Author Topic: Terrible Buyer Album?  (Read 51111 times)

sakura_bloom

  • Beauty Desired
  • Senior GirlTalker
  • ****
  • Posts: 570
  • Beauty By Desire
    • https://www.facebook.com/DesirebloomAtelier
Re: Terrible Buyer Album?
« Reply #160 on: November 05, 2012, 07:50:23 pm »
Nakakataas talaga sa presyon yung ihingi ng buyer na hulog-hulogan ka bayaran tapos half the posted price pa! I deal with them decently. Hindi ko binabalik yung negative energy. Professional lang.

Yun nga if you deal right sa buyers money, money, money: kung may money nga sila that they want to spend for your items. At hindi hulog-hulugan at sobra tumawad na kulang na lang libre na. Kasi parang they don't want to spend money eh. Parang they just want it to be free. Kasi may mga nangungulit at nangugulo na wala naman talagang balak bumili at magbayad.. :(

SnowBall

  • Love my Stars!
  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 2834
  • yebah!
Re: Terrible Buyer Album?
« Reply #161 on: November 06, 2012, 06:51:40 am »
^ Naku sis, dami akong ganyan terrible buyer, alam naman nila na hindi kami nagpapautang, cash lang, talagang mangungulit na itsetseke daw, kesyo babayaran daw sa isang linggo, o sa isang araw, as in, mangungulit sila na uubusin ang pasensiya mo, para pumayag ka na lang ata LOL ;D

Pero, with a smile, paulit ulit ko din sinasabi "Ma'am, pasensiya ka na talaga, cash lang kami, yun po ang policy, hindi po talaga magbabago yun". :) Pero at the back of my mind, okay, masasakal ko na siya hahahahaha.

May customer nga ako dati na gustong i-cheke, sabi ko hindi pwede, alam ninyo sagot sa akin mga sis? Sabi lang naman niya : "Mayaman ako, hindi lang ako makapagdala ng cash". Sabay ismid, tapos nung hindi ko talaga pagbigyan, nag walk out, hahahaha.

But still, kahit gaano sila kapasaway, all smiles pa din lagi, again, it's their karma anyway. :)
POV lang, Walang Personalan ;)


"Don't get down in the mud with the pigs. You will both get dirty and the pigs will love it."

cherrhys

  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 1580
  • stressed...=P
Re: Terrible Buyer Album?
« Reply #162 on: November 06, 2012, 07:59:58 am »
^Agree that kelangan talaga you show good service/attitude towards your customers BUT malaking difference kasi yung may physical store ka and online selling lang.  Especially yung nagbebenta lang dito just because ayaw lang masayang yung products, like make-ups.  Isa na ako sa nakaexperience ng mga terrible buyers here.  And I don't think naman na maling magrant na kaunti dito, AS LONG AS walang personal infos na nakapost.

Gaya nung mga situations na madaling araw ka tatawagan or itext bomb, pano ka naman magpapaka"plastic" na ok lang sayo at nice ka pa rin??  Yung magbabayad ng 7 or 8pm tapos gusto niya send mo na rin agad, or worse ipipilit na 5pm mo isend kasi promise 7pm magsesend na siya ng Gcash.  Parang hello??  okay ka lang??  Or worse yung nagpareserved tapos two weeks di nagparamdam then nung naibenta mo na sa iba, biglang nagPM at galit pa.  Kapag di pa naman naubos pasensya mo, santa ka na nun!  Of course, doesn't mean na rude ka na sa kanila, but syempre you can't help but rant on threads like this.
« Last Edit: November 06, 2012, 10:25:02 am by cherrhys »
Stay-at-Home Mother of FIVE! :D

k_heart

  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 6108
Re: Terrible Buyer Album?
« Reply #163 on: November 06, 2012, 09:31:25 am »
^SUper agree with you sis Cherrys! : )

Antigone

  • Live Free <3
  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 4948
Re: Terrible Buyer Album?
« Reply #164 on: November 06, 2012, 09:43:54 am »
True that sis cherrys! :) ako din, pag makulet at unreasonable and demands si buyer, attitude ko dyan, kesa ma stress ako, wag na. Meron din buyer na ayaw ko replyan kasi kilala ko na. Alam ko mabubuset lang ako pag pinatulan ko yun. hehe!

Kung magiging professional seller ako, dyan na mae exercise pasensya ko. Pero sa ngayon, reserved muna sa mga pasyente ang pagiging pasensiosa ko! hehe!

Cute naman tong thread na to. Nakakatawa nga basahin mga stories eh. Kesa mainis matatawa ka na lang pag naalala mo! :) basta walang pangalan. Wala nga maski clue! :)
Because the people who are crazy enough to think they can change the world are the ones who do.

k_heart

  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 6108
Re: Terrible Buyer Album?
« Reply #165 on: November 06, 2012, 09:59:10 am »
^Clueless yung thread.ha!ha!

cherrhys

  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 1580
  • stressed...=P
Re: Terrible Buyer Album?
« Reply #166 on: November 06, 2012, 10:48:38 am »
Kamusta naman ang grammar at typos ko dun sa unang post.  ;D  Kulang pa sa kape!   Anyway, basta iwasan na lang magpost ng mga personal infos here, IMO, it's ok to share your bad experiences.  Helpful din naman ito for other sellers or potential sellers, either to avoid these kinds of buyers or make their rules more clear cut to avoid potential problems like these.

Basta for me di pwedeng icompare sa actual business yung pagsell dito (not unless of course THIS IS your actual business na talaga).  Kasi sa actual business kelangan talaga yang pagbuild ng goodwill and the way you build goodwill is to give good customer service aside from good products of course.  And talagang you sell to earn, eh mostly dito selling to dispose of "back-ups" lang or unused products so most sell them at a loss na talaga minsan may freebies pa nga yan.  So in short parang "give away" na, then to experience all the headaches and dramas pa...syempre tao lang din na mauubos ang pasensya.
Stay-at-Home Mother of FIVE! :D

SnowBall

  • Love my Stars!
  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 2834
  • yebah!
Re: Terrible Buyer Album?
« Reply #167 on: November 06, 2012, 11:04:35 am »
^ I get what you mean, kung business talaga, magkapareho lang yan ng business ethics ke online ka or actual store.

Yung sa inyo kasi more on disposal lang talaga, you're not after the profit.


Sino ba nagsabi na mali mag rant dito sa thread mga sis? Nalaktawan ko ata ng basa. :)




POV lang, Walang Personalan ;)


"Don't get down in the mud with the pigs. You will both get dirty and the pigs will love it."

runawaywithyou

  • Junior GirlTalker
  • ***
  • Posts: 256
Re: Terrible Buyer Album?
« Reply #168 on: November 06, 2012, 03:08:42 pm »
Sis Cherrhys, agree na agree ako sa yo. Apir tayo!

chirochan

  • super awesome
  • Senior GirlTalker
  • ****
  • Posts: 815
  • i live for my hubby and my 2 sons
    • stunningpink.blogspot.com
Re: Terrible Buyer Album?
« Reply #169 on: November 06, 2012, 04:48:32 pm »
Parant din sa isang buyer. Tagal akong pinaghintay ng payment niya. Tapos ng nalate ako magpaship dahil maguundas na. Gusto nya refund nalang nakabili na daw kasi siya waah kaloka lang

cherrhys

  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 1580
  • stressed...=P
Re: Terrible Buyer Album?
« Reply #170 on: November 06, 2012, 07:10:10 pm »
^^Zai  ;D

^chirochan  Naku!  Ang daming ganyang buyers, whether dito sa GT or outside.  Kaloka no?  ::) :)
Stay-at-Home Mother of FIVE! :D

Antigone

  • Live Free <3
  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 4948
Re: Terrible Buyer Album?
« Reply #171 on: November 06, 2012, 07:51:44 pm »
^ I get what you mean, kung business talaga, magkapareho lang yan ng business ethics ke online ka or actual store.

Yung sa inyo kasi more on disposal lang talaga, you're not after the profit.


Sino ba nagsabi na mali mag rant dito sa thread mga sis? Nalaktawan ko ata ng basa. :)

Baka eto siguro yun, sis. Medyo nakakalito kasi:




For me lang, as a buyer din online, walang karapatan ang mga sellers na maggawa ng "terrible buyer" album, kasama yun sa negosyo, nasa sales din kami, hindi nga lang online, we have a store of garments, and talagang madami diyang buyers na pasaway, matanong, makulit, masungit, feeling donya, feeling bibili ng tao etc. etc., naku, lahat ng tao nakasalamuha na namin, pero at the end of the day, potential costumers pa din sila.

And I agree sa isang post dito, na kung may "terrible buyer" album ka, ibig sabihin lang, hindi ka pwedeng maging seller, dahil hindi mo kayang i handle ang mga potential costumers mo ng maayos, kasama yun eh, negosyo yan, hindi paraiso.


Pero you meant those who sell professionally siguro sis no?
Because the people who are crazy enough to think they can change the world are the ones who do.

SnowBall

  • Love my Stars!
  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 2834
  • yebah!
Re: Terrible Buyer Album?
« Reply #172 on: November 07, 2012, 07:40:30 am »
^ sis, wala naman akong sinabi diyan na "bawal mag rant" sa thread na to ( hindi naman ako ang admin at hindi moderator), ang sabi ko lang, for me ha, walang karapatan ang mga sellers, yes I am talking about "professional sellers", sabi ko nga "negosyo", na maggawa ng terrible buyer album, na kasama yung mga info, like complete name and photos ng terrible buyers, hindi kasi talaga tama yun for me.


Pag sinabing Terrible buyer album, may word na album kasi, so I assumed ang pinaguusapan dito eh yung may photos ng sellers, and complete names. Not just merely rants against a terrible buyer.

As i have said sis, okay lang mag rant, pero sarilinin mo na lang, hindi pwedeng i broadcast mo pa sa lahat publicly, complete with photos and details, kasi hindi tama eh, kung business ethics ang paguusapan. :)


Eto nga pala ang post na super agree ako:


Pasali mga sis!

As an online buyer, me and my friends find it a big turn-off if makita namin yung site ng seller n puno ng pics of bogus buyers or whatever it is they want to call them. our reasons?
1. hindi nila kaya ma-resolve ang issue in a professional and they have to resort to the public humiliation tactic. mejo childish iyon, diba? parang sore loser na all she can do is rant endlessly as if mare-reverse ng rantings niya yung nangyari
2. if madami siyang issues with the buyers, how sure are we na as buyers too, hindi kami magkaka-issue sa kanya? lahat naman nadadaan sa matinong usapan, unless of course one really have the intent to scam the other, yon, ibang usapan na yon.

dun naman sa mga nakikisawsaw sa issue, unless you know both sides of the story, you should not agree with one, for the one who is keen on spreading the story very seldom tells the truth, diba? (grabe sis, haba ng backreading ko lol)


Very well said :)
« Last Edit: November 07, 2012, 07:42:53 am by SnowBall »
POV lang, Walang Personalan ;)


"Don't get down in the mud with the pigs. You will both get dirty and the pigs will love it."

Antigone

  • Live Free <3
  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 4948
Re: Terrible Buyer Album?
« Reply #173 on: November 07, 2012, 07:44:23 am »
^Yun nga sis. Baka na-misunderstand lang din ng iba. Ako kasi, nung una ko nabasa yung post mo, yun din intindi ko. Kasi karamihan ng mga andito sa GT, puro mga nagse-sell lang ng makeup na personal nila. Pero nung naisip ko, baka you meant na this applies sa professional sellers. :)


Because the people who are crazy enough to think they can change the world are the ones who do.

cherrhys

  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 1580
  • stressed...=P
Re: Terrible Buyer Album?
« Reply #174 on: November 07, 2012, 09:03:01 am »
Let us all just agree to disagree and respect each others opinions and views.  Basta one thing for sure we all agree that it's not right to divulge private infos, unless of course proven na scammer yung tao.

For me kasi we couldn't not make blanket statements nor pass judgements unless we have experience these situations ourselves regardless if one is just a "to dispose" seller or a professional one.  But I really hope nobody else experiences the kinds of buyers some of us have mentioned here.  Dahil kahit pa business talaga yan at kelangan niyong kumita ng pera, susuko talaga kayo sa mga "buyers" na ito.  IMO, wala silang gaanong pinagkaiba sa mga certified scammers.

In a way, maganda din yung magshare ng experiences dito kasi there are a couple (or a handful) of GTalkers here na "professional reservers" or "perennial headaches" na ng mga sellers, kumbaga nagpapalit lang sila ng nicks pero ganun pa din ang ginagawa or worst deadma sila at tuloy lang ang ligaya sa iba't ibang sellers.   Kaya most of the time, at least for me ha, if I do post I do so because I want to warn other sellers about the usual "modus" of these "usual suspects". 

At the end of the day, sino pa ba magtutulungan kung hindi tayo tayo din as community, di ba?
Stay-at-Home Mother of FIVE! :D

SnowBall

  • Love my Stars!
  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 2834
  • yebah!
Re: Terrible Buyer Album?
« Reply #175 on: November 07, 2012, 09:23:27 am »
^Yun nga sis. Baka na-misunderstand lang din ng iba. Ako kasi, nung una ko nabasa yung post mo, yun din intindi ko. Kasi karamihan ng mga andito sa GT, puro mga nagse-sell lang ng makeup na personal nila. Pero nung naisip ko, baka you meant na this applies sa professional sellers. :)




Yes sis, that's what I meant :) Like yung problema ng threadstarter, si Sircarl ng FB, professional seller na siya, kaya sana walang ganun ganun, like sa akin, hindi na ako bibili sa kanya, na off lang ako, kasi ginawa niyang wanted si TS kahit wala namang money na involved, wala namang lokohan na nangyari, nasungitan lang, hindi nagkaintindihan, ganun na agad? Off yun.

By the way, I posted also based on experience, lahat na ng terrible buyers naranasan ko na, 15 years naman na akong nasa business. And for me, ang business, ke online yan or actual, parehas lang yan, i-apply dapat ang business ethics :)



Take care mga sis, share share lang tayo ng opinion dito, walang magaling o hindi magaling na opinion. :)

POV lang, Walang Personalan ;)


"Don't get down in the mud with the pigs. You will both get dirty and the pigs will love it."

wahmproject

  • GirlTalker
  • **
  • Posts: 72
Re: Terrible Buyer Album?
« Reply #176 on: November 07, 2012, 11:51:58 am »
For me, off to post personal information about the buyer including pictures (taken from the buyer's facebook page) for instances na nagkasagutan lang.  Ibang case if manloloko pala si buyer. Example, requesting for a refund or exchange item then returning a different, defective item rather than the original, functional item you sent out.  Eto ang classified na scam para sakin and a seller might be justified to post the buyer's information to warn others.  Pero if nagkataong si seller ay nagkaroon ng makulit at super matanong na buyer tapos in the end hindi rin pala bilhin ang item mo, i believe kasama eto sa selling/trade/business lalo na if the transaction is online and the buyer cant see the item physically.  They are just exercising their right to choose and decide as a buyer. And yes, meron ding masusungit na buyers. So I dont mind sellers ranting about these buyers anonymously but not thru having a "terrible buyer" album.  Now to be fair naman, buyers could also be more considerate to the seller.

SnowBall

  • Love my Stars!
  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 2834
  • yebah!
Re: Terrible Buyer Album?
« Reply #177 on: November 07, 2012, 11:56:10 am »
Korek sis Wahm I couldn't agree more, iba naman yung nanloloko/scammer/magnanakaw na buyers. Yun lang, we should always know the difference :)
POV lang, Walang Personalan ;)


"Don't get down in the mud with the pigs. You will both get dirty and the pigs will love it."

ladychris17

  • insert cool and witty title here.
  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 1010
    • Philosophizing Beauty
Re: Terrible Buyer Album?
« Reply #178 on: November 07, 2012, 12:20:12 pm »
^^ Actually naexperience ko na din yan.  Parang siya yung nakasira pero defective daw. I check palagi the items before I send them out to make sure I don't send defevtive ones. Nevetheless still gave the benefit of the doubt and Pinalitan ko padin ng maayos yung item at pinalipas. Nakalimutan ko na nga name niya actually. Ginamit ko nalang yung item na binalik niya.
It'a part of the business, but it doesn't mean isarili ko nalang dapat kasi makakatulong yun sa iba kung ishshare as long aa I don't divulge personal info. Your rights are rights so long as you do not violate the rights of others. Lesson learned, have policies on defects.

cherrhys

  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 1580
  • stressed...=P
Re: Terrible Buyer Album?
« Reply #179 on: November 07, 2012, 02:17:54 pm »
By the way, I posted also based on experience, lahat na ng terrible buyers naranasan ko na, 15 years naman na akong nasa business. And for me, ang business, ke online yan or actual, parehas lang yan, i-apply dapat ang business ethics :)

I agree on the part about applying business ethics on both settings BUT I beg to disagree that the two are just the same platform.  In an actual business you are both (seller and buyer) actually or physically there, so talaga namang dapat lang na good customer service ang ibigay.  And also as a seller that IS your life meaning nandun na lagi si seller/owner, 9-5 job ika nga.  The business itself is already a well oiled machine and the owner have the staffs to assist in all aspects of the business, so natural lang din that the buyer only expects the best from that store/seller.  While with an online business the seller have a life other than the online one, may day job so to speak.  And mostly the seller does everything himself or herself, so obviously couldn't attend to everything all at once.  Obviously exception na dito yung mga bigger online stores though most of the time if that big na eh usually may physical stores and staffs na rin (examples would be Kimstore and Digital Traincase).

At para hindi naman maOT  ang haba ng post ko, mairelate ko lang what I posted above with one of the "situation" mentioned here.  Shipping = sa actual store kaya talaga yung on the same day magship after payment kasi madalas sa hindi may tie up na yung business with a courier, cut-off time na lang ang usapan.  Whereas sa online store di kaya, kasi si seller nasa office (or school) na when nagbayad si buyer ng...say 10am eh syempre di naman niya daladala sa office/school yung products niya at di naman 24 hours yung courier, so most likely the following day na ang sending.  Eto na ngayon si buyer text bomb na at galit at insisting na dapat naisend mo na yung item.  Tapos hanggang madaling araw may mga texts pa rin.  Minsan yan pa yung buyer na halos 2 weeks bago nagbayad ha.  :P  Yun ang reason kung bakit nagrarant ang mga sellers dito.  Di nga siya certified scammer pero ano naman itatawag sa kanya??  Nanghaharass=Harasser??  ;D

Not being makulit here ha, just trying to explain the side of some of the "ranters" here. :) :)
« Last Edit: November 07, 2012, 02:25:39 pm by cherrhys »
Stay-at-Home Mother of FIVE! :D

 

Latest Stories

Load More Stories
Close