watch now

Author Topic: frustrations sa mga kapatid.  (Read 40642 times)

lonelymiss28

  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 1341
Re: frustrations sa mga kapatid.
« Reply #120 on: November 20, 2012, 10:00:40 pm »
^tanong ko lang po, nagpapadala ba mom mo ng money sa mga sibs mo? and bakit di sila nakatira sa dad mo? ilang taon na mga sibs mo? inobliga ka ba ng magulang mo na tumulong or kusa mong ginawa?




phurple0515

  • your bitchy, sweety, ironic, down-to-earth (",)
  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 2740
  • bitchy sweet (",)
    • Max's Shopzter
Re: frustrations sa mga kapatid.
« Reply #121 on: April 17, 2015, 02:25:07 pm »
i am just frustrated with my sister too.  may trabaho siya and she is staying with my parents (both sr. citizen na at sa bahay lang).  di naman ganon kalaki SSS pension ng father ko (less than 2k nga ata).  So I provide for my parents, mga gastos sa bahay, etc.  Si kapatid, nagbibigay din naman pero not consistent.  Ang malaking frustration ko pa, ginagalaw niya yong ATM ng father ko kasi I told my father na ipunin na lang SSS niya kasi nagpapadala naman ako sa kanila.  Just for emergency fund.  Ayun, napapagalitan ng tatay ko tuloy.  Ngayon, nagpadala na naman ako plus nagdagdag ako kasi me repairs sa bahay.  pagtingin  ko sa balance, bawas na naman ng konti.  sinabi ko sa tatay ko, pinagalitan kapatid ko at di siya umiimik.  di nagsasabi kung me problema ba o ano.  kahit ako tinext ko na di ako nirereplayan.  naaawa lang ako sa parents ko lalo na sa father ko kasi when i talked to him, parang frustrated na pagod ang boses.  she should have thought to be responsible and wag niya bibigyan ng sama ng loob parents ko.  ayoko naman manumbat at baka ano pa gawin non.  kaya sinabihan ko parents ko na hayaan lang nila para matuto na siya.  di ganyan na lagi na lang umaasa.  di naman magsabi ng problema. kakainis lang.  plus, yong tipong overseas ako, sa akin pa magsusumbong parents ko na kausapin kapatid ko.  e di din naman ako kinakausap o sinasagot.  hay. 2 na nga lang kami ganyan pa siya, sinabihan ko na kung me problema o ano sabihin niya sa akin, wala naman.  she does not want to open up. so frustrated and tired na.
"Experience is what you get when you don't get what you want!"

17glut

  • Senior GirlTalker
  • ****
  • Posts: 651
Re: frustrations sa mga kapatid.
« Reply #122 on: April 17, 2015, 02:36:50 pm »
^sabihan mo dad mo na palitan ATM pin nya tapos tago mismo yung card

phurple0515

  • your bitchy, sweety, ironic, down-to-earth (",)
  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 2740
  • bitchy sweet (",)
    • Max's Shopzter
Re: frustrations sa mga kapatid.
« Reply #123 on: April 17, 2015, 03:33:33 pm »
^ inuutasan kasi ni papa sister ko to withdraw for them.  e me access din ako sa online kaya nakikita ko.  ang pinaalis ko is yong transfer to anyone ng BPI para di na niya matransfer sa kanya.  and ngayon, I will strictly check their accounts online na para nakikita ko kung me bago.
"Experience is what you get when you don't get what you want!"

cutemama

  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 1163
Re: frustrations sa mga kapatid.
« Reply #124 on: April 17, 2015, 03:38:53 pm »
@TS lonelymiss kumusta na sis mga bros mo?? Nakapag abroad na ba? It's been 3 yrs.. sana nakapag abroad na mga kapatid mo.

lonelymiss28

  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 1341
Re: frustrations sa mga kapatid.
« Reply #125 on: April 18, 2015, 09:55:31 am »
^cutemama: thanks for asking sa update ng family ko. Both my parents passed away na, and wala na rin akong problema sa mga kapatid ko, wala na rin akong problema financially kasi lahat kami nakakakuha ng 4K pesos sa mga apartments ng magulang namin so malaking bagay iyon sa aming magkakapatid na pandagdag din. yung bunsong kapatid ko lang ang nakapag abroad at mag apply na sya ng immigrant.
yung sister in law ko naman sa panganay na kapatid ay may sarili ng business sa pampanga. Thank yo Lord talaga at kahit wala na magulang namin maganda naman ang buhay namin.

brendzy

  • Carpe Diem
  • Junior GirlTalker
  • ***
  • Posts: 484
  • sweet surrender
Re: frustrations sa mga kapatid.
« Reply #126 on: April 19, 2015, 07:00:05 pm »
Although medyo ok na kami ngayon compare before. Nung single pa ako, at dahil ako daw ang may pinaka rewarding na trabaho, halos ako din takbuhan. 10k monthly, pwera groceries at emergency fund, pwera yung para kay kapatid at pamangkins. Nung nag asawa na ako, at isinama ako sa abroad ni hubby, medyo nalimit na yung bigay ko, kasi kahit nagtatrabaho din ako, syempe iba na din expenses namin. kaya lang yung demands naman sa amin parehas pa din. nakakfrustrate yung isa kong kapatid, single mom with 2 kids, si nanay ang nag-aalaga, tas kung makapag bigay sa bahay, pang allowance lang ng mga bata. tas minsan pang field trip or pambayad ng exams ng mga bata, sa amin pa nagsasabi yung mga bata. nakakaloka lang na dahil nasa abroad kami, akala nila banko kami dito... halleeerrr...
This is me, I am lovingly and uniquely created by God and I love me! Lol

friendlyneighbor

  • Junior GirlTalker
  • ***
  • Posts: 203
Re: frustrations sa mga kapatid.
« Reply #127 on: April 21, 2015, 04:36:31 am »
Subscribing. Sa amin namin, matino kaming lahat na magkakapatid. Ang problema namin ang nanay namin na ayaw tumigil sa mga monkey businesses na pati kami nadadamay. We asked her kung kaya ba nya na walang tulong sa amin kasi ayaw naming tumulong sa mga monkey businesses nya, she said yes. Ok fine, we didn't help her kahit isang kusing. We told her na kapag pagod ka na at nakapagdesisyon ka na kaya mo ng iwan yan, we will help her. Taas ng pride chicken ng mother dear ko.

Obachan

  • GirlTalker
  • **
  • Posts: 134
    • http://b1.lilypie.com/jN6xp8.png
Re: frustrations sa mga kapatid.
« Reply #128 on: April 28, 2015, 04:39:30 pm »
Eldest ako and porke overseas work ako akala ng buong family ko (my 2 brothers and my nanay) milyon ang sahod ko.
middle brother - matalino pero duwag. kontento sa buhay na meron syang kakainin ngayon, bukas bahala na. naghiwalay sila ng 1st wife nya, nag asawa uli . un 2nd wife anak ng pating me 2 pa anak! wow! kala mo me ipapakain. 2 nga anak nya sa 1st wife nya hindi nya mabilhan ng milk.
since naawa ako sa mga pamangkin ko. Inako ko sila.
Raise them na parang mga anak ko.
youngest brother - I help him out na maging seaman. Nang maging maganda na kita. Hindi na daw sya magbibigay sa parents ko kasi mag-aasawa na sya. wow! bongga! parang ang nanay namin e meron source of income para mabuhay. Awayin ko nga na me kasamang mura. Dahil mayabang at luko luko,nagkarun ng 2 panganay.
Kinuha ko ang isa. Kasi nakakaawa. Pinabayaan ng ina (1st wife ni youngest brother)
Good thing un 1 nya panganay maganda ang buhay.
Me - single mom to 1 child. My choice. Since highschool I make a way to help my parents pay our bills. Hanggang ngayon nasa poder ko nanay ko at 3 pamangkin and 1 child. Now, I'm tired na. At age of 40 gusto ko naman harapin buhay ko.
Kanina lang umaga, 6am, naiyak ako sa narecived ko message ng nanay ko. 2 months hindi bayad ang renta ng bahay. Ako lang ba anak? Ako un malayo at kadarating lang ni seaman sa pinas.
I'm tired. and frustrated sa mga brother na meron ako.
Message ko sa brother ko "nakarating ka ng america pero un utak mo hanggang kanto lang inabot" kaso hindi nya nabasa un message ko sa FB messenger na nanay ko.

Sorry haba.

gorgeous_me

  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 1097
    • the thrift escape :D
Re: frustrations sa mga kapatid.
« Reply #129 on: April 28, 2015, 05:00:08 pm »
me too, kasundo ko yung mga kapatid ko, nagugulat nga sila kasi close kami

pero minsan, nakakastress lang talaga, kapag walang kumikilos sa bahay, kahit mga gawaing bahay, ayaw magkusa, kaya nakakapagod din, parang ako lang kumikilos, siyempre,nakakapagod din

ate ko din, mahirap pakiusapan sa pera, magagalit pa o kaya magdadabog kapag, tataasan yung contribution sa bahay, o kaya kapag marumi bahay, maiinis, e sa isip ko, e di kumilos kayo, hindi yung naiinis pa tapos may dabog, nasasabihan ko na sila, pero parang wala lang din..

siyempre, ayoko naman na puro sina mommy yung gawa ng gawa, e nagbabaon naman sila, galing pa kina mommy yung pera sa pang grocery, minsan sa akin..

pansarili lang yung mga binibili, hays..
nakakapagod din kasi minsan, hehe

yun lang kinaiinisan ko sa kanila, pero after non, wala, magkasundo ulit, hehe

phurple0515

  • your bitchy, sweety, ironic, down-to-earth (",)
  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 2740
  • bitchy sweet (",)
    • Max's Shopzter
Re: frustrations sa mga kapatid.
« Reply #130 on: April 28, 2015, 05:05:53 pm »
^^ sis, i feel for you, alam ko yong hirap na ganyan na kala na ikaw bumubuhay sa family mo sa pinas.  ako rin, ganyan.  its my choice to provide for my parents pero sister ko kasi inaasa na lang ata lahat sa akin and dahil don alam niya na di ko matitiis parents ko.  sana nga lang talaga wag na niya pakialaman yong pinapadala ko sa bahay.  kahit anong sermon gawin ng tatay ko sa kanya, wala pa rin, ewan ko kung ano mga pinagkakagastusan niya.  single naman siya.  bibihira din lang ata siya magbigay.  siya ang nagbabayad ng internet pero hihiram pa rin ng pera sa mama ko.  ako ngayon hirap na hirap dito kasi ako rin naman me pagkakagastusan.  hay life nga naman. 

pero close pa rin kami ng sister ko.  2 lang naman kami e pero sana she grows up na.
"Experience is what you get when you don't get what you want!"

Obachan

  • GirlTalker
  • **
  • Posts: 134
    • http://b1.lilypie.com/jN6xp8.png
Re: frustrations sa mga kapatid.
« Reply #131 on: April 28, 2015, 05:14:52 pm »
^ sis ma-ge-gets ko kung early 20's sila eh. Sige i-intindihin ko
Pero naman late 30's na sila.

Porke overseas milyonarya na ba ang sweldo.
So frustrated and tired.



phurple0515

  • your bitchy, sweety, ironic, down-to-earth (",)
  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 2740
  • bitchy sweet (",)
    • Max's Shopzter
Re: frustrations sa mga kapatid.
« Reply #132 on: April 28, 2015, 05:22:50 pm »
^ you got my point.  sabi ko nga ano ako ATM, na laging me nakaready na pera :P
"Experience is what you get when you don't get what you want!"

lonelymiss28

  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 1341
Re: frustrations sa mga kapatid.
« Reply #133 on: May 24, 2015, 12:22:42 pm »
Kaya dapat sa mga nag aabroad firm talaga na pagdating sa pagtulong, magulang lang hidni an kasama kapatid not unless syempre pag may sakit or emergency pwede pa pero hidni yung point na magdadahilan na lang ng sakit paera lang nakakukha ng pera.

speaking of pagkakasakit, yung 2nd bro ko may sakit daw sa kidney so gusto kunin yung emergency fund sa bahay namin. Wala daw kasi syang pera, paano sya magkakapera nag AWOL sya sa work nya, mag isang taon na nakakalipas tapos hanggang ngayon wala pa syang work so tambay sa bahay nila. Yung bahay na tinitirhan nya sa compound namin nakatengga sabi namin na part ng apartment namin gusto namin paupahan kaso ayaw nya tapos ngayon sya rin ang walang pera. hayyy!

smiles_alwayz

  • was numb and lost... then i was found... and fell in love in New zealand
  • GirlTalker
  • **
  • Posts: 144
  • Love to Love
Re: frustrations sa mga kapatid.
« Reply #134 on: May 25, 2019, 11:31:45 am »
girls... may kwento ako na gustong i-share sa nyo

lalo na dun sa masyadong mabait at hindi matiis kung may family member na lumapit.



sa street namin, may "ate girl" dun na kumukuha ng kalakal (bote, dyaryo, plastic bottles, etc). minsan nakakwentuhan ni "ate girl" yung kapitbahay namin, tapos nagkwento yung kapitbahay namin sa amin...

here goes... si "ate girl" maalwan ang buhay dati. may bahay syang tinitirhan sa subdivision namin na pag-mamay-ari ng older sister nya. nagtapos si "ate girl" ng nursing pero never nya nagamit yung course nya and never sya nagwork dahil supportado ng ate nya na nasa ibang bansa... wala sya anak pero may ampon sya...

nung nawala yung older sister nya, na-stop na din yung sustento sa kanya... yung family ng older sister nya gusto ibienta yung bahay kasi hindi naman nakapangalan kay "ate girl" yun.

ngayon nagbabahay-bahay si "ate girl" para may pangkain.

moral of the story... kung mahal nyo brothers and sisters nyo, huwag nyong hayaan na umasa sila sa inyo. hindi kayo laging andyan para suportahan sila. kelangan marunong sila dumiskarte on their own.
Ex w/ Benefits   (Derek Ramsey & Colleen Garcia)
Thoughts of Adam
"Minsan kailangan mong masaktan para maramdaman mong buhay ka pa.?

LABYU

  • member since 2015
  • Junior GirlTalker
  • ***
  • Posts: 223
  • wala lang :)
Re: frustrations sa mga kapatid.
« Reply #135 on: May 25, 2019, 01:18:35 pm »
Sis, ang swerte swerte ng kapatid mo to have you, ang opportunity nya nasa harap na lang nya pero pinalampas lang nya ng ganung ganun. How I wish na may kapatid din ako para pag may problema ako may malapitan din ako pero yun nga solo lang.


I wonder kung kumusta kapatid mo ngayon sis? Mahirap din pala yung may mga kapatid ka pero naiinggit pa rin ako may mga kapatid kayo na puwedeng masandalan pag kailangan nyo isa't isa.
"If opportunity doesn't knock, build a door ~ Milton Berle"


10:15 AM - December 1, 2017

Rory_Lorelie_Gilmore

  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 2628
  • Live and let live. Love and let love.
Re: frustrations sa mga kapatid.
« Reply #136 on: May 25, 2019, 02:28:39 pm »
OFW Daughter/Sister here as well na solong breadwinner for a decade na.

Frustrated ako I guess kasi mahal ko talaga kapatid kong bunso; sad and scared ako na pag nawala ako bigla mahirapan sya ng husto and nanghihinayang ako sa potential nya - kasi very smart and talented eh ako mediocre lang hehe, honestly wala naman issue samin ng Husband ko suportahan parents ko + 1 youngest sibling kasi yun naman talaga passion ko and mission ko in life. Yung youngest brother ko, napagraduate ko naman, and nakapagwork naman sya before and after graduating pero hinde consistent noon. Not because ayaw nya magwork, pero kasi sya nalang tumitingin sa parents ko na very old and sickly na sa Pinas. So everytime may maoospital sa parents namin, wala syang choice kunde magpaalam sa work, or kung ano man pinagkakaabalahan nya bibitawan nya lahat, magabsent ng matagal, and then eventually matanggal dahil sa attendance issues, solo nya lahat don sa pagasikaso, and solo ko din pag finance sa lahat. 2 lang kami tumitingin sa parents namin. Pag walang Helper, sya ang nagaasikaso sa bahay, manage ng padala ko, bili ng gamot, grocery, bills etc. Honestly buryong na nga sya na umaabot na din sa anxiety and depression lalake pa sya. Kaya kapag may Helper kami nakukuha lagi ko sya ineencourage magwork or do whatever he wants, kaso dumating na din sa point na napagod na sya ata, since habang buhay parents namin (my Dad recently passed away last Feb. 2019) ganun at ganun mangyayari dahil 2 lang naman kami, I provide financially, solo ko, and sya naman andon. Kaya maski Husband ko naiintindihan bakit ko kailangan suportahan kapatid ko, sya mismo nagsasabi na wag namin ipressure, kasi first hand nakita din nya gano kahirap magasikaso sa elderly ng mag-isa, hinde din sya abusado sa pera, maski worth 500 ipagpapaalam nya pa sakin, ako pa nga nag spoil sakanya madalas, ibang klaseng sacrifice din kasi ginagawa nya. Lalo na early 30s palang naman sya. Pareho kami pagod sa sitwasyon at times, pero wala naman dapat sisihin, ok naman kaming family, hinde naman abusado parents namin, talagang hinde lang sila nag prepare para sa retirement nila. Ngaclash din minsan syempre lalo pag matatanda na eh makukulit na talaga, pero nothing serious naman na di nareresolve ng maayos na usapan.

I have half siblings sa Mama ko, noon tumutulong din, pero mula nung nagabroad nako, bihirang bihira na. That's another story for another time.
« Last Edit: May 25, 2019, 02:47:57 pm by Rory_Lorelie_Gilmore »

chinkywinky

  • Prinsesa at adik na
  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 1591
Re: frustrations sa mga kapatid.
« Reply #137 on: June 22, 2019, 05:23:30 am »
Kung frustrations lang din sa mga kapatid, pang Hall of Fame yung rants ko.  ;D
Ang tatamad ng mga kapatid kong lalake, mga haligi ng tahanang naturingan pero yung buhay ng mga pamilya nila sa amin na lang na mga babae iniasa. Kami nagpaaral at nagpapaaral sa mga anak nila, pati pagkain nila sa nanay ko hinihingi. Hindi sila matiis ng nanay ko kasi syempre. nanay sya. Eh yung allowance ng nanay ko, sa amin din naman galing. Lately, sinabihan ko na yung ate ko, tiisin na namin kasi cycle lang na paulit-ulit. Sobrang tagal na ng panahon pero ganon pa rin yung mga buhay nila, puro sa amin nakaasa. Yung ate ko little by little, tinitiis na rin sila pero pagdating sa mga anak nila, maluwag kami kasi nakakaawa yung mga bata lalo na kung hindi makakapag-aral. Nakakapagod lang din silang tulungan lalo na kung every day silang nakatambay sa nanay ko para hulugan ng grasya.
i would love to love you like you do to me....

JDizon

  • GirlTalker
  • **
  • Posts: 97
Re: frustrations sa mga kapatid.
« Reply #138 on: July 06, 2019, 01:24:10 am »
Hindi din kasi lahat ng magkakapatid pareho ang swerte sa buhay. I'm not saying na dapat laging pag bigyan pag walang plan sa buhay.

 

Latest Stories

Load More Stories
Close