Author Topic: nababaliw na ba ko?help ;(  (Read 5441 times)

iam.Arianna

  • GirlTalker
  • **
  • Posts: 94
  • I am a fighter.
nababaliw na ba ko?help ;(
« on: September 28, 2015, 02:34:12 pm »
parang awa nyo na, kelangan ko kayo Girltalk... ;( i-shoshortcut ko nalang lahat. im 24 yrs old, may tatlong anak, yung eldest ko na 7rs old boy wala sa poder ko nasa nanay ko at wala na kameng contact sa tatay nya,anak ko sya sa pagkadalaga.. yung 2nd child ko is 2yrs old babae sya, at bunso is 1yr old babae din, kasal kame ng dad ng 2nd at 3rd child ko. battered wife ako maski noong wala pa kame anak.. simula 2010 magka live in na kame walang buwan, linggo na hindi ako sinaktan physically.. in shirt, bayolenteng tao ang nakasama ko sa buhay as in napaka sama nyang tao, wala akong magawa bakit hndi ako maka alis alis sakanya. palubog na ko ng palubog, wala akong pamilyang masandalan pero buhay pa magulang at mga kapatid ko. hindi na ko makapag work dahil may bukol ako sa leeg na naniniwala akong lumaki ang bukol sa leeg ko dahil din sakanya sa sobrang depressed ko. lahat ng masasakit na salita araw araw ko natatanggap dahil wala akong pera, dalawang anak namin inaalagaan ko at para akong alipin sa bahay na toh.. ;( awang awa na ko sa sarili ko, ang layo layo ko na simula nung bago maging kame.. kapag binubugbog nya ko para syang dimonyo, sinasapian, walang awa.. lahat ginawa ko pero wala pa din. hindi kase ako makapag bigay ng pera sa bahay na toh.. panu ko gagawin yun hindi ako makapagtrabaho at hindi naman ako anak mayaman... madasalin naman akong tao at lahat ng problema ko si Lord lang ang nakakausap ko at kayong mga ka-GT ko.

hindi nya matanggap tanggap ang anak ko sa una kaya ayun kawawa ang bata, hindi ko masuportahan simula nang hindi na ko makabalik sa work ko.... ayaw nya nakikita anak ko. [textspeak!] ba gagawin ko, parang lahat na ata ng kamalasan sa buhay nasa akin na.. ang panget panget ko na ngayon, hindi na ko nakikilala ng mga tao.. iba na daw ako. nakakaawa daw ako sa nakasama ko.... ;( araw araw napapansin ko nagsasalita nalang ako mag isa at kusang umiiyak.. kapag nababaliw ako minsan nassktan ko pa mga bata.. nadadamay sila hindi ko nakokontrol sarili ko lage akong sumisigaw kapag pumapasok sa isip ko mga pananakit nya.. pera nalang ba talaga?? bakit ako pa kase ang nagkasakit ng ganito? bakit hindi nalang [textspeak!] mga tambay at adik jan sa kanto namen. ;(gusto ko ipagamot sarili ko, wala akong kapera pera.. for operation na daw ang goiter ko kaso wala.. para akong tuta sunud sunuran sakanya. sya ang hari at ako alipin.. di po ako nag seself-pity dito sa post ko, eto po talaga nangyayare sakin. masyado na kong mahina.. iyak lage, kinakausap sarili, sinisisi ko na nga minsan ang Dyos kahit alam kong mali sa sobrang hirap.... hindi ko na alam paano ang ngumiti o tumawa..

iam.Arianna

  • GirlTalker
  • **
  • Posts: 94
  • I am a fighter.
Re: nababaliw na ba ko?help ;(
« Reply #1 on: September 28, 2015, 02:46:08 pm »
Continuation,

Ang malala pa, maski noon hanggang ngayon lage ko na gusto magpakamatay kaso pag nakikita ko mga anak ko hindi natutuloy.. or baka sya nalang ang mapatay ko? minsan pag tulog sya kumukuha ako ng kutsilyo, gusto ko sya saksakin. pero nilalabanan ko yung nasa utak ko. sabe ko, hanep gumagana pa rin pala talino ko. simula elementary hanggang college, honor student ako. sa mga work ko lage akong tanggap at sa mga company na maaayos ako nakaag work noon, mga kilalang company. pero ngayon, kung maliitin nya ko sobra. ako daw ang pinaka bobong tao at pinaka mahirap na tao sa nakilala nya. baka tanungin nyo po kung bakit sya nananakit? mainitin ulo nya, lalo na kapag may galit sya sa isang tao or may nangyareng hindi nya nagustuhan pro hindi [textspeak!] ako involve, naku yari na ko ako na naman pagbubuntungan nya pero gagawen nya hahanapan nya muna ako ng mali para maaway nya ko. wala ng love, trust at respect sa relasyon na ito. alam ko yun maski noon pa. ako daw ang malas sa buhay nya noon pa.. pero alam naman ng lahat ng tao sa paligid nya na simula nang nakasama nya ko eh naging maganda ang buhay nya.. kelan ba mapapagod manakit? kelan ba magsasawa sa kakabugbog?? lahat na ata ng klase ng bugbog naranasan ko na sa bayolenteng taong 2.. pala-mura din sya kaya nga parang nahawa na rin ako. palasigaw.. at kapag nakakainom at nalaseng patay na, siraulo na naman sya. good side lang nya, responsible na father sya sa dalawang anak namen. kinasal pala kame nung July 22 lang sa huwes lang at hindi un planado. biglaan lang po yun.. parang ayaw pa nga nya eh, need lang namin gawen yun dahil sa work nya. pagod na ko.. stress na stress na ko. 

books_mags

  • GirlTalker
  • **
  • Posts: 197
Re: nababaliw na ba ko?help ;(
« Reply #2 on: September 28, 2015, 03:17:35 pm »
question lang before i give inputs...
1) bakit hindi mo siya iwan?
2) bakit hindi ka bumalik sa parents mo?
3) nag try ka na ba humingi tulong para sa sakit mo?  yung paglaki kasi ng leeg, d na yata bumabalik sa normal yan kahit maoperahan.

Obachan

  • GirlTalker
  • **
  • Posts: 134
    • http://b1.lilypie.com/jN6xp8.png
Re: nababaliw na ba ko?help ;(
« Reply #3 on: September 28, 2015, 04:58:08 pm »
"simula elementary hanggang college, honor student ako. sa mga work ko lage akong tanggap at sa mga company na maaayos ako nakaag work noon, mga kilalang company."

sis yan ang sabi mo.
so I pressume matalino ka.
bakit hindi mo nakikita ang tama sa mali?

you have all the options para iwan mo husband mo?
pero bakit hindi mo iwan?

keep on praying sis not for your husband but for yourself first.

barbillie

  • Senior GirlTalker
  • ****
  • Posts: 794
Re: nababaliw na ba ko?help ;(
« Reply #4 on: September 28, 2015, 05:51:02 pm »
Dear TS,

1. Hindi ka ba natatanggap sa work dahil sa sakit mo? May mga companies na wine-waive ang health benefit pag if known conditions, e.g. high blood, diabetes. I assume may natapos ka, bakit hindi mo itry maghanap ng work na may ganitong mga employment conditions.

2. Magpagamot ka. Maraming mga institutions na tumutulong sa mga cases na tulad mo. Marami akong kilala na tinyaga ang pagpila sa PCSO para makakuha ng charity/donation.

3. Kung gusto mo talaga makawala, pwede mo naman ireport ang asawa mo. Kahit kelan, hindi naging tama ang pananakit. Sabi ko sa husband ko dati, oras na saktan nya ko, hihiwalayan ko talaga sya. tatangayin ko lahat. isusumbong ko sya sa parents nya, basta lahat-lahat.
Creativity is intelligence having fun.

j.adore

  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 3084
Re: nababaliw na ba ko?help ;(
« Reply #5 on: September 28, 2015, 05:52:38 pm »
Live in pa lang binubugbog na tapos nagpakasal at ngayon 2 na ang anak..

Go to DSWD and file a case against your husband.
Leave your husband and bring your kids.
Go to your parents.

khaleesiCersei

  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 1442
Re: nababaliw na ba ko?help ;(
« Reply #6 on: September 28, 2015, 06:38:17 pm »
Get out now sis, kasi habang tumatagal ka sa ganyang situation, hindi lang buhay mo ang nasisira, pati buhay ng mga anak mo. Alam ko feeling mo ang hirap kasi pano? Pano ka magsisimula? San ka pupunta? Madami kang tanong na nagpapalala ng takot mo. Pero just try sis, subukan mo lang. Pumunta ka sa dswd at gabriela, pa blotter mo asawa mo. Humingi ka ng tulong sa pamilya at mga kaibigan. Sa sakit mo pede ka humingi ng tulong sa pcso at sa mga local officials. Madaming paraan sis. Umalis ka dyan sa bahay nyo dalhin mo mga anak mo. thats the first step.  then God and the universe will do the rest.

quinone

  • Senior GirlTalker
  • ****
  • Posts: 759
Re: nababaliw na ba ko?help ;(
« Reply #7 on: September 28, 2015, 09:11:12 pm »
since dito ka nagpost sa mind and spirit, medyo spiritual ang sagot ko sayo. first, huwag mo sisihin si God. madalas yung mga napapanood ko na documentaries about devil possession ay may history ng galit sa Diyos. you invite the devil into your life kapag ganyan ang mindset. sa trials natin sa buhay hindi kailangan laging magtanung kung bakit, instead we have to persevere.

most of the time, we create our own storms and make it even harder for ourselves kasi we do not acknowledge our sins and shortcomings. dapat we reflect on our wrongs at i-improve ang sarili. di ba may quote na, "no matter how far you've gone down the wrong road, you can always turn around"

magpray ka ng Divine Mercy Chaplet.http://www.xt3.com/wyd2016/library/view.php?id=16220&categoryId=56 sabi ni Jesus kay St. Faustina, "through this chaplet you will obtain everything, if what you ask for is compatible with My will."

mysterioza_me

  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 6253
Re: nababaliw na ba ko?help ;(
« Reply #8 on: September 29, 2015, 07:58:29 am »
Haist that is exactly the reason kung bakit kahit anong mangyari mas pipiliin ko maging career woman kesa maging plain housewife na umaasa lang sa asawa. Dami ganitong cases na halos mamatay na ang girl sa gulpi pero at the end of the day napapatawad asawa kasi iniisip na di nila kaya buhayin mga bata at sa pag-asa na magbabago din ang asawa nila. Tsk tsk.

Naiintindihan kita TS, hindi ka makaalis kasi alam mo na wala ka matatakbuhan kasi walang ibang maaasahan maliban sa asawa mo. Alam mo hindi ka pa nababaliw pero papunta ka na dun kung patuloy ka na magi-stick sa ganyang buhay. Bata ka pa pero dami mo ng pinagdadaanan. You have to think straight and make a plan. Di pwede na tanggapin mo lang pambubugbog at verbal abuse niya. Gusto mo ba na makalakihan ng mga bata yan? Hindi matatapos ang pananakit kung tatanggapin mo lang bawat banat niya. Titigil lang mambugbog mga yan pagmahina na at mamamatay na. The moment na gulpihin ka niya uli seek assistance from brgy people/women's desk, way mo na yun para makaalis sa poder niya then magdemand ka ng sustento. Ask na din if there's a temporary shelter na pwede ninyo matuluyan for the meantime. Ayusin mo buhay mo girl para sa mga anak. mo. Virtual hugs sis. Alam ko na nanghihina ka kaya humugot ka ng lakas sa mga anak mo. Gawin mo ang tama at ang dapat para sa kanila.

Read mo din to sis. It will give you an idea kung ano pwede mo gawin. May mga phone numbers na din ng mga offices na pwede mo mahingan ng tulong. I just hope na updated pa to.

http://aboutmyrecovery.com/domestic-violence-and-abuse-against-women/

http://www.mydailyrace.com/?p=384
If a girl understands your b******t, stick through your mistakes, smiles even when you've done nothing for her , it's obvious she's a keeper. But it's also obVious that you don't deserve her...

junetwentythree

  • San Franciscan at heart, Brooklynite in attitude, Manhattanite in mind
  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 2546
  • Hammie is our angel..she's watching us from heaven
Re: nababaliw na ba ko?help ;(
« Reply #9 on: September 29, 2015, 08:31:28 am »
^ This.

You have what's called Battered Woman Syndrome. You need to seek help. NOW. Call that number that's listed on the link posted above. NOW.

junetwentythree

  • San Franciscan at heart, Brooklynite in attitude, Manhattanite in mind
  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 2546
  • Hammie is our angel..she's watching us from heaven

khaleesiCersei

  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 1442
Re: nababaliw na ba ko?help ;(
« Reply #11 on: September 29, 2015, 03:51:10 pm »
Onga sis pede ka mag apply sa mga bpo/call centre companies. Alam ko hindi sila masyadong biased sa mga sakit tulad nung syo. Pede ka din mag work from home, internet at computer lang ang puhunan mo.

iam.Arianna

  • GirlTalker
  • **
  • Posts: 94
  • I am a fighter.
Re: nababaliw na ba ko?help ;(
« Reply #12 on: October 02, 2015, 01:20:00 pm »
Thank you po sa lahat ng nagreply.. grabehh nabuhayan ako ng loob sa lahat ng sinabe nyo.. :) Maraming salamat po talaga. Di ko kase alam bakit di ako makawala? Alam kong kaya ko naman,kaso pag may time na nagiging malambing at okay naman sya nawawala yung galit at poot ko sakanya. Minsan, okay naman sya. Minsan, hindi dahil madalas sakin nya ibinubuntong ang galit nya sa ibang tao.. or pag bwisit sya. Lage nyang sinasabe na wala nga daw akong kwenta dahil hindi ko daw sya matulungan financially.

Magpapagamot lang ako, at babalik sa work. Sana may tumanggap sakin at may mag-alaga sa mga anak ko pag nagwork ulit ako.. Lage ko talaga dinarasal na bigyan pa ko ng Panginoon ng mahabang buhay para maitama ko ang mga maling desisyon sa buhay ko.

Pero, kaya pala ko nagpost dito sa Mind and Spirit.. kase iniisip ko din minsan, KARMA ko ba talaga ito? or totoo ba talaga ang Bad Karma? Di ko kase nabanggit sa story ko na dati po akong "playgirl".. :( Nung dalaga pa ko nun, pasaway akong anak, at masyado matigas ulo ko. Madame na ko nasaktan na lalaki noon. Madalas ko sila pagsabay sabayin. Lalo nung highschool hanggang college. :( Ewan ko ba bakit ang sama sama ko nun. Isip bata talaga ako non, pero maayos naman ako sa studies ko di ko pinabayaan. Yun nga lang maloko ako sa lovelife noon. Madame ako naging BF na matino at mabait kaso niloko ko lang. Kaya ng siguro ganito ang nangyare sakin. :( Lage ako nahingi ng tawad sa mga nagawa ko noon. Or iniisip ko baka may sumumpa sakin?

simang

  • Acts like a lady, thinks like a man.
  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 5861
Re: nababaliw na ba ko?help ;(
« Reply #13 on: October 02, 2015, 02:08:06 pm »
Kung naniniwala ka sa karma, then dapat maniwala ka rin na it's never too late to reverse it. Ang problem kasi is kung ano yung nasa isip natin, for us that's our truth. So kung pakiramdam mo na this is what you deserve dahil sa mga maling nagawa mo noon, then yun ang paniniwalaan mo. Ang mahirap dyan is if you believe that, then you might feel na kahit anong gawin mo, eh yan at yan ang mangyayari sayo kasi yan ang karma mo. As I said, it's never too late to reverse your karma. You can still do something. As most of them here said, start to secure your children's safety. Medyo nakakatakot kasi na baka mamaya pati mga anak nyo ay mapagbuhatan nya na din ng kamay. Pangalawa, work on yourself. It will be hard to start over, to bring back your confidence, or at least have faith na you can bring it back. Magsimula ka sa pag aayos ng sarili. If you husband is working, then I'm assuming there are times of the day na hindi mo sya kasama. Focus on yourself and your kids. I believe you need to move out pero kung hindi pa kaya right now (ie walang kapera pera at all, walang help from other people), at least make a plan kung pano mo ka makakahiwalay sa kanya. Ang hirap kasi nyan you got married pa, it made things even more complicated
...all adventurous women do.

iwannabeasupermodel

  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 2818
  • #cantbuyclass
Re: nababaliw na ba ko?help ;(
« Reply #14 on: October 02, 2015, 03:50:45 pm »
To add sis, i think part of your "craziness" is because baka hyperthyroid ka. Sana makapagpatingin ka kahit sa mga government hospitals. :)
I know women - and none of us are that nice

tomatostellar

  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 2196
Re: nababaliw na ba ko?help ;(
« Reply #15 on: October 18, 2015, 03:29:34 am »
TS, I pray na mahanap mo na ang courage para makapag first step in seeking help.

henrysaiman321

  • Probationary
  • Posts: 1
Re: nababaliw na ba ko?help ;(
« Reply #16 on: September 09, 2020, 01:43:50 pm »
Very informative post, your post unique. Thanks for sharing.....
office.com/setup | norton.com/setup

Kiara027

  • Ingeniero | Sagitario | Buey
  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 1033
  • I don't get mad. I get even. :D
Re: nababaliw na ba ko?help ;(
« Reply #17 on: September 09, 2020, 02:52:27 pm »
kala ko ma update spam lang pala!!!!!

MODS, grabe na mga user na ganito, sana naman pini filter nyo.
i am for everybody yet i am for none. nobody owns me neither i own one...

TomHansen

  • It's going to be legen..
  • Senior GirlTalker
  • ****
  • Posts: 997
  • Wait for it..
    • .. dary
Re: nababaliw na ba ko?help ;(
« Reply #18 on: September 09, 2020, 03:18:57 pm »
^ magrereply na nga sana ako after ko basahin lahat pagtingin ko sa date 2015 pa pala. :D


Sana nakawala ka na sa asawa at maayos na buhay mo ts.
Attraversiamo..

Kiara027

  • Ingeniero | Sagitario | Buey
  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 1033
  • I don't get mad. I get even. :D
Re: nababaliw na ba ko?help ;(
« Reply #19 on: September 09, 2020, 03:25:19 pm »
^ late na yung advice mo, sana andito pa si TS. ahahaha

mag aadvice din sana ko eh, lintik na mga spammers to.
i am for everybody yet i am for none. nobody owns me neither i own one...

 

Latest Stories

Load More Stories
Close