Girl Talk

Sex & Relationships => Engagements & Weddings => Topic started by: junebride on September 05, 2013, 05:48:55 pm

Title: San Agustin Church
Post by: junebride on September 05, 2013, 05:48:55 pm
Mods, padelete na [textspeak!] if may existing na pong topic na ganito  :)

Hello mga sisses,

Baka may ideas kayo about San Agustin Church. Like kung ano yung mga bawal sa kanila, yung may mga additional fees, and mga documents na nirerequire nila.

yung mga sisses din natin na nakapagpakasal na here, sana makapag bigay din ng feedback satin :)

TIA! Happy wedding preps :)
Title: Re: San Agustin Church
Post by: valhiei_11 on September 05, 2013, 05:54:56 pm
Nice may thread! Haha basta yung taga bukas ng door may bayad daw. Niloloko pa ako ng ate ko siya nalang daw magbubukas. Lol
Title: Re: San Agustin Church
Post by: junebride on September 05, 2013, 06:40:37 pm
Nice may thread! Haha basta yung taga bukas ng door may bayad daw. Niloloko pa ako ng ate ko siya nalang daw magbubukas. Lol

Haha sis valhie_11 korek ka dyan! Yan nga din sinasabi ko. baka pag sara ng pintuan di na ako makapasok kasi kulang ang bayad  haha..

Ang alam ko [textspeak!] sis na may bayad dito is yung additonal na ninong and ninang kapag nag excess sa 6 pairs, yung door nga saka yung choir loft ata tawag dun, yung sa taas sis.. Plus kapag nag pa upgrade ka ng flowers. Other than that wala na ako alam.. e baka may mamiss-out tayo di ba :) para maisama sa budget :)

Kasi yung p/v ko, nagkwento sakin na may couple daw silang dun kinasal and di alam na may bayad din sa choir loft so di nakaakyat dun yung p/v niya. may permit daw kasing inissue ang SAC para makaakyat ka dun.

So ayun.. baka may mga iba pang needs and requirements,, feel free to comment lang mga sisses :)
Title: Re: San Agustin Church
Post by: teyish on September 05, 2013, 08:55:42 pm
Hi sis! Additional info, hindi sila nagpepencil book 50% down payment agad. Saka every hour ang kasal, kasi  we tried to book there 2pm and 7pm na lang ang available. Tapos sis may kasal ng 3,4,6.. Hehe.. 45mins lang ang daw ang ceremony, 15mins sa pictorial. Kapag late nagstart ang wedding forfeited ang pictorial. Bawal din maghagis ng petals etc sa loob ng simbahan.. May bayad nga ang pagsara at pagbukas ng pinto.. Bawal din na hindi religious song sa ceremony... Dun din ako medyo naghesistate kasi we have this song in my mind na para sa bridal march.. Tapos parang mamadaliin nga nila yung ceremony.. But San Agustin is very beautiful naman talaga yun nga lang maraming bawal at rules. :)
Title: Re: San Agustin Church
Post by: junebride on September 06, 2013, 09:40:12 am
Hi sis! Additional info, hindi sila nagpepencil book 50% down payment agad. Saka every hour ang kasal, kasi  we tried to book there 2pm and 7pm na lang ang available. Tapos sis may kasal ng 3,4,6.. Hehe.. 45mins lang ang daw ang ceremony, 15mins sa pictorial. Kapag late nagstart ang wedding forfeited ang pictorial. Bawal din maghagis ng petals etc sa loob ng simbahan.. May bayad nga ang pagsara at pagbukas ng pinto.. Bawal din na hindi religious song sa ceremony... Dun din ako medyo naghesistate kasi we have this song in my mind na para sa bridal march.. Tapos parang mamadaliin nga nila yung ceremony.. But San Agustin is very beautiful naman talaga yun nga lang maraming bawal at rules. :)

Thanks for the info sis teyish! Yun nga e hindi nga daw pwede yung ibang songs and may list daw sila ng mga pwede pipili na lang kami dun :( bet ko pa naman yung kay Lea salonga para maka -emote haha..

Nagpareserve na rin kami sa kanila sis. Hindi lang ako masyado nakapagtanong kasi 5 minutes before 12noon na kami nakarating. nahiya ako magtanong ng magtanong at lunch na  ;D pero accommodating pa rin si Ms. Belen at hindi niya kami pinag anatay matapos ang breaktime nila hihi. At super korek ka jan. Ambilis mapuno ng mga slots nila. Originally gusto sana namin is 4pm kaso nung nag inquire kami ang natira na lang dun s date na gusto namin is 7am - 12 noon.

pansin ko nga medyo (medyo nga lang ba haha) strict sila sa rules noh? daming bawal and di pwedeng gawin. pero maganda kasi talga yung simbahan kaya go na din kami  ;)
Title: Re: San Agustin Church
Post by: valhiei_11 on September 06, 2013, 11:41:30 am
Oonga eh karaniwan hindi na available yung time kaya dapat ata 2years before ka magpabook. Hehe yung sakin 2pm at 5pm nalang available pero dahil april at walang aircon kinuha ko 5pm para d mainit. Hehe
Title: Re: San Agustin Church
Post by: teyish on September 06, 2013, 06:31:09 pm
Kami kasi mga sis, prefered namin talaga is Manila Cathedral, naheart broken din ako dun kasi nakapencil book na kami then sabi nila, magcheck na lang daw muna kami ng ibang church kasi on going pa rin ang renovation at magbubukas pa on jan2014 ulit ang calendar nila for reservation, tapos yun nga pumnta kami San agustin eh since that time wala pa kami dala pambayad, binalikan namin.. Ayun na pagbalik namin ayaw na namin yung slot na vacant.. Hehe.. Sayang talaga kasi importante sa min ang intramuros since dun kami nagmeet pero dun na lang yung reception.. Hehe.. :P
Title: Re: San Agustin Church
Post by: sweetie_shie on September 07, 2013, 01:28:19 am
Pajoin mga sis,

sabi nga ng friend ko na kinasal. ang bilis ng ceremony. parang kada galaw mo may bayad. kung baga masabi lang na san agustin ka kinasal...
Title: Re: San Agustin Church
Post by: furble on September 07, 2013, 05:35:10 am
Hi sis pajoin :) from what i know sa flowers you can upgrade daw then pwede na magshare sa payment yun mga ikakasal for the day. I was thinking nga to get own priest kaso parang sayang kase the ceremony will be too fast.. Kaya sana lang yun priest nila nalang dun can give heartfelt homily kahit mabilisan lang :)
Title: Re: San Agustin Church
Post by: teyish on September 07, 2013, 10:59:12 am
Pajoin mga sis,

sabi nga ng friend ko na kinasal. ang bilis ng ceremony. parang kada galaw mo may bayad. kung baga masabi lang na san agustin ka kinasal...

Agree ako dyan, may nabasa rin ako before sa forums na kada galawa mo nga may bayad.. Hehe.. maganda lang kasi talaga ang San Agustin. :)
Title: Re: San Agustin Church
Post by: junebride on September 08, 2013, 02:38:13 am
Hi sis pajoin :) from what i know sa flowers you can upgrade daw then pwede na magshare sa payment yun mga ikakasal for the day. I was thinking nga to get own priest kaso parang sayang kase the ceremony will be too fast.. Kaya sana lang yun priest nila nalang dun can give heartfelt homily kahit mabilisan lang :)

Hi sis furble!

wow talga sis? pwedeng mag share sa payment  sa upgrade yung mga ikakasal on the same day? 4 thou din yung upgarde..Di nabanggit yan sakin nung nagdown kami pero ask ko na din tee hee!. Ok yun ah . ;D

Thanks sis  ;)

Pajoin mga sis,

sabi nga ng friend ko na kinasal. ang bilis ng ceremony. parang kada galaw mo may bayad. kung baga masabi lang na san agustin ka kinasal...

Naku tumpak ka dyan sis sweetie. Lahat ata ng galaw e may bayad.. Mejo masakit sa bangs hahaha.. peroif sa ganda naman, pasok sa banga naman talga ang San Agustin,, Yun nga lan heads up sa mga additional fees.. hay buhay haha
Title: Re: San Agustin Church
Post by: furble on September 09, 2013, 06:49:53 am
Hi sis junebride, i read lang yan na ppwede nga daw magshare but was not able to confirm pa ang sac if that's true :)
Title: Re: San Agustin Church
Post by: hanson15 on September 09, 2013, 03:15:14 pm
any bride na november 15, 2014 ang date? hehe 4pm mass ako. Ang cool siguro kung may picture ng 2 bride as remembrance baka meron kumuha ng 3pm slot?
Title: Re: San Agustin Church
Post by: junebride on September 09, 2013, 05:31:29 pm
any bride na november 15, 2014 ang date? hehe 4pm mass ako. Ang cool siguro kung may picture ng 2 bride as remembrance baka meron kumuha ng 3pm slot?

Sis hanson15 ang cute nga niyang idea na yan.. hihi sayang isang buwan agwat natin haha.. december 13, 2014 naman ako..  ;D
Title: Re: San Agustin Church
Post by: hanson15 on September 09, 2013, 05:53:03 pm
^yes sis malay mo naman andito siya sa girltalk tee hee!. Ang cute kasi na may picture na 2 kayong bride kaya nacurious ako kung sino yung bride na yun :)
Title: Re: San Agustin Church
Post by: --hana-- on September 10, 2013, 01:26:55 pm
first choice din namin san agustin. how much dito? mag down na ba agad pag magpapabook?
Title: Re: San Agustin Church
Post by: hanson15 on September 10, 2013, 01:35:09 pm
8k sis downpayment no refund na yun. total package stipend 24k ata. Pero not sure ano ibig sabihin ng stipend. Pag close doors add 1k, pag picture sa museum add 2k pag picture sa garden 1k ata. Pag top view shots add 1k.  Pag video add 1.5k pero not sure sa video ah.

Basta kada kilos may bayad hehe
Title: Re: San Agustin Church
Post by: --hana-- on September 10, 2013, 01:40:17 pm
^grabe ganun pala add on lahat hehe. thanks sa info sis. 2015 pa naman kami kaya lang as early as now nag prepare na :)
Title: Re: San Agustin Church
Post by: junebride on September 10, 2013, 02:09:41 pm
8k sis downpayment no refund na yun. total package stipend 24k ata. Pero not sure ano ibig sabihin ng stipend. Pag close doors add 1k, pag picture sa museum add 2k pag picture sa garden 1k ata. Pag top view shots add 1k.  Pag video add 1.5k pero not sure sa video ah.

Basta kada kilos may bayad hehe

Sis hanson15 meron pa bang bayad sa video? Videographer ba yan sis or yung maglalagay ka ng projector sa loob ng church? di ba 2 photogs, 2 lightings and 1 videographer ang allowed.

meron palang picture sa garden sis :) ayun siguro yung dating Indoor garden nila na pwede mag hold ng reception.. buti nabanggit mo.. di pa ako masyado nagtatanong kay ms. belen ;D

Sis hanna, maganda kasi talaga ang San Agustin yun nga lang ang daming additional fees. Tama si sis hanson15, 8k yung downpayment. pero hindi sila nagpepencil book sis. And mabilis mapuno agad ang slot. Better book early sis para makuha nyo yung date na like nyo :)
Title: Re: San Agustin Church
Post by: sunshine8 on September 20, 2013, 05:21:53 am
I'm happy to discover this thread! =) Nov 8' 2014 naman ako... Gusto ko sana 4pm pero may nauna na sa reservation... We've got the 3pm slot... Ang bilis mapuno ng slot!
Title: Re: San Agustin Church
Post by: junebride on September 20, 2013, 10:38:46 am
I'm happy to discover this thread! =) Nov 8' 2014 naman ako... Gusto ko sana 4pm pero may nauna na sa reservation... We've got the 3pm slot... Ang bilis mapuno ng slot!

Hi sis sunshine8!

Super agree with you! Ganyan din nangyari samin. We really wanted to have a 4pm wedding kaso may nauna na, To think na July pa kmi nagpabook and December 13, 2014 pa ang wedding namin. :) Kala ko nga OA na kami sa aga yun pala may nauna pa samin hahaha.. at 7am to 12 noon na lang ata yung available for that date.
Title: Re: San Agustin Church
Post by: sunshine8 on September 23, 2013, 06:48:44 am
Super aga naman if ever may ikakasal ng 7am! Breakfast wedding sa reception! lols =)
Title: Re: San Agustin Church
Post by: missdior on September 23, 2013, 04:41:12 pm
Hi Jeannybaby would you know magkano bayad pag nagpakuha ka ng shot mula sa taas? and separate pay din ba yung sa museum or gilid ng church?
Title: Re: San Agustin Church
Post by: nicoletta on September 24, 2013, 10:33:17 am
Per 30 minutes yata yung museum, we had our trailer shoot in San Agustin. Not bad yung place. You just have to pay extra sa lahat.
Title: Re: San Agustin Church
Post by: junebride on September 24, 2013, 10:40:25 am
Hi Jeannybaby would you know magkano bayad pag nagpakuha ka ng shot mula sa taas? and separate pay din ba yung sa museum or gilid ng church?

Hi sis missdior, 1k yung kuha sa choir loft. Need ng p/v mo ng pass/permit to get up there.. :)
Title: Re: San Agustin Church
Post by: valhiei_11 on September 24, 2013, 01:39:30 pm
Mga sis alam nyo how much yung pre cana seminar sa San Agustin at every kelan yun? Thanks parang may nabasa kasi ako half day lang?
Title: Re: San Agustin Church
Post by: junebride on September 25, 2013, 10:14:16 am
got married here nung May 26 :) Super nice [textspeak!] church! but comment ng mga guests ko super bilis ng wedding! rush kung rush ang pictorials! but no regrets naman, maganda maglakad sa aisle eh:) they have their own list of songs during the ceremony, but you can choose any song for the bridal march! you can have your pictorials after the wedding sa likod ng church sa garden; and may bayad din yun! i think 1k or 1,500...

Hi sis Jeannybaby, talga? pwede mamili ng song para sa bridal march? yehhheeeyy!! kahit hindi liturgical song ok [textspeak!]?
Title: Re: San Agustin Church
Post by: nicoletta on October 06, 2013, 11:17:24 pm
valhei11

Yung 1 day pre cana seminar, available in santuario de san jose only.  Ask your coordinator regarding that kung nagmamadali ka.
Title: Re: San Agustin Church
Post by: furble on October 12, 2013, 10:38:17 pm
Hi sis valhiei_11! Pre cana seminar in san agustin is during saturdays only but you have to call them for scheduling.. Half day lang sya and it costs 750 sa pagkakaalala ko
Title: Re: San Agustin Church
Post by: valhiei_11 on October 13, 2013, 12:34:54 am
Thanks sis furble! Kelangan ba complete na yung documnts bago makapagpre cana seminar? Thanks!
Title: Re: San Agustin Church
Post by: furble on October 14, 2013, 10:03:01 pm
No naman. They just require na 4months lang before your wedding date ppwede kayo mag pre cana seminar :)
Title: Re: San Agustin Church
Post by: Locksley on October 20, 2013, 05:42:12 pm
Jan 2011 bride ako ng San Agustin, may bayad bukas ng pinto 1500 even the shot sa choirloft nila 1500 din. Ewan ko lang ngaun if nagtaas na. May wedding coordinators sila sa mismong wedding, your coordinator should coordinate with them kasi sila lang allowed sa altar. May additional din for extra lights ng video like if 2-cam set up ka. Bawal malate they start on time. :-) Ganda lang talaga tsaka maayos sila. Ask for younger coordinators ng church, yung tip kasi sa akin masungit daw yung mga may idad na :-)
Title: Re: San Agustin Church
Post by: junebride on October 24, 2013, 06:17:47 pm
Mga sis ask ko lang may contract bang binigay ang San Agustin Church sa inyo once nakapag pareserve na kayo? OR lang kasi yung inissue sakin nung nagbayad ako ng DP :)

Title: Re: San Agustin Church
Post by: missdior on October 24, 2013, 10:33:59 pm
Sis junebride OR lang din binigay sakin and yung brochure with the list of requirements and schedule ng seminar
Title: Re: San Agustin Church
Post by: c_a_k_e on October 24, 2013, 10:53:57 pm
Hi I'm we also booked san agustin church for our wedding and we only got the OR and the brochure. After paying the down payment, when will be the full payment? On the day of the wedding?  :)
Title: Re: San Agustin Church
Post by: junebride on October 25, 2013, 01:24:18 pm
Sis junebride OR lang din binigay sakin and yung brochure with the list of requirements and schedule ng seminar

Hi sis missdior,
Same pala tayo sis. so baka ganun n nga yun  :)

Hi I'm we also booked san agustin church for our wedding and we only got the OR and the brochure. After paying the down payment, when will be the full payment? On the day of the wedding?  :)

Sis c_a_k_e, dun ata sa brochure nakalagay. im not sure lang :) Pero may binigay ba sayong date klung kelan ka babalik para dun sa mga requirements? Plan namin baka dun na bayaran yung remaining. :) December 2014 pa naman wedding naminso may time pa mag ipon hehe! ;)
Title: Re: San Agustin Church
Post by: c_a_k_e on October 25, 2013, 09:01:20 pm
Hi junebride thanks for the info. i'll check the brochure later most likely it's april or may :) our wedding will be on June 2014 :)
Title: Re: San Agustin Church
Post by: nocturnalgal on November 06, 2013, 03:44:05 am
San agustin bride here, dec 29 2014!
Title: Re: San Agustin Church
Post by: uberbabe03 on November 06, 2013, 06:59:51 am
Hi there sisses! I also booked here for June 2014! :D Nakakatuwa naman basahin etong thread, andami kong info na nakukuha. Sinulat ko na ngang lahat eh. :) Isipin ko kung ano pang pwede kong itanong then ipo-post ko rin dito! Later! xoxo
Title: Re: San Agustin Church
Post by: C+C on January 17, 2014, 03:44:24 pm
may balak akong lumipat sa SAC :) gusto ko kasi pwede ang personal vows ;) pero grabe naman,..pati precana may bayad,.. shoot sa museum, garden, etc.. hahhaha
Title: Re: San Agustin Church
Post by: junebride on January 24, 2014, 08:57:29 am
may balak akong lumipat sa SAC :) gusto ko kasi pwede ang personal vows ;) pero grabe naman,..pati precana may bayad,.. shoot sa museum, garden, etc.. hahhaha

naku sis c+c talking about lahat may bayad e pak na pak talaga ang SAC.. as in lahat talaga.. pero maganda talga siya so pikit mata na lang kami sa lahat ng additional fees haha   ;D

FYI din pala mga sis open na rin pala ang Manila cathedral mag start na sila mag accept ng reservations on january 28. :) baka may mga sisses tayong makabasa at gusto nila dun :)
Title: Re: San Agustin Church
Post by: tips on January 28, 2014, 11:34:35 pm
Kakapabook lang din namin kanina sa SAC, jan 2015.

Mga sis, mga magkanu inabot ng total na binayad nyo sa SAC? Gusto ko din sana kasi ng close door. Hehe..
Title: Re: San Agustin Church
Post by: junebride on January 31, 2014, 04:32:49 pm
Kakapabook lang din namin kanina sa SAC, jan 2015.

Mga sis, mga magkanu inabot ng total na binayad nyo sa SAC? Gusto ko din sana kasi ng close door. Hehe..

Hello sis tips,

1000 ang close door effect sis (dramatic entrance ang twag ni ms. belen hehe)

Yung samin sis though december 2014 pa ang wedding namin ito ang computation :)

Marriage Stipend         P 24,000.00
Electricity                        1,000.00
Flower Upgrade               4,000.00
Addtl. Principal Sponsors  1,600.00      (400.00/pair x 4)
Dramatic Entrance           1,000.00
Choir Loft shot                1,000.00   
Museum photo session     1,000.00       (30 minutes)
        TOTAL                 P  33,600

So far sis ayan ang nasa wedding expenses tracker namin :)

Title: Re: San Agustin Church
Post by: em-em321 on February 01, 2014, 04:55:30 am
pasensya na ah, curious lang talaga ako pero ano ang nagagastos na resource ng churches like this tuwing sinasarado ang door para sa entrance ng bride? de kuryente ba yung door? o dahil effort magsara at magbukas para sa pagpasok ng bride? if so, baka pwedeng coordinators na lang ang gumawa para wala bayaran. still, for just closing and opening the door, parang ang mahal ata na 1k. even relatives could do that for free kung yun lang talaga ang binabayaran dahil taga simbahan ang magsasara. naguguluhan lang talaga ako. naiintindihan ko yung other charges eh pero eto talaga, di ko magets. pakiexplain sabi ni michael v. hehe. peace!
Title: Re: San Agustin Church
Post by: marzylabsyu on February 01, 2014, 04:21:05 pm
I just called their office today mga sissy... 25,000 na ang rate nila omg hindi ko pala na ask ang electricity? yup dramatic entrance is 1k ... 8k DP within 24 hrs booking.. and yung pre cana seminar pala may bayad? sad naman.. sabi naman ng mom ko try ko daw malate church. and sa tingin nyo kaya Manila Cathedral is bukas na by 2015?
Title: Re: San Agustin Church
Post by: tips on February 02, 2014, 02:36:40 pm
Thanks for the info sis junebride! Isasama ko na yan sa expense tracker ko.. :)

sis marzylabsyu, i think open na sila by 2015, yun nga lang not sure if they are already accepting reservations. the last time kasi na nag inquire ako dun (Jan 13, 2014), di pa sila open and sabi sa akin try ko tumawag from time to time.

Title: Re: San Agustin Church
Post by: C+C on February 03, 2014, 08:56:49 am
mga sis :)
Manila Cathedral is open for wedding reservations na :)
Title: Re: San Agustin Church
Post by: marzylabsyu on February 03, 2014, 05:02:39 pm
yes sis Tips.. open na sila for 2015..hehe I called last Sat (feb 1) ü any idea  how much po yung pre cana? :)


yup korek sis C+C ..open na po sila i received their email just today..and according to Ms. Rosalie (secretary po nung rector) 30k for non aircon and 40k for aircon..  :o
Title: Re: San Agustin Church
Post by: tips on February 03, 2014, 07:30:06 pm
^ naku ang mahal na pala sa manila cathedral..

Sis marzylabsyu, di ko pa sure how much ang pre cana..this feb pa ako pupunta ulit sa san agustin to check everything.. I hope di naman ganun kamahal.
Title: Re: San Agustin Church
Post by: marzylabsyu on February 03, 2014, 10:46:21 pm
^ ^ weee ako din mag ocular visit this Feb..sa SAC  :)
nakaka excite hehe happy preps sa atin hihi ♥
Title: Re: San Agustin Church
Post by: C+C on February 05, 2014, 10:30:33 am
pag pala booked kana sa SAC, free na ang precana.. kasama na sa package :)
Title: Re: San Agustin Church
Post by: marzylabsyu on February 05, 2014, 10:46:10 pm
pag pala booked kana sa SAC, free na ang precana.. kasama na sa package :)

weeee excited..  *giggles* hehe thanks po sa info.. ♥ ♥ ♥
Title: Re: San Agustin Church
Post by: tips on February 07, 2014, 08:44:34 pm
Sis C+C, thanks sa information!

Sis marzylabsyu, kailan wedding mo? Nakapagpabook ka na ba sa SAC?

Happy preps!
Title: Re: San Agustin Church
Post by: marzylabsyu on February 08, 2014, 12:31:00 am
^ ^ hindi pa ko nakakapag pa book sis tips..kasi hindi ako makapag leave..may pasok ako ehh :(
pero this month nakapag file na ko ng leave hihi December ang target month ü ♥
Title: Re: San Agustin Church
Post by: tips on February 08, 2014, 07:41:24 pm
^Ah gnun ba.. Kaya yan sis! Ako church and reception palang nabook ko.. This Feb 21-23 attend ako sa bridal fair, sana makapagbook na ng ibang suppliers..hehe.. Attend ka rn ba?

Happy prep sis!
Title: Re: San Agustin Church
Post by: marzylabsyu on February 09, 2014, 11:52:06 am
^ ^ yup.. this month punta ko sa SAC..check ko na din yung sa Manila cathedral..hehe.. yung sa feb 21-23 di ba sa megahall yun? tama ba?..not sure kasi malayo samin.. hehe
Title: Re: San Agustin Church
Post by: missdior on February 25, 2014, 05:56:57 pm
Hi girls! Question, bawal ba sa San Agustin ang tube gowns for the entourage?
Title: Re: San Agustin Church
Post by: ilynaloira on February 26, 2014, 01:55:37 am
Ngayon ko lang nabasa tong thread na 'to...grabe ang mahal pala sa SAC lahat may presyo..hehe.. anyway, SAC ang nasa #1 list ko dati pero since nung nalaman ko na oras oras may kinakasal and medyo nagmamadali mga tao kase may susunod pa...nawala na SAC sa list ko.. pero until now wala pa kaming church nabbook...kaya pa naman according sa timeline namin..since June 2015 pa naman kami.  Happy preps mga sis!!
Title: Re: San Agustin Church
Post by: c_a_k_e on February 26, 2014, 03:02:58 pm
@junebride, I didn't know I can upgrade the flower decoration at SAC. How will the upgrade look like? What are the inclusions?

@em-em321, according to one of the coordinators mabigat yung door, it takes 4 to 5 people to open it and hindi yata kaya ng coordinators lalo na if all females. Maybe the one thousand will go the 4 or 5 persons (200 each sila) lol! :)
Title: Re: San Agustin Church
Post by: C+C on February 27, 2014, 09:23:05 am
nagsimba kame ni h2b sa SAC last time,.. last mass yun kaya nakita namin nang isara nila ang door..
2 man lang ang gumawa.. maliit pa katawan nung isa ..pero siguro kung paulit ulit nga ioopen and close ang door sa isang araw, eh nakakapagod na yun,..pero bakit di pa kasama sa 25k un  :o
Title: Re: San Agustin Church
Post by: marzylabsyu on February 28, 2014, 06:42:56 am
ahaahah sana nga kasama n yun sa 25k hahahah....  ;D
baka dahil.. makabuluhan ang design at maliban pa sa bigat... ehh nagpo-provide din ng "ambience" yung door nila for p/v.. baka dahil dun hehe  ;D
Title: Re: San Agustin Church
Post by: junebride on March 02, 2014, 06:58:17 pm
@junebride, I didn't know I can upgrade the flower decoration at SAC. How will the upgrade look like? What are the inclusions?

@em-em321, according to one of the coordinators mabigat yung door, it takes 4 to 5 people to open it and hindi yata kaya ng coordinators lalo na if all females. Maybe the one thousand will go the 4 or 5 persons (200 each sila) lol! :)

Hi sis c_a_k_e! I think yung upgrade ata is yung calla lily garden (yung nasa floor ng aisle) parang isang stretch ng flowers. yung kasama ata sa package is yung flower pots lang so yung sahig bare lang siya :)
Title: Re: San Agustin Church
Post by: c_a_k_e on March 03, 2014, 06:15:48 pm
@junebride, ah and that's 4k na? I won't upgrade nalang, we spent too much with the other suppliers already.  :) Thanks for sharing  :)
Title: Re: San Agustin Church
Post by: jonahh08 on March 16, 2014, 02:49:26 am
Sisters help naman...sa tingin nyo aabot pa kaya kami kung magpapabook kami for December? Thanks. :)


Title: Re: San Agustin Church
Post by: junebride on April 03, 2014, 09:58:07 am
Sisters help naman...sa tingin nyo aabot pa kaya kami kung magpapabook kami for December? Thanks. :)

hello sis jonahh08 . December this year ba sis?  yung sa dec 13 sis ang alam ko puno na yung hapon and sa morning is meron ng 9am, 10am and 11am  na wedding:)

Ang bilis mapuno ng sked e dun sis pero try to contact Ms. Belen na din baka sakaling meron pa :)
Title: Re: San Agustin Church
Post by: jonahh08 on April 11, 2014, 12:54:40 am
Thanks sis junebride. Nakapagpabook na kami Jan 17 nga lang. Pero ok nadin siguro yun para malamig hehe
Title: Re: San Agustin Church
Post by: junebride on April 15, 2014, 12:02:16 pm
Hello mga sis!

any December 13, 2014 San Agustin Church Bried here? :)

I inquired with Ms. Belen kanina kasi we are planning to avail yung upgrade ng flowers. It will costs P4,000.00. Kasi simple flower arrangement lang ang aksama sa package ng San agustin.

Nasa flower pots lang kaya we want sana na merong flowers sa aisle sa floor yung garden ang tawag. According to Ms. Belen pwede naman daw mag share sa cost yung mga couples na gustong mag avail din ng upgare provided that it will fall on the same wedding date.  Kumbaga idi-divide sa kung ilang couples na mag papaugrade yung 4k (four thousand) :)

Hindi na daw kasi pwedeng alisin yung flowers after ng wedding kasi makakadagdag daw sa oras yun so naisip ko if kukuha pa kami ng ibang florist for church tapos di naman makukuha at matatransport sa reception e di sayang lang di ba.

So I am calling on all December 13, 2014 San Agustin Church Brides here, baka plan nyo rin mag upgrade ng flowers, share na lang tayo :) Kindly pm me please para I can coordinate with Ms. Belen.

Thank you in advance :)
Title: Re: San Agustin Church
Post by: sunshine8 on July 01, 2014, 12:47:17 am
Hi sis @JuneBride hindi ba pwede kunin yung contact number ng slots before or after your wedding? yun kasi plan ko pag punta ko ng SAC... Ask them about our Nov 8' 2014 wedding details ng ibang couples......
Title: Re: San Agustin Church
Post by: zhean07 on July 02, 2014, 05:34:39 pm
Hi sis, planning to book SAC din I still have until tom to pay for reservation fee. ask ko lang if strict ba sila sa dress code? and sure na ba talaga na pwede mamili ng sariling song for bridal march? thanks :)
Title: Re: San Agustin Church
Post by: valhiei_11 on July 03, 2014, 02:31:04 pm
Hi sis, planning to book SAC din I still have until tom to pay for reservation fee. ask ko lang if strict ba sila sa dress code? and sure na ba talaga na pwede mamili ng sariling song for bridal march? thanks :)

yup sis may list of songs sila na pwede mo pagpilian para wedding mo. Dress code hindi naman mahigpit. :-)
Title: Re: San Agustin Church
Post by: junebride on July 03, 2014, 04:58:12 pm
For entourage sis ito yung advise sakin nung tumawag ako last week. :)

1. Wag daw masyadong daring baka magalit daw si father
2. If  tube or sweetheart cut, wag daw masyadong mababa
3. Cocktail dress na below the knee (which until now di ko magets or baka nasanay lang ako na ang cocktail dress ay above or kalevel ng knee hehe)

Title: Re: San Agustin Church
Post by: zhean07 on July 03, 2014, 10:58:57 pm
Thanks sis :) booked ko na SAC kanina ^^ 
Title: Re: San Agustin Church
Post by: Nikky27 on July 03, 2014, 11:54:26 pm
hello sis... welcome to the club of SAC brides  ;D
Title: Re: San Agustin Church
Post by: junebride on July 04, 2014, 11:03:06 am
Thanks sis :) booked ko na SAC kanina ^^

Welcome to the club sis zhean07 :)

Kelan ang mga wedding nyo mga sis? :)
Title: Re: San Agustin Church
Post by: zhean07 on July 07, 2014, 01:37:45 pm
Thanks sis Nikky27 and sis junebride  :)

My wedding is on June 21, 2015  :)
Title: Re: San Agustin Church
Post by: jonahh08 on July 07, 2014, 09:21:53 pm
Jan. 17, 2015 here. Mga sisters na ka date ko bka gusto nyo magpa upgrade ng floral arrangement pm nyo ko para share nlang tayo sa fee hehe. Mwaah!
Title: Re: San Agustin Church
Post by: tips on July 07, 2014, 10:48:32 pm
Hello mga sis.

SAC bride to be din ako. May 4, 2015. :)

Pa join din. :)
Title: Re: San Agustin Church
Post by: erystal on July 12, 2014, 03:17:56 am
Girls,

Ask ko lang po.Ano po ba ang mga timings ng afternoon wedding sa San Agustin?

Planning to reserve sana this weekend for Sept 2015 wedding ;D

One more thing, tlaga po bang 1 hour lang. I mean nabasa ko kasi pag ng extend ng 30 mins 5k na agad,hehe

So inisip ko kung sagadin kaya ang mass at pictorial ng 1hr 20 mins.pwede kya un?

I super love san agustin pero parang napakabilis nman aside from the fact na lhat ng galaw eh my bayad  :o
Title: Re: San Agustin Church
Post by: zhean07 on July 14, 2014, 04:09:30 pm
^sis erystal, I reserved 2 hrs tapos they charge me x2  :) ang hirap kasi ng may kasunod.. pinapaalis nila tapos close agad yung door kya ginawa ko 2 slots sakin hehe
Title: Re: San Agustin Church
Post by: tinmanansala on July 14, 2014, 05:16:03 pm
Hi mga sis, 1st choice ko ang San Agustin Church, kaso been andami ko nababasa na minamadali nila minsan ang ceremony ng wedding, nagvisit kami nung saturday sa church at ayun tama nga mga post na nababasa

just sharing mga sis :)
Title: Re: San Agustin Church
Post by: pretty.is.me on May 24, 2015, 06:07:57 pm
hi, i'm a february 14 2016 bride..anyone who wants to share with the flower upgrade?..thanks:)
Title: Re: San Agustin Church
Post by: gleek on June 11, 2015, 10:40:52 am
Hi mga sis, 1st choice ko ang San Agustin Church, kaso been andami ko nababasa na minamadali nila minsan ang ceremony ng wedding, nagvisit kami nung saturday sa church at ayun tama nga mga post na nababasa

just sharing mga sis :)

hi sis! i was able to attend a wedding at San Agustin church, Jan 2015, sunday sya. between 40-45 min yung ceremony, then picture taking( bride & groom + guests) so less than hour tapos na. may kasunod kasi mass eh.. and before the actual wedding we attended, there were weddings held earlier on that day
Title: Re: San Agustin Church
Post by: Nikky27 on June 23, 2015, 03:57:49 pm
Hi sis. SAC bride din ako tapos na wedding ko. Hindi naman minamadali, muka lang ganon kasi sunod sunod nga, pero may ample amount of time naman para sa lhat ng activities. Wala naman ako naging problem, just make sure na dadating lhat on time. :)
Title: Re: San Agustin Church
Post by: junebride on July 01, 2015, 10:24:25 am
December 2014 SAC Bride here. Nung dati before ng wedding ayan din ang worry ko kasi sa mga nababasa ko din pero based on my experience naman

1.Participant sa march should really come on time. AS IN . Exactly 10 start agad kahit kulang ang entourage. Side kwento lang. May ninang kaming nalate as in saktong sakto isasara na yung door (we availed yung dramatic entrance /closed door na tawga nila) so ayun ending di na talga siya pinasingit nagwait na lang siya makapasok ako hehe)

2. Personally, I dont think  minamadali. Kasi the bride and groom sobrang lutang tayo sa araw na yun  e parang ang hirap mag sink-in ng lahat ng mga nangyayari. Before we know it tapos na yung ceremony. May kasunod din kaming ceremony nun pero everything turned out well naman. At noteworthy to mention din ang mga usherettes nila dun, galing ! :) sobrang alaga.

3. Additional expenses like closed door, top shot, upgrade ng filowers. Kasi kami we almost backout sa dami ng mga nagsasabing gtabe naman ang mahal na ng byad ang dami pang extrang bayad blah blah, Pero inisip namin ni hubby, ito yung gusto naming church di ba. ito yung dream kong church so sinet aside namin yung mga ganung comment and we focused sa kung ano ba talga yung gusto namin like ito nga San Agustin lalo na ako haha.. At the end of the or sa msimong araw ng wedding, iba pa rin ang feeling na andun ka sa simbahan na gusto mo regardless kung napagastos ba kayo ng bongga or what. Ang sarap ng pakiramdam  :)

Title: Re: San Agustin Church
Post by: jhoni21 on July 01, 2015, 02:03:59 pm
hi sis junebride! :) Thanks sa review mo. Ako din San Agustin Soon to be bride. Next year pa naman February. May question lang ako... kumuha ka pa ba ng quartet for the church? naguluhan kasi ako sa nakausap nina mommy ko sa SAC, nung una ang sabi wala daw choir na kasama yung package namin. if we want to avail, mag bayad kami extra for the choir. and then last month nagtanong na naman sila. ang sabi naman, kasama daw sa package namin ang organist at soloist. pero pwede pa din naman daw kami maghire ng kakanta para sa bridal march kung gusto namin, pero para sa liturgical mass cover na daw nila. naguguluhan naman ako, baka mamaya on the day itself magbago na naman ang sasabihin na nila. tapos biglang wala kakanta sa misa namin. waahhh
Title: Re: San Agustin Church
Post by: Awesomecakes on July 02, 2015, 11:26:51 pm
Mga sis. Ilang years or months yun recommended niyo na time in preparation for booking or reservation? Heard mabilis mapuno slots. We're planning pa lang May-Oct 2016. :( Sana meron pa.

Addtl question: Nasusunod ba yun required at least 4 y/o dapat yun flower girls and bearers? Like ichecheck ba nila yun birth certificate nila? Gaano sila ka strict doon? Thanks in advance!
Title: Re: San Agustin Church
Post by: karenmaechua on July 05, 2015, 12:20:37 am
Same questions here. Hehe. Also, do they have a limit as to how early you can book? Like, can someone book 2 years ahead? Thanks! :)

Mga sis. Ilang years or months yun recommended niyo na time in preparation for booking or reservation? Heard mabilis mapuno slots. We're planning pa lang May-Oct 2016. :( Sana meron pa.

Addtl question: Nasusunod ba yun required at least 4 y/o dapat yun flower girls and bearers? Like ichecheck ba nila yun birth certificate nila? Gaano sila ka strict doon? Thanks in advance!
Title: Re: San Agustin Church
Post by: denyao on July 05, 2015, 11:43:05 pm
Any Jan 2 brides here? :)
Title: Re: San Agustin Church
Post by: Awesomecakes on July 24, 2015, 12:49:28 pm
Mga sis, up ko lang. Sana you can share your experiences sa flower girls and bearers, if sinusunod talaga yun strictly at least 4 year old yun mga abay. Thanks mga sis :)
Title: Re: San Agustin Church
Post by: KNG05 on July 27, 2015, 10:15:16 am
Hi mga sis! :) December 5, 2016 bride here in San Agustin din. ❤️ Ask ko Lang kung bawal ba talaga sa Kanila Yung personal vows? Thank you!
Title: Re: San Agustin Church
Post by: Awesomecakes on July 27, 2015, 06:38:45 pm
Sana may makasagot na SAC brides here! Thanks mga sis :) Excited ako malaman yun sagot hehe.
Title: Re: San Agustin Church
Post by: fatrix on August 24, 2015, 03:07:42 pm
Hi! I was supposed to get married on January 16, 2015 - 2PM in San Agustin, but due to unforeseen circumstances, I have to move my wedding to a different date. Is anyone interested in taking this slot? Please let me know.

Thanks!
Title: Re: San Agustin Church
Post by: KNG05 on August 24, 2015, 10:18:19 pm
Hi Fatrix, i moved my wedding date din sa San Agustin, you can ask them to change the date 2 months before the wedding. :)
Title: Re: San Agustin Church
Post by: fatrix on August 27, 2015, 03:13:11 pm
Hi KNG05, when we moved our date, the other church we wanted was available kaya we had to let this go. :) Unfortunately, non refundable yung reservation eh.
Title: Re: San Agustin Church
Post by: Purple_Power on January 05, 2016, 11:16:18 pm
I went here kanina because of my cousin's wedding. Hindi ko lang gusto yung ginawa ng Pari kanina na ang tagal tagal bago nagpasimula ng kasal. I mean nagmarching na yung entourage tapos pinaghintay kami ng 30 minutes. Nainis rin yung Tito namin dahil run. Ewan ko ba parang hindi naman makatarungan yung ginawa ng pari. Although mabilis rin natapos agad yung misa.

My Aunt actually talked to us about this church na ang dami palang restrictions. Example yung angle from the balcony may charge na 500 tapos yung candle ata may charge rin. Yung ibang part ng Church may charge rin. Oh well hindi ko na kabisado yun basta ang daming charge.

Hindi pa gaanong kainit since umaga naman kinasal yung cousin ko.
Title: Re: San Agustin Church
Post by: blueberry14 on January 24, 2016, 07:00:13 pm
Hi! Do you have contact details of SAC? Lahat ng nakita ko sa net na number nila ay not available. Personal ba dapat pumunta doon just to inquire about the dates?
Title: Re: San Agustin Church
Post by: tan.denise54 on January 27, 2016, 11:51:27 pm
Yes every move in SAC has a fee. Hehe. I got surprised when I learned before that they charge 1500 for the opening of doors and for the top shot. Logic doesn't give enough answers. Hehe. But it is really a beautiful church. It's part of UNESCO's world heritage churches. For me the worst thing about that church is that it's not air conditioned and it's really super hot there.
Title: Re: San Agustin Church
Post by: Purple_Power on January 28, 2016, 02:08:41 am
pinaydiaspora 10:30 am na ata yun nung nag start yung wedding. No idea if in house yung priest na yun though nagpabinyag muna siya bago siya nagmisa sa kasal ng cousin ko.
Title: Re: San Agustin Church
Post by: blueberry14 on January 28, 2016, 10:43:25 pm
@tan.denise54: thanks for the info! I tried calling them before pero Sunday yun. hahah. I did not know na meron silang sched. Anyway, I asked my mom to call them since I work until 5pm. Nakakahiyang asikasuhin ang wedding preps in the office.

Ang schedule namin is June 2017. Grabe ang mahal! Php33,500 daw. Mukhang wala pa doon ang mga namention dito na opening of doors at pictorial sa garden, etc. Huhuh.
Title: Re: San Agustin Church
Post by: Awesomecakes on February 01, 2016, 12:29:35 am
^ Yes, dear. Buti hindi pa ulit nagtaas. Booked my Oct 2016 wedding last August. Buong akala ko same rate parin yun nakalagay sa site nila. But no, it's not updated daw. Good thing napilit ko si fiance ko na ito ang church namin. :)
Title: Re: San Agustin Church
Post by: Maein on February 01, 2016, 02:10:07 pm
^ hi sis awesomecakes.. classmate pala tayo Oct 2016 bride too. Sis question pala, once we made the reservation fee.. kelan ulit natin settle yung remaining balance? forgot to note.  :o tinatawagan ko din SAC ofis now, wala nga pala sila ofis pag Monday.  ;D
Title: Re: San Agustin Church
Post by: gelitorres on February 01, 2016, 05:58:06 pm
Helping out a friend. Do they require permits to shoot in SAC even if the shoot is just in front of the the church and on the side walls? My friend also wants to shoot in the streets of Intramuros after her ceremony at SAC. TIA! :)
Title: Re: San Agustin Church
Post by: Awesomecakes on February 12, 2016, 06:58:22 pm
Sis Maein - Sorry, sis. I'm not sure kung na-note ko pero we're planning to have it settled pagbalik namin for requirements. Mas ok na din yun para makabawas na sa babayaran na suppliers. May I ask when exactly is your wedding date? :) Baka same day pa tayo! :)

Sis gelitorres - If you're referring sa Museum, yes they charge around 1k ata. Pero kung sa harap ng church, I think wala na yun.
Title: Re: San Agustin Church
Post by: aritha on April 07, 2016, 03:35:26 pm
hello mga sis! may nakapagtry na ba paupgrade ng floral arrangement ng San Agustin? around how much yung price? tsaka pano nyo kinontact yung florist nila?
Title: Re: San Agustin Church
Post by: pinaydiaspora on April 07, 2016, 05:39:55 pm
^ If you want flower upgrade Ms Belen told me to coordinate with the couples who would get married on the same date. If pumayag lahat, the upgraded decor would be used the whole day. I think pooled in from all the couples yung bayad.
Title: Re: San Agustin Church
Post by: Joyce A on August 16, 2016, 03:17:27 pm
Any feedbacks sa Pre-cana seminar of SAC? Thanks.
Title: Re: San Agustin Church
Post by: ujinbooo on September 18, 2016, 07:47:06 pm
pa help naman, can anyone give some pics regarding sa default vs upgraded flow arrangement sa SAC thanks
Title: Re: San Agustin Church
Post by: April30 on February 06, 2017, 12:24:14 pm
Heads up to couples who booked or planning to book San Agustin for their weddings. Especially for those weddings who fall on a "hot date"

https://www.facebook.com/groups/weddingsphilippines/permalink/1307796335940686/ (https://www.facebook.com/groups/weddingsphilippines/permalink/1307796335940686/)
Title: Re: San Agustin Church
Post by: sunnnyside on February 11, 2017, 05:36:47 pm
sis April30 nabasa ko nga yan. Grabe sana man lang may 15minute interval yung mga kasal nila. Kaya pala before pag napapadaan kami sa San Agustin at nataong may kasal, may mga entourage na nagpipicture taking sa labas. Parang pera pera na nga lang talaga.  :(
Title: Re: San Agustin Church
Post by: April30 on February 12, 2017, 07:51:37 am
Even 15 min. interval is not enough. Dapat at least 30 min. to an hour. Manila Cathedral also had the same situation, oras oras may kinakasal. The good thing naman about MC are:
1. Spacious front/pick-up and drop-off point. Kaya kahit magpang-abot yung dalawang bridal car, enough space pa din.
2. Separate parking. So hindi congested sa mismong area atound church.
3. May holding area where the next wedding parties can wait while the other wedding is on-going. Kaya they don't have to wait outside the church.
4. MC personnels are the one in-charge for the whole ceremony from line-up of entou to pictorials after mass. The coords duty is ro ensure all entourage are made-up (e.g. they have thier bouquets or have buttonaires) and wedding materials are accessible. MC only require 2 coords to be endorsed and to assist MC personnels.
Title: Re: San Agustin Church
Post by: karenmaechua on June 18, 2018, 11:09:34 pm
Grabe talaga ang San Agustin! Lahat may bayad, including the door opening, top shot & if you want to shoot at the museum, garden & the ruins. Pera pera na lang. So sad :(
Title: Re: San Agustin Church
Post by: HandsOnGuy on May 20, 2019, 11:15:54 pm
Anyone getting married sa SAC on December 21, 2019?
Also, may idea ba kayo sa oras ng mga kasal? like 10,11, 12, 1pm and so forth talaga to? meaning wlang mga novena hrs in between?