Hi sis engr_neechee! Swerte mo at dininig na petitions mo. I read your story on the Padre Pio devotees thread, and I was really inspired. Dahil sa kuwento mo, at yung ibang inspiring stories doon, napavisit ako kay Padre Pio. (Doon ko na lang ikwento sa thread na yun para di off-topic.)
Anyway, I began the 7th consecutive round of my St. Jude novena today. Hindi pa rin naibabalik yung pagmamahal ni ex sa akin.
Pero looking back, being dumped was the best thing that happened to me. Pinagdasal ko rin mabuti na bumalik siya sa akin - because I was too blind to see the flaws.
Yes, natural sa ating mga babae maging clingy, maging selosa, maging possessive. But looking at your post, gusto ko sana sabihin sayo, na when the right one comes, everything falls into place. Your "the one" would love you even if selosa ka. Actually mas natutuwa ang mga guys the more na hawakan mo sila - they'd feel lucky na you're crazy for him.
The book "He's Just Not That Into You" says it all. If he's into you, he'll never let you go. Kahit maging selosa ka pa. Kahit maging super possessive ka pa.
I don't know if I'm being pathetic, but... Oh, I see his flaws. Noon pa lang, nakikita ko na. Pero with regard to most of his flaws, I felt na either kaya namang tanggapin or kayang i-work out through compromise and adjustments. Isa sa differences namin ay feeling ko, flirty siya with his female friends, pero for him, natural lang sa kanya maging super comfy with girls. Meron siyang certain interactions na talagang feeling ko, hindi talaga pwede, so agree naman kami doon. But I think I asked for too much. Naging unreasonable ako to the point na he felt na wala akong tiwala sa kanya, at nasakal tuloy siya.

Gets ko yun, pero yung nakakainis ay... alam naman niyang nagcocounseling na ako for those issues, pero iniwan pa rin niya ako.

Kahit ngayon nga, sabi niya, he doesn't want to hear about how I'm doing, kahit pa nagcocounseling ako. Ni hindi man lang siya nagka-second thoughts about leaving me. Ayaw rin ata niya magka-second thoughts. Wala na daw kasi maggui-guilt trip sa kanya about his female friends. So ngayon balik na naman siya sa harutan with his female friends. Pupunta pa nga siya ng Cebu with one of those female friends na sobrang maharot... wala man lang delicadeza. Nung birthday ko nga last month, kasama niya yung female friends na yun. Alam kong di na kami, pero wala man lang talagang delicadeza. Wala man lang effort to reconcile with me.
2 months nang nakalipas tapos ang lagi niyang sinasabi ay, "It hurts being around you and thinking of you." Eh minsan, napapaisip ko, palusot na lang yun eh. Para bang, "Teka, magliwaliw muna kami ng friends ko, saka kita balikan, ha." Nakakalungkot lang isipin na dati, ako yung priority. Ngayon, hindi na. Kung mahal talaga niya ako, sana di niya ako pinakawalan. Sana ginawa pa rin niyang priority yung reconciliation. Pero hindi eh. Ngayon ata, kung trip na lang niya. Or kung kailan daw siya maging okay. Eh kung ganyan siya, padalus-dalos, puro lakwatsa't gimik lang ang iniisip, paano kaya yun magiging handang kausapin ako, di ba? Nag-usap nga kami nung early August pero wala ring pinatunguhan. Ni hindi man lang lumamig puso niya.
Ang sakit-sakit talaga nito. Pero ang mas masakit pa, kahit ganito siya, kahit galit na galit ako sa kanya ngayon sa pinaggagagawa niya (from the breakup onwards), mahal na mahal ko pa rin siya, at nagdadasal pa rin ako na sana bumalik na loob niya sa akin. Pinagtatawanan na nga ako ng ibang friends niya, na kesyo ako daw si Overly Attached Girlfriend, baliw ako, etc., pero hindi ko pa rin siya kayang hindi mahalin. Hanggang ngayon, sinasabi ko kay St. Jude (at sa ibang santo) na sana maibalik yung dati niyang pagmamahal sa akin, at isipin naman niya yung 2 years na pinagsamahan namin. Pinagdarasal ko nga rin yung healing ng emotional wounds niya eh. Pero minsan ang hirap ipagpatuloy yung pagdarasal para sa kanya kasi puro sarili lang niya iniisip niya ngayon (tapos pag tinetext ko sa kanya yung sama ng loob ko, sasabihin pa niya na ako yung makasarili). Pinaninindigan pa talaga niya na he had to make a decision for himself kasi nasasakal na daw siya.
Sis, hindi ko talaga alam kung t**** lang ako, pero nagdarasal pa rin ako kay St. Jude na kahit mukhang ganito na ka-imposible yung sitwasyon, babalik pa rin yun sa akin. Aalis na ako for a foreign country by the end of this month. Sana maipakita ni St. Jude sa kanya how much he'll be losing once I'm gone - marami pang ibang tao sa country na yun. Sinasabi ni ex na I lost him because I was too jealous. Hindi eh. Narealize ko that he's going to be the one to lose me. And sana, sana talaga, through St. Jude's intercession, he will realize that. At sana bigyan siya ni St. Jude ng delicadeza na huwag ituloy yung trip to Cebu. Dapat naman ako yung bibisitahin niya kung kami pa eh. Huwag sana niyang gamitin yung naipon niya at ilagay ang sarili sa ganyan ka-compromising na situation... mag-out of town ba naman, overnight, with another girl? Hay.
Also, sis
sixteen16, ang ganda rin ng kwento mo. Sana, kung hindi babalik si ex, bigyan din ako ng isang napakabuti na life partner, tulad ng iyo.
annestjude: About the answered prayer, do you mean that your ex returned to you? Lucky you! I really hope that my ex will return to me before I leave.