watch now

Author Topic: Paghilom  (Read 2277 times)

superjuzh

  • GirlTalker
  • **
  • Posts: 150
Paghilom
« on: September 19, 2019, 02:19:52 pm »
Hi admin! Kung maling thread po ito pakimove na lang sa tama. Thanks!

Hi girls! I just finished watching The Days After Valentines movie starring Bella Padilla and sobra akong nakarelate character ni Bella dun kasi akala mo kung sinong strong on the outside pero ang totoo broken pala because of the past.

Share naman kayo ng stories niyo tungkol sa pagiging broken about life,love or career at paano kayo nakabangon to inspire and other girls na may pinagdadaanan sa buhay ngayon.

Hindi pa kasi ako makaapgshare kasi sa totoo lang basag na basag pa ako sa ngayon pero dinadaan ko sa dasal at sa pagiging positive na matatapos din ito at magiging maayos din ako. One day papasalamatan ko ang Diyos at ang mga taong nag cause sakin ng pain kasi sila ang dahilan kung bakit ako magiging strong.

Madness

  • Junior GirlTalker
  • ***
  • Posts: 496
Re: Paghilom
« Reply #1 on: September 19, 2019, 04:18:48 pm »
I felt like this ngayon taon lang.So I tried so many things para lang maka-cope.

I tried exercising -- I was so tired so I stopped
I tried not thinking about it by practicing yung 90 second rule. Every time maiisip mo yung problem mo, magbilang ka ng pabaliktad 90, 89, 88, etc gang di mo na maisip
I tried meditating -- masyado ako galit

But you know what worked -- journaling. Sinabi ko lahat sa journal lahat ng hinanakit ko sa life. I have friends din naman but yung journal kase, ibubuhos mo lang lahat doon without judgment.

And I believe you really have to go through it. Mine took weeks, basag na basag ka na hindi mo na alam san magsisimula. Sabi nga nila, there is no other way but through it. So pinagdaanan ko na lang. One day, paggising ko, okay na pala ako.

I have friends, I have family, I have strong support system, but I still believe that walang makakatulong sa sarili mo kundi ikaw lang. Wala ka rin maaasahan na iba kundi sarili mo lamang.  So I say, go through it. Heal if you must but you have do it on your own.

P.S. Big advocate din ako ng self-love. Para may maibigay ka na love sa iba, dapat puno muna ang love tank mo  ;D

J.warner

  • Junior GirlTalker
  • ***
  • Posts: 269
Re: Paghilom
« Reply #2 on: September 19, 2019, 07:50:55 pm »
^Super yes to self love

When I was in my early 20s, desperado ako sa pag Ibig. I guess its a phase. Di ko na mabilang naka ilang lalake ako na pang keme lang.
hanggang sa nabuntis ako at iniwan ako never heard from that guy until now baby is 7 yo.
Anyway, I was a working student and single mom nun. Di ko alam anong klaseng buhay kaya ko ibigay sa anak ko so I let my sister and her husband adopt my kid.
Eventually, I realise naghahanap ako pagmamahal bec I grew up without parents kaya madali ako bumigay basta gwapo. I had no self love.
So yun nga dumating sa point na ayoko na. Tama na ang katangahan. I was 28 at that time. Yun din ang time na nagfocus ako sa work ko and SELF LOVE and I accepted the fact na di na ko mag aasawa dahil hello pare pareho lang mga lalake besides mas stressful ang relationship so being single is the best option for me. Yung love na love ko na sarili ko nageenjoy ako sa buhay ko walang major stress- thats when the right guy came along. Hes very respectful, loving, generous, lahat na. Yung sobrang malas ko sa guys before is kabaliktaran nya- sobrang swerte ko naman ngayon.
Ganito lang sis- stop pleasing everybody. Just do what you think is right for you because thats all that matters kung saan ka masaya. If masaya ka natutulugan mo family mo then so be it. If abusado na, iwan mo. Eto rin sinasabi ko sa siblings and friends ko- pag nasasaktan ka, let go. Ok

superjuzh

  • GirlTalker
  • **
  • Posts: 150
Re: Paghilom
« Reply #3 on: September 21, 2019, 10:34:15 pm »
Thank you so much mga sis sa respond! Naluluha ako st the same time ang dami kong narerealize, I know makakatulong saakin tong thread na to at sa iba pa na may pinagdadaanan ngayon,. Sana marami pang makapag share ng mga kwento nila.  ;)

 

Latest Stories

Load More Stories
Close