We are currently on a trial basis if we can make our salon work kahit na hindi super tutok katulad ng dati.
Sana magwork out.

A few tips:
1. Maghanap na po ng tao in advance. This can take a serious amount of time kaya kesa masayang ang oras pag ready na
[textspeak!] salon tapos walang manpower, maghanap na ng maaga.
2. If you're in a partnership with friends, be sure that all the partners understand that business is business. This can cause serious conflict.
3. Try to canvass numerous suppliers. Mas okay wag mamonopolize ng isa lang. For major treatments like rebond, relax, siguraduhin na okay ang quality ng gamot (ask your stylists for opinions since sila yung gagamit ng gamot, magresearch - some sisses here in GT can provide expert opinion)
4. Maging handa sa first few months (can be discouraging, majority ng business di agad nagpipick up)
5. Try to gauge how satisfied your customers are via feedback forms.
6. You can also determine which leads are strongest para mabuild-up. Kami kasi now, referral. So we make sure LAHAT ng client ng salon, happy. Hindi maiwasan back-jobs. It really happens. Basta make your clients feel na anumang dissatisfaction, you are willing to make amends (as necessary). Beware - may mga abusadong clients din.
7. Wag magpapakita sa mga stylist nyo na wala kayong alam masyado kasi makocontrol nila kayo.
8. Flyers, flyers, flyers.
9. Create account sa networking sites. Then i-add nyo mga tao dun na nasa vicinity ng salon (you can find them via search tool). Extra exposure din yan. Plus easy reference ng clients for promos and pricelist. Not to mention puedeng mag-announce ng promo sa bulletin board.

10. Wag mawawalan ng promo lalo na pag bagong tayo palang.

11. Pag-aralan po ang costing maigi para alam nyo po kung hanggang magkanong discount (for promos) ang kaya nyo ibigay.
12. Magsimula sa pangmasang presyo.
13. Make your salon interior impressive and sosyal (kahit di kayo gumastos ng malaki, promise.) Naappreciate ng customer, plus iba ang dating.
Pag may naisip pakong iba, i-post ko po. Yung may ibang masuggest, pakipost din para pede nating ma-apply in the future.
Aja!
