watch now

Author Topic: gambling problem  (Read 19847 times)

iannewn

  • Newbie
  • *
  • Posts: 21
Re: gambling problem
« Reply #20 on: September 21, 2015, 10:22:07 pm »
If you guys take away the money magnanakaw siya para may money best is seek medical help nagagamot yan may doctor para dyan, mahal pf ng doctor at least naman gagaling.

sarsingkit

  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 1367
Re: gambling problem
« Reply #21 on: October 18, 2020, 02:54:52 am »
if rehab isn't possible or support groups, maybe encourage him to visit forums. Let him know that he is not alone. Minsan nga naisip ko how did gambling addiction happen to me. It is not who I am and parang ako ata yung huling tao that will get hook on gambling. I feel like going to gambling anonymous will make it weird. People might think I don't belong there pero ang dami din pala na kagaya ko. Addiction does not discriminate talaga. Gambling anonymous is hosting online meetings now. I live in Canada but I'm sure kahit saan ka pa nakatira eh okay lang.

It also helps to understand that gambling is chance. Yes, may ibang form of gambling that requires skills pero most of it is by chance and personally for me I got addicted to online slots. The house will always win, gambling is just you giving your money to an institution to entertain you. When you go to the movies, you pay siguro 300 pesos for 2 hours of movie and masaya ka na. I realize I am spending that much for a few minutes of chance. Chance of getting that high. When I get that high, I want to go on hanggang zero na yung pera ko. Then I wake up the day after na parang hindi ko na narealize na malaking pera na pala yung nawala sa akin. I swear minsan feeling ko hallucination ko lang yung pagsugal ng pera tapos the next morning totoo pala na wala na yung pera.

One thing I hated the most is the lying and the secrecy. I have a prepaid card for the gambling. I would transfer money paunti unti at that account so my husband will not suspect anything. I would buy additional prepaid visa cards when I do grocery so my husband will not know I am buying visa cards kasi isang charge lang sa credit card yung grocery. Ugh, I hated it so much.

When I decided to stop and spend my last few dollars sa prepaid card, naiyak talaga ako. And then nakakita pa ako sa youtube na nanalo ng 16k dollars at the same game sa online slots. My resentment was just full blown. Ang labo nga eh. Hindi naman sa mayabang ako pero I don't really need the money. Hindi ako maluho sa mga gamit. We are comfortable with paying bills and a few luxuries. One time, I won a good sum of money, hindi ko din naman sya pinambili kasi wala naman ako gusto bilhin. I bought my kdis a few treats. Naubos ko lang din yung tira sa online slots. And it's not like I am not financial savvy. Gosh, I work for a financial institution. I have great knowledge on investment. Our money is growing well. I have great side gigs. But to be honest, dun siguro nagsimula yun, I started spending my money from side gigs sa online slots kasi feeling ko naman ay okay lang because it is extra money until unti-unti yung pera ko na from my full time job yung nagagastos ko.

And by the way, it also helps that family members attend meetings too. I know some who attend that are not gamblers but they attend so they can understand what goes through an addict's mind. Malaking tulong sya sa support for your loved one.

muning00

  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 1065
Re: gambling problem
« Reply #22 on: October 18, 2020, 01:46:05 pm »
un brother in law ng sister ko is addicted to gambling. nasa law school siya nun and malapit sa casino un house niya at first for fun lang pero ayun naadik na siya, un pang tuition niya natalo lang sa sugal. as in un rent ng housemates niya nagastos na din niya. ilan araw hindi nagparamdam sa family niya hinanap pa nila. so stop siya sa law school. nag ka work siya balik sa sugal. stop ulit. another work, nag stop ulit to start a business. sobrang okay un business niya, pero balik bisyo ulit hindi na siya nakabayad sa supplier niya. until sinanla niya un sasakyan ng older brother niya without his knowledge. start naman ulit ng maliit na business with his gf and new job. pero nun umuwi un gf niya sa province balik bisyo ulit, this was recently lang. 3 weeks palang siya sa work niya, since sale eh may company car siya. sinanla niya sa casino, that afternoon umuwi siya at hiniram sa tatay niya ang hilux kase may ilalabas daw siyang client. pagadating ng gabi hindi na naman macontact. hindi na rin pumasok sa work niya. after few days ayun nalaman na nga na nagbisyo na naman at naisanla un dalawang sasakyan. so syempre tinubos ng family niya kesa makulong dahil sa company car. nag resigned sa work, kinulong sa bahay. aba after 10days pupunta lang sa sm at mag wwithdraw hiniram un car ng isa pa niyang kapatid. pero hindi na ulit macontact pagdating ng gabi. after two days un tao na pinagsanla niya ng mga sasakyan sa casino tinawagan un kuya niya at sinabi andun nga sa casino at pagala gala. so syempre pamilya sinundo na naman nila, sabi nila sa financer pwede nila kunin un sasakyan kahit hindi na sila magbayad pero ang sagot sa knila pwede naman talaga pero hindi ko pwede palagpasin tong ginawa niya. so ayun may threat na. pero this time nakipag deal na sila na installment ang bayad sa sasakyan kase simot na sila sa mga unang sasakyan na sinanla niya. banned na siya sa cod.

siguro dahil kuripot ako kaya hindi ko maisipan na magcasino at hindi ko maintindihan un mga nalulong dun. nakakawalang tiwala lang talaga pag paulit ulit ng ginagawa un kalokohan.kala mo kung sinung kawawa paguuwi. dapa tough love na ang ibigay sa kanya, kase ang nanay niya bnbaby pa din. although nag message siya sa sister ko nga sorry about sa nangyare at sa ibang taong involved, pero hindi man ako directly affected, its too early to say na magbabago na siya. i doubt din na ipasok siya sa rehab kasi mapride din un tatay niya, na baka pagchismisan na may ganito siyang anak. parang ang approach ng dad niya eh "kill him with kindness". un tipong makonsensya nalang siya sa mga ginagawa niya. 
« Last Edit: October 18, 2020, 01:57:13 pm by muning00 »

sarsingkit

  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 1367
Re: gambling problem
« Reply #23 on: October 19, 2020, 01:18:38 am »
^sadly, kulang pa kasi ang knowledge ng mga pinoys when it comes addiction. At sobrang backwards pa ng pag-iisip when it comes to getting help or seek counselling. Parang you are always expected to just get over addiction by yourself na parang ganun lang kadali yun. Recovery is a process. A very long one.

TomHansen

  • It's going to be legen..
  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 1007
  • Wait for it..
    • .. dary
Re: gambling problem
« Reply #24 on: October 19, 2020, 10:25:48 am »
^^ Syet kung anak ko yan itatakwil ko na yan umpisa pa lang.
Attraversiamo..

muning00

  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 1065
Re: gambling problem
« Reply #25 on: October 19, 2020, 10:28:32 am »
^ i agree, bukod sa pride ng tatay niya eh lack of knowledge din talaga, parang un mga tao na may mental health problem, ayaw magpa check up kase akala nila baliw na pag ganun. sabi din nun financer sa casino na hindi madadaan yan ng sa bahay lang, kahit pinapa tulong siya sa family business nila i doubt pa din talaga na it will help his son. ang dahilan naman kase ng anak niya eh gusto lang niya makabawi at mabayaran un mga pinang tubos ng mga sasakyan. pero tingin namin eh gusto lang talaga niya maglaro. kung un mga kapatid lang eh hahayaan na nila makulong para matuto kahit papano. pero syempre magulang padin nila ang masusunod.

walanghiya talaga, un last na casino niya last week lang na pupunta lang daw siya ng sm (eh pinag quarantine siya kase nga galing casino ang hype hindi nakatiis 10 days nademonyo na naman ata). eh kunsintidor un nanay na saglit lang daw kaya ipahiram na un sasakyan. sabe pa ng financer eh pinakain pa nila at umuutang pa ng 500 pang motel lang daw. ewan ko ba hindi ako naawa sa kanya mas naawa ko sa mga tao na naabala niya.
« Last Edit: October 19, 2020, 10:40:22 am by muning00 »

sarsingkit

  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 1367
Re: gambling problem
« Reply #26 on: October 19, 2020, 11:27:18 am »
Enablers are at fault din in a way. It is not being kunsitidor but try to be sensitive sa pinagdadaanan ng tao sa paligid mo. If a person is trying to quit drinking, I will not drink in front of him/her or I will ask her first kung okay lang. Removing triggers is important. At least he has a family that knows his addiction. Maybe someone can be with him to check his actions.

When gamblers say na they gamble kasi hoping sila to win so they can pay debt back is true. Ganyan talaga yung pakiramdam. I was always trying to chase wins to recover losses but it never happens. Sadly some people refuse to accept it. My Feeling kasi na I can strategize around gambling. Like if I try this strategy eh I might win but ended up losing again. It?s constant lying to myself over and over again.

muning00

  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 1065
Re: gambling problem
« Reply #27 on: October 19, 2020, 01:53:07 pm »
^ i get that, hindi pa kasi ako magulang kaya madali sabihin saken na pabayaan at ipakulong nalang. un brother na kinuhanan niya ng car un last eh gusto ireport as carnap para ipakulong nalang siya pero sabe ng father nila eh wala ng magagawa kase naisanla na. for us kase, kaya paulit ulit niyang ginagawa kase wala siyang nakukuha na punishment, tamang usap lang ganun. nssolve lang nila un money matters pero pagdating sa mismong gambler eh wala naman silang nagagawang solusyon. un mga tao sa paligid niya nasisimot ang savings pero siya sige lang mobile legend, so pano ka maawa sa ganun

muning00

  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 1065
Re: gambling problem
« Reply #28 on: December 05, 2020, 10:00:09 am »
i told you so moment.  ::) so after more than a month, ayun tinangay na naman ng bunso nilang anak un sasakyan ng kuya niya, na siya nalang may konting amor sa kanya. dahil un iba niyang kapatid gusto nalang siya bugbugin at ipakulong. at kinuhanan niya ng 1k un sister ko. Lol grabe talaga. nun bumalik siya, ayun binbaby na naman siya. pinaghanda ng pagkain at damit. pinatulong sa business nila. but then yesterday dapat may kukunin lang siyang materials sa supplier nila at pinahiram nga un car ng kuya niya pero gabi na at lahat hindi na siya umuwi. so alam na this. even sa gf niya hindi nagtetext.  confirmed. hindi umubra un "kill him with kindness" treatment sa kanya, demonyo na talaga. Nagmalaki pa siya sa gf niya na hindi daw siya sasaktan kasi alam nila na lalo lang siya magrerebekde. whaaaat? in the first place anong rason niya para mag rebelde eh lahat nga pabor na sa kanya, kung wala lang covid eh pagaaralin pa siya dapat sa australia. second, ang 28 na siya ang tanda na niya para mag rebelde. and again wala akong makitang rason para mag rebelde siya kuno. sadyang makapal lang ang mukha niya.

so far, hinahanap siya para lang makuha un sasakyan pero bahala na daw siya sa buhay niya. pero wait and see after few days baka kasi magmakaawa ulit ang parents niya para umuwi siya.

Back story lang, nagumpisa un hobby niya magsangla ng sasakyan. nun hiniram niya un car ng tito niya, gagawin daw niyang service at company syempre un magbabayad (hindi alam ng tito niya na may company car naman na provided talaga) ayun, natalo niya sa sugal. natubos na nila lahat ng sasakyan last month, pero hindi alam ng tito niya un nangyare. at yesterday lang nalaman na ng cash advance pala siya sa cc ng father niya. pinahiram for grocery. ayun umabot lang naman ngayon ng 90k un bill.

napaka demonyo talaga. siya ang papatay sa parents niya. sige magsugal pero wag siya mandamay sa kalokohan niya.

TomHansen

  • It's going to be legen..
  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 1007
  • Wait for it..
    • .. dary
Re: gambling problem
« Reply #29 on: December 05, 2020, 01:59:45 pm »
^shocking hehe. Baka kailangang maging isang kahig isang tuka yung family niya or kailangang maramdaman yung hirap ng walang pera para matauhan sila na sa hirap ng buhay hindi nila kailangang magrisk para sa anak nila. Lahat naman yang pagiging mabuti nilang family are risks they took, gamble ika nga dahil alam nila na kung sakaling magloko uli anak nila meron pa silang fallback(pera/properties). At hanggat meron sila niyan di sila titigil sa kakagamble..

Siguro kailangan ipaintindi sa kanila na sila rin adik na sa sugal - na kailangan ngayon pa lang itigil na nila imbes na hintayin na pati sila walang-wala na.
Attraversiamo..

muning00

  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 1065
Re: gambling problem
« Reply #30 on: December 05, 2020, 06:09:14 pm »
"shocking" sa parents niya, pero samin lahat kami napasabe nalang ng "i told you so", sila lang naman naniwala na nagbabago na un anak nila, pwede ba un wala man lang siyang punishment sa kalokohan niya, parang wala lang. so lumaki lang ulo nun bunso nila. napaikot sila.

as of today eh hinahanap pa din nila para kunin un sasakyan, which is obviously nakasangla na kung saan man casino.  pero hindi na siya pinapauwi. Napaka hambog din naman kasi ng tao na un.

to be honest, ubos na un pondo ng business nila. surviving nalang ika nga. wala talaga siyang awa.
« Last Edit: December 05, 2020, 06:12:02 pm by muning00 »

Ishmael Perry

  • Probationary
  • Posts: 5
Re: gambling problem
« Reply #31 on: September 26, 2021, 03:48:11 am »
Guys, you gave very useful advice, thank you very much.

 

Latest Stories

Load More Stories
Close