Until now, nasa album pa din ni Sircarl colection II yung threadstarter, parang off naman yun, na wanted ka dahil lang sa hindi nagkaintindihan.
For me lang, as a buyer din online, walang karapatan ang mga sellers na maggawa ng "terrible buyer" album, kasama yun sa negosyo, nasa sales din kami, hindi nga lang online, we have a store of garments, and talagang madami diyang buyers na pasaway, matanong, makulit, masungit, feeling donya, feeling bibili ng tao etc. etc., naku, lahat ng tao nakasalamuha na namin, pero at the end of the day, potential costumers pa din sila.
And I agree sa isang post dito, na kung may "terrible buyer" album ka, ibig sabihin lang, hindi ka pwedeng maging seller, dahil hindi mo kayang i handle ang mga potential costumers mo ng maayos, kasama yun eh, negosyo yan, hindi paraiso.
Unless na scam ka, na impossible naman yun, since sa mga online shops, bayad ka na bago mo i-shi ship ang items diba? Kaya kung hindi ka naman na scam, at kasamaan lang ng ugali ang na experienced mo, just let it go, isipin mo na lang, good karma yun for you.

Bilang isang seller naman, minsan nagbebenta din ako ng mga used things namin sa sulit, kailangan maintindihan natin yung iba, na natatakot o mga tamang duda palagi, kasi aminin natin, hindi naman talaga "safe" place ang online market, madami diyan mga scammers, so dapat naiintindihan natin yun.
Yung sa mga nagtatanong naman ng price kahit nakasulat na, nabasa nila yun, ang gusto lang nila ng "evidence" o assurance, na tama yung nabasa nilang price, kasi ang text mo sa kanila, hindi mo kayang i-edit.
Sa issue naman ng "gusto i-ship agad" o "gusto nakasagot agad hello may work ako" dapat kasi may rules kayo o announcement sa website ninyo na:
- yung timeframe ng pagbabayad at shipment, kung ilang days ba after payment
- yung announcement na working moms kayo so huwag mag expect na agad agad masasagot ang texts at calls, hindi naman kasi alam yan ng mga buyers ninyo, minsan yung iba, akala nila nakatutok lang kayo online at walang ibang work.
Pag na ship naman, paki text naman yung tracking number at courier. Madami akong sellers na 2 days na hindi man ako i text kahit na i ship na daw pala, kung hindi ko pa tatanungin kung ano yung tracking no., na hello? Responsibilidad mo na i -update ang buyer mo, lalo na kung shipment, kasi nga, madami diyan scammers, pagkabayad, hindi mo na ma contact.
Pwedeng magkaroon ng terrible seller, kasi kayo ang pumili na mag negosyo, mag offer ng products and services, so pwede kayong i-review ng mga mag pa patronized sa inyo, pero ang terrible buyer? Again, kasama sa negosyo yun, iba iba kasi ang ugali ng costumers na makakasalamuha ninyo, learn how to let go kung kasamaan lang ng ugali
