watch now

Author Topic: Paano Tatanggi Sa Mga Mahilig Umutang/Nangungutang?  (Read 66986 times)

kvan

  • Introvert, Demisexual
  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 3234
  • Accidental Cougar
Re: Paano Tatanggi Sa Mga Mahilig Umutang/Nangungutang?
« Reply #180 on: July 21, 2018, 08:19:20 am »
^Sana ako rin may lakas ng loob mangutang para makasabay sa mga nakikita ko sa social media....lol! Tutal YOLO!  ;D
"Do not worry about tomorrow, for tomorrow will worry about itself. Each day has enough trouble of its own" ---Matthew 6:34

amethyst028

  • Senior GirlTalker
  • ****
  • Posts: 753
  • here comes the sun
Re: Paano Tatanggi Sa Mga Mahilig Umutang/Nangungutang?
« Reply #181 on: July 21, 2018, 11:10:13 am »
^^ang babaw naman ng reason na yun. Yung friend ko dahil sa very expensive school pinag aral ang mga kids niya at mga rich ang classmates. She has to socialize with them ka fb niya and ka viber so ang tendency nakikipag sabayan para huwag ma feeling left out ang mga kids niya. Laging max out ang mga credit cards para lang maka sabay. May time na nangungutang pa sakin ng 10k pambayad ng electricity nila mapuputulan na daw. Pero ang tuition fee ng 2 kids 120k each.

May isa din post ng post ng kung saan saan nagpupunta at kumakain tapos mag me-message sa akin pautang daw 3k wala pa kasi sila sweldo. Kaloka.

Ang sinasabi ko sa kanila sorry hindi ako nagpapa utang sa friends ayoko kasi masira ang friendship. Halos lahat na ata ng friends ko nag try na umutang sa akin wala ako pinagbigyan. Kung hindi na nila ako kausapin so be it kasi ganun din yun pag naka utang na tapos hindi makakabayad hindi ka rin kakausapin nawalan ka pa ng pera. So far they are still my friends and they never asked for money again. hehe.

mysterioza_me

  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 6251
Re: Paano Tatanggi Sa Mga Mahilig Umutang/Nangungutang?
« Reply #182 on: July 21, 2018, 11:17:56 am »
^Well ang babaw pero nangyayari sa friends mo and sa ibang kakilala ko.

Ako nahihirapan tumanggi kasi naaawa ako. Pero eto ako ngayon naaawa sa sarili ko kasi sa bandang huli pera ko na parang kaaway ko pa. Ang hirap maningil soooobra. Kapal ng mukha. So mukhang aabutin na naman ng next payday itong utang niya. Kukulitin ko talaga siya kasi pinagmukha niya akong t****.
If a girl understands your b******t, stick through your mistakes, smiles even when you've done nothing for her , it's obvious she's a keeper. But it's also obVious that you don't deserve her...

lyrahs

  • i'm addicted to YOO
  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 1080
  • someday my coffee prince will come :)
Re: Paano Tatanggi Sa Mga Mahilig Umutang/Nangungutang?
« Reply #183 on: July 23, 2018, 04:18:03 pm »
Yung humiram sa akin last year ginawa nyang collateral yung memorial plan nya. Sabi nya ibibigay daw nya sa akin mga docs nun pero di ko naman nakuha. Hindi pa din ako nababayaran till now tas kinumusta ko sya last week. Nagpapasensya naman sya kasi nga wala pa daw syang naibabayad.
Eto na, inalok na nya sa akin yung memorial plan nya. Malaki na daw ang value nun ngayon. Discounted na lang daw nyang ibibigay sa akin, 55k na lang daw. Bale yung kulang ko daw sa kanya, ibigay ko na lang ng 2 gives. Ayos di ba? Sya ang may utang sa akin tas ngayon ako pa ang magkakautang sa kanya. Hehe.
Sympre di naman ako pumayag sa sinabi nya, kako meron na din ako memorial plan at wala naman ako budget para dun dahil marami akong gastusin lately.
Sabi ko na lang na kahit pakonti konti nyang bayaran basta consistent, matatapos din yun. Di na nagreply
Life's a beach....Enjoy!!!

superbubly

  • 👀 👄 👅
  • Junior GirlTalker
  • ***
  • Posts: 458
  • =♥♥ 7 years ng GirlTalker YAY ♥♥=
Re: Paano Tatanggi Sa Mga Mahilig Umutang/Nangungutang?
« Reply #184 on: September 28, 2018, 12:35:18 pm »
Tuwa naman ako na di ko na kailangang tumanggi kasi I showed them what I have lang, ang cellphone ko de pindot as in sila ang gaganda ng mga mobile phones touch screen pa with matching branded clothes and shoes unlike sa akin na yung mga mura lang at hindi branded kaya siguro di sila nag de dare na humiram sa akin. Pero noon nanghihiram sila sa akin kasi kita nila maganda gamit ko kaya binago ko style ko hahahahaha
♥♥ 7 years na pala sa GT ahahaha ♥♥

hushush

  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 1320
Re: Paano Tatanggi Sa Mga Mahilig Umutang/Nangungutang?
« Reply #185 on: September 28, 2018, 06:10:36 pm »
^nice strategy.. 😃 pero kung ako utangan ngayon dahil sa ayos ko na naninilaw ang sasabihin ko sa uutang sakin "sige isangla natin tong mga to ha? .. after 5yrs.. Kasi pinapataas ko pa ang value.. Ok lang ba? " 😂😂

But seriously, pag may nagpaparinig/nagbibiro sakin ng "pautang naman! Buti ka pa may pambili ng ganto, ganyan.." Ang sinasagot ko "syempre nag-ipon ako eh! Mag-ipon ka din at magtipid para may pambili ka at di ka nangungutang.." Then dadagdagan ko pa yun ng ganto "kaya nga nagtiis kami nang matagal sa ganung living condition para makatipid at makaipon.."

Mangangahas pa ba syang humirit? Hindi na. Ibang level na yun kung hihirit pa. 😂

kvan

  • Introvert, Demisexual
  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 3234
  • Accidental Cougar
Re: Paano Tatanggi Sa Mga Mahilig Umutang/Nangungutang?
« Reply #186 on: September 29, 2018, 05:18:34 am »
I find it shocking na casual na casual lang kung mangutang, parang me patago. Like yung panghanda sa birthday party. Hello? Di na nahiya.
"Do not worry about tomorrow, for tomorrow will worry about itself. Each day has enough trouble of its own" ---Matthew 6:34

mysterioza_me

  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 6251
Re: Paano Tatanggi Sa Mga Mahilig Umutang/Nangungutang?
« Reply #187 on: September 29, 2018, 06:29:55 am »
Ngayon kapag may nangumusta sa akin lalo na kapag matagal ko di nakausap nakakakaba hahaha. Kung di uutang tiyak mag-aalok yan ng kung ano-ano
If a girl understands your b******t, stick through your mistakes, smiles even when you've done nothing for her , it's obvious she's a keeper. But it's also obVious that you don't deserve her...

nicoletta

  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 1680
  • donna fenomenale
Re: Paano Tatanggi Sa Mga Mahilig Umutang/Nangungutang?
« Reply #188 on: January 22, 2019, 07:19:35 pm »
It's really hard to avoid this especially sa household help na naglalambing, only to leave you hanging and hindi babalik sa day off.
Abundance is not something we acquire. It is something we tune into. There's no scarcity of opportunity to make a living at what you love. There is only a scarcity of resolve to make it happen.

mei-mei

  • Senior GirlTalker
  • ****
  • Posts: 605
Re: Paano Tatanggi Sa Mga Mahilig Umutang/Nangungutang?
« Reply #189 on: January 23, 2019, 02:28:11 pm »
My experience: sister ng friend ko. Hindi kami close but that time, I thought she was desperate. Only later for me to find out na makapal lang talaga mukha nya. I lent her money twice (yes, I?m that stupid to not say no) na walang bayaran. Always with a sob story kasi. Then the third time, I found her so kapal na to go back again to me when, again, we are never close and we don?t even talk or go out. She would use FB messenger to message me. Third time I also told her back a sob story because it was true that time I had so many relatives who were sick so they deserved more help than her. And then 2 years later, talagang makapal si Ate, nag message again to borrow. Told her sorry but my parents? savings have ran out so I?m supporting them na. Then may 5th time pa talaga na she attempted to borrow again! Grabe lang! I had to be straightforward to her to not include me in her ?uutangan? list because I have family and friends whom I?d rather help.

thatkdramaeonni

  • Junior GirlTalker
  • ***
  • Posts: 351
Re: Paano Tatanggi Sa Mga Mahilig Umutang/Nangungutang?
« Reply #190 on: January 23, 2019, 02:38:44 pm »
^happened to me too. Yung sister din ng friend ko would message me too para manghiram ng money. Kinda close naman kami so pinahiram ko sya a couple of times. Kaso napansin ko, alternate sila manghiram ni friend. This month si friend, next month si sis nya. Though binabalik naman din nila sa napagkasunduang araw, ang hirap din magbleed ng money every month. Lalo pag may emergency.. actually sa emergency fund ko kinukuha yung pinapahiram ko sa kanila. So parang naging emergency fund na din nila yung akin. Kaya nung nanghiram ulit si sis ni friend, I politely decline na lagi. Mabilis din kasi ako madala sa sob stories na "wala nang ibang malapitan/mautangan". Saka yun din, ayoko mawalan ng friends kasi I've known them for a decade na or so.
Jeremiah 29:11

J.warner

  • Junior GirlTalker
  • ***
  • Posts: 269
Re: Paano Tatanggi Sa Mga Mahilig Umutang/Nangungutang?
« Reply #191 on: September 20, 2019, 11:54:43 am »
Dami ko experience nangungutang sa work before.
Yung isa lalake - family guy. Yung isa beki- mahilig pumorma.
Pautangin mo once or twice, uulit at uulit.
Eventually natuto din ako, ayoko na.

Then yung sister ko naman hindi na utang- kundi hinihingi na lol.
Last night nagtext asking for 1 week allowance. Nastress nga ko kasi Ate ko sya mas matanda sya, with stable job and 2 kids. So pano na yung pangkain nila. Di ko tuloy napigilan nagkwenta ako how much na yung napadala ko sa kanya 56k na for the past 6 months lang. Take note bigay yun hindi utang.  Ayoko na parang abusado na din.
« Last Edit: September 20, 2019, 11:56:17 am by J.warner »

mysterioza_me

  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 6251
Re: Paano Tatanggi Sa Mga Mahilig Umutang/Nangungutang?
« Reply #192 on: September 20, 2019, 03:15:18 pm »
^Yung ex-officemate ko sa ganyan din nagstart yung pa-monthly allowance from her sister na nasa Japan. Every now and then nanghihingi siya ng pang-allowance para sa mga anak niya, hanggang sa eventually nagpadala na ng regular pang-allowance sa mga kids sister niya. So nung ganun na ang nangyari na regular na padala, nagstart naman si officemate na manghiram-hiram pangkuryente so bale ang naging padala ni sister pang-allowance na ng kids sa school then pangkuryente pa. Yung pangtuition naman sa kids niya dun sa isang kuya niya siya ?nanghihiram.? Nagagalit pa siya sa misis ng kuya niya kasi patago na magbigay kuya niya kasi nagagalit daw ang misis. Paano naman kasi may pagkaabusado din siya.
If a girl understands your b******t, stick through your mistakes, smiles even when you've done nothing for her , it's obvious she's a keeper. But it's also obVious that you don't deserve her...

FayeP

  • mom of three boys and a princess
  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 2086
  • life's good! praise the Lord!
Re: Paano Tatanggi Sa Mga Mahilig Umutang/Nangungutang?
« Reply #193 on: September 20, 2019, 11:48:01 pm »
mga sis, I used to make tanggi sa mga nangungutang sa kin kasi back until 2 yrs ago medyo kayang kaya ko magpautang, kahit yung iba di na naibalik, deadma na lang sa kin basta ang gusto ko lang is kakausapin pa din ako at hindi yung iiwas na sakin dahil may utang sila na di na nabayaran....

ang nangyari is, nagpagawa kami ng house so ang savings namin used up, then nastroke yun tita ko na pinabayaan na ng mga anak...so kami ng brother ko ang gumastos dahil "inampon" ng nanay ko ang tita ko kasi ate nya yun...as in sobrang gipit na gipit ako dahil lumapit kami sa sangkatutak na lending companies at 5-6 para makabayad sa ospital, tinanggihan kasi sa mga public hospital ang tita ko...

ang point ko is naranasan at nararananasan ko now yung sobrang low point ng buhay na halos wala kami panggastos dahil ang sahod ko napupunta sa kakabayad sa mga loans na di ko nagamit personally...kaya ngayon, mula sa nagpapautang dati, naging mangungutang na din ako, panggastos namin, pambayad sa bills, at minsan pag nagkasakit mga anak ko at need ng gamot tulad this past two weeks sunod sunod nagkasakit tatlo kong anak, currently 30 weeks pregnant pa ako...ni wala pa nga ako nabili gamit halos para sa bagong baby ko samantalang dati, 5months pa lang ang tyan ko sa mga anak ko complete na gamit...

nararananasan ko now yung tanggihan kasi feeling nila mismanaged ko lang yung sahod ko, feeling nila ipambibili ko lang, naranasan ko na masabihan na di sila nagpapahiram kasi nga baka masira ang friendship..pero sa mga inutangan ko naman na nagpautang sakin, kilala nila ako magaling ako magbayad. Pag sinabi kong akinse ng buwan na to, akinse talaga bibigay ko by hook or by crook...

"The LORD is my rock, my fortress and my deliverer; my God is my rock, in whom I take refuge. He is my shield and the horn of my salvation, my stronghold."
                                     -Psalm 18:2

Valkerie

  • Junior GirlTalker
  • ***
  • Posts: 216
Re: Paano Tatanggi Sa Mga Mahilig Umutang/Nangungutang?
« Reply #194 on: January 29, 2020, 08:37:21 am »
tandaan ko to mga sis. thanks

hirap talaga magpautang lalo na pagmagkakilala

#FriendshipOver

hahaha ;D

twelvth_goddess

  • A certified ZOE-holic and a true blue
  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 7400
Re: Paano Tatanggi Sa Mga Mahilig Umutang/Nangungutang?
« Reply #195 on: April 09, 2020, 04:45:25 pm »
Nibo-block ko lang sila. Finished. 😄
Whatever I want, I get. If I can't, I don't stop TRYING.

nikkapacheco

  • Newbie
  • *
  • Posts: 10
Re: Paano Tatanggi Sa Mga Mahilig Umutang/Nangungutang?
« Reply #196 on: April 22, 2020, 06:30:07 pm »
Kapag paulit ulit naman at hindi marunong magbayad e tanggihan mo din. Sabihin mo nlang kailangan mo din ng pera para sa mga anak mo. Madali lang tumanggi ang mahirap lang yung sumama loob nila sayo,.

eeyanross

  • GirlTalker
  • **
  • Posts: 46
Re: Paano Tatanggi Sa Mga Mahilig Umutang/Nangungutang?
« Reply #197 on: May 24, 2020, 11:50:22 pm »
"Wala akong pera" .. which is true naman kasi nka budget sweldo ko up to last centavo, kaya wala talagang naiiwan para ipautang.

xtine

  • Certified Jetsetter
  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 1518
  • I live to travel..
Re: Paano Tatanggi Sa Mga Mahilig Umutang/Nangungutang?
« Reply #198 on: May 25, 2020, 04:43:28 pm »
Kung naawa ako, for example asking for 10k, i just give 1k kahit wag na nya ako bayaran.  I just tell them wala ako pera and i can only give you this, wag mo na bayaran.  This is to stop myself from expecting that they will pay me and at the same time, donation ko na lang sha.  At least I was able to help.

 

Latest Stories

Load More Stories
Close