Sali ako dito, bagong salang ako sa BTS. Nagsimula sa kagustuhan lang na malaman yung mga pangalan nila tapos, wala na, pitong beses ko na pinaulit-ulit yung mga dance practice videos nila para panoorin sila paisa-isa.

Sobrang dami nilang content na inupload ng fans sa internet, nakakalula. Kaya dapat lang na mahal na mahal ng BTS ang ARMY kasi, sa tingin ko, hindi magiging worldwide ang fanbase nila kung hindi dahil dun.
Nakakatuwa panoorin yung mga una nilang videos, nung bago pa sila at nagsisiksikan pa sila sa isang dorm. Parang alam mo na kung ano amoy nung dorm sa itsura pa lang haha. Napaka-eager pa nila kapag nagba-bow sila pagkatapos nila sabihin yung "1,2, 3, we are Bangtan Sonyeondan," minsan may kasama pang "we will work hard." Ngayon ang layo na ng narating nila; they deserve it all.
Gustong gusto ko sa kanila yung pag-redefine nila ng definition ng masculinity. Walang kyeme magtawagan ng handsome, nagmemakeup sila sa isa't isa, nag i-"I love you"-han, naglalabas ng emotions, openly crying, very huggy and touchy, etc. Napanood ko yung video nung isang Korean rapper na ininsulto si RM at si Suga, sabi na sellout na daw sila at nag-s-smokey eye makeup at mukha daw silang babae. Nung tinignan ko yung music videos nung rapper na yun, nasa 1k yung likes tapos halos 100k na yung dislikes.

Ang hirap pumili ng bias, paiba-iba ang sa akin depende sa araw haha.
Jin - May kenkoy/variety show persona si Jin, pero talagang nangingibabaw yung kagwapuhan niya kapag kalma siya at eldest hyung yung vibe at styling sa kanya. Lagi napupuna yung dancing niya, pero kaya niya makipagsabayan kanila Hobi, Jungkook, at Jimin, diba.
Suga - Nung una parang ang dating niya sa akin e napilitan lang siya sumali sa isang idol group pero nakita ko na invested din siya sa BTS katagalan. Low-key funny si Suga.
RM - Ang hirap ng trabaho niya bilang leader at translator. Respect.
J-Hope - Pa-happy siya kapag nakaharap sa camera pero pag off-cam, boss na boss ang dating, which I like. Kapag may nagugustuhan ako na parts sa mga kanta ng BTS, kadalasan part pala yun ni J-Hope.
Jimin - What a gender bender. Ang extra niya kumanta at sumayaw, perform kung perform. Siya ata ang may pinakamaraming tea/chismis sa internet.
V - Ang weirdo niya dun sa mga unang videos. Pinagworkshop ata siya kasi reserved at pa-swabe na siya ngayon. Nakita ko yung hair transplant rumors sa kanya, at kung totoo man yun, it looks really good on him.
Jungkook - Natatawa ako kapag ginagaya niya yung mga hyung niya, especially Jimin haha. Tapos tratratuhin talaga siya na bunso ng grupo at wala siyang maggawa. Kaya naman pala Golden Maknae ang tawag sa kanya, kasi pati na lang sa drawing, games, relay race, etc. magaling siya.