas na dapat ipamana sa akin, na kuha din. Hay. Saddening. Ngayon yung mga shoes nya na lang pinamana sa akin.

jelliebean28

  • GirlTalker
  • **
  • Posts: 195
    • jeleebeanie.wordpress.com
Re: Budol-budol, salisi gang and ibang form ng thievery
« Reply #105 on: July 28, 2015, 02:51:59 am »
Bwisit talaga yang mga walang puso na mga taong yan di magtrabaho ng maayos perwisyo pa. Haaaaaaay. Alerto talaga dapat lalo sa mataong lugar.
Sun. Stars. Moon. Nature. Family. God. My Life.

Miss Taken

  • His one & only
  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 1905
Re: Budol-budol, salisi gang and ibang form ng thievery
« Reply #106 on: July 28, 2015, 02:54:59 am »
Happened last week lang sa Alabang around 8:30 am nangyari pauwi na ako from work. Sumakay ako ng jeep dun sa bagong terminal then sa left side ko may 2 student tapos katapat nila yung isa pa nilang kasama na student din at ako naman may katapat akong babae. Sa right side ko may space at may dalawang babae na medyo nasa dulo na. Kami yung mga nasa bungad lang ng jeep tapos nung umandar ng konti bigla na lang may nagsakayan na mga lalake around 6 or 7 sila. Yung isa talagang sumiksik sa tabi ko at naupuan pa nga yung right leg ko sa pagmamadali at hindi man lang nagsorry. Grabe na yung kaba nung time na yun at alam ko na agad na mga holdaper/snatcher silang mga biglang sumakay. Nakapagtataka lang din dahil hindi sila nagpapansinan pero nagtitinginan at ang likot ng mata. Yung babae sa harap ko naka Prada pa na bag tapos tumabi sa kanya yung dalawang lalake. Umandar na yung jeep namin ng konti meron na naman isang lalake (kasabwat) na nagtanong kung meron pa daw ba eh ang sikip sikip na pero yung lalake sa tabi ko sumagot na meron pa sabay usog kaya dun sa tabi ko umupo yung guy. Tatlo sa kanila may mga backpack pa na dala. Yung dalawang babae na nasa right ko nung una nasiksik na nila sa dulo.

Iniisip ko nun kung bababa na ba ako kasi iba yung feeling eh. Ang lakas pa naman ng pakiramdam ko pagdating sa mga ganun since sanay ako magcommute at lumaki ako sa Alabang area na alam kong maraming magnanakaw. Nung nagdecide ako na huwag na lang bumaba since wala pang ibang jeep ako na makita na pwedeng lipatan (nasa tapat na kami ng Hen Lin palabas na ng terminal), biglang may babae na nagask kung kasya pa daw (hindi nila kasabwat). Pagsakay nung babae bigla akong baba ng jeep at sakto meron dumating na jeep na pa Muntinlupa rin kaya dun ako lumipat. Narining ko pa na may nagreact na lalake nung bumaba ako at napa "Ay!" siya. Siguro dahil hindi nila ine-expect na bababa ako.

Kailangan talaga aware ka sa paligid mo dahil kahit umaga, naglipana na agad ang masasamang loob.
"Kiss me, and you will see how important I am."

jelliebean28

  • GirlTalker
  • **
  • Posts: 195
    • jeleebeanie.wordpress.com
Re: Budol-budol, salisi gang and ibang form ng thievery
« Reply #107 on: July 28, 2015, 01:23:55 pm »
Dati natatangahan ako sa mga nabibiktima ng budol budol and dugo dugo gang until lately nagsearch talaga ako kung pano nila ginagawa yun at ang daming nabibiktima.

Basahin nyo:
http://pinoyscambuster.blogspot.com/2010/05/origin-of-budol-budol-gang-and-dugo.html
Sun. Stars. Moon. Nature. Family. God. My Life.

Miss Taken

  • His one & only
  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 1905
Re: Budol-budol, salisi gang and ibang form ng thievery
« Reply #108 on: August 06, 2015, 03:35:46 am »
Meron naman kasi talagang mga situations na may pagkaengot yung nakuhaan ng gamit eh. Like if you're in a crowded public place, as much as possible huwag mo ng ilabas yung phone mo or wallet mo kasi mainit sa mata. Aware naman tayo na sa panahon ngayon, nagkalat ang masasamang tao.

Naalala ko yung video ng barya gang. Yung babae todo sinisiksik na siya nung guy na kunyari nagpupulot ng nahulog na coins tapos yung bag niya ayun nasa gilid pa kaya yung kasabwat naman busyng busy sa pagdukot ng mga gamit niya.
"Kiss me, and you will see how important I am."

px17

  • loves to be a
  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 1264
Re: Budol-budol, salisi gang and ibang form ng thievery
« Reply #109 on: August 31, 2015, 01:52:04 am »
Last friday around 11:30 am along A de jesus caloocan EDSA. Offline yung BDO kaya I went to metrobank (magkatabi lang sila), yung atm machine ng metrobank yung makaluma style pa, yung may pinto at parang small room.

May nakasabay akong babae I think in her late 30's. Akala ko papasok siya pero tumambay lang siya near the door as if sumisilong lang at nagaantay ng masasakyan. Nung nagtratransact na ako sabi ko bakit hindi siya umaalis ang istura na niya is nakapila na. After 1 or 2 mins may kausap na siya sa labas. If I'm not mistaken ang sabi niya "marunog ka ba?" (to use the atm machine). Nung palabas na ako, hinaharang nila ako tapos sabi nung biglang sumulpot na babae (siguro nasa 50's) "ne pwede paturo mag atm" kaya sabi ko nalang "nagmamadali ako"

Akala nila  mag-isa at naglakad lang ako, hindi nila ako nakitang bumaba ng kotse. Sabi nung boyfriend ko kinokorner daw at iniipit ako nung palabas na ko ng pinto. At bago sumulpot yung babae in her 50's may kausap pang lalaki at lumayo na yung guy.

Hindi mo pala talga mafifeel na iniipit ka nila. kala ko kasi malayo pa distansya nila sakin. Sabi pa ng bf ko sumensyas yung babae in her 30's kaya bigla ng lumapit yung matanda. Butinalang alerto ako at walang nakuha sakin. Minsan may magadang naidudulot din ang pagiging maduda. haha

Sa mga taong ganito kung hindi talaga nila alam kung paano gumamit ng atm diba dapat sa empleyado ng bangko sila mismo lumapit.
Learn to Love yourself First! :)

donya_dyosa

  • Senior GirlTalker
  • ****
  • Posts: 518
  • self proclaimed donya
Re: Budol-budol, salisi gang and ibang form ng thievery
« Reply #110 on: October 12, 2015, 01:11:55 pm »
nung 2010. uso ang sako gang.
sakay ako ng tas trans from lasalle to las pinas konti lang ang tao pero dun ako sa 2nd to the last umupo..
meron din umupo sa likod ko 2 babae may pumasok mga nakajersey na lalaki mga 5 sila.. yung isang may hawak na sako dumerecho sa likod. yung 4 kanya kanyang pwesto... nagdeclare ng hold up sa buendia.. more on carjack kasi sabi paandarin nadaw ang bus (busjack?) hehe.. yung pumunta sa pwesto namin. i will never forget his face(may ichura siya!) sobrang malas lang.. ako ang tinutukan ng baril. sabi ipasok daw sa sako ang bag pati cellfone mga sa bulsa, yung 2 babae natagalan maglagay ng bag. eh sakin nakatutok baril.. ang nerbyos ko baka makalabit yon! bumaba sila sa may networld hotel.. casual lang.. mga walang hiyang yon. derecho si manong driver pati kami sa pasay pulis for reporting. gumarahe nalang sila manong driver libre na sakay namin pa las pinas. ang masakit pa.. sinasabi pa nung iba na kasabwat sila.. parang hindi naman pero malay natin.
after a month nakita ko sa news.. may mga napatay na member ng sako gang sa osmena blvd. pinakita yung mga mugshots nila from before.. ayun positive yung isa .. sya yung tumutok sakin ng baril.. buti nga patay na..

marami pako eksena vs mga kawatan.. brb!

continuation

2004.. kasama ko mga bitchy pretty friends ko. may pupuntahan lang kami sa susana at gabi na nun, nagstop over lang sa gas station para bumili ng something.. may mga lalaki na aurang pulis o sundalo na kumausap saamin ansabi ilan taon na daw ako bakit daw nagdadrive nako. sabi ko 18 nako at may lisensya nako sabi patingin daw.. so pinatingin ko naman.. kinutuban yung friend ko na tara na lets go na tingin.. kinuha ko na license ko tapos pasimple kami na sumakay koche.. sumigaw yung isa sabi ichecheck daw yung koche ko.. natakot na kami pinaandar ko na koche.. nakita namin sumakay narin sila sa koche at 2 koche sila, isang van at isang koche na parehas karagkarag.
hinabol nila kami sa slex hindi nako nakakanan sa susana, sa calamba exit na kami dumercho..yung kasama ko may kamaganak don.. tinawagan niya at dun nalang kami dumerecho para magtago at magstay sa gabi na yon.  di na namin alam kung san namin sila naiwan..
tinawagan ko mom ko to lock the door. kasi naalala ko chineck nung lalaki yung lisensya ko baka tiningnan ang address ko.. oh well di ko na sinabi sa mom ko nangyare baka di nako payagan gumimik kasi..
ayun iyakan lang kaming mga babae... most likely,. kidnap at carnap pakay ng mga yon.. worst baka rape at patayin kami..
« Last Edit: October 13, 2015, 10:49:19 pm by donya_dyosa »

jamie_0117

  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 1472
Re: Budol-budol, salisi gang and ibang form ng thievery
« Reply #111 on: November 02, 2015, 09:54:05 am »
Not sure if modus ito, let me know what you think:

Northgate Alabang, arpind noon, I was at the smoking area. Two employees of another company, mag jowa, approacjed me para manghingi ng yosi. Then the guy asked "judgemental ka ba?" and became very chatty. Naging suspicious ako when he started asking kung malaki salary ko and asked what my position is. I answered vaguely without disclosing any facts. Dapat kasi di ako magmukang paranoid.

He later told me na he will pawn his phone for 200 pesos because his girlfriend's bag is in a friend's car, matagal pa dadating si friend, and he wanted his gf to get home na because he "loves her so much." Sa Indang Cavite pa daw sila uuwi.

I just told them na papahiramin ko na lang ng 200, sabi ko pang grocery ko. Yes, I gave my #, may benefit of the doubt kuno. But as expected, hind binalik.

jamie_0117

  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 1472
Re: Budol-budol, salisi gang and ibang form ng thievery
« Reply #112 on: November 02, 2015, 11:29:31 pm »
^kaya nga for mg peace of mind, sige eto n 200. Pag kinuha ko pa phone baka i-extort pa ko eh bulok naman phone.

Anyway, hindi ako nag eye contact kahit feeling close sila. Nabudol na din my husband 9 years ago.

px17

  • loves to be a
  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 1264
Re: Budol-budol, salisi gang and ibang form ng thievery
« Reply #113 on: November 06, 2015, 12:38:59 pm »
kapag mag-isa ako, pag may nagaaproached sa akin, nako! hindi ko na talaga pinapasin. Dibale ng isipin nilang bastos ako. Mas okay ng nagiingat. Paranoid lang ang peg ko. haha
Learn to Love yourself First! :)

Girltalker2

  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 3260
Re: Budol-budol, salisi gang and ibang form ng thievery
« Reply #114 on: November 06, 2015, 08:24:59 pm »

^ same here, I walk fast also. Tsaka if u need to go to quiapo or divisoria, I make sure I'm wearing worn off t shirt, rubber shoes and a cap. Then I usually stare at people who board the jeepney. Wala lang, feeling paranoid and crook ang peg ko. Di bale na matawag na 'baka holdupper' kesa naman maging target victim. Minsan nga I'm tempted to wear masks (black) para less alikabok sa skin haha

im fine!

  • GirlTalker
  • **
  • Posts: 117
Re: Budol-budol, salisi gang and ibang form ng thievery
« Reply #115 on: November 23, 2015, 09:15:37 am »
Sa awa ng Diyos di ko na experience mga salisi gang, snatched lang pero nakaka trauma din.
I dont entertain people na nag aaproached sa daan o kahit sa mall. I dont talk to strangers unless trusted yung place. Pag may dalang malaking bag na nagco commute duda na ko. Titignan ko agad kung nakalabas ang mga kamay nya, not yung tipong nakasuksok sa ilalim na bag.
Pag sa jeep, I make sure na walang nag ooverlap na parts ng katawan haha. Paranoid ako sa mga public vehicle kaya mapagmasid ako unless may kasama akong ka kwentuhan . ☺

ravena

  • Junior GirlTalker
  • ***
  • Posts: 445
Re: Budol-budol, salisi gang and ibang form ng thievery
« Reply #116 on: January 22, 2016, 06:21:20 am »
dugo dugo gang - check!
akyat bahay - check!
The key to succeeding in a relationship is not finding the right person; it's learning to love the person you found.

px17

  • loves to be a
  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 1264
Re: Budol-budol, salisi gang and ibang form ng thievery
« Reply #117 on: February 05, 2016, 10:42:33 am »
^dati sa makati may senior na babae pamasahe naman nililimos para pauwing ilocos. Tapos isang taon na lumipas nasa ibang building naman siya. Better talaga na wag na makipag-usap kahit kanino. Nakakatakot na baka ma hipnotize pa (if ever totoo nga talaga ngyayare to) tapos dadalhin ka kung saan.
Learn to Love yourself First! :)

arielle

  • Junior GirlTalker
  • ***
  • Posts: 218
Re: Budol-budol, salisi gang and ibang form ng thievery
« Reply #118 on: May 14, 2016, 04:47:08 pm »
yang budol-budol o dugo-dugo gang na yan karamihan senior citizen ang target, yung kakilala namin kinausap lang parang ang friendly daw ng kausap, tapos di na nya namalayan naisama na nya sa bahay nila , pati mga alahas nya sa bahay natangay tuloy. Ano kayang gamit nyan, black magic? Paano kaya nila nahihipnotize yung biktima?

 

Latest Stories

Load More Stories
Close