What happened to the previous threads? Di ko na sila makita.
I can't believe this is happening to me now. I used to be a VERY responsible credit card holder. I always pay my due in full and on time, I only swipe what I can pay. And whenever I hear horror stories about credit cards, I just say in my mind, that that is because they do not know how to handle it.
Kaya ngayon sobrang disappointed ako sa sarili ko. When I still have one card (supplementary ako ng tita ko), wala akong problem. Nakakabayad ako lagi in full. Then nagkaron ako ng sariling credit card (RCBC, June 2014), okay din yun nababayaran ko. Then sunod sunod dumating. PNB, Citibank na dalawa, Metrobank, BPI, then pinagamit pa sakin ng tita ko yung isang Eastwest nya. Bale by this time, 8 cards na yung mine maintain ko. Two of those, tita ko ang account holder. Then eto na nga. Nabuntis ako, nanganak, lumipat kami ng apartment na walang ka gamit gamit. So sabay sabay lahat talaga. Wala ako halos binayaran sa hospital kasi sagot ng HMO, pero marami kaming pinamiling gamit. Then sa bahay pa, from cabinets, to beds, to tables and chairs, lahat. Then bumili pa kami ng aircon kasi di kaya ang init dun me baby pa man din.
Then around July last year, nag start na na di ko mabayaran ng full lahat. Pero nakakabayad ako ng minimum.
Then to cut the story short, ngayon, ang binabayaran ko na lang ay yung RCBC ko and yung mga cards na tita ko ang account holder (ayoko naman madamay sya). Natatalo kasi ako sa interest. babayaran ko mga minimum ng cards then magkaka interest, dun lang napupunta. This month, pinabayaan ko na all my cards except RCBC.
By the way, to sum all my debts (including personal loan), aabot siguro ng 1 million. Pero most of those ay yung sa tita ko kasi sa kanya ang malaki ang limit. Yung sa akin naman,
RCBC-around 27k
PNB-15k
Citibank1-26k
Citibank2-20k
Metrobank-25k
BPI-45k (kahit 29k lang limit ko)
Hindi ko sila mabayad bayaran kasi, sa personal loans pa lang, halos kalahati na ng income ko. Nag personal loan ako para may ipang bayad sa credit cards (which was soooooooo wrong kasi sobrang laki ng interest and unlike credit cards, di pwedeng pabayaan ang personal loan).
Eastwest-3800 per month
Citibank-2900 per month
CTBC-2800 per month
PB Com-5900 per month
So yung sahod ko, yun ang unang unang binabawas. Matagal pa matatapos ang mga loans ko kasi 2 and 3 years ang tenure and nakaka almost 2 yrs pa lang ako sa EW and lagpas 1yr sa ibang banks, and wala pang 1 yr sa PBCom.
Ang problema ko, kahit di ko na binabayaran yung mga cards ko, halos di rin ako makapag bayad sa accounts ng tita ko kasi puro installment (balance transfer, credit to cash, if you are familiar with these)
Accounts ng tita ko na nakikigamit ako:
EW-around 11k per month
EW2-around 12k per month
Metrobank-3600 per month
BPI-eto mabigat. Every bill, umaabot sa 60-70k ang minimum amount due (lahat ng installment). EVERY MONTH YUN.
I am so doomed and stressed out. Hindi ko ma pre-terminate ang loans ko na mabibigat kasi inuuna ko lagi ang cards ng tita ko. And halos di ko nga mabayaran. 40k lang ang combined monthly income namin ng partner ko. Except on some months na umaabot ng 60 and 80k pag me mga bonus.
Warning lang, wag kayong masyadong umasa sa mga balance transfer at credit to cash. Yun talaga ang nagpabaon sa akin. Simula nung na discover ko yun. Oo mas malaki interest kesa sa mga finance charge, pero it gives you this thinking na you can buy more. Kaya ayun di na na control. And wag na wag mangungutang para mabayaran ang another utang, unless matatapos na talaga yung babayaran. In my case, nabawasan lang for that month pero tuloy2 pa rin.
You can judge me and tell me how wrong I was, but I already know that.
Ngayon di ko sinasagot ang mga tawag sa phone ko. I'm sure mga collections agency yun kasi ayokong ma harass. I am in enough stress right now. I did send an email to them that I am willing to pay, but not right now. Inuuna ko lang ang personal loans ko and other debts.