Author Topic: K-Pop: BTS (Bangtan Boys)  (Read 16224 times)

drag0nfly

  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 1842
Re: K-Pop: BTS (Bangtan Boys)
« Reply #60 on: June 14, 2019, 11:44:35 am »
Happy 6th birthday, BTS!  :-* :-* :-*

simplykristine08

  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 3365
  • Loving mommy and Faithful wifey
Re: K-Pop: BTS (Bangtan Boys)
« Reply #61 on: February 14, 2021, 10:58:38 pm »
More than a year na walang reply pero pasok pa rin ako.

Bagong BTS fan lang ako, less than a month palang. Too bad parang too late na din akong naging fan. Medyo malabo na magkaron ng live concert soon dahil sa pandemic. Kalurkey, kakainis.

Si JK ang fave ko, pero like ko din si Jimin (lalo pag sumasayaw) at si V kasi ang angas pag nag perform. Pero JK pa rin ultimate kasi ang talented ng lolo mo.

For more than 2 weeks, nakahilata lang ako at nanonood ng YT videos nila, tapos Run BTS at BTS in the Soop. Matagal ko na sila naririnig pero nung nanood lang ako few weeks ago ng mga performances nila sa YT, dun ako naging fan, ang gagaling nakakainis ang galing galing nila!

Sayang lang at malabo siguro sila magconcert lalo sa panahon ngayon, at ang ibang boys mag enlist na din. Sobrang hirap daw kumuha ng tickets nila (I'm sure mas lalo ngayon na mas sobrang sikat na sila?

Binuhay ko din ang Twitter ko para makahanap ng mga army friends at information about how to score tickets sa live tours nila (kahit postponed at cancelled most of their MOTS tour) :D
Lovin' my LIFE =)

drag0nfly

  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 1842
Re: K-Pop: BTS (Bangtan Boys)
« Reply #62 on: February 15, 2021, 12:14:23 pm »
^Welcome new ARMY!

Though yah, sayang nga ngayon ka lang naging fan bilang malabo na ang in-person concerts for a while and baka by the time ok na, time for them to enlist. Bali-balita sa fandom na baka sabay-sabay silang mag-enlist because JK is eligible na din. I have tix to the LA stop ng MOTS and hanggang ngayon wala pa balita from Big Hit kung cancelled or refunded ba. Unlike the Seoul dates cinancel talaga.

simplykristine08

  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 3365
  • Loving mommy and Faithful wifey
Re: K-Pop: BTS (Bangtan Boys)
« Reply #63 on: February 15, 2021, 08:46:41 pm »
^ hi sis! Oo nga, sayang ngayon lang ako nahooked sakanila. And yes, naisip ko nga, parang ang baba ng chances to see them all together na. Unless, mag enlist sila ng sabay sabay, then mag hintay lang ng 2 years. May mga naging friends na nga ako na long time armys na, pag natuloy daw ang concerts sa US, bigay nya sakin isang extra nya for the San Francisco concert. sobrang sayang! Abot kamay sana yung Saudi Tour nila nung 2019, pero hindi pa ko fan  :( :(

Nakakaiyak sis. Pero sabi ko nga, okay lang kahit mag antay ng 2 years, basta goal ko talaga na makanood man lang ng concert nila kahit once in my life. Char!
Lovin' my LIFE =)

drag0nfly

  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 1842
Re: K-Pop: BTS (Bangtan Boys)
« Reply #64 on: February 16, 2021, 11:33:06 am »
^May friends ako na naging ARMY after Dynamite and same sentiments as yours sila. Who knows, baka magka-concert pa din naman before they enlist if all goes well with the world since nagsisimula na ang vaccination. Iba pa din makita the boys in action in person.

simplykristine08

  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 3365
  • Loving mommy and Faithful wifey
Re: K-Pop: BTS (Bangtan Boys)
« Reply #65 on: February 16, 2021, 05:28:17 pm »
Nakaka stress isipin sis. Sana nga mag enlist na sila this year, sabay sabay. kasi malabo pa mag concert sa panahon ngayon. Para paglabas nila, come back sila ng 2023, normal na siguro ulit noon ang lahat.

Sentiment ko lang to as a new army ha. hehe. For me lang, parang mas okay na mag enlist na sila ngayon ng sabay sabay tutal ang labo magkaron ng in person concert.

Sis sobrang hirap ba makakuha ng concert tickets nila? As in parang close to imposible?
Lovin' my LIFE =)

drag0nfly

  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 1842
Re: K-Pop: BTS (Bangtan Boys)
« Reply #66 on: February 16, 2021, 07:24:39 pm »
Depende yan sa Big Hit kung pano magiging strategy nila. Kakalabas lang kasi ng new album so tuloy pa din ang promo. Plus kaka-IPO lang ng BH. Btw they will be in MTV Unplugged on Feb 24.

Re tickets, I would say 50-50. For Korea and Japan, raffle system ang floor seats and 1F. The rest open to buy online. Kaso usually olats ang Pinas kasi sa bilis ba naman ng Internet sa Korea dba. Naranasan ko na mag 10 hours sa isang Korean Internet cafe dito para lang makabili pero fail. Never pa din akong nabunot sa raffle. I bought from a reseller for the Bangkok concert. Yung sa LA naman, nagpatulong ako sa family and friends sa US so lahat kami online and buti sinwerte kami.

Madaming resellers kaso expect na super taga ng patong ng mga yan lalo ngayong super sikat na ang boys. Liza Soberano allegedly paid 90k pesos for Speak Yourself: The Final kasi hindi din sya nabunot sa raffle. Eh relatively cheaper ang ticket price sa Korea and Japan, 5k for floor seats. Imagine she paid that much. Si Arci Munoz mukhang malaking pera din nilabas kasi ilang concerts napuntahan nya agad since becoming a fan eh kelan lang yun. Basta may pera and right connections, I think makakabili ka. Ok ang Twitter for that.

Sayang nga yung Saudi concert nila. I remember si sis copperkey nun nakanood sister nya na based din sa Saudi. Hindi yata fan na fan yung sister nya pero after the concert, naging fan na.

simplykristine08

  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 3365
  • Loving mommy and Faithful wifey
Re: K-Pop: BTS (Bangtan Boys)
« Reply #67 on: February 17, 2021, 03:44:23 pm »
^ Thanks sis. Oo nga, met some army friends sa Twitter and sinali ako sa mga groups. Grabe sila they travel talaga kung san san makanood lang. Swerte at lage silang may tickets. may isa akong friend na ngayon na yung 2019 na concerts nila, nakanood sya sa Japan, Korea, HK and US! May soundcheck package sya sa UK pero nagkasakit sya di sya nakapunta :( Madami na din syang konek na armys sa iba't ibang bansa so tulungan nalang sa pagscore ng tickets minsan.

Sis, nakita ko lang na yung MOTS Tour nila na Asian countries eh Korea and Japan lang. Usually ba late sila nag aannounce ng ibang Asian countries? Kasi yung last concert nila diba meron sa SG, HK, etc?

Hindi ko pa sila gaanong kilala 2019. Kaya nga super sad ako nung nalaman ko nag concert sa Saudi, kasi abot kamay! Tapos di ganun kahirap bumili ng tickets din daw. Kaya lang tapos na, what to do. haha!

Grabe yung 90k. Max na kaya ko siguro spend for a ticket is $1000 lang. At sana naman, floor seat na.

Yes sa MTV Unplugged, wait ko nalang din yan. Just watched Ep 129 ng Run BTS kagabe din.

Hope to see them live talaga sana :)

« Last Edit: February 17, 2021, 03:56:29 pm by simplykristine08 »
Lovin' my LIFE =)

drag0nfly

  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 1842
Re: K-Pop: BTS (Bangtan Boys)
« Reply #68 on: February 17, 2021, 05:14:11 pm »
Some of my older ARMY friends ganyan gawain, sis. Sinusundan talaga nila boys lalo sa Asian stops. 2 of my friends naka-attend na ng fan sign sa Seoul so nakaharap at nakausap nila ang boys. How lucky dba.

Pag nag-announce ng tour dates, kasama na lahat ng stops. Pwedeng magdagdag ang Big Hit. Like yung sa Saudi dinagdag lang yun eh. Hindi part ng original tour. For MOTS, Korea and Japan nga lang ang Asian countries na kasama. Love ng boys ang Japan. Di ko sure bat walang ibang Asian stops for MOTS. Sa Wings and Love Yourself, umikot sila ng Asia.

Incidentally, ang ganda ng merch from Japan FC in case interested ka. Napa-member ako kahit mahal haha.

Barya lang naman kay Liza yung 90k hehe. Pero still dba 90k pa din yun.

Sana makanood ka din live. Iba talaga. Nakakatuwa din yung experience na sa airport pa lang, alam mo na kung sino ARMY kasi sabay sabay kayo sasakay ng plane with same destination. Kumakanta pa kami sa loob ng plane nun haha! Total fan experience talga.

Last year pumunta ako ng Osaka kahit hindi ako nabunot for Muster. To breathe the same air as the boys again char. Gusto ko din kasi makita yung pop-up store nila. Sa subway pa lang ang daming Japanese ARMY naloka asawa ko. Sabi nya lakas maka-kulto ng BTS  ;D

Hay lalo ko tuloy sila na-miss! BIrthday VLive ni Hobi pala later. Hobi is my bias. Who's yours?

simplykristine08

  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 3365
  • Loving mommy and Faithful wifey
Re: K-Pop: BTS (Bangtan Boys)
« Reply #69 on: February 17, 2021, 05:37:16 pm »
^ oo sis, yung mga afford talaga, sinusundan ang boys. Ako, kahit makanood lang once, keri na. Basta sana makita ko sila ng live. bucket list talaga sis! Yung army friend ko na nakilala ko sa twitter, may extra tickets for the US tour (MOTS) sa LA and sa SF. Binibenta yung sa LA, yung sa SF, ibibigay sakin pag natuloy. Pero wala naman ako US Visa, so pag nagkataon, magttry pa mag apply :D

Hindi ka sis nakakuha ng ticket nung sa Osaka? Sayang :(

Tsaka sa ngayon kasi, ang labo pa talaga mag in person concert. Sobrang newbie ako sis kaya parang nasa honeymoon phase pa :D hahaha!

Tingin mo sis, mag cconcert pa rin sila sa mga susunod? Waah! At if yes, sana talaga maka score ako ng tickets. I prefer sana sa Japan para may accommodation na ako. Or, Korea, parang mas madaling madayo kesa sa US. or EU kasi malapit na kame sa Europa.

Sa totoo lang, nasstress ako kasi yung feeling na pandemic, tapos mag eenlist na sila pa isa isa, nagwoworry ako na baka di ko na sila makita ng live. haha! Shucks ang babaw diba? :D

Si JUNGKOOK! Hahaha! Pero I like Jimin din, ewan ko si Jimin kasi parang hangin sumayaw. And, for me, mukha syang babae. baka sahil sa make up at sa kinis at ang smooth ng mukha? pero muscle muscle sya diba, kasi napanood ko yung ibang videos na shirtless sya. I also like V, naangasan ako sakanya pag sumasayaw, tapos feeling sexy :D haha! Pero, si JK pa rin ang ultimate bias ko! Whole package lolo mo  ;)
« Last Edit: February 17, 2021, 05:51:57 pm by simplykristine08 »
Lovin' my LIFE =)

drag0nfly

  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 1842
Re: K-Pop: BTS (Bangtan Boys)
« Reply #70 on: February 17, 2021, 06:59:12 pm »
Si Jimin una naging bias ko before naging si Hobi. Pero OT7 pa din naman so love ko silang lahat. Pag tumagal-tagal ka ng fan, makikita mo difference ng dancing styles nila. Si Hobi ang dance leader btw.

Mas ripped nga si Jimin before. Laki kasi ng pinayat nya. Pero batak pa din si koya lalo pag nag games sila ang lakas pa din nya.

Wala akong idea sis kung kelan sila ulit magkaka-concert. Meron dapat sa Seoul late last year kahit pandemic. Naglabas na ng announcement sa Weverse nun kaso cinancel ulit nung dumami na naman cases sa kanila.

Ako naman gusto ko ma-experience concert nila sa US kasi mas wild sila pag andun. Mas bongga ang fan service nila. Kaso ang lala ng COVID sa US. Naisip namin ng friends ko na baka sa safer countries like Australia, HK, SG, Taipei pwede. Kaso malamang hindi naman basta-basta magbubukas borders para lang sa concert haha.

simplykristine08

  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 3365
  • Loving mommy and Faithful wifey
Re: K-Pop: BTS (Bangtan Boys)
« Reply #71 on: February 17, 2021, 10:01:36 pm »
^ sa mga games nila kasi lage nangingibabaw si JK, lalo yung sa RUN BTS nila na sa dagat. Ang liksi ng lolo mo. Si V mukhang anime! hahaha! Yes si Hobi magaling sumayaw. Yung friend ko din, bias nya si Hobi :)

Yung concert nila sana last year na may limited audience sis ano, tapos ni cancel, as in online concert nalang ginawa. Tama ba?

Sana nga sa HK or SG, mag concert naman sila. Sis, balitaan mo naman ako please, if ever kunyari may shows na sila, kung paano ang sistema sa tickets. haha, baka naman pwede din makisali sa reseller na kilala mo if ever hindi ako makabuyla ng tickets.

Sobrang lala nga ng covid sa EU at US, kaya malamang matagal tagal pa sakanila mag concert. At yung nga tama ka, sobra naman kung mag oopen ang borders para sa concerts :D Tapos dameng restrictions kada bansa, quarantine, etc. Baka pag mag concert nga sila sa Korea nalang muna.
Lovin' my LIFE =)

drag0nfly

  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 1842
Re: K-Pop: BTS (Bangtan Boys)
« Reply #72 on: February 18, 2021, 03:41:31 pm »
^Sure sis. May Weverse account ka na ba? Bumili ka ba ng membership?

Oo, naging BangBangCon yung dapat na in-person concert nila last year.

Watch mo din Bon Voyage seasons kung di mo pa napapanood. Ang saya-saya ng BV trips nila.

simplykristine08

  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 3365
  • Loving mommy and Faithful wifey
Re: K-Pop: BTS (Bangtan Boys)
« Reply #73 on: February 18, 2021, 07:04:40 pm »
^ may Weverse account nako sis, this month lang ako kumuha ng membership, Pero Global. gusto ko din sana mag member sa Japan pero sabi ko saka na pag may ganap na. More chances of winning sa lottery tickets ang habol ko. Hindi pa ako gaano sa merch nila sis, though gusto ko nung light stick nila. Ang mahal kasi shipping to Dubai, 37 usd! mas mahal pa sa light stick. hehe

Nag PM ako sayo sis, pag may time ka :)

Anyway, ayun, yes, thank you! Habol ko talaga maki hitch sa may mga contacts na pra easier access ng concert tickets nila. Goal ko yan sis, bago man lang sila mag hiwa hiwalay at mag solo solo. Makanood ng concert nila :)
Lovin' my LIFE =)

gumdrops26

  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 3304
Re: K-Pop: BTS (Bangtan Boys)
« Reply #74 on: March 10, 2021, 01:31:54 pm »
They're super entertaining and I find them so funny! Fave ko yun Zombie Run nila na ep, mangiyak ngiyak ako kakatawa kay J-Hope and Jin!

I'd like to watch their concert too pero matatagalan pa siguro since may COVID.

What are the perks of the membership? I'm not after any merch naman...
Although your secret stalking is on the psychotic side, I can't help but feel flattered. My life is awesome!

muning00

  • Senior GirlTalker
  • ****
  • Posts: 905
Re: K-Pop: BTS (Bangtan Boys)
« Reply #75 on: May 04, 2021, 06:47:21 pm »
may thread pala sila dito. im sooooo happy.

super new army here. madalas ko nakikita na trending ang bts sa twitter, un lang ang alam ko sa knila. pero ni hindi ko alam kung anoong trip nila  bukod sa kpop sila. hehe it started nun nanonood ako ng New Amsterdam sa first episode ang song nila ay Fix You, so naisipan ko lang ulit panoorin un MV nun. so nun pag search ko sa YT lumabas din un version ng BTS, i listened to lang, hindi ko pinapanood not until narinig ko si Jimin, tinanong ko pa sa pinsan kong bagets na army kung sino un. Madalas nila pinapatugtog un Dynamite, then pinapanood nila paulit ulit un carpool with James Corden. dito na talaga ko naadik sa knila. hahahah super fun nila panoorin dun lalo si Hobi. then ayun tuloy tuloy na, one week nakong nagbbinge watch sa kanila. asking myself bakit ngayon lang ako ako naging fan? hahaha i like their music, kahit chorus lang un naiintindihan ko kasi un lang madalas na english ahhaha pero un melody natagos sa puso. plus un personality nilang lahat walang tapon talaga. parang super nice, genuine and humble sila kahit sobrang taas na ng popularity nila.

pinaguusapan nga lang namen pano na pag nag enlist sila, parang hindi kumpleto pag isa sa kanila nawala. glad to know na pwede sila sabay sabay mag enlist. sana nga ganun nalang gawin nila then super bongga na comeback kesa un paisa isa kase isipin ko palang nalulungkot nako. hahaha very invested nako sakniila. may mga vid na paulit ulit kong pinapanood pampa good vibes. pag busy sa work sila na ang playlist ko. grabe.

bias ko si jimin , pero i love them all. as in. kaya g n g na may individual stan tas disrespectful sila sa other member. because why? very lovable kaya nilang lahat. 

jimin- kahit kasing nipis ng hair strand ang boses niya, hahaha sexy gumalaw. gusto ko un nahuhulog siya sa upuan pag natawa. haha
jhope- hindi naman siya magiging dance leader for nothing, and tama talaga na sunshine un tawag sa kanya. very likeable.
suga- every day mood ko to, hahaha tawang tawa ko sa kanya pag nilalambing siya kase naalibadbaran siya. cute din siya mag dance
jin- eto un tropa  mong bangka sa inuman eh haha you know
namjoon- super like ko un speaking voice niya, kilala ko na un boses niya kasi laging gigil. hehe and i admire him for being a leader, may care talaga siya. lahat naman sila.
v- sometimes i find him weird, funny siya pero straight face lang ahahah sobrang gwapo nito mag project.
jungkook- naintindihan ko na nun sinabi ng pinsan ko na lahat kaya niyang gawin, hahah kase ang talented din naman talaga niya.

naglalaro pa nga kame ng jojowain or ttropahin, hahahaha kunware may paki sila sa existence namin. hahaha jowa for me si Suga, sobrang bet ko un attitude niyang mukang walang paki. hahah and hobi. kahit bias ko si jimin, pero i think masyado siyang friendly baka mag away lang kame so tropa lang. hahaha for me sobrang gwapo ni jimin na parang pambabae, in a good way ah. pretty boy ang term ko para kay jimin. si hobi super galing sumayaw.  love ko silang lahat talaga performance or personality wise, superb. ang hindi ko pa kayang panoorin or basahin eh un mga ship nila, lalo kay v at jungkook. kase baby pa talaga ang tingin ko sa kanila.

lahat ng recognition nila very well deserved. sana lang makachamba ng ticket pag may concert na sila. worth it silang panoorin eh.

edit: tunay ba un tattoo ni jungkook? parang full sleeve siya eh.
un tattoo ni jimin sa wrist  na thirteen and un nevermind?
yes to tattoo, and gusto ko nang maraming piercing lalo because of them. hehe
sabe nga normalize idols having tattoos. kase hindi pa well accepted sa korea ang tattoo in general.

« Last Edit: May 04, 2021, 07:23:50 pm by muning00 »

drag0nfly

  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 1842
Re: K-Pop: BTS (Bangtan Boys)
« Reply #76 on: May 05, 2021, 08:48:13 am »
^Yup, full sleeve yung kay Kookie. Na-chismis pa sya dati with a girl tattoo artist na baka jowa nya daw. Yung Nevermind ni Jimin, the first one was henna lang daw. I think 2014 performance yata yun. Yung from 2018 iba na ang font so baka permanent. The 13 tattoo feeling ko pwedeng permanent din kasi 13 can symbolize their debut and his birthday.

drag0nfly

  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 1842
Re: K-Pop: BTS (Bangtan Boys)
« Reply #77 on: May 05, 2021, 09:48:32 am »
They're super entertaining and I find them so funny! Fave ko yun Zombie Run nila na ep, mangiyak ngiyak ako kakatawa kay J-Hope and Jin!

I'd like to watch their concert too pero matatagalan pa siguro since may COVID.

What are the perks of the membership? I'm not after any merch naman...

You need to be a member para makabili ng ticket. Also since they raffle off the choice floor seats, you need to be a member for that. May mga promo din sila from time to time, like free gifts with buying certain merch. Pero you're not after merch pala.

Japan FC has really good merch, though, kaya jinu-justify ko na lang na sulit ang binabayad ko sa membership dun na napakamahal haha.

muning00

  • Senior GirlTalker
  • ****
  • Posts: 905
Re: K-Pop: BTS (Bangtan Boys)
« Reply #78 on: May 05, 2021, 12:25:42 pm »
super like ko un tattoos nila. well parang lahat naman ng gawin nila eh gusto ko. hahahaha

mga sis, ano kaya un shades ni Jimin sa Disney Radio interview nila?i think GM siya pero i need the exact model.  here's the link for reference. hehe ilan beses ko tong pinapanood kase gwapong gwapo ako kay jimin haha

https://www.youtube.com/watch?v=i69AjCS4iCA&t=2s

thank you so much.

drag0nfly

  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 1842
Re: K-Pop: BTS (Bangtan Boys)
« Reply #79 on: May 05, 2021, 01:40:44 pm »
^I suggest sa Twitter ka magtanong/maghanap. For sure may makakasagot nyan. Daming imbestigado na ARMYs on Twitter wala pang 1 minute na may bagong outfit ang boys, alam at na-post na.

 

Latest Stories

Load More Stories
Close