^^ Thanks i_miss_sleep and Girltalker2!
Yung 25k monthly na budget ni hubby sa pamilya nya ang syang gagamitin namin sa pagbabayad nung bahay nila, pero sa amin nakapangalan. In a way, kahit nagbabayad sya dun, samin naman yung property. In a way, parang nagamit ko din yung padala sa kanila, kesa magalit ako palagi na nagpapadala sya sa kanila ng ganung kalaki, at least nagbabayad sya ng property namin.
And tama ka sis Girltalker2, hindi nga ako sasama dun sa bahay nila, kase andun pa nga din nakatira yung isa nyang kapatid na may asawa na at 2 anak. Ayoko ng madaming pamilya sa isang bahay.
Ang hirap noh sa panahon ngayon, parang kami yung nasa sandwich generation na kelangan sumuporta sa magulang kase hindi nila kaya eh. Di mo naman sila matiis. Ako naman nasuporta din sa magulang ko. Kaya nga ba wala kami naiipon. Dumadaan lang ang pera sa kamay namin.
In my heart, ayoko talaga na malaki ang padala sa side nya, kase parehas naman may trabaho ang magulang nya, sa government nagwowork. Pero dahil madami sila utang, konti lang natatake home na net nila. Kase hanggang kelan ang ganun na sitwasyon na kelangan lagi magbigay. Kelan yung masolo namin ang sweldo namin para sa sariling pamilya.
Eto yung naiisip ko na options:
Scenario 1: Papadala si hubby para pambayad sa house and lot, 28k for 15 years.
Commitment sya for 15years, pero sa amin ang property, pamana na lang siguro sa mga anak namin, kase hindi naman kami titira dun. Parang di ako makakauwe for good sa pinas within 15years, kase kelangan namin to mabayaran. At the same time siguro, nagbabayad na din kami ng utang para sa bahay namin.
Scenario 2: Hindi namin sila ikukuha ng H&L. Babawasan ni hubby padala, 15k monthly. Magkaka2nd baby kami. Babawasan uli ni hubby ang padala, 10k maybe. Magkaka3rd baby kami. Hindi ko sure kung mababawasan pa. Pero lifetime commitment sya sa parents nya kase di nya matiis hindi magpadala eh. Pero by then, 2nd or 3rd baby, baka umuwe na ako sa pinas for good kase matanda na parents ko, baka hindi na nila maalagaan yung mga anak namin. Pero in this option, wala kaming commitment na 28k sa bahay nila, at the same time, nagbabayad na siguro kami ng sarili naming bahay. So in this option, kung makita ni hubby na hindi kasya ang sweldo nya sa 2 pamilya, baka iprioritise nya kami at hindi na magsuporta sa kanila, tutal may mas nakakabata pa naman sya kapatid na pwedeng magtuloy ng suporta.
Dun sana ako sa scenario2, kase at least walang commitment sa side nya. Pero selfish ba pag ganun? Ayoko din ng samaan ng loob sa side nya. Ang hirap talaga.
