^^sis, get out of the house, bring a police if you have to, you also have to protect your child noh! Scary sh1t yan! How often does he drink? Sis, wag mo hintayin mapuruhan ka! Either he stops drinking or youre out of his life! Talk to him when he's sober. Baka kasi di nya naalala ito, the more he should stop drinking.
****
my hubby is super OC din. Naiinis na ko, kasi instead of cuddling yime, nagliligpit ang mokong. Kasalanan ko daw yun kasi kung inayos ko na, di na daw sya mag aayos, to which i disagree kasi kahit ayusin ko, he has his own way na magayos na feeling nya it's the only way to organize things. OC sya pagdating sa organizing stuff around the house, ako naman sa cleanliness. Ang hirap iexplain, pero gusto ko malinis, sya gusto nya maayos. Pinagtatalunan namin minsan, pero di na big deal. Ayoko lang ng mga foul na comments, tsaka yung delivery ng comments nya, lagi ko sya pinagiingat kasi ayoko magalit.
He lived with me for almost a year before he left the phils for work tas we got married less than a month ago. He was so pissed ng umuwe sya nakita nya gano 'kagulo' our room. Since sanay na ako na nagwawala sya pag ganun, dinaan ko na lang sa lambing. Tas nagliligpit na yan.. Minsan nababadtrip din sya, lalo na his luggage is just on the floor, we have no more space.. Pag makalat ang floor, nagsisipa ang mokong. Hinahayaan ko na lang kasi he's lost control over his stuff, siguro hirap din sya..
Whenever we travel, i let him pack if we share luggage, minsan kahit we dont share. Kasi if i pack, sasabihin nya di dapat ganun... So i let him suffer. Haha. Recently, we went hotel hopping, and every morning he packs our stuff, i no longer help him put stuff into our luggage kasi uulitin nya lang din. I try to collect them stuff na lang. Eh when he unpacks, he unpacks everything, so paulit ulit talaga. tinatawanan ko kesa magalit ako. Naiinis nga lang sya when i ask things from him, ginagawa ko daw syang yaya. E sya eh, he wont let me pack my stuff, so magdusa sya. Tatawa tawa din naman ang mokong.
Pagdating sa expenses, ako ang OC dati. I want everything accounted for. Nahawa din naman sya. Pero unti unting nawala ito when we got separated, pero im thinking of getting this back on track dahil, mahirap na... May issues kami sa pautang nya, pero we had several talks regarding this, and im hoping na we're good na. Alam nya ang consequences, sana, kung mag waldas sya...
When he married me, he knew na makalat ako, may pagkabrat, may katamaran, may katarayan.. Sabi ng closest friendssss ko, im a monster. nakakatawa kasi they separately told me this, wala nag usap sa kanila and from various barkada pa. Syempre i dont agree.. Kaloka lang na thats how they see me. hahahaha. Pero may moments talaga na, im glad he's my hubs kasi he complements or makes up for the things i cant do or for what im not... He knows na sablay ang luto ko minsan, na di kasingsarap ng sa sister nya, dati nagseselos ako kasi lagi nya pinagmamayabang luto ng kapatid nya. Tas one time naka jackpot ako ng luto, he didnt believe na ako nagluto, yung maid daw. Badtrip.
Naniwala ako na kahit mahirap sabihin, at kahit mapag awayan pa, dapat sabihin na.. Hirap kasi magtago ng narararmdaman. Mapapansin din nya, tas lalaki at hahaba pa ang away... So minsan i take a moment para magcompose how i should confront him...
i just realized na since we got married not too long ago, nagadjust din attitude ko, mas patient, mas naging homey kasi i start to do more things for him na wala ng reklamo. Hahaha. Kaloka.
LDR mode nanaman kami, nakakalungkot kasi first christmas namin sana na married kami, wala pa sya... Hayyy accept the things i cant control.. Breathe in breathe out na lang.