Author Topic: Do you give alms to beggars?  (Read 19258 times)

tischarmedlife

  • Super Mommy
  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 1350
  • a warrior and a survivor
    • TisCharmedLife
Re: Do you give alms to beggars?
« Reply #20 on: April 25, 2015, 12:11:11 am »
minsan oo kase sobrang naawa ako lalo na pag bata na ka-edad ng anak ko yun nakikita ko. pero most of the time, food ang binibigay ko at hindi pera. sa matatanda na namamalimos naman, mas naaawa ako pag lalake (ewan ko ba bakit) lalo kung may disability din.  :-\
"I think, therefore I am"

http://tischarmedlife.wordpress.com/

heartfortress

  • GirlTalker
  • **
  • Posts: 157
Re: Do you give alms to beggars?
« Reply #21 on: April 25, 2015, 10:25:28 am »
May nakaencounter na din ba sa inyo ng ganito? Sa park an ride lawton nung student pa ko, May mag asawang may kalong na baby tapos manghihingi ng pera sa mga dumadaang tao. Kakausapin ka kasi tapos sasabihin na kelangan nila ng pamasahe pauwing probinsya. pag nakita mo sila maaawa ka dahil sa baby kasi less than a year old pa lang ata yun. Syempre ako nung time na yun nagbigay ako money pandagdag pamasahe sana nila. Tapos kinabukasan nagulat ako kasi andun pa din sila  pero di na ko nagbigay. Hanggang sa mga sumunod na araw andun pa din sila. Sana maghanap na lang ng trabaho yung mag asawa hindi yung isasama pa nila yung baby para makapanloko ng tao, syempre mainitan at makalanghap ng usok ng mga bus yung baby nakakaawa talaga. Minsan tuloy hindi mo na masabi kung sino talaga ang may kelangan ng tulong sa hindi.

Angelite

  • Junior GirlTalker
  • ***
  • Posts: 321
Re: Do you give alms to beggars?
« Reply #22 on: April 25, 2015, 01:02:51 pm »
Yes, nagbibigay ako. Sometimes pera; sometimes food. Pero pag mukhang malakas naman pero tamad lang hindi ako nagbibigay.

artegirl

  • Junior GirlTalker
  • ***
  • Posts: 453
    • My Online Shopper
Re: Do you give alms to beggars?
« Reply #23 on: April 25, 2015, 02:05:08 pm »
as much as possible, I don't give alms to beggars.  instead I support charities. 

Pero the other day, I just can't help it.  I was waiting for my turn sa Maxicare in MMC, tapos there's this lady asking for help to settle the medical bill of her 6 y.o child.  dala nya yung mga hospital bills.  It is a small amount lang to most people.  ayun, hindi ko natiis.  napabigay ako.  naisip ko, I would rather lose the money if nanloloka sya, kesa naman hindi ako nag attempt tumulong.  sana lang na isip ko agad na samahan na lang sya sa cashier to settle the bill para sigurado.  naunahan kasi ako ng awa eh

j.adore

  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 3084
Re: Do you give alms to beggars?
« Reply #24 on: April 25, 2015, 02:38:51 pm »
That's a style meron ilang years na beggar sa busy street at ang story ay pamasahe pauwi. Yun daw nakakabuhay sa pamilya niya.

simpleemie

  • Junior GirlTalker
  • ***
  • Posts: 288
Re: Do you give alms to beggars?
« Reply #25 on: April 25, 2015, 09:16:54 pm »
I give food sa mga matatanda, kung saktong may dala ko or may mabibilhan sa tabi tabi. Madali ako maawa sa matanda. I grew up kase na kasama lola ko. It's killing me to see old people sa street.

cutemama

  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 1163
Re: Do you give alms to beggars?
« Reply #26 on: April 25, 2015, 10:52:46 pm »
Nung dalaga pa ko lagi ako nagbibigay lalo na sa matatanda.. Pero nung nakilala ko si hubby pinipigilan na niya ko magbigay kasi tinuturuan ko lang daw silang maging tamad.. Kaya minsan nagbibigay na lang ako sa mga nakakaawa talaga na matanda..

Nung nagkababy na ko sobrang naaawa na ko sa mga pulubing bata lalo na pag may mga baby. Grabe sobrang heartbreaking talaga..lalo na pag dumadaan kami sa blumentritt tapos traffic pa. Sabi ni hubby wag ko na lang daw kasi tingnan..

Naalala ko nung college ako nasa jeep kami tapos may nanlimos na "pipi". ..may dala siyang papel na nakasulat na pipi daw siya and pahingi daw konting tulong ..tapos may nagbigay na piso, grabe nagalit siya.. Tapos binalik niya yung piso. Kaya parang naturn off na yung ibang pasahero. Wala nagbigay sa kanya. Kasi imbes na maawa ka maiinis ka eh.
And one time din nasa loob kami ng car ni hunby tapos may kumatok na badjao hindi namin binuksan yung window kasi takot kami.. Hindi na lang namin pinansin.. Aba nagalit din.. Pinukpok ng malakas ng kamay niya yung salamin.

floreyes

  • Newbie
  • *
  • Posts: 14
Re: Do you give alms to beggars?
« Reply #27 on: April 26, 2015, 02:21:38 pm »
Ofcourse I would love to. Especially to the oldest. Sobrang nakakaawa sila. I hate when I saw them besides the street walking by their own with no one else is willing to help. They can't provide food to eat so much better to help them than to use your money to buy drinks all night. God bless them all!

Queen Chokolah

  • An inquisitive
  • Junior GirlTalker
  • ***
  • Posts: 405
  • A woman with terrible mood swings!
Re: Do you give alms to beggars?
« Reply #28 on: April 29, 2015, 10:12:54 am »
Yeah. Modus lang talaga yung pamasahe pamasahe. Dami ko nakikita nyan. Tutulong ako kung sa tutulong pero ayoko sa lahat ay yung nanloloko at nagte-take advantage. Lalo na yung mga middle aged na may kakayahan naman mag trabaho. Meron kaming nakasalubong dati ni hubby. Lalake, mga nasa 20+ me dalang envelope pa. Nanghihingi ng pamasahe di daw sya makauwi naghahanap daw sya ng trabaho. Aba di ko nga binigyan. Alam mo palang maghahanap ka ng trabaho di ka nag prepare ng pamasahe mo pauwi. Tapos kinabukasan andun ulit sya badtrip lang. Yung mga nanghihingi kasi ng pamasahe yun pa ang mga choosy. "kahit bente lang". wow. Nagbigay ako isang beses nun pero di ko na inulit.

Naalala ko pala. Nung college, vinisit ko ex ko (bf that time), tapos nung pauwi ako, inapproach ako nung ale, may dala syang baby. Ayun nanghihingi ng pamasahe or something. Basta, and gullible as I am, sobrang naawa ako at binigay ko LAHAT ng pera ko. Voluntary ko binigay yun ha, di ako na hypnotize or something like that. Tapos kinuha nya number ko, para mapalitan nya daw yung pera pag nakauwi na sila. So binigay ko. Ending, di ako maka uwi kasi wala akong pera eh malapit na last trip nun. Sinundo na lang ako ng ex ko at dun pinatulog sa kanila tapos binigyan nya ko pera kinabukasan (lol). Anyway, nung gabing yun, aba yung ale, kapal ng mukha tinext ako. Akala ko naman magpapasalamat. Nanghihingi na naman pala. PALOADAN KO DAW SYA, 30 pesos lang. EMERGENCY. Napa mura talaga ko nun bwisit na bwisit ako, ginawa pa kong t**** dahil maawain ako. Kakainit ng ulo
Don't ever mistake my silence for ignorance, my calmness for acceptance or my kindness for weakness.

heartfortress

  • GirlTalker
  • **
  • Posts: 157
Re: Do you give alms to beggars?
« Reply #29 on: April 29, 2015, 11:54:13 am »
I don't know kung pasok pa to sa topic pero share ko na din. Meron pala kong ginawang ka engotan nung college pa ko. Di ko talaga to malimutan. Papasok ako at naka nursing uniform, may ale na lumapit saken may sasabihin daw sya.
Ka-engotan #1: sumama naman ako, naalala ko sa dunkin donut store pa nga yun.
Ka-engotan #2: naniwala naman ako sa mga sinabi nya. Sabi nya nurse daw sya and it caught my attention. Kelangan nya daw ng pera pamasahe, taga bulacan daw sya. Utang naman daw yung hihiramin nyang pera at ibabalik din nya saken kaya kinuha nya cp number ko, at ibinigay ko naman. Papasalubungan nya din daw ako chicharon.
Ka-engotan #3: binigyan ko naman ng pera! Yung pambili ko ng book that time yun ang ibinigay ko.
 Tapos narealize ko lang na sobrang mali ng ginawa ko nung nasa classroom na ko at iniisip ko pano ko mabibili yung book. Ewan ko ba kung nahypnotized ako o ano. Di ko talaga kinwento sa iba yun kasi nakakahiya na naloko ako. Sabi nga learn from your mistakes. O well lesson learned na din na pag may lumapit na ibang tao wag mo na ientertain layo ka na lang agad.

red_yesha

  • Senior GirlTalker
  • ****
  • Posts: 833
Re: Do you give alms to beggars?
« Reply #30 on: April 29, 2015, 12:38:49 pm »
depende, kapag may biscuit ako sa bag ko at naawa ako nagbibigay naman ako.
Hindi ako madalas magbigay, hindi kasi maganda ang naranasan ko dati.
Una:nung nasa jeep ako may sumakay na pulubeng babae may bitbit na bata.namalimos sya at isa lang ang nagbigay sakanya, aba nung pagbaba nya ng jeep sinigawan nya kami tapos sabe nya "Mga P.Ina kayo!! mamatay na kayong lahat!"
aba umaattitude si ate.hahaha!

Pangalawa:May teenager na pulube sinundan ako at namalimos, dineadma ko muka kasing rugbyboy..Aba naman! nanghawak ng puwet! bwiset!!!
If you compare yourself with others, you may become vain and bitter;
for always there will be greater and lesser persons than yourself. :)

Ahim de Famille

  • GirlTalker
  • **
  • Posts: 90
  • Smile! Smile!
Re: Do you give alms to beggars?
« Reply #31 on: May 02, 2015, 07:28:15 pm »
sa mga matatanda nagbibigay ako. nakakaawa kasi sila. Pero sa mga bata pa di ako nagbibigay. malakas pa kasi sila, kaya pang mabuhay yan at humanap ng trabaho. Ang dami nga modus na ganyan. naexperience ko na nga yung nanghihingi sa akin ng limos yung pilay na medyo may edad na at may saklay. nagdrama pa sa harap ko at halos umiyak na. binigyan ko naman ng pera after nun umalis na sya sa harapan ko. Maya't maya dumaan sa harap ko nakakalakad na at hindi na ginamit yung saklay nya tapos nakangiti pa. nakakainis diba?  ::)

nikki09

  • GirlTalker
  • **
  • Posts: 142
  • Live Fast - Die Young
Re: Do you give alms to beggars?
« Reply #32 on: May 04, 2015, 10:30:14 pm »
Nung start ng college days ko I used to give money pero ngayon hindi na. Ang dami dami na kasing modus and yung ibang nanlilimos mukha pang mas malakas katawan sa akin. Nakakaawa tignan lalo na pag may bata or super old pero kasi as years goes by makikita mo na sila't sila rin lang yung namamalimos escpecially if yun lagi ang area na dinadaanan mo so alam mo ng ginagawa nilang hanap buhay ang manloko ng tao.

What I do right now is to give food na lang. Kung may bitbit ako na drinks tapos may batang humingi basta marami pang laman binibigay ko na pero kung halos simot na siyempre di ko na inaabot. Same with food, kung may bitbit ako binibigyan ko sila or kung nasa turo turo ako kapag may lumapit binibilhan ko ng food and sabay kami kumakain. Mas kampante kasi ako sa ganun kesa magbigay ng pera na sasabihin nila pangkain nila pero hindi naman pala :)

leyjylle

  • GirlTalker
  • **
  • Posts: 46
Re: Do you give alms to beggars?
« Reply #33 on: May 20, 2015, 02:19:33 pm »
Depende.,kasi meron namang namamalimos na malakas naman cgro pangangatawan, why not magtrabaho sila di ba?? Kapag matanda na disabled/ or iyong may kasamang mga bata..I give naman...

iloveshimmer

  • GirlTalker
  • **
  • Posts: 88
Re: Do you give alms to beggars?
« Reply #34 on: May 20, 2015, 02:33:42 pm »
Nagbus kami last weekend along edsa. Then may nagsalitang teen girl sa harap. Humihingi ng tulong para sa kapatid nya. Then sabi wala daw syang papeles para ipakita samin kasi yung iba naman daw pinapagawa lang sa recto so bakit pa daw sya magpapakita. Nagulat kami kasi may pag-iyak sya. Dun ako parang naniwala hehe. Ayun, napabigay ako.

gudgurlgonewrong

  • GirlTalker
  • **
  • Posts: 40
Re: Do you give alms to beggars?
« Reply #35 on: June 05, 2015, 03:51:00 pm »
we live in a town na dinadayo ng pilgrims for the miraculous church. then one sunday while hubby and i were on our way to the market, may nakasalubong kaming ate girl na may kasamang pair ng beggars. yung typical na blind old man na may kasamang younger guide. sabi ni ate girl, "bilisan niyo! anong oras na?! may iba nang nakapwesto dun sa tinatayuan niyo!" galit na galit siya kasi aparently na-late ng dating yung tandem beggars. i feel sad na these people are being exploited by greedy people.

mebpa

  • GirlTalker
  • **
  • Posts: 198
Re: Do you give alms to beggars?
« Reply #36 on: June 06, 2015, 12:30:50 pm »
almost 10 year ago, sa Ortigas, meron nanghingi ng pang-pamasahe daw, may kasama pa bata, wala daw sila pamasahe. For someone who just started working, I was so naive then, so binigyan ko ng 100. Aba, after siguro a few weeks, ibang location but still in Ortigas, nadaanan ko nanaman sila. same line. I said, WALA!!!

Since then, kahit ano pa story nila hindi ako nagbibigay kahit piso.
« Last Edit: June 06, 2015, 12:37:32 pm by mebpa »
"If you can't handle me at my worst, then you don't deserve me at my best.”

snowberry

  • Junior GirlTalker
  • ***
  • Posts: 428
Re: Do you give alms to beggars?
« Reply #37 on: June 06, 2015, 07:25:54 pm »
Ito naman experience ko. Sa isang intersection along Quirino highway coming  from Nagtahan bridge , malapit sa intersection ng Osmena highway , on schooldays meron dung bata na naka uniform na nanghihingi ng limos para daw baon niya sa school.

First time na lumapit siya sa car ko , naawa ako at nagbigay . Then , one time I noticed na meron siyang sinesenyasan habang nakatayo siya at nag antay mag red ang stop light . I looked at the direction he is looking at and I saw a woman carying a baby. Siguro nanay nya at mukhang inuutusan talaga siya mamalimos. First day of school nung Monday andun na kaagad siya.

Naawa pa rin ako, pero hindi na ako nagbibigay kasi kung baga kakalakhan na niya talaga ang maling turo ng magulang na manghingi .

freelancer_babe

  • I'm a
  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 1248
    • The Lady Programmer
Re: Do you give alms to beggars?
« Reply #38 on: June 07, 2015, 04:13:15 pm »
My default response is No.

Yung iba patakbo lang ng sindikato. They use kids to beg for alms, pero hindi talaga sila ang nakikinabang ng pera. Watch ninyo ang Slumdog Millionaire - sa India yung movie pero may part doon na same rin ang situation sa Pinas.

Yung iba naman problema sa lipunan. Not necessarily mahirap sila, kasi may relatives sila na kahit papaano angat sa buhay. Pero dahil sa may sakit sila sa pag-iisip, depressed, addicted sa alcohol, drugs, atbp, kaya sila nagiging taong grasa. At nanghihingi na lang sila ng susunod nilang pang-inom, pandroga - at hindi para sa kakainin nila. At halos nakalimutan ko pang banggitin na yung iba tamad pa. Magbarker na nga lang, ayaw pa.

Sa Maynila, may mga iba na nabubuhay sa paghingi ng pera sa mga aircon na bus. Sasabihin nilang naghirap sila dahil sa kamag-anak nilang namatay at may dala pa silang photocopy ng death certificate ha. Napansin ko maraming namimigay sa bus! At doon pa sa jeep, maraming sumasakay na namimigay ng envelope, pero mas effective yung doon sa bus.
« Last Edit: June 07, 2015, 04:15:14 pm by freelancer_babe »
Catch a man a fish and you can sell it to him. Teach a man to fish and you ruin a wonderful business opportunity. (Karl Marx)

mebpa

  • GirlTalker
  • **
  • Posts: 198
Re: Do you give alms to beggars?
« Reply #39 on: June 07, 2015, 06:39:36 pm »
nakakainis sa mga beggars yun mga batang lalaki or binatilyo, pag wala nagbigay or barya lang binigay yun parang padabog kinukuha yun envelope, minsan masakit den yun pagkabanga ng kamay nila sa thighs.
"If you can't handle me at my worst, then you don't deserve me at my best.”

 

Latest Stories

Load More Stories
Close