Thinking of resigning...
So I'm thinking of resigning on December 25 pa naman or January 10, 2018(yan balak ko na last day ko, yan kasi cut off namin)
I feel anxious about it. Ang dami kong worries and fears. Kasi I'm a college undergrad, 32 years old, married, with one kid, 10 years na ko sa present job ko, call center agent. And kung hahanap ako ng next job, call center industry pa rin, kasi yun lang naman alam ko gawin. Ayaw ko na sana sa call center industry. Pero paano? Huhuhu
Major reason number 1, since kinasal kami ni hubby 6 years ago, palagi nya ako kinukumbinse na mag resign kasi ang layo ng office sa bahay, 2 hours papunta, 2 hours plus pabalik. Hindi ako nagreresign kasi ito na comfort zone ko e, seniora na yung datingan ko dito hahaha, sobrang gaan ng trabaho, promise. Pero ngayon, napapagod na ako sa byahe byahe kaya nag iisip isip na.
Major reason number 2, si MIL, nagyayaya mag Japan sa January. Kapag hindi ako mag resign, for sure hindi ako makakasama kasi hindi ako papayagan mag leave. Pwede lang kami mag leave kapag April, May, June, July ( 9days max) other than those months 1 day 1 day lang.
Pero kasi kung magreresign nga ako, saan naman ako pupulutin. Paano kung matanggap ako sa isang call center company pero sobrang toxic naman. Hindi toxic pero 10k ang difference sa sweldo (sobrang downgrade, may napupusuan kasi ako na applyan, e ang offer daw mababa as in un nga 10k difference). Gulong gulo na ako mga sis. Help me, enlighten me, support me.
Salamat.