^^tamad din ako mag monito thru apps. Pag unsure ako, search ko na lang sa google if out or not.
^sis hindi din ako ma meat. So ang consumption ko more on eggs, fish, chicken, avocado, cream cheese, heavy cream. Yan lagi ang mga meron dapat ako. Hindi din ako strict keto kasi sabi ko nga, minsan wala ka choice kundi kumain pag nasa harap mo na kasi yon ang niluto sa bahay like adobo haha. Kahit bawal soy sauce, I only eat in small amount, hindi in moderation. Magkalaman lang tiyan ko, papak papak lang. feeling ko hindi effective sakin yung mag garlic lagi, kasi lalo ako gaganahan kumain. Pag ayoko talaga yung food, may stock ako ng century tuna and purefoods corned beef. Fave ko sila eh. High in sodium din naman na need for the diet. Basta pag hindi strict keto yung kinain ko, hindi na ako kakain until the next day. Hindi din ako fiesta pag nag break ng fast. Usually, bpc lang ako, yung bpc ko pa not the usual na may mct oil or butter pag di ko type. Heavy cream lang. tapos kain ako 2 eggs, hindi ko pa maubos. Hehe. Ayoko din ng nuts sis, lakas maka pimples. Hanap ka lang ng set of foods na comfortable ka at hindi ka magsasawa. I can eat egg everyday nga eh. Hard boiled, scrambled, sunny side up, scrambled with onions and tomatoes, scrambled with basil, i customize and i enjoy mo lang. na realize ko, hindi mahal ang diet na to. Ang nagpamahal sakin eh yong curiosity ko to try keto foods/ingredients like almond milk, almond flour, mct, keto bread, and so on. Di ko bet mga tastes nila. Basta sis ang rule ko pag may ingredient na hindi for keto, konti lang consume ko.
Re hypoglycemia, wag mo biglain agad. Kumain ka ng kasing dami ng usual meal mo pero i replace or bawasan mo yung consumption nung non keto foods hanggang masanay ka. Sana maging effective din sayo and makahanap ka nung right foods na magiging comfortable ka.
I stopped having cheat days everyday since last week, bale turning 2 weeks tomorrow na ako ulit na nag focus sa diet. I lost 5kg agad unconsciously. Katuwa.