Author Topic: Manyakis Encounter | Ano ginawa niyo?  (Read 79338 times)

imeego

  • full-time mom of 2 adorable kids and a
  • Senior GirlTalker
  • ****
  • Posts: 633
Re: Manyakis Encounter | Ano ginawa niyo?
« Reply #20 on: December 11, 2014, 12:54:19 pm »
Dami ko na naencounter na manyakis..1st time when i was around 8 yrs old sa provine, sa may perya, yung guy na nasa likod ko dinidikit yung thing nya sa likod ko, and that time wala pa akong muwang, kala ko nasisiksik lang ako. Good thing may isang old man na nakakita, tinadyakan si manyakis and sinabi sa akin kung ano ginagawa ni manyakis..pinakagrabe kong encounter happened almost 8 yrs ago..di ko na idedetalye at baka may makakilala pa sa akin  ;D medyo kontrobersyal kasi, although nothing physical happened naman, but to cut the story short, napakulong ko yung guy..his superiors, kuya and his wife ang umapela, todo pakiusap sa akin dahil masisira daw future ni manyakis (he was a graduating med student that time)..ang ending, i decided to drop the case na lang, anyway napatawan naman sya ng medyo mabigat na parusa aside from the fact na he spent time in jail din..the rest are minor lang, yung tipong inaabangan ako lagi with titig na nakakakilabot ;D

sweet.hann

  • GirlTalker
  • **
  • Posts: 75
Re: Manyakis Encounter | Ano ginawa niyo?
« Reply #21 on: December 12, 2014, 02:12:29 pm »
here's my own experience..

2yrs ago. at work. usually naiiwan sa office kasama ko yung branch manager. sales and marketing kasi yung nature ng business kaya that day need sumama sa field work ng branch manager kaya ako naiwan mag-isa. sa work ko, may partner ako. yung collector namin. much older than me. may asawa na. nung hapon na yun, maaga syang nakabalik ng office. ladies, alam ko alam nyo rin ang feeling. so awkward kasi dalawa lang kami. pero usual lang. di ko pinapahalata na naaasiwa ako. work mode. maliit lang yung office namin pero yung pinaka-room lang namin ng branch manager yung may aircon. kaya kahit walang ginagawa, nakatambay si kuyang collector sa loob. awkward moment kaya kahit may ginagawa pa ko on my computer, lumabas ako para malayo sa kanya. maya-maya, tinawag nya ko. sabi nya dun daw ako sa loob kasi dun malamig. mainit nga naman pero tiniis ko kasi iba na pakiramdam ko sa kanya. tapos lumabas sya. nung papunta na sya sa likuran ko, nakisilip sya sa bintana tapos niyakap nya ko. pero di pa ko masyadong nagpanik. sinabi ko na bitiwan nya ko kasi di ako natutuwa. ayaw nya bumitaw kaya pinilit kong makaalis.tumayo ako sa kinauupuan ko tapos dumerecho ako sa loob ng office. sinundan nya pa rin ako. syempre hahanap ako ng way to escape. kaya pag naaalala ko, magagalit yung kalooban ko na natatawa sa pinaggagagawa nya kasi nagpaikot-ikot kami sa office. nung nakabalik ako sa loob ng office, ni-lock ko na para di nya na ko malapitan. kinatok nya ko. hindi lang basta katok. parang gusto nya nang sirain yung pinto. kinakabahan na ko. pero chill pa din. kunwari, nagttrabaho pa din ako. pero kumakabog na talaga yung dibdib ko. shinut down ko lang yung pc ko tapos kinuha ko yung cp, susi at purse ko. tapos umalis ako ng office. iniwan ko sya mag-isa. pero nung time na bago nya ko habulin, nakapag-gm na ko sa mga kuya at friends kong lalaki na may kasama akong manyak. tapos ina-advice nila ko na suntukin ko daw pag lumapit saken.

nilayasan ko sya. nag-stay ako sa carinderia na kinakainan namin ng branch manager namin. dun ako tumambay hanggang lumipas yung l**** nung  manyak na yun.. hanggang sa makarating yung team na nag-field work.

hay! badtrip talaga yung mama na yun.. pero di nya alam yung time na pilit nya kong nilalapitan, may mga natxt na ko.. kasama na sa natxt ko yung general manager. sinumbong ko agad sya that time.  >:(

kinkytinch

  • Junior GirlTalker
  • ***
  • Posts: 490
  • uh-huh uh-huh
Re: Manyakis Encounter | Ano ginawa niyo?
« Reply #22 on: December 14, 2014, 04:27:56 am »
Lapitin din ata ako sa ganyan. Bakit kaya may mga lalaking ganito na nabubuhay pa? Wala kaya silang mga nanay, lola, o kung sino pa na babae na they respect? Nakakadegrade eh.

I was really shy and di pala imik nuon. Over the years though, I realized na kaya ko pala gumawa ng skandalo kapag kelangan to protect myself and other possible victims sa paligid.

Nung bata pako, may 1 lalaki sa group of teenagers na arabo na nakasalubong namin ang pinasok ang kamay sa shorts ko in a split second. I think i was around 8 lang din nun. Di ako nakapagsumbong sa dad ko kasi nashock ako.

When I was in college naman, naranasan ko na rin ang mapoke ng thing ng lalaki sa likod ko sa quiapo, yung sa daan from sm papuntang simbahan. Paglingon ko nakasmirk pa yung 40ish na lalaki. Hinawakan ko agad ng pahorizontal yung mahabang payong ko at sin-sway ko front and back para to make sure na may clearance kami ng nasa likod ko at kung matamaan man sya, sakto sa ari nya. Naglakad din ako ng mabilis at sumingit singit na sa mga tao sa harap para makalayo lang.

When I started working na, nahipuan na rin ako ng butt sa bus, sinigawan at minura ko nga. Walang hiya hiya.

Pero may times din na pinanghihinaan ako ng loob at di ako makaganti or react. These are my regrets.

Experience ko sa van: dinagan ng madiin ng madiin ng tutulugtulugang katabi ko (who happens to be the operator ng van namin sa umaga) yung elbow nya sa hita ko. Kahit tinatanggal ko na, binabalik nya at mas dinidiin pa.

Pero ang pinakahurtful at di ko matanggap pag minanyak ka na ng kakilala mo, yung trusted mo. Close officemate/friend ko dati nilagay kamay nya sa tuhod ko sabay tingin sakin as if asking for something. We were in his car (about to go on a food trip ata or something) but I never showed any motives ever. Barkada lang. I removed his hand but said nothing about it.

For the last 2 mentioned experiences, I find it weird na parang I acted as if nothing happened when I see them after. There must be something wrong with me.

Marami pang iba na pangmamanyak  akong naranasan from dirty gazes to catcalls to touchyfeely classmates.

Ano nararamdaman nyo girls pag di kyo nakaganti agad? Is it bad to ask this question..

purple.strawberry

  • Senior GirlTalker
  • ****
  • Posts: 734
Re: Manyakis Encounter | Ano ginawa niyo?
« Reply #23 on: December 14, 2014, 09:06:06 am »
^Yung sa'kin sis na first time nangyari and wala akong ginawa, well what happened was worse pa nga kaya di ko na dinetalye. I didn't even tell everything to my then-bf. Dala-dala ko siya for about two years and then I decided to just let it go.. charge sa experience na I should be more mindful and maging reactive kapag meron ulit nangyaring ganun. Medyo oversimplification ito ha, but ganun essentially ang ginawa ko.

red_yesha

  • Senior GirlTalker
  • ****
  • Posts: 833
Re: Manyakis Encounter | Ano ginawa niyo?
« Reply #24 on: December 14, 2014, 09:28:37 pm »
dami talagang lalake na manyakis.. mga hayok sa laman.
ang laging napupuntirya sakin e yung butt ko.
Nung una nung nahawakan yung butt ko ng solido hindi ako nakareact kasi hindi ko alam ang gagawin.
Nung pangalawa naman, napasigaw ako ng "hoy bastos ka ah!" tapos tinitigan ko ng masama, ayun tumigil sya, buti hindi ko na spray sa pangit nyang mukha yung pepper spray ko.

Kawawa naman yung puwet ko naaabuso
 :'(
If you compare yourself with others, you may become vain and bitter;
for always there will be greater and lesser persons than yourself. :)

kinkytinch

  • Junior GirlTalker
  • ***
  • Posts: 490
  • uh-huh uh-huh
Re: Manyakis Encounter | Ano ginawa niyo?
« Reply #25 on: December 14, 2014, 11:44:20 pm »
^^sis, 2 years! Di ka ba parang sasabog na nun?

erza0916

  • GirlTalker
  • **
  • Posts: 190
Re: Manyakis Encounter | Ano ginawa niyo?
« Reply #26 on: December 15, 2014, 09:46:27 am »
Experiences ko hindi kasing grabe ng mga nabasa ko. Thankfully. Kasi takot ako magreact and magskandalo eh. Anyway first was sa jeepney. Hilig ko kasi dun ako sa dulo s may pinto para mabilis bumaba. The manyak sitting next to me eh iniipit ako tapos nirrub nya yung thighs nya sa thighs ko. Nakashort lang ako nun. At first I didn't mind it kasi akala ko nagaadjust lang sya ng upo pero nung lumuwag na yung jeep aba hindi parin lumayo. Talagang ginigitgit nya ako. Hindi naman sya mukang holdaper kasi nakahawak dalawang kamay nya sa handle. I gues para masmadali nya mamanuever katawan nya. Buti na lang stop ko na and bumaba na ako before pa sya may gawing iba.

The other time was here in LA. Galing ako sa work nun wala yung kotse ko so I rode the bus. Hindi naman crowded edi upo ako sa vacant n dalawang seat. Pagod ako kaya mejo natutulog tulog ako. Hindi ko namalayan may sumakay na black guy sa tabi ko tapos yung kamay nya pumunta na sa likod ko and ipapasok na nya yung kamay nya sa loob ng pants ko. Nagising diwa ko and tiningnan ko sya. Para syang adik and patay malisya lang nakatingin pa sa labas. Lumipat na lang ako ng upuan.

purple.strawberry

  • Senior GirlTalker
  • ****
  • Posts: 734
Re: Manyakis Encounter | Ano ginawa niyo?
« Reply #27 on: December 15, 2014, 10:48:51 am »
^^I buried it deep down haha. Pero ok na ko ngayon.

^^^Sis saan nakakabili ng pepper spray? Gusto ko din niyan.

fredprinz

  • Junior GirlTalker
  • ***
  • Posts: 362
  • The guy that saves you from cockroaches that fly.
Re: Manyakis Encounter | Ano ginawa niyo?
« Reply #28 on: December 15, 2014, 11:00:47 am »
^^^Purple, it's better to carry a small to medium ceramic knife inside your bag for protection. And di naman siya basta basta nade-detect ng mga metal detectors sa malls.

Remember the person who told you he can't live without you? Well, look at him now, still alive and s***. =P

Yula

  • Lurker
  • Junior GirlTalker
  • ***
  • Posts: 309
    • RU Affliates
Re: Manyakis Encounter | Ano ginawa niyo?
« Reply #29 on: December 15, 2014, 11:15:57 am »
@quinone

The day after I posted this sis hindi ako nakapasok dahil sa trauma. Baka kasi gumanti yung lalaki or magpwesto ulet sa likod ko tapos saktan ako or saksakin ako ahaha mga ganung imagination.Pero ngayon okay na ako. Sana wala nang next time pero gagawin ko na talaga magreact para matuto yang mga manyakis na yan.

Bakit ka naman maawa sis siya yung manyak. May mali sa kanya at dapat natuto sana sya ng leksyon. Dapat nagulpi na yun baka ganun ginagawa niya lagi sa mga babae na nasa pool.



@purple.strawberry
Yung theory mo sis may katotohanan yan kasi ganyan din minsan sinasabi ng friends kong lalaki. Ganun daw iisipin ng ibang manyak pag hindi nagrreact yung babae. Minsan pag nadadaan din ako sa ibang threads about mga fantasy ng ibang tao. Gusto nila yung ganyan eh yung makahanap ng tao na gusto makipagmanyakan in public like ng hipuan. Eww!

@fredprinz
okay yung ganyan na kapwa lalaki ang nakakapansin. Yun ang ayaw ng mga manyak kapag may iba na nakapansin di sila makatodo effort sa gagawin nilang plano kasi aware na ang ibang tao at pede sila maisumbong.

@purple.strawberry
ay naku ang dami ngang ganyan mapa-jeep or fx. Akala mo nakakita ng destiny nila kung makipagtitigan eh hahaha.

@quennna
meron pa bang mga girls na hindi nagsshorts kapag nakapalda? lol

@budzwhiz
nakakatakot sis mismong driver pa nang ganyan sayo. Madalas nga nararape yung mga ganyan. Di ko rin alam gagawin ko pag ganyan kasi control nila ang manibela at locks kung magkataon na automatic ang gamit nilang car.

namanyak narin ako sa bus sis hays. Ganyan din pinapadaan sa kili kili. Yung mga tipong itsura construction worker. Talgang target nila side boobs. Kaya mas gusto ko talaga sa window kesa dun sa nadadaan daanan ka sa aisle.


@tiggerlily
tama ka dyan sis takot nga sila eh yung katulad ng ng kwento ko dito.Nagtago sa backpack nya. Kaso ingat lang sa mga palaban na manyak talaga.
Grabe naman sis yung naranasan mo nung preggy ka pa. Baka sila yung may fetish sa lactating women kasi dahil sa milk and boobs.


@TysLolakins
nako yung ganyan madalas maranasan ng sis ko nung bata pa kami. Mga exhibitionist eww. Kawawa lang sis ko kasi bata pa siya nang maranasan nya mga ganyan. Talagang nakakatrauma.

yung guy na may kasamang gf ang kapal at tigas ng face mang manyak habang kasama nya gf nya ah. Pano nga kaya makakareact dun sa ganung situation ano.Baka makipagaway pa yung gf pagtanggol si bf tsk.


@Samsy
sakin ba yang reply mo sis. Anyways kung sakin..hay oo 1st time ko makareact at talagang proud ako nun. Sarap ng feeling pinaghahampas ko sa ulo ng payong eh.

tama ka dyan sis talagang di mawawala yang "victim blaming" eh ang 1st reaction ba naman ng isang kaofficemate kong lalaki. Change outfit daw. Wow hindi naman pang FHM ang dress na suot ko eh. Longsleeves na di kita ang cleavage at yung length naman di naman SUPER iksi. Hays. Gusto ko sana sagutin pero di nalang. Di yun ang comforting words na gusto ko marining eh. Damit talaga agad sinisisi. Kung alam lang nya na nakasakay na ako bago pa man ako makita nun di nya masasabing damit ko ang issue dun. Hello noh nakapatog bag ko at nakatalikod ako dun sa manyak. Wala yun idea ano length ng suot ko. Kaya masasabi kong nakakainis talaga ang ganyan pagsisisi sa mismong biktima.


@fredprinz
yung classmate ko nung college ganyan din sya sis!paparinig niya sa driver na ganyan tapos sasabihin din niya na nagpapaabang siya somewhere. I'm not really sure if it is effective kasi kung tigasin na criminal talaga yun mangyayari at mangyayari parin gusto nila. Eh sa news lang last week naalala ko na may hinahanap na taxi driver na nakagawa ng crime sa passenger (not related sa manyakan). Eh ang sabi ng company operator hindi raw nila driver yun. So they can get away parin. Mas ok talagang mag Grab Taxi or Easy Taxi nalang kesa yung pinapara lang.

@sweet.hann
tama ka diyan sis marami narin akong narinig stories galing sa boyish friends or friend ng friend ko na nakakaranas parin sila ng cat call or pangmamanyak. Mga hayup talaga!

@oreo08
hahahaha natawa ako sis sinampal mo lahat. Malamang nagulat talaga pati yung walang kasalanan pero intindihin nalang nila yung victim sana kasi talagang patago tumira mga manyak.

@imeego
hala buti pinagtanggol ka nung old man sis.Ang lala ng mga ganyan nagagawa nila sa bata! ako naranasan ko rin yan nung bata ako eh sa arcade din. Akala ko pinupush lang ako. Nung napansin na ng tito ko siya na pumila sa likod ko tapos tinitignan niya yung lalaki.

@sweet.hann
sis buti hindi ka narape or what :( akala nila parang makukuha nila yung fantasy siguro nila na may kachorvahan silang officemate sa pagdilim ng gabi sa opisina. Mga naturingan nakapagtapos tapos ganyan. Hays.

@kinkytinch
yan din question ko rin lagi sa isip sis. May something wrong lang talaga siguro sa moral nila? tsk

grabe naman ang mamanyak talaga ng mga arabo ano! sorry pero grabe na rin ang rape cases sa kanila ah. Parehas din tayo sis ang daming manyak sa van grabe yang dikit at diin na style nila nakakainis. Ang mas nakakainis kapag ang ginawa lang natin eh yung umiwas at di tayo nakaganti :(

yung sa officemate mo sis katulad din ng reply ko sa iba. Fantasy yan ng ibang kalalakihan sa office. Yung makahanap ng kalandian sa office. Tsk


@red_yesha
ganda siguro sis shape ng butt mo. Nako sakin cat call sa butt. Nito lang talaga namanyak ako sa butt na talaga. Pero mga past experience ko talagang sa boobs. Well side boobs. Dun nila abot na hindi mahahalata eh.

@erza0916
nakaranas din ako ng ganyan sa jeep yung mga grabe dumikit pero yung inertia baligtad naman sa kanila. Halatang halata eh. Ako ginawa ko last time nung tumigil ang jeep tapos may pumasok na mga pasahero. Nung matapat na yung isa sa pwesto ko umusog ako ng malaki ayun edi dun umupo yung pasahero at nagkaroon na kami ng gap. Bwisit!

nako sis sa case mong yun yung mukang adik buti lumipat ka nalang ng upuan. Minsan dapat pinipili rin natin yung mga manyak na ipinapahiya. Kasi yung sayo sis nakakatakot baka biglang manaksak yun kasi mukang sabog eh.


@fredprinz
Gusto ko malaman kung ano success rate ng pepper spray. Okay lang kasi ito sa public place. Eh ang mga nakakaranas ng pangmamanyak halos nasa loob ng mga vehicle. Pede itong spray pag nasa labas ka yung tipong kukunin ka ng van, natutukan ka ng kutsilyo in public ng magnanakaw, etc. Ano kaya talaga ang okay na self defense weapon pag nasa public vehicle?

Some people can be mean and treat you poorly. Don't take it personally. It says nothing about you but a lot about them


budzwhiz

  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 1897
  • Baking. Arts. Photography. Travel.
Re: Manyakis Encounter | Ano ginawa niyo?
« Reply #30 on: December 15, 2014, 12:59:34 pm »
Yep people should really stop this victim blaming thing, because first it doesn't help the victim at all. Kelangan pa ba ipamuka sa kanila na kasalanan nila kung bat nangyari sa kanila yun? AND the truth of the matter is, yang mga manyakis na yan walang pinipiling suot yan. Kesyo mini o long dress, sleeveless, long sleeves o nakaslacks ka pa. Walang pinipiling lugar, at walang pinipiling babae.

Those looking for pepper spray, you might find one sa hobby store. There's one in trinoma, forgot the name ng shop, basta yung may mga naka-display na swiss knife. ::)
"Not one drop of my self-worth depends on your acceptance of me."

Accept what life has to offer, and enjoy.

quennna

  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 1820
Re: Manyakis Encounter | Ano ginawa niyo?
« Reply #31 on: December 15, 2014, 02:35:21 pm »
sis ako pag nakaskirt.. naka cycling type shorts..
ang rules ko, pag nasa public transpo.. no body contact..
tapos like sa bus.. nakacross na arms ko sa chest ako..
mahirap na madetect na panay hangin lang pala laman... lol

fastlove

  • GUYTalker
  • Junior GirlTalker
  • *
  • Posts: 279
  • Hello
Re: Manyakis Encounter | Ano ginawa niyo?
« Reply #32 on: December 15, 2014, 05:42:44 pm »
Bilog na bilog  .. ba  talaga  at  nahahawakan..?


dami talagang lalake na manyakis.. mga hayok sa laman.
ang laging napupuntirya sakin e yung butt ko.
Nung una nung nahawakan yung butt ko ng solido hindi ako nakareact kasi hindi ko alam ang gagawin.
Nung pangalawa naman, napasigaw ako ng "hoy bastos ka ah!" tapos tinitigan ko ng masama, ayun tumigil sya, buti hindi ko na spray sa pangit nyang mukha yung pepper spray ko.

Kawawa naman yung puwet ko naaabuso
 :'(

red_yesha

  • Senior GirlTalker
  • ****
  • Posts: 833
Re: Manyakis Encounter | Ano ginawa niyo?
« Reply #33 on: December 16, 2014, 07:44:55 am »
Quote
^^^Sis saan nakakabili ng pepper spray? Gusto ko din niyan.

@Purple bigay lang sakin, Naawa siguro sakin yung kakilala ko alam nya kasi pang gabe pasok ko sa opis  :) .

Quote
ganda siguro sis shape ng butt mo. Nako sakin cat call sa butt. Nito lang talaga namanyak ako sa butt na talaga. Pero mga past experience ko talagang sa boobs. Well side boobs. Dun nila abot na hindi mahahalata eh.
@Yula,todong ingat talaga dapat, Naku uso yan, yung pasimpleng pasiko siko sila pero ang target nga e yung side ng b*obs or minsan naman  arm gripping gesture tapos unti unti nilang inaabot yung b*obs.

Quote
Bilog na bilog  .. ba  talaga  at  nahahawakan..?
@fastlove I think so  ;)




If you compare yourself with others, you may become vain and bitter;
for always there will be greater and lesser persons than yourself. :)

purple.strawberry

  • Senior GirlTalker
  • ****
  • Posts: 734
Re: Manyakis Encounter | Ano ginawa niyo?
« Reply #34 on: December 16, 2014, 09:24:46 am »
^^^Purple, it's better to carry a small to medium ceramic knife inside your bag for protection. And di naman siya basta basta nade-detect ng mga metal detectors sa malls.

Sure? Weird kasi e pag may tumunog tapos meron kang dalang ganun.

Those looking for pepper spray, you might find one sa hobby store. There's one in trinoma, forgot the name ng shop, basta yung may mga naka-display na swiss knife. ::)

Ayos. Thanks sis. ;) You can't be too careful nowadays.
« Last Edit: December 16, 2014, 09:36:05 am by purple.strawberry »

j.adore

  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 3083
Re: Manyakis Encounter | Ano ginawa niyo?
« Reply #35 on: December 16, 2014, 12:07:01 pm »
Happened to me once while I was crossing the street. May dumaan na naka motorbike hinawakan butt ko tapos lumingon pa para ngumisi sa akin. La ko nagawa pero bwisit talaga yun!

Ngayon ko lang na kwento kahit ilang years ago na yun. Regret ko na wala ko chance suntokin yung manyak :(

maria helga

  • GirlTalker
  • **
  • Posts: 84
  • Life is MAGICAL. I'm the star of my own life! :)))
Re: Manyakis Encounter | Ano ginawa niyo?
« Reply #36 on: December 16, 2014, 12:47:17 pm »
Papasok pa lang ako sa office nun. Midshift ako. Di ko talaga inakala na may manyak sa bus kahit tanghaling tapat.

Lagi akong naka-dress sa work. Kung hindi floral, yung may patterns na usually in red or pink pastels. Hindi naman ako mukhang bastusin. Ang modest nga ng clothes ko all the time na pati manager ko and ka-departments natatanong ako kung hindi raw ba ako pwede magpantalon kasi never nila akong nakitang magwear ng jeans.

Nung day na yun, napaupo ako sa dulo ng bus kasi yung mga bus dun sa gitna na unoccupied sira-sira at mukhang ang baho tingnan. Medyo maselan kasi ako sa upuan kaya kahit alam kong wala masyadong tao sa lower end ng bus, dun pa rin ako umupo.

After ilang minutes, may dumating na guy. Parang kasing-edad siguro ng kuya ko, siguro mga 26 to 28 years old, chinito na parang Brent Javier yung hitsura nya kaya lang wavy yung hair.

Tinabihan nya ko. Dedma lang ako sa kanya kasi di ko talaga trip mga chinito and besides may boyfriend ako. Nagtaka ako na sa sobrang lawak ng upuan sa dulo ng bus eh talagang siniksik nya yung sarili nya sa akin.

Dedma na lang ako. Yung tingin ko nasa labas ng bus. Maya-maya nafeel ko na may kamay na humahawak sa hita ko. Kinabahan ako. Akala ko puntirya nya yung bag ko pero biglang bumaba yung kamay nya sa ilalim ng bag ko at hinawakan yung area in between my legs.

Nag-jelly legs na ko and panic mode na parang di ko na alam gagawin ko. Tumingin ako sa ibang nasa bus. Wala silang paki. Akala siguro nila magboyfriend kami nung katabi ko.

Tinignan ko ng masama yung guy pero sa halip na mapahiya sya, tinaas nya yung hem ng dress ko tsaka hinawakan yung bare thigh ko. Then his other hand touched my breast. Siniko ko sya tapos bumulong sya "Miss, what's your number...what's your number..."

Lumipat ako ng upuan. Tapos bumaba sya ng bus.

Pagdating ko sa office tulala pa rin ako. Kinwento ko yun sa nanay at kapatid ko nung nakauwi na ko sa bahay pero sa halip na maintindihan nila ako, pinagalitan pa nila ako.

After siguro ilang months, nakasabay ko ulit yung manyak na yuppie na yun sa bus pero I don't think napansin nya ko.
Life is a mirror kaya lagi ka dapat masaya para masasayang bagay at experiences ang lumapit sayo.

j.adore

  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 3083
Re: Manyakis Encounter | Ano ginawa niyo?
« Reply #37 on: December 16, 2014, 03:21:26 pm »
maria helga, it's not really safe to wear dresses when commuting alone. Unfair world but you risk it kaya ka nila napagalitan.
Saka sana sumigaw ka at tinadyakan mo siya sa balls kahit naka dress ka pa. I'm sure hindi mag register sa kanya underwear mo sa sakit!

anonemus

  • GirlTalker
  • **
  • Posts: 36
  • RB's happy hubby
Re: Manyakis Encounter | Ano ginawa niyo?
« Reply #38 on: December 16, 2014, 06:23:37 pm »
^^^Purple, it's better to carry a small to medium ceramic knife inside your bag for protection. And di naman siya basta basta nade-detect ng mga metal detectors sa malls.



Bad idea, actually. The assailant can easily take the knife and stab the woman instead.

I suggest for self defense inside a public vehicle, a metal signpen (like silver parker) or key fob with lots of keys can be used as self defense weapon...
we fell in love by chance; we stay in love by choice  -- JR

quennna

  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 1820
Re: Manyakis Encounter | Ano ginawa niyo?
« Reply #39 on: December 17, 2014, 06:07:03 am »
madaming pwede gawing tools like pen, cel.. pangpuktok sa ulo..
cologne/perfume/alcohol... targetting sa mata..
simpleng perdible.. baon mo ng bonggang bongga... hehe

 

Latest Stories

Load More Stories
Close