watch now

Author Topic: K-Pop: BTS (Bangtan Boys)  (Read 27361 times)

drag0nfly

  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 1971
Re: K-Pop: BTS (Bangtan Boys)
« Reply #160 on: October 29, 2021, 02:04:58 pm »
Sayang huli nyo na nalaman hahahaha. Though recent feature lang yang real-time captioning sa online concerts nila. Since BBC pa lang naging available.

Kasama talaga ang artist during soundcheck para ma-test ang audio etc. Kaya mas mahal ang tickets with soundcheck privileges kasi up close with the boys (in a way).

Nakita ko sa ibang thread na isang old ARMY sis din pala pupunta sa concert. Hello sis copperkey! I remember magka-chikahan tayo nung Speak Yourself: The Final  :)

Anong masasabi nyo sa pa-abs ni JK and pa-nip slip ni Jimin? Eto talgang Busan Boys laging nang-aakit haha!!
« Last Edit: October 29, 2021, 02:07:57 pm by drag0nfly »

muning00

  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 1061
Re: K-Pop: BTS (Bangtan Boys)
« Reply #161 on: October 29, 2021, 04:16:50 pm »
buti nalang may delayed viewing sa sunday, manood ulit kami pero sayang at single view nalang pala, ang dami pa naman funny moments sa multi view.
hindi ba nakakawala ng momentum sis na makita agad ng BTS and army ang isat isa sa soundcheck prior sa main event?

kaloka ang pa abs ni jk, 22 lang ata waistline niya. hahah ang laki agad ng changes ng katawan ni jimin  from muster noh. grabe talaga un discipline at work out nila. ang hirap ng buhay idol.

eto ulit ang mga OA na army sa HYBE RESPECT JIMIN sa twitter, subtitle nalang na connect pa sa antis. Lol
« Last Edit: October 30, 2021, 10:07:57 am by muning00 »

drag0nfly

  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 1971
Re: K-Pop: BTS (Bangtan Boys)
« Reply #162 on: October 30, 2021, 06:41:11 pm »
Hmmm tingin ko hindi naman mawawala ang momentum kasi kung ako yun, excited and happy pa din either way  ;D

Korek re JK's waist! Mas maliit pa yata sa ibang babae grabe. Bat ba ang ninipis ng bewang ng mga Koreano. Nakaka-insecure eh.

Feeling ko si Jimin kaya mabilis ang improvement kasi andun na yung foundation from his bato bato days (circa 2014), nung hubadero pa sya haha. Sana maulit yung MAMA prod nya  ;D. Pero asa pa. Hanggang nip slips and pa-abs na lang yata talaga. Pansinin mo kahit super nag slim down sya, yung arms muscled pa din and abs nya pak. Kumpara kay V and JK na medio late na nagsimula maging buff.

Pero si Namjoon na talga ang pinaka-daddy sa kanila ngayon yumyum. Pero sana ok na sa kanya yung ganyang physique kasi baka masobrahan. Medio nawawalan na sya ng leeg eh haha.

Nakita ko nga yang respect Jimin eme. Daming snowflake. Pero meron din namang mga matitino mag-isip na cina-call out pagka-OA nung karamihan. Buti naman. Pinagtatawanan lang siguro sila ng HYBE sa mga arte nila.

muning00

  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 1061
Re: K-Pop: BTS (Bangtan Boys)
« Reply #163 on: November 01, 2021, 10:44:33 am »
^ sabagay sis, kala ko kase un soundcheck as in literal na check lang with the staff and all. hehe

hindi ko masyadong bet un super bato bato days ni Jimin,  feeling ko kase hindi proportion sa height at face niya. as if naman may say ako dun ahhahaha super okay na un katawan niya ngayon.

YES TO NAMJOON, bumagay din talaga sa kanya because of his height. very daddy vibe na siya hahah

sportygurl

  • Junior GirlTalker
  • ***
  • Posts: 403
Re: K-Pop: BTS (Bangtan Boys)
« Reply #164 on: November 02, 2021, 08:51:37 am »
nakuhanan ba ng camera si V yun part kung san ginagaya nya si 001 ng squid game? mga video napanood ko kasi na kina Jimin at Jhope ang focus  ;D

drag0nfly

  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 1971
Re: K-Pop: BTS (Bangtan Boys)
« Reply #165 on: December 09, 2021, 08:09:42 am »
Hello mga sis!

Checking in to report experience namin on Day 1 of #PTDOnStageLA. Dahil ang ganda ng seats, nakita namin up close ang boys nung umikot sila sa floor ng SoFi Stadium during Telepathy!!! As in super lapit like they were literally in front of me and my friends. I was screaming my lungs out nung papalapit na cart holding Hobi (my bias), Namjoon, Jimin and Taehyung. Pero nung andun na sila sa harap ko, I froze haha! I was so mesmerized nakakaloka. Same nung cart naman with JK, Jin and Yoongi. I mean, nakita ko na sila during the Bangkok concert 3 years ago, pero this time grabe lalo pa silang gumwapo!!! Nakakaiyak talaga. Hanggang ngayon I can?t get over it huhuhu. Grabe yung feeling to be in that sea of purple again. Iba din ang energy ng US ARMY. Talagang all out sila.

Naiyak ako sa ending ments nila during Day 2, when they spoke in Korean. I think that was the only day they did that. Esp Hobi?s ending ments tagos sa puso. I?m so happy for the boys that they were able to perform live in front of a real audience again. Kita and dama ang happiness nila. Lalo Yoongi who was smiling throughout Day 1. Btw, ang benta ni Yoongi sa US ARMY huh. Kasi naman ang hot hot nya with his new hair! Bias wrecker din eh!

Aliw din Namjoon ilang beses nagmura during the 4 days haha. Love it that they feel comfortable enough to do that here. Pati si Taehyung napa ?Holy s***!?  ;D

Ang sexy ni Mareng Megan Thee Stallion kahit Amazona ang peg next to the boys. We saw her on Day 2. Mukhang tuwang tuwa din ang boys nung nagsasayaw si ate sa gitna nila hehe. Tinitingnan namin sino sa kanila nakatingin sa behind ni Megan nung naglalakad pabalik sa main stage haha. Kasi naman labas ang cheeks ng lola mo.

Finollow nyo na ba sila sa Insta? May mga haka-haka na baka daw sign yun na hindi sila sabay mag-eenlist. Pero pwede din daw na it?s a way for them to be able to express themselves individually. I hope it?s the latter. Mas gusto ko talaga na sabay sabay na lang sila kesa mawawala isa-isa.

Hindi pa din ako maka-get over hanggang ngayon. Buti na lang nag-upgrade ako ng phone before the concert haha. Re-watching my videos and pics every day. Hoping things will be better by next year para pwede din makanood ng Seoul concert.


muning00

  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 1061
Re: K-Pop: BTS (Bangtan Boys)
« Reply #166 on: December 09, 2021, 11:13:28 am »
omg sis inaantay ko talaga ang post mo about the concert! hahaha mas nakakaiyak na sa online lang makanood. LOL im glad to know na all out naman pala ang US Army kase ang daming hanash na ang tahimik daw, hindi man lang daw nag cchant ang audience, na kesyo new army lang daw ang mga andun kaya hindi alam ang old songs. Kaloka

kala ko nga edit lang un ig nila nun nakita ko sa twitter kasi verified agad. pero please sana talaga sabay sabay nalang sila mag enlist. isipin ko palang na isa isa sila nalulungkot nako. mas malungkot pa sa break up. charot but not charot hahaha

natuwa ako na may seoul concert sila, kahit pano may chance. pero zero chance na agad kase ang pwede lang pumasok sa kanila eh citizen nila or un may family dun. at un vaccinated mismo sa korea. wala silang kems kahit fully vaccinated ka na sa country mo. pero sana magbago pa un sa march pero super slim ng chance. gusto ko lang naman sila mapanood before sila mag enlist eh. kaiyak.

ang hot naman talaga ni Suga my bias kahit pa chucky na un color ng hair niya, hahahaha tawang tawa ko sa vids na nakatingin sila kay Megan. boys will be boys.

ako un naiyak for Jin sa birthday project ng army. sobrang nakakatuwa lang talaga na makita na appreciated nila ang army.

si Arci nanood din pala.

drag0nfly

  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 1971
Re: K-Pop: BTS (Bangtan Boys)
« Reply #167 on: December 11, 2021, 05:56:29 am »
^Baka sa YouTube Theatre nanood yang mga may nega comment haha. Kasi sa SoFi mismo sobrang taas ng energy both days we went. Like deafening. Kaya iba din ang fan service ng boys pag North America and EU kasi mas expressive ang fans dito.

Naku yang si Arci kahit kelan pasaway talaga. Hindi naka-mask while inside the stadium eh isa yun sa mga rules. Kapal talaga ng mukha nyan. Nakasabay namin Day 2. Buti di ko sya nakita kundi tatampalin ko sya LOL. Pinicturan pa daw nanay ni Jimin eh against the rules yun. Sana i-ban sya ng HYBE sa events tingnan lang natin haha.

muning00

  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 1061
Re: K-Pop: BTS (Bangtan Boys)
« Reply #168 on: December 11, 2021, 09:45:49 am »
mas madaming hanash talaga un wala sa mismong concert. or bakasila un mga nanood lang sa illegal streaming. Lol
we watched online streaming nun last day, parang tahimik nga un audience, sabe ko pa nga gusto ko lang naman maki chant, haha so naisip namin baka sadya un para mas marinig un boys. after ng 4day concert nila ang dami ko din nakita na vids na all out din talaga un army.

may caption pa nga si Arci na palapit na palapit na siya sa boys kaya siya nasasabihan ng sasaeng eh. hehe

Buti di ko sya nakita kundi tatampalin ko sya LOL.- pls sis charot hahahaha
« Last Edit: December 11, 2021, 09:48:03 am by muning00 »

drag0nfly

  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 1971
Re: K-Pop: BTS (Bangtan Boys)
« Reply #169 on: December 14, 2021, 12:33:58 am »
^Hindi naman kasi pwedeng the whole time sumisigaw ang audience eh di hindi na narinig ang boys. Respect din yun habang nagsasalita sila. Kebs sa mga commenters na yan basta alam ko naparamdam naming live audience sa boys how much we missed them and nakita namin mismo how happy they were to be there with us. Dami nilang hanash wala naman sila dun  ::)




drag0nfly

  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 1971
Re: K-Pop: BTS (Bangtan Boys)
« Reply #170 on: March 22, 2022, 12:51:51 pm »
Annyeong Amiii! 

I'll be seeing the boys again in Vegas next month! Anyone else who's going?

muning00

  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 1061
Re: K-Pop: BTS (Bangtan Boys)
« Reply #171 on: March 26, 2022, 10:52:30 am »
woooooow sis congrats. gang online viewing nalang kami. hahah nag check pa kami to get us visa sana. kaloka next year pa un available. lol
 super curious ako sa BTS Themed Hotel.  Enjoy sis and make kwento ulit ah.

sana complete ang boys sa Grammys performance nila, i hope okay na si Hobi nun.
« Last Edit: March 26, 2022, 10:54:14 am by muning00 »

drag0nfly

  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 1971
Re: K-Pop: BTS (Bangtan Boys)
« Reply #172 on: April 04, 2022, 12:51:53 pm »
^Thanks sis! Excited na me lapit naaaa.

Natapilok si Hobi kanina haha! Buti na lang di pa part ng main prod nung nangyari and naka-recover agad sya. Ang funny lang LOL. Ang galing ng prod nila, lalo yung dance break huhu. Sana gumaling na din agad si Jin. Wawa naman may cast.

So totoo pala na smoker si V. May isang nagsabi dito re vape dati. Akala ko clean living sya bilang may mga health issues. Not gonna lie, na-sad ako ng very, very light nung nakita ko pics kanina pero matanda na sya and buhay naman nya yan. Siguro na-sad ako kasi ang tingin ko pa din sa kanya this innocent, gullible probinsyano Daegu boy  ;D

Sayang mailap pa din ang Grammy sa kanila. Howelz.

muning00

  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 1061
Re: K-Pop: BTS (Bangtan Boys)
« Reply #173 on: April 05, 2022, 10:46:39 am »
nakakatawa un kay jhope, hahaha pero very close na talaga un muka niya ah. buti nalang safe pa din natapos un performance nila. for me eto un pinaka the best na performance nila ng butter. super duper galing.

kahit may chika naman na dati na nag vvape siya pero keri lang. pero mejo nagulat pa din ako na nag transition na talaga siya sa totoong cigarettes. hehe hindi na rin naman niya siguro tinatago kase nasa public space siya nag smoke. pero same sis baby siya sa paningin ko lalo pag nag tata mic face na siya. hahaha but well adult naman na siya.

of course we wanted them to win pero hindi na talaga ko nag expect. since well known naman ang grammys for being racist. ang nakakainis kase, bts talaga ang ginamit nila for the hype. bakit hindi un western artists nila?

drag0nfly

  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 1971
Re: K-Pop: BTS (Bangtan Boys)
« Reply #174 on: April 06, 2022, 10:19:30 am »
Sobrang galing nga ng Butter dance break na yun. One for the books!

Dba sis baby pa kasi si V sa mata natin haha. Saka ang tingin ko talga sa kanya parang minsan aanga-anga pa din LOL. Lalo pag Run BTS, travel nila. Pero sabi nga ng asawa ko, sobrang lakas manigarilyo nga mga Koreans so expected na daw yun. Kaya feeling ko talga may mga jowa na yan sila magaling lang magtago. Lalo si Namjoon  ;D

Korek yung kay Hobi muntikan na talga plumakda hahahaha. Natawa talga ako. Siguro nanghina si koya kagagaling lang from COVID  ;D

Yung sa Grammys ang intindi ko ang bumoboto kasi members ng Grammys, parang Oscars. So hindi talaga sya based on popular vote. Eh madami pa namang members dun na malamang hindi kilala ang boys. Nakakainis lang yung ginawa nila na inuna yung Butter prod pero minove yung Best Pop Duo award sa third to the last slot para mag-stay and manood ang fans. Usually daw kasi sa pre-show binibigay yun. So halatang halata galawan grrrr. Tas inupo pa talaga sila sa harap. Dba usually pag inupo ang artist sa harap, parang indication na mananalo sila.


muning00

  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 1061
Re: K-Pop: BTS (Bangtan Boys)
« Reply #175 on: April 09, 2022, 06:48:39 pm »
HAHAHHAH yes naman sa aanga anga, ayun un term na hinahanap ko sis. ahahahahahah minsan bonjing din si V eh, buti nalang talaga mahal naten siya at tanggap natin lahat ng ka weirduhan sa buhay hahahaha
mas baby pa nga tingin ko kay V kesa kay jk kase pabebe naman talaga si V. kung may mga jowa na talaga sila, gusto ko lang malaman pano nila natatago un, hahaha true kaya un chika na bayad ang dispatch kaya walang dating scandal ang bts? and ang hirap sa part ng mga jowa nila kasi forever nalang ba sila itatago because of delulu fans.


pag winter kasi sa kanila madalas manigarilyo so baka na enjoy na ni V. hehe

may balita na ba sis sa enlistment nila? for me (as if naman may say ako db hahaha) okay na mag enlist sila kase pag hindi ang daming tatahol na antis, pero sana lang talaga sabay sabay sila.

yes sis parang may voting commitee talaga sila. hindi nako nag eexpect sa grammy pero gamit na gamit talaga ng grammys ang BTS, kaya dun talaga nakakainis. pang hakot viewers talaga nila ang bts. paka user. kairita. sabi pa nga ni rm kala nila un na kase ininterview pa sila. asar

pero i love the salty ending ment of rm ah.. nag expect ako ng mic drop dahil andun si steve. hehe

drag0nfly

  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 1971
Re: K-Pop: BTS (Bangtan Boys)
« Reply #176 on: May 12, 2022, 08:16:42 am »
Ready na ba kayo for comeback mga sis??!!

Hindi na ako nakapag-report dito dahil pagbalik ko Pinas, sabak na agad sa activities for the elections. Hay. Ang lungkot lang ng nangyari. Kaya looking forward ako lalo sa comeback nila para GV naman after everything that happened.

Anyhoo, we got to see them again up close when they came around in the carts!!! Mas nakita din namin si Jimin closer ang longer this time kasi nung sa SoFi, mas nakaharap sya sa kabilang side. We got floor seats during D3 and malapit -lapit sa stage so bongga ang views. Close na kami ng abs ni Jungkook LOL. Iba yung energy ng D3! Siguro kasi naka-rest sila from the Grammys plus  Days 1 and 2. Nakakatuwa yung pinasigaw ni Taehyung mga male ARMY. Sigaw talaga brother ko hahaha.

D4 naman was very emotional for me, lalo na nung nag-bow ng matagal si Joon huhuhu. Actually naiiyak na ako during his ending ments nun eh. Feeling ko parang he was saying goodbye na like in terms of them enlisting siguro. Tas nung nag-bow pa sya ng matagal, waaaahhh wala na!

I'm happy na stay put muna sila sa SK and hindi aattend ng BBMAs. Daming OA na US ARMY saying sana daw umattend sila ulit ng BBMAs. Hello, may comeback na paparating so deserve ng boys na sa kanila muna at for sure buys sila sa practices etc.

Ano sa tingin nyo mangyayari bilang anthology pala yung new album? Ang lakas ng kutob ko na baka mag-eenlist na nga sila... kasi bat ka maglalabas ng greatest hits album tas 3 lang pala yung new songs dba. Sana hindi pero either way, full support pa din as always. Pamahal na nga ng pamahal ang merch nila haha.

 

Latest Stories

Load More Stories
Close