OFW Daughter/Sister here as well na solong breadwinner for a decade na.
Frustrated ako I guess kasi mahal ko talaga kapatid kong bunso; sad and scared ako na pag nawala ako bigla mahirapan sya ng husto and nanghihinayang ako sa potential nya - kasi very smart and talented eh ako mediocre lang hehe, honestly wala naman issue samin ng Husband ko suportahan parents ko + 1 youngest sibling kasi yun naman talaga passion ko and mission ko in life. Yung youngest brother ko, napagraduate ko naman, and nakapagwork naman sya before and after graduating pero hinde consistent noon. Not because ayaw nya magwork, pero kasi sya nalang tumitingin sa parents ko na very old and sickly na sa Pinas. So everytime may maoospital sa parents namin, wala syang choice kunde magpaalam sa work, or kung ano man pinagkakaabalahan nya bibitawan nya lahat, magabsent ng matagal, and then eventually matanggal dahil sa attendance issues, solo nya lahat don sa pagasikaso, and solo ko din pag finance sa lahat. 2 lang kami tumitingin sa parents namin. Pag walang Helper, sya ang nagaasikaso sa bahay, manage ng padala ko, bili ng gamot, grocery, bills etc. Honestly buryong na nga sya na umaabot na din sa anxiety and depression lalake pa sya. Kaya kapag may Helper kami nakukuha lagi ko sya ineencourage magwork or do whatever he wants, kaso dumating na din sa point na napagod na sya ata, since habang buhay parents namin (my Dad recently passed away last Feb. 2019) ganun at ganun mangyayari dahil 2 lang naman kami, I provide financially, solo ko, and sya naman andon. Kaya maski Husband ko naiintindihan bakit ko kailangan suportahan kapatid ko, sya mismo nagsasabi na wag namin ipressure, kasi first hand nakita din nya gano kahirap magasikaso sa elderly ng mag-isa, hinde din sya abusado sa pera, maski worth 500 ipagpapaalam nya pa sakin, ako pa nga nag spoil sakanya madalas, ibang klaseng sacrifice din kasi ginagawa nya. Lalo na early 30s palang naman sya. Pareho kami pagod sa sitwasyon at times, pero wala naman dapat sisihin, ok naman kaming family, hinde naman abusado parents namin, talagang hinde lang sila nag prepare para sa retirement nila. Ngaclash din minsan syempre lalo pag matatanda na eh makukulit na talaga, pero nothing serious naman na di nareresolve ng maayos na usapan.
I have half siblings sa Mama ko, noon tumutulong din, pero mula nung nagabroad nako, bihirang bihira na. That's another story for another time.