NOPE.
I Hate him. I super hate him right now.
Di pa ata ako ipinapanganak nambabae na sya. Ilang beses din hangang nag high school ako.. may pumunta pa sa bahay namin to inform my mom na may dinala sya sa China (where he works) na katrabaho nya dito sa Pinas, at nag stay sila sa hotel for 2 weeks, all expense paid by my dad. All the while, akala ng mama ko same lang ang sweldo nya dito sa Pinas at sa China, yun pala he was spending it sa babae nya.
Maraming maraming beses pa nangyari yun.
Naiinis din ako sa mama ko for being so t**** about what's happening. Lagi nyang hinahayaan. Nung minsan niconfront nya yung babae, pero yung tatay ko wala lang.. parang wala lang syang ginawang masama.
Until ito na.. I'm almost 40 and mom is already 61, dad is nearly 60 narin, about 3 years ago bigla nalang sya di nagpadala ng pera, yun pala months na since di na sila nag uusap ni mama. Nung ni confront ko sya through wechat, saka lang sya umamin, nung ginugulo ko na ang boss nya.
Inamin nya na may anak na sya duon sa China, technically may pamilya na sya duon. Ang sakit lang.
I was hoping that one day, di nya na kailangan mag abroad, dito nalang sya, at finally magkakasama sama kami sa Christmas and New Year. But it didn't happen.
Huling beses na umuwi sya nung libing ni lola, tinuloy nya yung sustento kay mama ko, yun naman ang usapan namin, di ako manggugulo basta magsustento sya kay mama. Pero nitong Feb bigla syang nagsabi sa kapatid ko na hindi daw muna sya makakapagpadala dahil nagkasakit sya. Kesyo naoperahan daw sya at lilipat daw sya ng ibang company. Sa totoo lang, di ko na alam kung kelan sya nag sasabi ng totoo. Ang hirap maniwala and that moment, I had enough.
Tinanong ko si mama kung ano ba gusto nya mangyari. Sabi ko pwede naman natin ilaban ito, pero magiging magastos, kung magpa Tulfo naman tayo, mauungkat ang lahat sa family namin, at talagang itinatago naming kahihiyan yang pambababae nya.
Kung ako tatanungin ayoko na, may family narin ako at iba ang priority ko.
Kung ayaw ng tao sa amin, ayaw din namin sa kanya. Natahimik kami ng ilang buwan. Hindi narin nagparamdam pa ang tatay namin, wala narin akong pakialam. Tinutulungan narin namin ng sister ko ang mama ko financially, pero siguro hindi sapat.
Kanina lang nag message ang mama, tawagan ko daw ang boss ni papa at kamustahin kung dun pa nagtatrabaho. Talagang it affected me so much.
Sobrang stressed ako. Nagiiyak ako kanina, kasi ni i mention ang tatay ko, hindi ko magawa, at kahit husband ko alam nyang badtrip ako tuwing mag jojoke sya about my dad.
Sabi ko talaga sa mama ko na hindi ko gagawin at pasensya na pero talagang galit ako sa tatay ko at hindi ko kaya makipag plastican para lang malaman kung ano lagay nya.
Sometimes I wish that he's dead nalang para matapos na.
Please don't judge.
I even unfriended my relatives sa side nya, and now deactivated my fb.
I'm just sooo sad right now. Sabay sabay kasi, dami ko rin iniisip na problema, tapos sasabay pa tong tatay ko.