Author Topic: Im Back and Better Person  (Read 1128 times)

janachen

  • Senior GirlTalker
  • ****
  • Posts: 981
Im Back and Better Person
« on: July 16, 2021, 10:31:51 pm »
Hi guys,
tagal kong nawala dito.

Sharing my journey. Grabe pinagdaanan ko kung ano nalang ang ginagawa, saan saan ko hinahanap ang sarili ko and happiness. Nagkaroon ako ng peace of mind kasi bumalik ako kay God.

Akala ko material na bagay ang bubuo sa akin hindi pala. :-) This summer I started to join sa isang Born Again online one 2 one.

Ang dami kong realization sa buhay. Alam ko na kung bakit may emptiness sa buhay ko.
At bago pala ako maging masaya kailangan kong magpatawad kasi all my life sobrang bitter ko sa tatay ko dahil iniwan kami, nagkaroon ako ng insecurities sa buhay.

Ang hirap ng journey, madaming temptation, Im praying na sana makayanan ko talaga lahat. ;)




TomHansen

  • It's going to be legen..
  • Senior GirlTalker
  • ****
  • Posts: 997
  • Wait for it..
    • .. dary
Re: Im Back and Better Person
« Reply #1 on: July 17, 2021, 02:30:21 pm »
Good for you sis, I know we have different views pagdating sa politics but still I'm glad you're back. And good for you na naging aware ka na may kulang at gumawa ka ng way para masagot yung kung ano bang hinahanap mo sa buhay. I know someone din na may online one on one di ko lang alam kung born again din siya and laki rin daw ng tulong sa kanya especially dahil pandemic.

Goodluck sa journey and welcome back! :)
Attraversiamo..

janachen

  • Senior GirlTalker
  • ****
  • Posts: 981
Re: Im Back and Better Person
« Reply #2 on: July 20, 2021, 10:50:46 am »
Thanks sis. Isa pa yan triggered ako masyado sa nababasa. ;-)

At medyo lilo nako , no more news na rin.. good vibes lang. Sobrang nawala lang talaga ako.

Totoo talaga anxiety, I was imagining to end my life pero nakayanan  ;)

Bridgette*

  • GirlTalker
  • **
  • Posts: 193
  • A LONE WOLF
Re: Im Back and Better Person
« Reply #3 on: July 26, 2021, 09:18:41 pm »
Hi Sizter, welcome back! God is good. He has better plans for you and I know pinahintulutan Nya lang yung mga nangyari sayo to draw you closer to Him and magbalik ka sa Kanya. Kaya nga sabi Nya, come unto Me all who are weary, and I, will give you rest. Born again Christian din ako and nata-touch talaga ako sa verse na yan. Umpisa pa lang yan sis pero I know for sure, you will never be the same again :)

janachen

  • Senior GirlTalker
  • ****
  • Posts: 981
Re: Im Back and Better Person
« Reply #4 on: July 27, 2021, 04:09:38 pm »
Thank you sis.. Super helpful ang mga leaders sa  Born Again, I am Catholic pero ang gusto ko  sa BA hindi ako pinipilit magbaptize at nirerespeto nila yun.  Pero planning ako pero need ko pang mapalalim talaga relationship kay God.

Grabe transformation na pinagdadaanan ko, noong nasa Chapter 1 and 2 gusto ko ng sumuko at tamarin pero parang may nagtutulak sa akin. Tapos pagka sinasabi kong ayaw ko na umattend sa one 2 one,  nakakabasa ako ng mga Psalm na parang para sa akin talaga.

At totoo pala talaga ang "bulong" ng good side at bad side.  Parang mas aware nako  na may something talaga sa paligid.

At grabe din dati di ako naniniwala yung sa Bible... Alam mong English sya, pero pagka wala pala sa puso mo na tanggapin, hindi mo maiintindihan. At yun ang nangyari sa akin ng mga ilang buwan. Ewan ko kung ako lang haha pero sa experience ko bumili ako ng Tagalog version at English version, as in hindi ko talaga maintindihan.. Pero recently lang, I prayed na sana bigyan ako ng wisdom na maintindihan ang binabasa ko... Ngayon naiintindihan ko na.

 

Latest Stories

Load More Stories
Close