Author Topic: GT's na business minded, online and offline.Anything which involves business.  (Read 38471 times)

cleslie05aj

  • GirlTalker
  • **
  • Posts: 76
    • Life Through My Eyes
Pajoin din ako sissies :) ako online selling din before...like sandals, accessories and sophie martin items...kaso inistop ko na sya kasi naging busy na rin...tapos gumagawa rin ako ng invitations and layout ng tarpaulin, then nagdecide kami ni hubby na magphotobooth business, so far so good :) nabawi na namin yung capital, paikot ikot na kang yung pera sa supplies at may naipon na rin kami :) magtwotwo years na rin tong business namin, kaya dagdag lang ng dagdag, like now may silkscreen printing na rin kami...until now wala pa rin kaming physical store, online lang talaga kami nagmamarket...iniisip kasi namin sayang naman yung ibabayad sa rent, bawas pa sa kita...

MaraMeow

  • GirlTalker
  • **
  • Posts: 119
  • Meowwwww
    • Cookies made with love!
Pajoin! Ako naman I sell my homebaked cookies online, ang downside para sakin is kailangan lagi meet up or pick up ang item kasi hindi pwede ang paship syempre madudurog at hindi na fresh. Hayy sana may special courier for food hehe.
Show no emotion. Feel no pain.
http://youngmomma2013.blogspot.com/

rosequilon

  • Posts: 0
Hello to all fellow sissies, a friend of mine is operating a small catering business. And I am currently a part-time sales associate in his business. So if ever u guys need a help or u know someone planning an event but in tight budget, i might be a help.. :-)

gen211

  • GirlTalker
  • **
  • Posts: 51
  • Live and let live.
Pajoin! Ako naman I sell my homebaked cookies online, ang downside para sakin is kailangan lagi meet up or pick up ang item kasi hindi pwede ang paship syempre madudurog at hindi na fresh. Hayy sana may special courier for food hehe.

Ok na business yun a.. food courier :D

MaraMeow

  • GirlTalker
  • **
  • Posts: 119
  • Meowwwww
    • Cookies made with love!
Hahaha wala pang ganun sis diba?
Show no emotion. Feel no pain.
http://youngmomma2013.blogspot.com/

gen211

  • GirlTalker
  • **
  • Posts: 51
  • Live and let live.
Hmm... parang wala pa sis.. yung talagang specialty lang nya is food delivery.. not sure though

magichild07

  • GirlTalker
  • **
  • Posts: 79
makiki join din :) meron ako maliit na accounting/bookeeping service :) di pa sya ganun kalaki kaya need pa din ng extra income on the side...

angelique_1523

  • Simplyunique
  • GirlTalker
  • **
  • Posts: 84
  • Beautiful inside out
    • https://www.facebook.com/simplyunique23
 This is my humble beginning. My fb page my online shop. I started small capital just to try and I am very excited to receive my products. Online shop of accessories and bags hehe kikay stuff for girls because this is what I like. Im no longer in the Phils so I asked my sis and my partner to buy stuff for me to sell wherever I am base right now. Shipping cost will kill you if you are not wise and of course choose the legal way so that God will bless you. He will make it profitable. Think positive kahit na super stress na ko kakisip ng products ko. Eto pala feeling if you are using your own money for business.  Maliit na capital ofcourse maliit na kita pero whats important to me kasi is I have my work and I am able to earn out from my salary not to spend but also for expansion haha!! Ang layo na narrating ng isip ko pero dapat kasi ganun ee. You need to plan ahead so that you know your way. What I am doing is to search and search and search, study study din how to pricing, shipping, roi and all kasi di ka naman mag bubusiness ng palugi diba pero di din dapat over price kasi may consequence din yun. So I just want to share my humble beginning  :) :)

wala pa yung products probably mid november pa pero some of it naka reserved na :) excited na talaga ko!! :)

@sis assie Inspiring ka talaga Sis ngayon umeere ka na sa TV,..God Bless you more ask ko lang ano ba yung repacking business mo..ako ang goal ko to put a a food business me mga concept na ko pero i am still saving so for now mag online shop muna ko..:)
« Last Edit: November 01, 2013, 01:52:35 pm by angelique_1523 »
HIS time and will is what I am waiting for...

minel

  • Newbie
  • *
  • Posts: 16
Pajoin din ako mga sis! :) Reseller lang ako and nagstart lang ako mag online selling 2wks ago. Sobrang saya kasi bilis ng kita sobrang tyaga lang talaga!!! :) Gusto ko talaga mag business kasi gusto ko hawak oras ko may time pa ako sa baby ko and hubby. Happy talaga ako ngayon kasi nagawa ko na un matagal ko na gusto gawin na mag online business. Hinabol ko talaga ngayon magpapasko. Praying pa sa mas madaming orders ngayon pasko :) Godbless po sa ating lahat!!! :)

zooom

  • auto geek
  • GUYTalker
  • Junior GirlTalker
  • *
  • Posts: 353
ano business nyo sis?

kisses bratt

  • I am LOVED & Im InLOVE! A certified
  • GirlTalker
  • **
  • Posts: 175
  • Life is not always fair but GOD is always faithful
joining!!!

part time ko ay event planner pero super love ko talaga ito...minsan nga napasok ako sa work ng walang tulog hehe matapos ko lang yung planning ko sa isang event.
I do handle mga budgetted lang na event... ;)

Nahinto lang ako this past few months kasi ako ang nagasikaso sa lahat even yung hospital ng papa ko hanggang sa burial nya...

ang hirap nga mga sissies kasi bilang panganay ay ikaw lahat talaga ang aasahan, may mga kapatid ako pero lahat naman sila ay may kaniya kaniyang pamilya na... :(

but To GOD be the Glory talaga kasi may mga buhay na kamay ang ginamit si Lord para mabayaran ko lahat at pati yung ipon ko having this small business ay nagamit ko kaya medyo mahirap bumawi pero paunti unti alam at magiging ok din ang lahat.

I tried din ang netwoeking at na onse ako dun... hindi bumalik ang naibayad ko kaya nadala ako... :( :( :(

Laking tulong ang aking small business. Sana nga mga sissies 2014 will be a much blessings to us...

GOD Bless!
/ToGodBeTheGlory/·•  simply MeLaiRC  •;-)/Phil. 4:13
~Badminton Addict.Traveller.Coffee Lover.Wedding Coordinator~
http://www.facebook.com/melaircreations
http://melaircreations.blogspot.com

strwberry004

  • Newbie
  • *
  • Posts: 29
Joining here! :)

I just started my online business last month. Pero I've already tried many products like cosmetics, branded bags and wallets. Hindi pa masyado kilala yung online shop ko pero surprisingly madaming tao sa paligid ko nakikita ko support nila and ang sarap ng feeling. :)

If you will notice guys, God are also helping us, naku bigla sumulpot yung mga friends and relatives ko na nagpapabenta ng products nila. I have one friend nga na importer, whole sale ko lang sya mabibili pero with 60 days term and discount pa! For now try ko muna sya pa display sa store ng dad ko sa province. Pag may time na ko, try ko isa isahin yung mga stores dun and mag supply nalang since direct naman ako sa importer.

Good luck to us mga sis! :) And one more important is always share your blessings :)

jelliebean28

  • GirlTalker
  • **
  • Posts: 195
    • jeleebeanie.wordpress.com
Need your help mga sis....I've been wanting to resign from my job and focus more on my online shop kasi I know na kikitain nya (or pwedeng higitan pa) ang kinikita ko dito sa work ko lalo na kung tutukan ko...Ang kaso ko lang, nanghihinayang ako sa health insurance from my company (parang last month nahospital ako, sinagot ng company lahat ng gastos), saka yung stable na inaasahan na pera twing sweldo. Sa ngayon, mom ko nagaasikaso ng online shop ko which is good, may tinda rin kasi sya dun kaya okay lang din sakanya... Naaawa naman ako kay mama kasi I know how stressful everyday and I want to be there to help her out, ayoko naman puro lang ako kuha ng kita ko tapos sya super pagod. Naiinggit ako kay mama in a way kasi yung gusto kong gawin eh ginagawa niya full time, like makipagusap sa customers, magsulat ng orders, magpack, mamili ng mga paninda every other day. Nung ako pa lang ang gumagawa ng lahat dati while working super ngarag ako, nale-late ako at nagaabsent sa work, dahil sa puyat at pagod, lalo na panggabi work ko. Sa tingin nyo mga sis? Or kayo ba? Would you choose business over your dayjob? Shempre business diba? Parang nafifeel ko kasi na ito yung passion ko....at hindi ako napapagod mapuyat sumagot sa mga inquiries, as in mega work kung work. Haaaayyyyy.....Masaya naman ako dito sa work ko, pero I know I'd be happier kapag full time na ko sa business. Just not sure kung tama ba gagawin ko na pagquit sa job..Wala naman akong kids. I just support my sister in college.
Sun. Stars. Moon. Nature. Family. God. My Life.

chefron

  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 1083
how sure are you that your online biz can sustain your basic needs in the future? if you can do it on the side, much better kase you still have a back up work...mahirap magleave sa work ng matagal then balik din, with so many people who doesnt have work, malamang madali din sila makahanap ng replacement mo.
are you also ready for the lean months? do you have savings that can sustain your personal expenses while your biz is in lean season?
EPHESIANS 2: 9

SALVATION IS NOT A REWARD FOR THE GOOD THINGS WE HAVE DONE, SO NONE OF US CAN BOAST ABOUT IT

SOFIEMAE

  • Senior GirlTalker
  • ****
  • Posts: 739
^^sis jellybean28 much better not to quit your job ikaw na nga nagsabi sayang ang health insurance :) napakalaking tulong at iba pa rin yung may stable job ka lalo na kung maraming benefits sa company mo... maghire ka nalang ng makakatulong ng mom mo para hindi siya ganung kahirap sa business ninyo... tsaka may mga VL naman pag need ka mag hands on sa dami ng ordes take a VL :) IMO lang sis... Ano nga pala ang online business mo sis?

kaiz

  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 1199
  • My Son, My Happiness, My Life
    • WACKER e-Store
^^^hire ka na lang sis somebody
..true strength is being able to hold it all together when everyone else is expecting you to fall apart..

..i am your mona lisa..

threehundredquotes.blogspot.com

yanmae

  • Junior GirlTalker
  • ***
  • Posts: 271
Yung mga suppliers ko before bread and butter nila ang online selling.  :)
IMO lang sis, wag ka munang mag quit sa job mo tutal anjan naman si mother na mag aasikaso ng business mo atleast mas malaki ang kita mo nyan. Hire ka nalang ng helper na pwede nyang kasama sa pamimili. ;)

jelliebean28

  • GirlTalker
  • **
  • Posts: 195
    • jeleebeanie.wordpress.com
Thanks sa mga feedbacks mga sis. :) I really appreciate your comments..... Hmmm.... Naaawa kasi ako kay mother dumadami na wrinkles sa business ko. Hirap pa apply ng VL dapat 2 weeks before mag apply na agad, like ngayong december gusto ko magleave but since puno na agad, di na makapag apply. May ibang tasks kasi na hindi na nagagawa ni mama like mag isip ng promotions, gumawa ng mga cute collage, na wala na syang time isipin pa dahil sa dami ng ginagawa at 4 na kapatid ko pa binabantayan nya etc etc....3 months na yung shop ko.mas maraming sales nung tutok ako sa shop ko, unlike now na full time si mama ang nagmamanage, ako taga kuha lang ng mga remittance, review ng past orders, payments, etc...3 months pa lang naman yung shop ko.pero doble pa kita ko rito kesa sa sinesweldo ko....siguro dagdagan ko pa ng konti yung ipon ko para push na... :) Mga damit pang girls tinitinda ko na mga type ko rin para kapag di nabenta, ako rin makikinabang (LOL), and syempre, i LOVE shopping for these items kaya feeling ko di ako pagod kapag ginagawa ko to... :) Thanks ulit mga sis!!! :) Goodluck to us!
Sun. Stars. Moon. Nature. Family. God. My Life.

morenagoddess

  • Posts: 0
Hay naku ako ang dami ko ng sinalihan na business, offline and online. Mostly networking. My first and 2nd didn't work kasi grabe yung time you have to spend to recruit. Sa 3rd and 4th ko yun naging ok sakin. Kasi yung 3rd dealer ako ng organic soaps, madaming nabili sakin kasi mura and effective. Yung 4th is online business. Mas ok sakin kasi lagi akong naka-online. Nag-franchise din pala ako ng food kiosk  kaya lang hindi din nag-work out kasi wala akong place.

Tip lang, if you're going to have business make sure na may place ka and man power. Kasi kung ikaw lang hindi mo kakayanin. Second, dapat may business background ka hindi yung compulsive ka agad. Third, if wala kang time pwede ka mag-online business. Like me, may regular work ako. Online business talaga worked for me.
 
:-*

missynoveltyshop

  • Newbie
  • *
  • Posts: 27
    • Missy Novelty Shop
Hi mga sis! Ako din online seller. Actually 10 days old pa lang yung shop ko :) I sell cute sticky notes/pads, washi/paper tapes and other cute stuff na made in China, Japan and Korea. Mahirap pala talagang magstart ng sarili mong business noh. Kahit konti pa lang yung products ko, thousands na din nagastos ko. Add to that yung customs fee. Tapos I'm planning pa to register talaga my business sa DTI and BIR para malinis lahat.

Advice naman po jan kung pano kayo nakakuha ng maraming buyers. Nasa FB yung shop ko. Nag-open na din ako ng Twitter and Sulit account for it.

 

Latest Stories

Load More Stories
Close