Author Topic: Are There Ways to Sue mistresses  (Read 80263 times)

merryjazz

  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 1226
  • Fighter and believer
Are There Ways to Sue mistresses
« on: September 01, 2008, 11:43:37 pm »
Ano kayang case ang pwede naming isampa sa kabit ng tatay ko para mapaalis sya sa bahay namin?

1. nakatira sila sa house namin at nagsasama na sila doon for more than 10 years.

2. yung kabit ni father ay ginagamit na yung surname namin. in fact, yung water bill sa bahay ay under her name. nagpapanggap sya na kasal daw sila kuno.


gusto na naming magkakapatid na labanan sila. ang tagal-tagal na naming nag-titiis at gusto na namin na umalis na sya sa bahay namin.

Kapag ba pinaalis namin sya sa bahay.halimbawa, ilabas namin lahat ng gamit nya at huwag na sya ulit papasukin sa bahay namin ay meron ba syang maikakaso sa amin. Do we have the right to do that o kami pa ang madedemanda dahil nilabas namin ang mga gamit nya?

Pwede rin ba kaming idemanda ng tatay namin kapag ginawa namin iyon sa kabit nya? Ano ang pwede nyang ikaso sa aming magkakapatid?

Please enlighten me about this matter. Nag-request na ako ng cenomar ni tatay kaso lang hindi ko alam kung mag-rereflect doon yung iba pa nyang pinakasalan bukod sa nanay namin.

No idea kasi ako sa background  ng kabit nya dahil ever since ay di namin kinakausap yun kaya di ko alam details nya para makakuha ng cenomar nung babaeng yun.


 
I love you sweetie.... You are my strength and my inspiration.

prettynvain

  • Senior GirlTalker
  • ****
  • Posts: 869
Re: Are There Ways to Sue mistresses
« Reply #1 on: September 02, 2008, 02:12:25 am »
^ where's your mom sis?
If yesterday didn't end up the way you planned it, always remember.. "if God had wanted your yesterday to be perfect, then He didn't need to create today..."

aquacharly

  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 3568
Re: Are There Ways to Sue mistresses
« Reply #2 on: September 02, 2008, 02:46:16 am »
Yeah, where is your mom.  And if I got it right -- your father has entered into multiple marriages?  What's your mom's status -- legal wife?  It is the legal wife who can bring a case of concubinage vs your father. 

You have inheritance rights whether you are natural, legitimate or illegitimate children -- but your father has to drop dead first (no malice intended there, just stating a fact).  In the meantime he is so alive and f*cking around --  he has more rights than you children have as to who he allows to live in his house.   It is his house, not yours -- I presume. 

What will bringing her things out of the house accomplish but more hostility?  You cannot prevent your father from letting her get back in with her possessions. 

If you children are adults already,  it may be best for you all to move out and find your own place to stay.    Free board and lodging may be a steeper price you are paying vs living in peace on your own though paying bills.





merryjazz

  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 1226
  • Fighter and believer
Re: Are There Ways to Sue mistresses
« Reply #3 on: September 02, 2008, 01:26:30 pm »
Hindi naman house lang ng tatay ko iyon. actually, si mother ang nagpundar ng lupa namin dahil sya ang nag-work abroad and conjugal property ng parents ko iyon di ba?

Saka ganoon ba yun? may karapatan talaga ang tatay ko na mag-tira doon ng kahit sinong gustuhin nya at kaming mga magkakapatid ang palayasin nya? adult na lahat kami pero paano kung di namin kayang magkakapatid na umupa ng bahay?

As is, kami ang mag-gi-give way para sa immoralidad ng tatay namin at ng kabit nya? how about yung pag-gamit nung babae ng surname namin at pagpirma nya sa mga resibo or contracts using the surname of my father? wala bang maikakaso against that?

Right now, my mom is in the province. separated na kasi sila matagal na. and yes, my mom is the legal wife.

Pero allowed pa ba sya mag-file ng concubinage sa father namin kahit na more than 10 yrs na silang separated (not legally separated)? saka nagkaroon na rin ng affair si mother sa iba 6 yrs ago (although wala na ngayon kasi matagal ng dead yung guy hehe) she is living with her relatives in the province.



I love you sweetie.... You are my strength and my inspiration.

prettynvain

  • Senior GirlTalker
  • ****
  • Posts: 869
Re: Are There Ways to Sue mistresses
« Reply #4 on: September 03, 2008, 02:08:55 am »
^ yup sis. may right mom mo to file concubinage. since di naman pala sila legally separated/annulled, she has all the rights. nagkaroon man siya ng relasyon sa iba, as well as you dad. and sino ba nauna magka-affair sa iba? also, since dead na yung guy, any proof na nagka-affair mom mo? like may naging anak siya dun?

but eventhough, di naman sa conjugal house nila tumira yung guy. while yung dad mo yes. so pwedeng pwede magfile ng complaint mom mo. not sure if pwede ring kayong magkakapatid, but i think pwede, since legitimate child naman kayo.
If yesterday didn't end up the way you planned it, always remember.. "if God had wanted your yesterday to be perfect, then He didn't need to create today..."

aquacharly

  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 3568
Re: Are There Ways to Sue mistresses
« Reply #5 on: September 03, 2008, 03:10:34 am »
Sis MERRYJAZZ --  it is your mother who has to assert her right over the house and your father's lack of taste in bringing his mistress into the conjugal home.  As far as I am aware too,  it is only your mother who can file a case of concubinage.   Your case is complicated coz apparently your father is taking advantage of the fact that your mother eh hindi pasugod -- and lets things be.

Complicated your living situation.  Yes, you have the right to stay in that conjugal home since you the legitimate children.  But your father too has the right to stay there.  If he brings in a pet, or a mistress, to live with him -- he is within his rights too.  Although the mistress can be challenged by your mother, the legal wife.

Actually, this is more a case of delicadeza than rights. 

As for her using your father's surname -- eh talagang ganyan ang inaasam asam ng mga kabit -- ang mag fantasy na legal wife sila.  Idemanda mo man sya -- assuming,  well if your father lets her have her way -- what is illegal about that?   Pero pag yan linagay nya sa passport nya -- iba na yan Sis,  falsification of public document na yan, 12 years imprisonment.

Puede nyo ba mahati ang bahay pa parang duplex or may upstairs vs downstairs?  Gastosan nyo na parang you do not wake up to have to see the kabit's face. 

Knock on wood, but if your father should die -- Sis,  yan hora punto puede mo sipain palabas si Kabit.   She has nor rights over the house.


merryjazz

  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 1226
  • Fighter and believer
Re: Are There Ways to Sue mistresses
« Reply #6 on: September 03, 2008, 11:37:26 pm »
thank you so much sisses, I was enlightened by your explanations. kakainis lang dahil ang daming lusot ng mga lalaking taksil sa pamilya at yung mga kabit, ang hirap tanggalin sa sistema lalo na kapag nakapasok na sila sa pamamahay natin.

Tama, this is more on a case of delicadeza than rights. Now, I realized na wala silang mga delicadeza. They are immoral and if my father will not change his ways, I rather want God to take back his life kesa naman patuloy at patuloy syang gumawa ng mga immoralidad at tuluyan mawala ang respeto naming magkakapatid sa kanya.

Kami din naman ay nagkakasala din ng sobra dahil sa paglaban namin sa kanya. Pero what can we do? accept and tolerate the rude things that they are doing? ayaw na namin dahil ang tagal-tagal na naming nagtitiis sa kanila. Gusto na namin ng maayos at normal na buhay.

I just hope that one of these days ay makahanap kami ng panlaban sa kanila.
I love you sweetie.... You are my strength and my inspiration.

guytalker

  • First GUYTalker
  • Probationary
  • Posts: 5
  • "Guytalker even before Guytalkers came up!"
    • PinoyPot
Re: Are There Ways to Sue mistresses
« Reply #7 on: September 04, 2008, 11:39:20 am »
bantayan nyo ang bahay nyo at baka maisanla o maipagbili yan ng tatay nyo o nung kabit nya. di dapat mabenta yun without the approval of your mother... pero sabi mo nga masyado na mapapel si kabit... baka i-forge nila signature ng mother mo. so better secure your properties.

di na ba makukuha sa heart to heart talk yan with your dad? minsan kasi nakukuha na lang yan sa pakiusapan. minsan kailangan nyo ring tanggapin na may kanya kanya ng life ang father at mother nyo... gusto nyo bang mamuhay miserable ang tatay nyo para lamang sa inyong kaligayahan? if he is now happy with his kabit... why wont you all be happy for him?
Seeing you Online makes me happy.
What more if YOU'RE beside me...

merryjazz

  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 1226
  • Fighter and believer
Re: Are There Ways to Sue mistresses
« Reply #8 on: September 04, 2008, 11:47:21 pm »
^oo nga e, kaya sinabihan ko na si mother na huwag ibibigay ang titulo sa tatay namin. pinapakuha na kasi sa akin ni tatay dahil gusto na raw nyang ayusin at iparte yung bahay.

E ayaw namin kasi baka ipangalan nya dun sa anak nya sa labas yung isang parte, e hindi naman nya yun anak...sa apelido lang.

alam mo guytalker, we will never be happy for him because what he's doing is wrong. And isa pa, his kabit is so bad and abusive.

sino ba naman ang magkakagusto sa kabit na nagkaanak pa sa dati nyang kinakasama habang nakikisama sa tatay namin?

Ta**a siguro tatay ko kasi alam naman namin lahat na nagpavasectomy na sya pero nabuntis yung kabit nya??? at take note, inako parin ng tatay ko yung bata at binigyan ang apelyido...basta daw huwag na mauulit...ayun kaya super laki ng ulo nung babae nya...
I love you sweetie.... You are my strength and my inspiration.

merryjazz

  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 1226
  • Fighter and believer
Re: Are There Ways to Sue mistresses
« Reply #9 on: September 04, 2008, 11:58:22 pm »

Pero pag yan linagay nya sa passport nya -- iba na yan Sis,  falsification of public document na yan, 12 years imprisonment.


[textspeak!]-ano pa ba yung sakop ng falsification of public documents aside sa passport?

paano kapag gumawa sila ng fake ng house contract under her name na ginamit nila as proof ng pag-aapply ng utilities like MWSS or meralco na under her name din?

how about yung fake marriage of contract? sakop ng falsification of public documents iyon o hindi?

and if ever, sino naman ang pwedeng magsampa ng kaso sa kanya? 
I love you sweetie.... You are my strength and my inspiration.

sarahsensible

  • Professional Makeup Artist. Mom of 4. Happy Wife
  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 1148
    • I kiss and makeup
Re: Are There Ways to Sue mistresses
« Reply #10 on: September 05, 2008, 12:14:54 am »
well if this is the case, si mother LANG talaga ang pwede mag sampa ng kaso kahit pa tayong anak ang may gusto. ANo na sabi ng mom mo sis? go na go na ba kasuhan?
our 4th baby... Nicole Adrianna ;)

prettynvain

  • Senior GirlTalker
  • ****
  • Posts: 869
Re: Are There Ways to Sue mistresses
« Reply #11 on: September 05, 2008, 08:42:20 am »
[textspeak!]-ano pa ba yung sakop ng falsification of public documents aside sa passport?

paano kapag gumawa sila ng fake ng house contract under her name na ginamit nila as proof ng pag-aapply ng utilities like MWSS or meralco na under her name din?

how about yung fake marriage of contract? sakop ng falsification of public documents iyon o hindi?

and if ever, sino naman ang pwedeng magsampa ng kaso sa kanya? 



kung may fake marriage contract sila at ginagamit nila kahit saan, pwede silnag kasuhan pero hindi ninyo. kundi nung company or kung saan man nila ginamit.

hala! nagkaanak yung girl sa iba habang karelasyon dad mo? mmmm... si father talaga, nagatyuma ata.  ;D

why not talk to your mom? siya lang ang susi sa lahat.

gusto ng tatay mo pagpartehan na mga properties nila? how? di naman sila annuled. di pwede yun, tell your mom. unless may proof na pinagtibay ng batas paghihiwalay nila.
If yesterday didn't end up the way you planned it, always remember.. "if God had wanted your yesterday to be perfect, then He didn't need to create today..."

guytalker

  • First GUYTalker
  • Probationary
  • Posts: 5
  • "Guytalker even before Guytalkers came up!"
    • PinoyPot
Re: Are There Ways to Sue mistresses
« Reply #12 on: September 05, 2008, 09:21:35 am »
my guess is that di na makikialam si mother mo jan... buhay na yan ng tatay nyo... mahirap magsampa ng kaso... may mauungkat na nakaraan. may masisira... may madadamay. kausapin nyo mother nyo, hingin nyo opinyon nya. sya lang kasi ang may karapatang magsampa ng kaso.

basta bantayan nyo na lang mga properties nyo.

check nyo sa NSO ang marriage certificate ng tatay nyo. baka napalitan na yun. mabuti na yung malinaw.
Seeing you Online makes me happy.
What more if YOU'RE beside me...

merryjazz

  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 1226
  • Fighter and believer
Re: Are There Ways to Sue mistresses
« Reply #13 on: September 06, 2008, 12:02:36 am »
^yep, nakapag-file na ako ng request for cenomar ng father ko. Im just waiting for the result.

I already told my mother about this matter, wait na lang talaga namin yung cenomar. nakaka-stress na ang situation lately and sana maayos na namin ito.

How I wish na yung mistress ay ayain na yung tatay ko na tumira na sila sa ibang lugar dahil hindi naman sya talaga dapat tumira sa amin kaso feeling talaga yung isang iyon...palibhasa may tililing sa ulo.
I love you sweetie.... You are my strength and my inspiration.

quennna

  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 1820
Re: Are There Ways to Sue mistresses
« Reply #14 on: September 09, 2008, 04:04:53 pm »
merry jazz

sis, hi.. musta cenomar ni father?
grabe, nakakakulo dugo situation mo  >:(

merryjazz

  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 1226
  • Fighter and believer
Re: Are There Ways to Sue mistresses
« Reply #15 on: September 09, 2008, 11:35:09 pm »
I just got his cenomar today. and naku, my father has three marriages:

1975---with my mother
1986---with kabit #1
1997 ---with his present kabit na nakatira sa bahay namin.

kaya pala malakas loob at sobra kapal ng mukha nung kabit nya ngayon ay dahil pinakasalan din sya ng tatay ko. Pero kahit na, nanay ko ang nag-bayad sa lupa na iyon kaya kahit conjugal property ng parents ko iyon ay masakit sa amin na magkaroon ng rights yung kabit nya at yung anak ng kabit nya sa ibang lalaki na sinagot ng tatay ko.

paano na ito? may laban kaya kami ng mother ko? pag ba sinampahan ng bigamy si father ay sure nang panalo kami o may depensa pa din ang tatay ko?

how about yung kabit? pwede din ba namin idemanda yun ng bigamy? imposibleng hindi nya alam na may asawa ang tatay ko kasi sa amin sya tumira at alam nya na legal wife at buhay pa ang nanay namin.


mas madali ba namin silang mapapaalis ngayon sa bahay namin? o mas lalakas ang laban nung kabit dahil pinakasalan din sya?
I love you sweetie.... You are my strength and my inspiration.

sarahsensible

  • Professional Makeup Artist. Mom of 4. Happy Wife
  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 1148
    • I kiss and makeup
Re: Are There Ways to Sue mistresses
« Reply #16 on: September 09, 2008, 11:48:45 pm »
 :o sis may lawyer na ba kayo? you want mag pa consult sa UP Law? free lang naman. grabeeee! ako na sasaktan for you :-[
our 4th baby... Nicole Adrianna ;)

guytalker

  • First GUYTalker
  • Probationary
  • Posts: 5
  • "Guytalker even before Guytalkers came up!"
    • PinoyPot
Re: Are There Ways to Sue mistresses
« Reply #17 on: September 10, 2008, 01:25:37 pm »
are you aware na makukulong din ang tatay nyo sakaling magdemanda ang nanay mo?

with regards to properties... yung anak ba sa ibang lalaki ng kabit ay inako ng tatay mo na sarili nyang anak? (birth certificate nung bata, sya ang nakaregister na ama).

kung inako ng tatay mo na anak nya yun... may karapatan sya sa properties ng tatay mo.

Seeing you Online makes me happy.
What more if YOU'RE beside me...

caron

  • GirlTalker
  • **
  • Posts: 124
  • http://www.ace-avatars.com][img]http://www.ac
Re: Are There Ways to Sue mistresses
« Reply #18 on: September 10, 2008, 09:34:20 pm »
hirap namn ng situation mo sis. pero tigin ko khit na ipakulongmo pa tatay mo eh may karapatan parin sya sa property niyo. buhay pa nanay at tatay mo so sila ang may karapan sa property na yan di ang mga anak, unless na patay na sila pareho at pinamana sa inyo yang lupa na yan.... sabi mo din na ngkaaffair din ang nanay mo. diba. kya [textspeak!] nanahimik na langh din ang mother mo. pareho naman siguro sila naging masaya. so be it.
The bEst tHings in liFe Can neVer be kEpt;
THey mUst be giVen aWay.
A SmiLe, a KisS, aNd LOve...

merryjazz

  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 1226
  • Fighter and believer
Re: Are There Ways to Sue mistresses
« Reply #19 on: September 11, 2008, 01:15:20 am »
Aware kami na pwede nga syang makulong pero hindi naman namin gusto alisan ng rights ang father ko sa conjugal property nila ng mother ko.

I understand na sa kanila iyon pero ang gusto namin ipaglaban ay yung maalis doon sa pamamahay namin yung mistress nya at huwag magkaroon ng parte yung anak nung kabit kasi hindi naman talaga namin yun kapatid dahil vasectomy na ang father namin.

Hindi naman siguro kasakiman yung gusto namin mangyari hindi ba? Gusto lang namin itama yung mali. My mother has more rights than the mistress di ba? and besides, si mother ang nagpakahirap magbayad sa lupa namin.

Nagka-affair nga din si mother sa iba pero noon pa yun at wala na syang kasama ngayon at wala naman syang naging anak sa iba.

Idedemanda lang namin sila ng bigamy kapag hindi nya pinaalis sa bahay namin yung mistress nya at yung mga kamag-anak nung babae.
Siguro naman mas fair na kami ang mag-stay sa house namin kesa sa kanila hindi ba?

I love you sweetie.... You are my strength and my inspiration.

 

Latest Stories

Load More Stories
Close