watch now

Author Topic: K-Pop: BTS (Bangtan Boys)  (Read 26894 times)

muning00

  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 1059
Re: K-Pop: BTS (Bangtan Boys)
« Reply #140 on: September 28, 2021, 12:46:51 pm »
nakakagulat lang din na ang laking issue pala nun sinabe ni James Corden, as always cancelled culture na naman. yes super oa nun #RespectJimin pati un may issue sila kay Pdogg sa sinabe kay Jin which honestly wala naman akong nakitang mali or offensive in any way. sabi nila mga solo stans un may mga ganun na reklamo. nakakaloka  puro reklamo hindi nalang iaappreciate.

 sis sayang naman hindi ka pa makakaabot sa kanila. hindi ba ma aadjust un trip mo? hehe   un concert nila ang bumungad saken sa twitter. super lucky ng makakakuha ng tix nila and excited na din ako for BTS kase bukambibig nila na miss na miss na nila mag perform. sana makanood din before sila mag enlist, and please lang sana sabay sabay na sila mag enlist. hehe

drag0nfly

  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 1956
Re: K-Pop: BTS (Bangtan Boys)
« Reply #141 on: September 28, 2021, 03:27:22 pm »
^Yan nga bumungad saken right before starting work kanina. Nag notif ang Weverse tas ayun di na ako maka-concentrate sa trabaho LOL. We'll see. Sana makabili kami sa October 6 kasi may special privilege yung nakabili ng MOTS tix before. Pag nakakuha kami, I will adjust travel plans for the love of the boys! Kelangan na magpalakas lalo ng immune system nito haha.

muning00

  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 1059
Re: K-Pop: BTS (Bangtan Boys)
« Reply #142 on: September 29, 2021, 09:29:21 am »
goodluck sis, sana sana makakuha kayo. and share your experience here.  :D naloka kame sa US un concert, need muna namen ng visa. hahaha un tipong nakakuha nga kame ng visa pero hindi ng tix.  ;D
« Last Edit: September 29, 2021, 09:35:01 am by muning00 »

sportygurl

  • Junior GirlTalker
  • ***
  • Posts: 403
Re: K-Pop: BTS (Bangtan Boys)
« Reply #143 on: September 30, 2021, 09:16:47 am »
Sa mga nakapunta na sa concert ng BTS, usually ba mga member ng fans club nila ang unang nabibigyan ng access to purchase pagkatapos tsaka ang general public? at gano kahirap bumili ng ticket nila?

nakakainggit talaga yun mga makakapunta sa 1st day. sobrang special nun talaga. lalo na yun mga makakabili ng tix sa harap mismo.

btw, curious lang ako sa opinion nyo about Taekook. tingin nyo ba  may something talaga sa kanila na mas malalim pa sa friendship/brotherly love?
« Last Edit: September 30, 2021, 10:43:15 am by sportygurl »

muning00

  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 1059
Re: K-Pop: BTS (Bangtan Boys)
« Reply #144 on: October 06, 2021, 10:21:13 am »
hahahah naku sis, may nagtanong na niyan kay V, sabe niya get out of your imagination. its not good there. something like that. aliw na aliw din ako sa yoonmin at namjin pero its all for fun. i dont think mangyayari yan in real life. minsan nga napapaisip ako kung naapektuhan ba sila sa shippers nila. kase for me ang nakikita ko lang talaga ay genuine brotherly/family love.

drag0nfly

  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 1956
Re: K-Pop: BTS (Bangtan Boys)
« Reply #145 on: October 07, 2021, 10:51:28 am »
I'm seeing the boys again mga sis!!!

We got tix for Nov 27 and Dec 2, opening and closing dates. I'm so happy!!! Ma-greet namin si Jin before his birthday haha!

muning00

  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 1059
Re: K-Pop: BTS (Bangtan Boys)
« Reply #146 on: October 07, 2021, 12:48:10 pm »
woooow im so happy for you sis. make kwento after the concert ah. hehe for now, sa online concert nalang muna kami kakapit. hahaha sana soon sa asia naman.

drag0nfly

  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 1956
Re: K-Pop: BTS (Bangtan Boys)
« Reply #147 on: October 07, 2021, 02:33:59 pm »
^Thanks sis! Maganda ulit seats na nakuha namin though ubos na agad ang gold and silver soundcheck, as expected sa first day. I can't believe I'll be seeing them again. Grabe malamang ang emotions nito sa first day oh my heartu!

Hobi, I'll see you soon, babe!  ;D

muning00

  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 1059
Re: K-Pop: BTS (Bangtan Boys)
« Reply #148 on: October 07, 2021, 04:58:48 pm »
nakakaiyak at nakakainggit din talaga un mga nagppost sa tiktok na naka score ng gold. haha at least maganda pa din un seat niyo sis, ang importante makikita niyo na sila ulit. waaaaaah enjoy kayo sis. first time concert goer siguro feeling niyo sis, cus its been a while.  ;D

sportygurl

  • Junior GirlTalker
  • ***
  • Posts: 403
Re: K-Pop: BTS (Bangtan Boys)
« Reply #149 on: October 08, 2021, 09:30:49 am »
^^sis, pwedeng malaman nasa magkano ang gold at silver ticket? at kapag may kasamang soundcheck magkano? pero kapag dito sa pinas yan, malamang mas mahal ano?

drag0nfly

  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 1956
Re: K-Pop: BTS (Bangtan Boys)
« Reply #150 on: October 08, 2021, 10:11:46 am »
^$450 ang gold soundcheck for PTD LA. We will try again tom baka maka-score pa kasi nag-release ulit ng new seats today. Sana makakuha pa kami tom para 3 days makanood. HYBE, take our money na LOL.

Di ko masabi kung mas mahal dito eh. Parang $300 lang kasi soundcheck VIP for Wings tour dati. Pero 2017 pa yun so understandable na nag-increase na din ticket prices along with their popularity. Saka never na sila bumalik dito after Wings. Pero sa karatig- Asian countries bumabalik sila. Olats talaga ng Pinas.

@muning00 - Korek sis, kasi 3 years ago pa yung last kita ko sa kanila live so kakaiba din ang excitement. Plus alam ko na this time kung pano mag-focus during the concert haha.

Ang concern lang namin during soundcheck is malamang dikit dikit mga tao. Notorious pa naman mga Kano for being too pushy during concerts. I mean, we love the boys, pero ayaw naman namin magka-COVID while watching dba. Though super extra extra ang fan service ng boys sa US compared to other countries. Alam din nila ano yung expectations/culture ng crowd.

muning00

  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 1059
Re: K-Pop: BTS (Bangtan Boys)
« Reply #151 on: October 09, 2021, 09:38:30 am »
why kaya hindi na sila bumalik after wings?

i have friends na suki ng  concert (not Kpop) pero sabi nila di hamak na mas mura ang concert sa ibang Asian countries kesa dito saten. minsan kahit isama pa ang airfare. Kaya dun sila madalas manood, nakagala pa sila.


drag0nfly

  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 1956
Re: K-Pop: BTS (Bangtan Boys)
« Reply #152 on: October 11, 2021, 02:46:06 pm »
Ang chika nun wala daw kasing venue within Metro Manila na kayang i-accommodate ang normal stadium capacity for their tours. 15,000 lang ang MOA and masyado ng maliit yun to make it worthwhile for them to come back. Philippine Arena lang ang pwede eh ang layo from the city.

Grabe yung issue ng Ticketmaster nabasa nyo ba on Twitter? Scammers.

muning00

  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 1059
Re: K-Pop: BTS (Bangtan Boys)
« Reply #153 on: October 11, 2021, 04:23:06 pm »
^ un ba yung hindi na nakapag public onsale ang Ticket Master kasi naubos na sa presale? or may nag resell na umabot pa ng $8k un tix? grabe
« Last Edit: October 12, 2021, 03:44:31 pm by muning00 »

drag0nfly

  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 1956
Re: K-Pop: BTS (Bangtan Boys)
« Reply #154 on: October 15, 2021, 10:44:25 am »
May privileges daw kasi ang SoFi Stadium season pass holders to buy tickets din (for baseball, football etc). Eh mga lokong yun pinagbibili yung ibang seats tas ni-re-resell for thousands of dollars. May seats in the 500s (nosebleed seats kumbaga) na binebenta ba naman nila for $3,000 and up. Kaloka dba. Sana walang magpauto at bumili nun. Nakakainis sila. Dapat sa ARMY mapunta yun eh at the original, reasonable prices. Naaawa ako dun sa mga hindi nakabili, lalo nung nabasa ko on Twitter. Sana talaga i-address ng HYBE yan. May ongoing case na pala against Ticketmaster sa US dahil sa shady business practices nila. Sana mapatawan na sila mga tuso.

Mukhang malaki ang possibility na magka-concert na din sila sa Seoul. Nag-reply si Hobi sa isang comment on Weverse. Open na ba ang South Korea to Pinoys? Last I checked kasi hindi pa.

sportygurl

  • Junior GirlTalker
  • ***
  • Posts: 403
Re: K-Pop: BTS (Bangtan Boys)
« Reply #155 on: October 15, 2021, 11:30:07 am »
Anong opinion nyo sa dating rumor ni V? Natawa ako sa weverse post nya. Hahaha. Lakas ng loob nya  in fairness.  Kung totoo man na dating sila, cute naman sila tingnan. May nagpoint out pa na twinning sila sa outfit lol. Sana suportahan na lang ng mga fans. Si JK dati siya pa nagsorry sa fans, kaloka. Di ko din alam bat ang daming fans in denial kapag nalalaman nagdedate mga idols. Sana lang dumating ang araw na itong mga idol kaya nila pagtanggol sarili nila at yun babaeng involved sa mga dating rumor na yan.

drag0nfly

  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 1956
Re: K-Pop: BTS (Bangtan Boys)
« Reply #156 on: October 15, 2021, 02:30:19 pm »
Kung totoo man o hindi yung rumor, labas na ang fans dun. It's their life. Personally, excited ako to see them with partners and kids eventually. Lalo naman si V na very good with kids. Yung closeness pa lang nya with his pamangkins super adorable na. I just hope this doesn't affect him lalo naghahanda sila for the concert.

muning00

  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 1059
Re: K-Pop: BTS (Bangtan Boys)
« Reply #157 on: October 15, 2021, 05:10:59 pm »
oo nga sis un nga nabasa ko grabe mag resell porket alam nila na sobrang benta ng BTS ngayon, kawawa din talaga un tunay na fans na eager manood ng concert, baka sa sobrang desperate nial eh kagatin na nila un mga tuso na scalper or reseller.

nakakatawa lang un rumor kay V, kase hello in reality nasa marrying age na siya.
 i cant wait na dumating un araw na iconfirmed ng HYBE na they are actually dating. kahit baby pa sila sa paningin ko (kahit halos ka age ko lang sila. hehe) eh excited pa din ako para sa lovelife nila. para sa mga delusional armys need sila iremind na wala sila sa wattpad noh. Lol
sobrang curious lang ako if sa age nila na un never pa talaga sila nakipag date and if yes pano nila natago un.  ;D

omg kung mag concert na sila sa seoul sana naman open na sa pinoys. please lang.
« Last Edit: October 16, 2021, 09:45:13 am by muning00 »

drag0nfly

  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 1956
Re: K-Pop: BTS (Bangtan Boys)
« Reply #158 on: October 24, 2021, 04:38:34 pm »
Hindi pa din pala open ang SoKor saten sis. Kaka-check ko lang din.

Wawa naman V, injured for today's concert  :(

Hope he takes it easy so he'll heal ASAP. Nakakagalaw naman sya ng maayos kanina during soundcheck. Pero malamang di makasayaw ng bongga later.

Enjoy today's concert mga sis!


muning00

  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 1059
Re: K-Pop: BTS (Bangtan Boys)
« Reply #159 on: October 25, 2021, 10:16:34 am »
super naenjoy namin un online concert, naka projector pa kame.Lol nakakatawa lang na may subtitle pala. hahaha nalaman lang namen after na ng concert, huli na din tuloy namin nalaman un pinaguusapan nila. hahaha
kala ko nga iiyak si V, pero buti nalang hindi. siguro kasi wala din namang live audience kaya hindi rin sila ganun ka emotional. at buti nalang may online streaming for their LA concert.  ;D

sana naman un Seoul concert nila eh timing pwede na din tayo sa SK.  :'(

and pano pala un soundcheck nila sa live concert nila? mej nagulat ako sa online, sila mismo un nag souncheck. kala ko un staff lang  like sa normal concert venue.
« Last Edit: October 26, 2021, 09:46:47 am by muning00 »

 

Latest Stories

Load More Stories
Close