Author Topic: Adjusting to a married life  (Read 11528 times)

Myealexis21

  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 1410
Re: Adjusting to a married life
« Reply #40 on: December 18, 2012, 06:57:29 pm »
^good move Sis... ako din ayoko humawak ng pera ng hubby ko, ang requirement ko rin is yung savings lang.  I have my own income so I don't really care hehe... I don't mind if he needs to give tulong sa side niya basta pera niya ang ipangtutulong niya.
Trapped in between yesterday and forever

andylhen

  • GirlTalker
  • **
  • Posts: 199
Re: Adjusting to a married life
« Reply #41 on: December 19, 2012, 08:52:07 am »
^yes sis.. basta ang sabi ko, kung anong kailangan ng future family niya, wag siyang magrereklamo.. kasi sa private school pa nagaaral yung pamangking niya.. samantalang yung tatay mismo nung bata, walang pakialam.. dun ang naiinis kahit pera naman ni hubby ang gingamit niya.. i also have my income kaya kahit papaano, hindi ako umaasa sa pera siya.. basta kung anong dapat iabot niya as a married man, yun ang hindi ko palalagpasin.. magkakaroon din naman kami ng mga anak na kailangan ang financial support ng sarili nilang ama..

Myealexis21

  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 1410
Re: Adjusting to a married life
« Reply #42 on: December 19, 2012, 01:51:46 pm »
^Yan sis ang no-no sa akin ang hubby knows that.  Like their youngest hindi naman sya ang nagpapaaral dun sa mga anak, sina MIL at F-I-L at umaako.  Pero ayoko pa rin ng ganun kaya masaya na ako that youngest BIL is having a good break, sana lang magtuloy tuloy.  Naaawa naman na ako kina MIL at F-I-L at kargo nila yung pagpapaaral sa mga bata, elementary pa lang naman pero still..they should be relaxing na diba?

I find this set up na less hassle kase hindi masyadong napagaawayan ang pera, ayoko kase yan ang issue nakakaimbyerna haha.  He don't insist din naman na pagsamahin earnings namin. 
« Last Edit: December 19, 2012, 02:35:54 pm by Myealexis21 »
Trapped in between yesterday and forever

andylhen

  • GirlTalker
  • **
  • Posts: 199
Re: Adjusting to a married life
« Reply #43 on: December 19, 2012, 02:23:29 pm »
pareho pala tayo sis.. ang sabi ni hubby, hindi niya ako hihingan ng tulong para sa family niya.. basta hindi daw niya pababayaan ang mga yun dahil nung siya daw ang nangangailangan, sila daw ang tumulong sa kanya.. hindi ko tuloy alam ang iisipin.. sabi pa ng pamangkin niya, wag daw siyang ilipat sa public school basta pagbubutihan niya ang pag aaral niya.. sa totoo naman matalino at mabait yung bata.. inaanak ko pa.. kaya kahit naiinis ako sa tatay niya, hindi ko magawang dumihan ang isip ng asawa ko na ihinto ang sustento sa bata.. ang katatawa pa, walang amor yung bata sa tatay niya.. ang sabi pa niya, pag nagkatrabaho na siya, sa hubby ko ibibigay yung sweldo niya.. pati siya daw mag aalaga sa magiging anak namin.. sarap buhay lang talaga ang kuya niya, anak anak siya tapos hindi naman pala niya kayang pagaralin..

Myealexis21

  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 1410
Re: Adjusting to a married life
« Reply #44 on: December 19, 2012, 02:55:42 pm »
^At least Sis yung bata maganda ang ugali at matalino, and from your story marunong tumanaw ng utang na loob.  Maintain nio na lang sa private school kase andun mga friends niya, mahirap din kase ang adjustment ng bata if itransfer pa ng school. 

That being said...sana wag na dagdagan ng hubby mo ang papaaralin niya ha! hehe! Nandun na tayo na kelangan tulungan ang family niya, pero sana naman yung parents niya ang focus niya...plus yung mga kapatid niya malalaki na yun at malalakas pa kayang-kaya nila magbanat ng buto at kumita.  Wag sya magpaka-superman.  Ok fine, pede na siguro once tulungan, pero naman wag yung paulit ulit. 

sa asawa ko naman, he helps din kase and hindi maka-hindi sa mga kapatid niya.  I told him wag ka bigay ng bigay ng pera na pangtulong kase pag naubos yang pera na binigay mo, ang siste hihingi ulet yan ng tulong.  Rather help them get a good job para sa ganun hindi na yan takbo ng takbo sa yo.  At isa pang sinabi ko sa kanya na set up namin, kapag mangungutang ang mga ILs ko, ang isasagot ko sya po ang kausapin ninyo.  Kapag parents ko naman lalapit sa kanya, ganun din sagot nia..na ako kakausapin.  Para sa ganun kung sumama man ang loob kapag di napautang ang nagdeliver ng bad news eh yung kapartido nila :)

So far feeling ko, takot naman lumapit sa akin ang mga magulang niya at kapatid.  Rather nahihiya, kase they know si hubby tinanggap ko even if may mga previous bagahe na sya hehe...And hindi naman ako madamot basta ayoko lang din yun pinangungunahan ako, like hingi ng hingi hindi na lang maghintay at ayoko rin yung nagpaparinig ng gusto.  Me and my brothers kase were brought up like that, never kaming magrequest sa parents namin dati even if they were both working abroad.  Kaya I hate people na ganyan.  Ayoko rin kase na napipilitan akong magbigay hehe..gusto ko bukal sa puso ko yung mga gifts ko.
Trapped in between yesterday and forever

lordknight_aiz.18

  • I Could Not Ask For More..
  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 1475
  • Love God Above All
    • Skin Classics
Re: Adjusting to a married life
« Reply #45 on: January 02, 2013, 03:08:44 pm »
ansaya naman sa thread na to. :) dami ko palang karamay.. got married last october. he's working. ako nagquit na.. and ayaw niya magwork ako kasi daw gusto niya pagdating niya, may mag aasikaso..

so ako nagluluto at naghuhugas pag weekends. minsan nagpa plancha pero madalas siya kasi di ako magaling. lumaki din ako na may maid kami pero now kaming dalawa lang sa cute house namin..

tulad ng ibang sis, may pagka OC din si hubby.. may certain fold dapat sa damit niya pero nagagawa ko naman na ngayon.. madalas din kami mag away during our first month pero ngayon medyo okay na.. :)

Luke 12:15
"...even when a person has an abundance, his life does not result from the things he possesses.”

http://sophiemart

mamichula

  • Junior GirlTalker
  • ***
  • Posts: 259
Re: Adjusting to a married life
« Reply #46 on: January 13, 2013, 04:20:53 am »
2 years na kaming married. Sa house we're both OC lol malinis kame pareho sa house and we're happy pag maayos ang bahay so magkasundo kame there. Everything else magkasundo kame, or napagkasunduan na namin But were adjusting pa sa handling ng finances. Im kuripot and maipon and my husband's a spender. He got it from his parents na grabe gumastos and di nagiipon. Hes changing na paunti unti hes starting to make mature decisions na about money kasi i explain to him the importance of having ipon parati :)  Its super hard talaga kasi magkaiba kayo ng background, magkaiba kayo ng kinalakihan :)

ayami

  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 1542
Re: Adjusting to a married life
« Reply #47 on: January 13, 2013, 10:11:32 am »
may ganito palang thread :D almost 3 years na kaming kasal, ang adjustment period ko yung first 6 months, though di naman sya palagi tumitira pa sa bahay namin noon. Pag nag-away kami, ang una kong tinitira yung gamit nya e. Binabalot ko for him, tapos itatambak ko sa kotse lol. Hindi rin ako sanay nang may katabi sa kama, kasi only child ako at mula 2 years old ako nakabukod na ko ng room sa parents ko. Wala pa rin akong ka-share sa kwarto ko kaya ang kawawa kong asawa isang Orocan na cabinet lang ang space sa room ko hehe.

Ang kaartehan nya yung dumi ng paa na napupunta sa kama. Kelangan, bago umakyat (kahit yung anak namin) magpupunas dun sa basahan or ipapagpag yung paa. Bawal ring magsnacks sa room! Ang hirap kaya, masarap pa man din tumambay sa kwarto at kumain sa kama habang nanonood ng TV. Namimiss ko yon.

Sa trabaho sa bahay, may kasama kami so wala namang problema. Pero pag dalawa lang kami, siya ang naghuhugas ng lahat pero ako nagluluto ng ulam. Saing lang ang alam nun e. Sa paggastos, parehas kami ng spending pattern-- one time big time kung gumastos. Hindi naman kami ma-splurge palagi parehas, basta isang major spending lang per year ang nagagawa namin. Kuripot kami sa damit e. Pagkain sa labas minsan ang gastos namin at sine. Pero natuto na kami magdownload na lang (except pag major movies at MMFF). Parehas din kami ng pinag-iipunan-- ang investment naming condo unit. Majority ng pera namin galing pa rin sa magulang. Haha

Kami ang sinusuportahan at hindi kami ang susuporta kaya mas wala kaming iniisip pa sa finances. Ewan ko lang pag may trabaho na kami parehas. Pero gawa nga na mas well off pa ang parents namin kesa samin, malamang walang issues tungkol sa pamimigay ng tulong sa kamag-anak.

Madelskie

  • Jolly and Bubbly
  • GirlTalker
  • **
  • Posts: 174
  • hindi ako maldita for nothing :P
Re: Adjusting to a married life
« Reply #48 on: January 13, 2013, 10:47:19 am »
Been married for 2 years and a month. :) Sa una mahirap talaga, kasi cyempre nung una ok lang sa inyo ang gawi ng isa't isa pero ang mahirap na is yung magkasama na kayo sa iisang bubong. :)

Sa aming dalawa ni hubby, ako yung OC. Natawa ako sa toothpaste issue kasi ako naman yung ganon, gusto ko sa dulo i-squeeze.  ;D Pero hindi naman ako yung tipong ipipilit ko na yun dapat, pag nasabi ko na, ok na sa akin yun. Your choice kung gusto mong sundin o hindi. :) Hubby naman hates all my stuff. Sobrang dami daw na feeling nya hindi naman lahat nagagamit. Actually, tama cya. Marami akong gamit na old na pero di ko ma-let go. Sa sobrang sinop ko mga sis, di ba yung carton na support ng shirt pag naka-fold when you buy sa shop, hindi ko yun tinatapon. Hindi ko cya kailangan that time pero feeling ko magagamit ko cya in the future. :D Pero siguro nasanay na rin si hubby. He doesn't mind na, hindi naman kasi nakakalat, yun nga lang nag-ooccupy ng spaces sa cabinet. :D

Sa food, maselan ako. Marami akong di kinakain pero bf/gf pa lang kami alam na nya yun, so hindi na naging issue. I don't cook, so cya ang in-charge pag may gusto cyang food. Hindi naman din cya madalas magluto since may helper din kami. :)

Money matters naman, he voluntarily surrender his income to me. Aminado kasi cya na hindi cya magaling pagdating sa finances. Feeling nya mas kaya ko maghandle. I'm giving him allowance lang para sa work nya then extra din kung biglaang may kailangan cya. If may gusto cyang bilhin, he would tell me then I'll give him money. Last year, I resigned kasi nga nabuntis ako, tinuruan ko cya kung paano ko hinahandle yung finances namin. I'm using excel file to budget. Natuwa naman ako kasi natuto naman cya agad and since magiging parents na kami, nakita ko naman na nag-mature na cya on handling our expenses. :)

Same with sis ayami, pareho kaming hindi sanay matulog na may katabi kaya nag-invest talaga kami sa malaking bed. Unlike other couple na magkayakap pag natutulog sanay kami na magkatalikod hanggang ngayon.  ;D Ang weird nga namin, after we make love, magkikiss lang kami sabay talikod sa isa't isa.  ;D
 
Marami pang ibang adjustments, but most of them I think are so petty. When you marry a person, pinakasalan mo din lahat ng negative sides nya. It's ok if you can change him/her the way you wanted him/her to be. Pero kami ni hubby, mas naniniwala kasi kami na mas mabuti na tanggapin namin yung isa't isa (worst and best) than changing each other the way we wanted. :)
A proud Mommy to our little Marcus Merson ;)

imbisibol_

  • Junior GirlTalker
  • ***
  • Posts: 217
  • www.EricAndCharie.com
Re: Adjusting to a married life
« Reply #49 on: January 23, 2013, 10:24:41 pm »
before getting married, we supposedly planned a division of labor.  i was going to clean the house (excluding the kitchen) and do laundry while he would cook, clean the kitchen, and maintain the cars.

it has ended up with me cleaning the house and the kitchen, doing the laundry, and maintaining the cars.

my husband does clean the oven and microwave.  i've let him get away with this set-up because he does have three jobs, and i've told him he can't quit any of those yet  :P

oh- and he cooks too because i can't cook to save my life.

Valkerie

  • Junior GirlTalker
  • ***
  • Posts: 213
Re: Adjusting to a married life
« Reply #50 on: January 24, 2013, 04:43:31 pm »
over a year na kaming kasal pero di pa kami bumubukod because we haven't yet decided for our house dahil na nga din sa work namin..

haaaay i wish to feel din sana ang pagiging married. kasi up til now parang wala pa naman nagbabago because of our distance ;)

sakuramie

  • GirlTalker
  • **
  • Posts: 77
    • http://www.mywedding.com/larzandmie/index.html
Re: Adjusting to a married life
« Reply #51 on: January 24, 2013, 08:17:48 pm »
been married for over a month pa lang..super adjustment for me, nagluluto na ako which I don't usually do before kasi everything is ready na for me. :) but this is not a big deal, I know naman how to cook and I love what I'm doing. Linis ng bahay kami pareho pero madalas ako..laundry siya na..pag weekend naman buhay prinsesa ako he does everything, konting tulong-tulong lang ako.. :D

nalulungkot lang kami minsan, magkaiba kasi kami ng sched. pagkauwi nya wala ako, pag-uwi ko tulog na sya..so yun, ganyan ang set-up namin.. :)

Valkerie

  • Junior GirlTalker
  • ***
  • Posts: 213
Re: Adjusting to a married life
« Reply #52 on: November 18, 2022, 08:58:18 am »
Woah update after 9 years!!! So ayun na nga mag 10 years old na pati aming daughter... and, may baby nanaman ako hahaha...

as for my married life now, I should say going smooth naman even if ganito ang set up namin. I just feel na lacking lang as a parent since di ko talaga magawagawang mabalance ang famiily-work ko. Hope na in the future matransfer ako sa wakas near sa bahay sa province para matutukan ang mga kids.

Communication ang nagtatawid sa aming mag asawa kasi we are always apart. 2-3x lang magkita in a year because of work. Lalo now na ang daming means, walang rason not to check on your other half. Palaging reassure them of your feelings. Sa panahon ngayon maraming distractions and mabuti narin part ng distractions na yun ang technology where you can communicate with each other para klaro ;)

 

Latest Stories

Load More Stories
Close