VENT OUT LANG.
Di ako bet ng sis-in-law ni BF dahil mas bet nya yung ex na nabuntis ni BF. So pasimple nya akong iniinis or tini-trigger. But thankfully, im not patola anymore.
7 years na kami ni BF, on-off. dati, ipapahalata ko talaga na naiinis ako and i will tell my BF na pagsabihan yang sis-in-law nya sa pambbwisit nya. pero ngayon, sinasabi ko parin naman sa BF ko kung ano mga pinag gagagawa niya but I dont patol anymore. I just pretend na hindi ko narinig or it didnt bother me at all.
Pero just because hindi ko pinapatulan, it doesnt mean na hindi na nakakainis. Pero, iniisip ko na lang, my family's BF is very supportive of us. lalo na ngayong nagkabalikan kami. my relationship with them is so much better than before. comfortable na kami sa isa't isa, as in buong family nya even helpers. and yun na lang ang iniisip ko. na kung ang mga kadugo nga, walang issue... (sa kanya nga sila may issue e hahaha) bat ko pa iintindihin issue nya sakin e asawa lang sya ng kuya ni BF. actually, nakkwento ko sa sis ni BF yung mga ganap ng sis-in-law nya and inis din sila sa kanya. sinasabihan na lang din ako ni SIS na wag na patulan dahil wala naman ako ginagawa...
THANKFULLY, sa isang event na ginusto nya ako i-left out, napansin ng PAPA ni BF and kinausap pala sya nung pag alis namin. may limited party hats kasi para sa bday ng anak nya and sinabi daw ni SIL na for "direct family members" lang daw. maski before pa nya sabihin yun, expected ko ng wala ako, and ok lang naman. it's just a party hat... basura lang yan as per yaya nila (na inis din sa kanya) hahahaha. pero para i-comment pa yun, na narinig ni BF (di ko narinig na sinabi), di ba? ano gusto palabasin? and may natira pang isang party hat na di naman nagamit kasi wala naman yung "family member" na yun. but then again, di ko naman din pinansin kasi nga, wala lang naman din sakin yun. si PAPA nya ang nag call out sa kanya na bakit daw wala ako. HAHAHAHAHA. natawa ako and natuwa kasi at least, napapansin na ng family nya yung mga ginagawa nya sakin and mas mukha syang masama dahil unang una, wala naman ako ginagawa sa kanya.
so gurrrrlllll, tuloy mo lang yang pang-iintimidate mo sakin. pasensya na pero di kita papatulan kasi unang una, sino ka ba? SIL ka lang. i dont need your approval. di kita kailangan i-vibes kasi kung ayaw mo sakin, ok lang pero binibigyan parin kita respeto bilang pag respeto sa kuya ni BF. pero ikaw, kung hindi mo ko kayang irespeto, respetuhin mo na lang si BF na bro-in-law mo.
sabi nga ng yaya nila, parang lagi lang sya naghahanap or nagsisimula ng away. e ang tahi-tahimik lang naman namin, minding our own business tapos bigla sya mag cocomment ng mga ka-walanghiyaan nya hahahaha!