fee matrix
Sa akin, malaki ang difference. I charge only about 1% of the padala as fee.
For example, may magpapadala ng 1000pesos.
Ang rate ni smart ay 5pesos for the 1st 1000pesos, and 2.50pesos for every 500pesos in excess of the initial 1000pesos.
Kapag, pinadala ko ang 1000pesos, babawasan ni smart ang smart padala wallet ko ng 1000pesos + 5pesos as fee.
Sisingilin ko ang client ng 1000pesos (padala) + 15pesos (fee).
Kumita ako ng 10pesos sa transaction na yan. Ang expense ko ay 5pesos lamang. Unlimited text ako to any network, kaya kahit i-forward ko ang confirmation text sa 50 cellphone number, walang additional na bawas sa akin.
To compare:
Cebuana for 1000pesos, fee is 50pesos
Mlhuillier for 1000pesos, fee is 45pesos
LBC padala for 1000pesos, fee is 60pesos
Palawan Express for 1000pesos, fee is 29pesos
Kung ako ang client, sa iyo na lang ako magpapadala kahit pa 20pesos ang singil mo for 1000pesos. Ikaw ang magset ng fee mo per padala range. Basta tandaan mo ang fee ni Smart. Kaya naman ng i-compute yan.
Kung magpapadala ka ng 1001, ang ibabawas sa iyo ni Smart ay 7.50pesos. 5pesos for the 1000pesos, and 2.50pesos for the 1peso in excess of the initial 1000pesos.
Ang singil ko for 1001 to 2000 ay 20pesos.
Encashment
Ikaw naman ang makakatanggap ng Smart Money credit to your wallet. Ito ay galing sa ibang Smart Money center.
Walang bawas sa Smart Money wallet ang receive or encashment. Pero, pwede ka pa rin magbigay ng fee sa client. Pareho lang ang singil ko sa Remittance (padala) at Encashment (receive).
Kapag may na receive akong 1000pesos sa Smart Money ko, alam ko na meron magpupunta sa bahay na kukuha ng 1000pesos.
Titignan ko lang kung pareho ng Reference number sa text ni client as sa text na nareceive ko from Smart. Kapag pareho, sya nga ang owner ng pera na iyon.
Ibibigay ko ang 1000pesos nya, at magbabayad sya sa akin ng 15pesos as fee.
Kita ako ng 15pesos.
Puhunan
Nagpuhunan ako ng 5000pesos noon para sa Smart Money wallet ko. Maliit lang.
Ang problema, kapag may nagpadala ng 5000pesos, ubos agad ang credits ko. Kaylangan ko ng pumunta sa BDO para i-deposit ang actual cash at ma-convert ito sa Smart Money credit.
Ngayon nasa 12K ang puhunan na pinapa-ikot ko. Meron rin nag-eencash. Mas gusto ko ang encash dahil magkakaroon ako ng Smart Money credit at di ko na kaylangan pumunta sa BDO. Wala rin akong expense. Buo ang kita.
Pero dahil malapit ako sa Industrial Zones, o lugar ng mga manufacturing company, mas marami talaga ang nagpapadala. Regular clients na sila. Asahan mo, pagdating ng sweldo, diretso sila sa bahay mo para magpadala ng pera sa kamag-anak nila.
Kaya kapag sweldo, 15k to 20k ang laman ng Smart Money credit ko. Ubos naman yan in 3days. Kaya cash na ulit ang hawak mo.
Ikot lang ng ikot ang pera.