Author Topic: Vaginal Discharge and Infections  (Read 25151 times)

wildestdreams

  • Probationary
  • Posts: 2
Vaginal Discharge and Infections
« on: July 15, 2017, 06:14:48 pm »
Good day! Newbie here! Gustong-gusto ko lang talaga malaman kung meron ba sa inyo ditong nagpa-PAP smear and merong coccobacilli sa results, at kung pano niyo ginamot yun.

Ganito kasi. Ikukuwento ko sa inyo lahat. Sobrang haba nito, pero I hope you'd take time to read.

I had a new partner and nag-sex kami like around 3 days before my period. Wala naman akong weird na naramdaman nun, except masakit nung una. Pero gets ko naman kasi matagal na rin since nung last ko. Right after ng period ko, nagdo ulit kami. That time, medyo masakit sya the whole time. Pero sa isip ko siguro kasi hindi ako masyadong turned on kaya kulang yung lubrication eh medyo hardcore pa naman yung partner ko. One day after, it was Tuesday, I started feeling this abdominal pain which kind of resembled menstrual cramps, pero di sya ganun kasakit. Annoying lang. Naisip ko baka kasi ang dami kong nainom na bottled juice at kape nung araw na yun kaya ako nagkaganon kinagabihan. Nagpatuloy yung ganun buong araw kinabukasan, pero nung sumunod na araw nawala rin naman. Nung mga sumunod na araw, iba na yung naramdaman ko. Dumami yung vaginal discharge ko and nagkaamoy sya. Like, kahit nakaupo lang ako, naaamoy ko pa rin sya. Hindi sya mabaho, like repulsive smell. Pero weird, hindi naman ganun yung amoy ko dati eh. Actually, wala talaga akong naaamoy before that.

Sabi ng friend ko na bago lang nagka-UTI, nangamoy din daw sya down there nung before sya nadiagnose, pero wala yung sakit pag umiihi. Kaya nagulat na lang daw sya nung nagpa-check up for a medical certificate, sabi ng doctor na may UTI daw sya. So nagpacheckup na ako nun, Friday, kasi baka UTI. Pero sa isip ko, parang hindi talaga kasi yung discharge ko nag-iba eh, naging mas yellowish pa sya tapos kumati rin yung opening ng vagina ko. Kahit katatapos ko lang maligo at maghugas, makati tapos may discharge na ako agad. Nagstart ako mag-betadine fem wash nun. Nawala yung kati after 2 days, pero yung discharge, ganun pa rin. Nung lumabas urinalysis ko, sabi ng doctor uminom daw ako ng maraming tubig pero walang niresetang gamot, tapos bumalik daw ako after one week para mag-urinalysis ulit. Di na ako bumalik.  :D Nagpunta na ako sa gynecologist.

Sinabi ko sa gyno yung changes sa discharge and amoy ko down there. Tinakot pa niya ako, baka raw STI. She performed PAP smear on me and after a week, lumabas may bacterial infection nga ako. Hindi naman sya STI, thanks God! "Coccobacilli consistent with shift in vaginal flora" yung may checkmark sa lab results. Niresetahan niya ako ng Doxin na 100mg, 2x/day for 7 days. Tapos pinapabalik niya ako one week after ko matapos yung medication. Nagka-period ako while taking the antibiotic. I was hopeful na gagaling na ako, pero after ng period and ng medication, ganun pa rin yung hitsura at amoy ng discharge ko. Although may improvements naman, di na ganun kadami and kastrong yung amoy. Nagiging strong lang sya lalo na pag pinagpawisan ako sa may butt part. Sobrang strong na kahit nakaupo or nakatayo ako, naaamoy ko sya. Nakakaconscious tuloy.

So yun, pagkabalik ko, nag PAP smear ulit and yung lumabas sa results, normal naman na. Wala na akong infection, pero nakalagay sa remarks na "flora consists of coccobacilli". Mga 2 weeks bago ako bumalik sa gyno ko, kasi nainis ako sa kanya at nawalan ng tiwala. Nung bumalik kasi ako nung date na sinabi niya, nakalimutan niyang dalhin yung results ng PAP smear ko. Sabi iemail na lang daw niya kinagabihan, pero wala. Kinabukasan, nag-email ako sa kanya. Wala pa rin. Bumalik ako last last Monday, pero di ko sya inabutan so kinuha ko na lang yung results ko sa secretary niya. Nagpunta ako ng family medicine doctor na free kasi sa school lang namin. Sabi niya baka okay na kasi normal na raw yung results tsaka dumadami raw talaga yung discharge pag nagsimula na makipag-sex, pero hindi ako convinced so sabi niya magpa-second opinion ako sa may Quirino Memorial. Kaso ang haba pala ng pila dun. Bumalik na lang ako sa dati kong gyno kasi yun pinakaconvenient for me kahit may bayad.

Sabi ng gyno ko, okay na raw ako. Hindi ako convinced dahil nga after all those weeks, same pa rin yung consistency ng discharge ko since nung nagstart yung infection ko. May improvements pero feeling ko di pa rin ako okay. Ininsist niya na nagchichange talaga yung vaginal discharge depende sa cycle mo and sa kinakain mo, nangangamoy rin depende sa suot mo lalo na yung masisikip. Alam ko na yun lahat kasi ang dami ko ng nabasa sa internet. Sabi ko wala namang masyadong changes sa lifestyle ko eh, lalo na sa kinakain. Yung palagi ko lang kinakain before, ganun lang. Ayun sabi niya, obserbahan ko na lang sarili ko and bumalik ako after my next next period, that woudl be around eng of August.

Gusto ko malaman if anyone among you here had the same experiences as me, or anything close, at pano ba na-cure totally yung sa inyo? Naiistress na kasi talaga ako. Magtithree months na akong ganito eh.  :'( :'( :'( I had become very conscious about my thing down there. Naghuhugas na ako twice a day, and nagwawipe na rin ako w/ tissue every after ko umihi, from front to back of course, na hindi ko naman habit dati. Bumili ako ng bagong underwears, 100% combed cottom. Hindi na rin kami nag-sex ng partner ko, last na yung sa May before ako nagkainfection, kasi bawal pa nga, and thankfully, gets naman niya. I wonder kung normal na ito sa akin? Does vaginal discharge change din pag naging sexually active ka na? Mine is yellowish and creamy yung consistency, parang yung lotion na hindi thick. Hindi rin nag-iiba yung consistency niya throughout my cycle, napansin ko nitong last 2 months. Dati naman nagchichange eh, from creamy to parang egg white, tapos usually clear to white to slightly yellowish yung kulay. Pag natutuyo sya sa underwear ko, it becomes crusty and mas nagiging yellowish pa. Yung amoy niya, hind repulsive; nag-iinhale deeply nga ako pag inaamoy ko yung shorts ko and panties. Para lang syang maalat at minsan maasim at  medyo matamis yung amoy. Di ko alam kung ano talaga amoy ng sour milk, pero baka ganun? Nakaka-feel din ulit ako paminsan-minsan nung parang menstrual cramps, pero nawawala din naman sya agad. Nakakabother lang kasi feeling ko parang may namamaga sa loob, pero normal na yung PAP smear eh, so ano yun? Kahapon parang kumati sya pero parang for one secone lang, parang natusok lang ng buhok, alam niyo yun? HUHU. Ang dami-dami ko ng pinagsabihan at pinagtanungan tungkol dito sa problema ko, pero I have yet to find the answer and cure to my problems. I hope dito, makahanap ako. Please.  :(

patticruzx

  • Queen
  • Probationary
  • Posts: 3
  • Love is the movement,
Re: Vaginal Discharge and Infections
« Reply #1 on: July 24, 2017, 09:54:54 pm »
Try seeking another OB-GYNE's opinion about this, usually nagpapastart sila vaginal suppository na antifungal.

iluvescadasport

  • Senior GirlTalker
  • ****
  • Posts: 579
Re: Vaginal Discharge and Infections
« Reply #2 on: July 26, 2017, 10:04:22 pm »
I strongly suggest you consult another OB na willing to answer your questions. Try to research sa mga experience ng ibang tao din on the ob. May ako napuntahan, "magaling" according to those pregnany ladies pero experience ko ang sama talaga. Racist and nagmamadali pa. Priority kasi niya mga buntis. Ok lang sana, but she never allotted time to explain the answers to my questions. Bigay reseta tapos walk out the door. I found out after the consultation na madami palang negative reviews on her. Naghanap ako iba and naging ok results.

Only a qualified ob can help you professionally. We here can give our opinions, but at the end of the day yun ob talaga kailangan. Before going to one, take urinalysis ulit just in case. Hirap kasi yun pupunta ka tapos sasabihin magpaurinalysis ka ulit (sayang bayad hehe)

I hope you find a good ob that fits what you are looking for. Ako naka 4 or 5 tries ata bago nakahanap na okay
"Discouragement and failure are two of the surest stepping stones to success."  - Inspiring Women

cupcakejane

  • Junior GirlTalker
  • ***
  • Posts: 393
Re: Vaginal Discharge and Infections
« Reply #3 on: September 12, 2017, 01:44:56 am »
You can request for a urine culture testing just to be sure.  I heard yan dapat ang protocol before mag prescribe ng antibiotics to really pinpoint kung ano ang bacteria na meron ka.

jieunae

  • GirlTalker
  • **
  • Posts: 147
Re: Vaginal Discharge and Infections
« Reply #4 on: September 14, 2017, 11:10:47 am »
Ako sis ganyan ang diagnosis nun last pap smear ko. Bacterial Vaginosis sabi ng ob. Nireseta nya sa kin Neo penotran forte vaginal suppositories at kay bf ko Flagyl oral.

lordknight_aiz.18

  • I Could Not Ask For More..
  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 1475
  • Love God Above All
    • Skin Classics
Re: Vaginal Discharge and Infections
« Reply #5 on: September 15, 2017, 04:39:37 pm »
I had to use vaginal suppository before nung nagka infection ako. Yung discharge ko is greenish kaya medyo natakot ako. Nagamot naman pero now medyo bumalik siya. Lately, nag increase ang vaginal discharge ko.. pero di pa ko nagpapacheck up.. I just use HHN tea tree fem wash, tapos mukang nabawasan na ang disharge ko.. sana mag tuloy tuloy na maging normal na ulit..
Luke 12:15
"...even when a person has an abundance, his life does not result from the things he possesses.”

http://sophiemart

jaylyn14

  • Probationary
  • Posts: 1
Re: Vaginal Discharge and Infections
« Reply #6 on: January 13, 2018, 08:18:20 pm »
hi po .. same din po sakin .. yellowish yung discharge ko tapos di q talaga ma carry yung amoy .. tapos pag nag  s*x kami ng ka live in ko masakit pag pinasok na tapos pag tinanngal nya may mga white na something na lumalabas .. di [textspeak!] mkapag pa doctor kasi nga Im 2months preggy natatakot [textspeak!] para sa baby ko .

xsugar

  • Senior GirlTalker
  • ****
  • Posts: 673
  • Wife.Aspiring Blogger.GirlTalker.
Re: Vaginal Discharge and Infections
« Reply #7 on: January 15, 2018, 07:53:07 am »
^^ sis tell that to your OB para mabigyan ka ng vaginal suppository

keejac21

  • Senior GirlTalker
  • ****
  • Posts: 503
Re: Vaginal Discharge and Infections
« Reply #8 on: January 15, 2018, 02:03:51 pm »
It?s best talaga to have this checked by an OB Gyne. Magandang feminine wash yung Naflora (green).
I don't need easy. I just need possible.

iluvescadasport

  • Senior GirlTalker
  • ****
  • Posts: 579
Re: Vaginal Discharge and Infections
« Reply #9 on: January 15, 2018, 08:17:41 pm »
hi po .. same din po sakin .. yellowish yung discharge ko tapos di q talaga ma carry yung amoy .. tapos pag nag  s*x kami ng ka live in ko masakit pag pinasok na tapos pag tinanngal nya may mga white na something na lumalabas .. di [textspeak!] mkapag pa doctor kasi nga Im 2months preggy natatakot [textspeak!] para sa baby ko .


Best consult an OB. We here can also share our experiences. We aren't ob. Even if meron ob sa amin, he/she will still to see test results para masigurado yun diagnosis sayo. Lalo na pregnant ka, you can't just guess what your diagnosis is or do trial and error on what meds will work for you.
"Discouragement and failure are two of the surest stepping stones to success."  - Inspiring Women

jieunae

  • GirlTalker
  • **
  • Posts: 147
Re: Vaginal Discharge and Infections
« Reply #10 on: January 23, 2018, 02:01:32 pm »
hi po .. same din po sakin .. yellowish yung discharge ko tapos di q talaga ma carry yung amoy .. tapos pag nag  s*x kami ng ka live in ko masakit pag pinasok na tapos pag tinanngal nya may mga white na something na lumalabas .. di [textspeak!] mkapag pa doctor kasi nga Im 2months preggy natatakot [textspeak!] para sa baby ko .

May inflammation yan sa loob sis kaya masakit.  Un white na lumalabas could be yeast infection. Pero sabi mo di ma carry yun amoy so it could be combination ng YI at BV.  Magconsult ka sa ob para mabigyan ka ng vaginal insert which is safe kahit preggy.  Those 2 na binanggit ko is normal na pwede tayo magkaron within our cycles.  Ako kasi suspected ng ob ko is trichomoniasis which is sexually transmitted kaya pareho kami binigyan ng medication ni h2b ko.  Then abstain from s*x muna until you get to see your doctor and during and after your medication.  Make sure naclear na siya totally bago ulet kayo mags*x. 

Chacha22

  • Probationary
  • Posts: 1
Re: Vaginal Discharge and Infections
« Reply #11 on: June 03, 2018, 07:12:07 am »
Same din skin ngyon, 1 week after nkipg doo ako , nangati sya tas kinamot ko ng kinamot ngyon ngllbas na sya mg yellowish n my pgka green n discharge n di [textspeak!] mbho pro prng mtpng yung amoy prng zonrox gnon.   Mgppacheck ako sa ob pro sna mging ok na

pnbgz

  • Probationary
  • Posts: 2
Re: Vaginal Discharge and Infections
« Reply #12 on: July 14, 2018, 11:42:25 am »
Hello. Buti nahanap ko tong thread na to. I will share my experience too.

Last april 2018, i had sex with my boyfriend. Unprotected. First time ko un pero siya may mga partners na before. After days ng contact namin, nagkaroon ako ng itchiness, painful urination, parang nagka UTI ako. So pinainom ako ng tita ko na ob ng for UTI. Pero di ko naubos. A week after that, nagkaroon na ako ng discharge parang cottage cheese same sa yeast infection. Pinainom nya ako ng virlix for itchiness then fluconazole for the infection.

 So I thought okay na, after two months, nagkaroon ako ng discharge. Parang phlegm ang itsura yellowish na greenish, wala namang itchiness na kasama, nakakabother lang [textspeak!] discharge kasi nawewet ako down there. So i visited her clinic at chineck niya ako down there, sabi niya white naman daw sa loob, pero nag swab pa rin sya and pinalabtest namin, paglabas ng result ok naman daw may infection lang. Niresetahan niya ako ng cefuroxime 7 days twice a day. Ngayon naman, may itchiness na naman, mild lang and konting discharge.

Hindi ko na alam ano na to. Is it because of the antibiotics? Nag react lang ngayon or is it because hindi lang normal ang ph level ko down there? Nagpph care rin kasi ako so I stopped using it muna and will try to follow mga tips dito.

:(

cupcakejane

  • Junior GirlTalker
  • ***
  • Posts: 393
Re: Vaginal Discharge and Infections
« Reply #13 on: July 14, 2018, 10:06:49 pm »
I suggest getting culture apart from urinalysis para you know kung anong bacteria ang meron ka.  That way hindi pa balik balik yung infection.

Queserasera

  • GirlTalker
  • **
  • Posts: 60
Re: Vaginal Discharge and Infections
« Reply #14 on: July 27, 2018, 04:21:42 pm »
bakit minsan may amoy hehe

Lalalala15

  • Probationary
  • Posts: 1
Re: Vaginal Discharge and Infections
« Reply #15 on: August 06, 2018, 02:18:31 pm »
@wildestdreams take folic 400 sa gnc  pwede mo doblehin  pwede din ang D3 sa gnc. Pwede din uminom ng glass of water with baking soda . Sana makatulong

QueenAlonah

  • Probationary
  • Posts: 2
Re: Vaginal Discharge and Infections
« Reply #16 on: October 09, 2018, 10:29:43 am »
Ano po kaya nangyare sakin dati?? Nung nag aaral pa kasi ako ng college  nagkadischarge ako, nung una white na white sya pero walang amoy at pag natuyo naging yellowish.. tas netong april lang isang araw, biglang sumakit pag umihi ako, pabalik pabalik ako sa cr nun ihing ihi tas wala ako maiihi at makirot nun at nagkalagnat ako.. after ko naexperience yan nagbago ang discharge ko nagkaroon na ng foul odor.. malansa kasi

ano kaya to?? at antibiotics para dito?

ana mimi

  • Mahilig Magpaganda na
  • Senior GirlTalker
  • ****
  • Posts: 679
  • Queen of your Heart
Re: Vaginal Discharge and Infections
« Reply #17 on: October 12, 2018, 04:16:35 am »
Hi, niresetahan ako ng OB ko nun ng Neo penotran suppository for 7 days. Di ko siya natapos at 4 days lang nagawa ko dahil nagkaron ng issues with my partner and all. OK naman yung amoy ng vagina ko that time, wala daw amoy and all. That was last July 2018 lang.

Sabi rin ng OB ko, wag daw palahugas masyado ng mga feminine wash dahil yun daw nakakasira ng pH balance down there. Water lang daw talaga, hugas nang maigi ganon. Tapos pwede mag feminine wash mga 2x a week.

Super addict ko pa naman sa feminine wash like I own 4 kinds - betadine (during period and after magpa wax or shave) Gynepro (kapag itchy siya and usually pang second wash kase walang bula ito) Lactacyd Odor Block (bet ko to kase sabi ni BF mabango daw) and last is pH care cool wind (dahil gusto ko ng malamig na effect,eto din dala ko sa office).

Also, addict din ako sa pantyliner kase nakakatamad maglaba lagi ng panty. E gumamit daw ng cotton underwear kaya lang ang hirap e, di ako sanay na nakababad sa panty ko ng 9hrs yung panty na may discharge. So I'll try using yung soft tissue muna for now as pamalit sa pantyliner.

Ngayon parang andiyan nanaman yung smell. So babalik nanaman ako sa OB ko to have it checked.
"Life is short. Even if Patience is a Virtue, Time is still Gold."

bradshaw1993

  • Probationary
  • Posts: 1
Re: Vaginal Discharge and Infections
« Reply #18 on: November 10, 2018, 05:54:46 pm »
Hi! I've been reading an older thread about vag infections for months, everytime resetahan ako ng suppository and super helpful ng responses kahit 2011 pa sila hehe. But since this is the most updated threas, dito ko nalang i-share ang experience ko.

Recently may candida/yeast infection nanaman daw ako for the 2nd time, so my new OB prescribed Neo Penotran for 3-5 nights, until dumating yung papsmear results. The first one was wasted since pagopen ko cream sya. I didn't know then na kelangan pala i-ref muna, no one told me, not my OB or yung nagbenta sakin sa Mercury. Anyway I inserted my 1st supp last night. Di ko nasunod yung "pillow under the butt/something" kasi may overnight ako the whole weekend, so I'm not alone in the room. I've inserted other supps before and as usual, mga half to 3/4 lang ng middle finger ko ang napapasok ko. I think napapasok naman ang supp since nawala na ang infection noon, bumalik lang ngayon.

I inserted it last night at around 1am. Around 3:45am, I woke up kasi SOBRANG KATI AT HAPDI down under. Sobrang frustrated at irritated ko, plus naiihi ako, so nag-CR ako and naghugas ng maraming water. Pagtingin ko sa bowl, may mga parang white na bula, I think yun yung gamot. Now I'm not sure if nageffect na yung gamot before that, I hope so. Anyway after that sobrang hapdi at kati pa rin, akala ko di nako makakatulog.

The next day, no white discharge on my undies. Siguro dahil nawash na sya nung nagising ako ng madaling araw haha. In the earliest part of the day, may mga yellowish/greenish discharge, pero konti lang. I was expecting a lot of discharges, mga 1 spoon of cottage-cheese-like discharge (haha), pero hindi ganun. So far, naglessen naman ang itch, pero meron pa ring kati syempre.

I'm actually scared to insert my second supp tonight. Feeling ko magigising nanaman ako ng madaling araw and super agonizing nya nanaman.

kisheys

  • Probationary
  • Posts: 8
Re: Vaginal Discharge and Infections
« Reply #19 on: December 06, 2018, 08:34:27 pm »
Hi, I've also been reading the older thread on VD and Infections. I was diagnosed of Yeast Infection by my OB last week. Sobrang kumati ang V ko and may cottage cheese na discharge na yellowish na. Actually it started last October pa pero hindi ko pinansin, I thought yung home remedy of  drinking Yakult and using betadine fem wash will clear it na. Then I went to the states for a month and forgot about it since nawala yung itchiness and yung cheese like discharge. But it came back last week. She prescribed me Neo Penotran for 7 days am and pm and Fluoconazole 3x, 2 days apart. Since I have PCOS, she ordered me to test my FBS and Hba1C the following day. Result came out na elevated nga ang FBS ko (5.7 normal range, 6.2 yung sa akin) so I continued with my medications for YI plus Metformin. My 7 days of taking the meds ended last Tuesday. Was free from any Vaginal discharge yesterday until this afternoon when I exercised for the first time after 1 week (I tried exercising while using neo penotran, pero sobrang hapdi ng leak nya so I stopped exercising muna). While jogging kanina , I felt that my panty was wet so I know na merong discharge. When I got home, I checked the discharge and it was watery but yellowish in color. I messaged my OB because I got bothered. She told me to observe na lang muna basta no foul smell and wala naman syang foul smell. I hope you can share your experience with me if this is normal after taking the meds. Thank you!

LittleAnnie

  • Probationary
  • Posts: 2
Re: Vaginal Discharge and Infections
« Reply #20 on: January 13, 2020, 05:03:36 pm »
I know this is an old thread or topic, but I'm taking a chance. I am on the 5th day of using neo penotran forte. Yesterday and today, I noticed a slightly yellowish and watery discharge. Nothing heavy but I'm bothered. Prior to starting the medication, I didn't have this kind of discharge. I'm going back to my ob/gyn on Wednesday and I hope YI is already cleared then.

kdelrosario

  • Probationary
  • Posts: 2
Re: Vaginal Discharge and Infections
« Reply #21 on: August 07, 2020, 06:58:16 pm »
Hello po! I know medyo matagal na po itong thread na ito but i am searching for answers po kasi. I had post coital bleeding and went to an OB to seek for treatment. She then examined me and found out that na gasgas ang cervix ko and meron akong discharge. Hence the bleeding. She prescribed me trimic suppositories for 7 days (twice a day) then pagbalik ko po sa kanya, pinakita nya na may sugat padin ang cervix ko. Not satistifed, i consulted another OB then prescribed me oral meds. Doxycycline and Flagyl for 7days to be take twice a day din. Pagbalik ko po sa OB, still meron padin sugat ang cervix ko. Did anybody here experience the same? Sobrang napapraning na po ako though im still awaiting for the result of my pap smear. The ob also advised me to undergo colposcopy which is im super scared po. :(

 

Latest Stories

Load More Stories
Close