Author Topic: Is it acceptable na laging sumigaw ang boss?  (Read 58953 times)

zhajhei_08

  • GirlTalker
  • **
  • Posts: 195
Re: Is it acceptable na laging sumigaw ang boss?
« Reply #40 on: August 15, 2011, 10:25:33 pm »
sis ang reason ba naman eh, mas nakukuha ko yung gusto ko pag sumisigaw ako..
kairita..
Tough outside but simply soft inside...
Im a good sample of a sassy girl!

Fall Out Girl

  • \m/ ^_^ \m/
  • GirlTalker
  • **
  • Posts: 193
  • high-end....but low maintenance
Re: Is it acceptable na laging sumigaw ang boss?
« Reply #41 on: August 20, 2011, 10:02:47 pm »
it is NOT AT ALL ACCEPTABLE for a boss to always yell at employees, especially if its for a small thing.  i know a company na ang daming nag-aalisang employees dahil sa ugali ng boss.  hindi magandang record yan.
$poiled Prince$$

snowhite_12

  • certified vain
  • Junior GirlTalker
  • ***
  • Posts: 354
  • your scent is like a drug to me...
Re: Is it acceptable na laging sumigaw ang boss?
« Reply #42 on: March 21, 2012, 11:25:48 pm »
not ok for me parang walang pinag aralan yung boss.para bang hindi tao kausap niya.kundi hayop.
if the boss is angry or mai kasalan yung employee pwede naman pag usapan pero huwag naman ipag sigaw infront of alot of officemates and worst infront of the clients. very matapobre. i've experienced that and when the time comes naubos na pasensya ko ayun nag file agad ako ng resignation. they said its a way of training daw.huwag personalin huwag e dib2x. but if its too much like wala na sa lugar yung paninigaw. iba na yan. hindi ko type ang style of training nila not worth it.
I may be a woman,  but if I choose I have the heart of a man! (Queen Elizabeth)

Purple_Power

  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 1721
Re: Is it acceptable na laging sumigaw ang boss?
« Reply #43 on: March 22, 2012, 02:04:16 am »
^Parang yung dati kong naging boss na actually classmate ko. He keeps on telling me huwag personalin blah blah blah but then umaabot sa point na nagiging wala na talaga siya sa hulog yung mga pinagsasabi niya. Tapos kapag hindi niya naintindihan naghahanap pa ng butas na magalit siya sa akin. Biglang nung wala pala siyang pambayad sa amin he keep on insisting na siya naiipit raw sa gulo whereas siya ang leader ng partnership sa kumpanya niya. Pinaglaban ko nga ng patayan yung sweldo ko hanggang sa napilitan niya akong bayaran.  ;D Takot rin niya.

And besides kapag naninigaw ang boss sa harap pa ng client hindi ba niya naisip na yung kahihiyan nasa kanya?

MisCalculus

  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 1524
  • SuNnY Came HomE...
Re: Is it acceptable na laging sumigaw ang boss?
« Reply #44 on: March 26, 2012, 10:28:58 pm »
sisters,the sad part is,sya po yung may-ari ng company :(
small lang at hindi ganun ka-organized ang structure,parang family-owned lang sya kaya mostly sya ang "manager" sa lahat.

ganyan yung pinanggalingan ko (chinese pa sila) pero looking back hindi naman ako nasigawan "just because", mas madalas audience lang ako pag may sinisigawan boss ko pag nasa loob kami ng office nya. But of course hindi acceptable yun for me, nakakababa ng confidence eh, besides everytime na alam kong nasa office na sya parang takot na ko. Sa totoo lang, nasigawan lang nya ako once over the phone pa (swerte lol!).

Madaming bata at magagaling na employees dun pero halos lahat nagsialisan na  dahil sa ugali ng owners. I left the company last year, di na ko nagpapigil after the 2nd time I submitted my resignation. Sabi nga if you can't take the heat, get out of the kitchen :)

"One day you will wake up and there won't be any more time to do the things you've always wanted. Do it now."

eian4fun

  • Eian+Ethan
  • GirlTalker
  • **
  • Posts: 128
Re: Is it acceptable na laging sumigaw ang boss?
« Reply #45 on: May 15, 2012, 11:13:18 am »
for me hindi acceptable yan, pero kung marunong naman humingi ng sorry afterwards baka pwede pa. meron ganyang boss dito sa office ko. actually hindi ko yun boss pero hanggang dito sa area ko rinig namin ang pagsigaw niya kahit naka sarado ang pinto ng office nya. nakakatakot and nakakahiya.

7galleons

  • GirlTalker
  • **
  • Posts: 136
Re: Is it acceptable na laging sumigaw ang boss?
« Reply #46 on: March 03, 2013, 11:09:22 pm »
No,it's not acceptable. In a technical panelinterview, the managers warned me that one should not be balat sibuyas if we want to work in theircompNy. Masigawan or madabugan lang magreresign na daw kaagad. I was offered the job but didn't accept it because of that. I don't want to work with managers like that. Worse, to be one of them. How ironic that they're professionals. Dapat sa paghandle din ng tao ganon din.

caramelli

  • Yeah, I'm a
  • Junior GirlTalker
  • ***
  • Posts: 373
Re: Is it acceptable na laging sumigaw ang boss?
« Reply #47 on: March 13, 2013, 11:08:41 pm »
Hell no! In the first place, bakit kailangang sumigaw? Nasusunog ba ang office? Yelling at people is not professional kahit saang anggulo mo tignan. Kahit sa mga managerial development programs, tinuturo yung tamang pag handle ng tao, I don't think acceptable ever ang pagsigaw.

^Same here sis, may inoffer sa aking job before. First job ko sana, sabi ok lang daw ba kung palasigaw at masungit ang boss. Dati medyo balat sibuyas talaga ako, kaya hindi ko tinanggap yung offer. Nung dumami na work experiences ko, dun ko naintindihan na hindi pala talaga dapat sumisigaw ang boss.
Sometimes when you sacrifice something precious, you're not really losing it. You're just passing it on to someone else. - Mitch Albom

brendzy

  • Carpe Diem
  • Junior GirlTalker
  • ***
  • Posts: 484
  • sweet surrender
Re: Is it acceptable na laging sumigaw ang boss?
« Reply #48 on: March 20, 2013, 03:09:08 pm »
Not acceptable sis! pero depende pa din, kung private naman at itong si employee eh, super duper ang pagkakamali, regardless of the guidance and assistance na natanggap to perform his job well, eh, mapapasigaw talaga ako (kung ako yung boss)  ;D
depende sin sa working environment, kung high pressured, that's exepected  ;D
This is me, I am lovingly and uniquely created by God and I love me! Lol

onlygirl

  • GirlTalker
  • **
  • Posts: 51
Re: Is it acceptable na laging sumigaw ang boss?
« Reply #49 on: March 20, 2013, 04:57:15 pm »
I experienced handling people and for most bosses, may times talaga na you can't control yourself especillay if under pressure or don't know how to handle pressure. Pero ibang usapan naman yung lagi lagi sisigawan ka ng boss mo kahit alam naman natin na pwdeng kausapin ng maayos ang subordinate.

Ako aminado na I was a strict boss, pero di ko ugali ang manigaw.  As far as I remember, in my more than 10 years of handling people, twice ako may nasigawan na tao dahil di ginawa ng maayos at on time ang trabaho nila to a point na ako na gumawa ng work nila just to meet the deadline.  Yung company pa naman kung saan ako nagwork prefers low profile employees, e ako nakapag-aral naman sa isang unibersidad kaya I always follow rules, processes and procedures and make sure every one follows.

Kaya para sa kin acceptable sumigaw ang boss, pero hindi acceptable na laging sumigaw. 

Ang hindi acceptable ay ang ginawa ni Willy sa show nya na on air pa pagsigaw nya kesyo cya ang producer. "You don't do that to.... " anyone dapat

virt_train

  • GirlTalker
  • **
  • Posts: 71
    • JASS Online Solutions
Re: Is it acceptable na laging sumigaw ang boss?
« Reply #50 on: March 20, 2013, 05:28:43 pm »
Definitely, not acceptable. Lahat naman kasi pwede gawin sa mahinahong paraan. Kaya lang it happens kasi some may find it hard to control their emotions...
« Last Edit: March 20, 2013, 05:46:21 pm by virt_train »

melmedrano

  • Senior GirlTalker
  • ****
  • Posts: 734
    • http://tryinghardminimalist.com/
Re: Is it acceptable na laging sumigaw ang boss?
« Reply #51 on: March 20, 2013, 05:41:26 pm »
sa akin ok lang basta wag lagi... kasi minsan may mga pagkakataon talaga na napapsigaw ang tao to emphasize yung point nila pero pag madalas na eh sya na ang may problema. at saka sana kung magagalit at sisigaw, sana yung hindi naman sa harap ng maraming tao, kasi kung ang intention mo lang naman ay i-correct yung mali nung tao at hindi sya ipahiya, hindi naman kailangan gawin sa harap pa yun ng iba.

personally, mas gusto ko ng masigawan ko at mapagsabihan ng harapan... tapos ok na, parehas na kaming mag move on sa nangyari... kaysa naman sa i-silent treatment ka tapos sa iba sinasabi ang kamalian mo at problema nya sa iyo. mas unprofessional para sa akin yun.

PhamLuis23

  • Newbie
  • *
  • Posts: 18
Re: Is it acceptable na laging sumigaw ang boss?
« Reply #52 on: December 05, 2013, 10:46:21 am »
Maliit na kompanya naman pala at siya pa may-ari. Kung ok siya magbayad at lahat naman kayo nasisigawan hindi ikaw lang, ok na wag na gawing big deal.

May maliliit talaga na kumpanya na matapang talaga may ari kasi ramdam talaga niya ang epekto na negosyo unlike mga swelduhan, kahit ano mangyari fixed ang sweldo nila at pwede sila lumipat ng kumpanya.
I hate frog bosses... they cause so much grief

graZiousa

  • Junior GirlTalker
  • ***
  • Posts: 208
Re: Is it acceptable na laging sumigaw ang boss?
« Reply #53 on: December 05, 2013, 02:00:31 pm »
mga sis, nakakarelate ako dito.. 2 years ago, ngwork ako sa isang tel company. ang head namin grabe kung magalit, since nasa sales and marketing department kailangan competitive ang mga tao. under kami sa isang account manager at ang account manager under ng isang sales head. OMG!!! si sales head grabe magalit, magwawala kung magwawala. sobra. there was a time when nagalit sya sa isang account manager to the point na pinagbabato  na nya ang lahat ng documents sa table nya..galit na galit..rinig ng rinig namin lahat kasi kami sa isang department cubicle cubicle lang...kinabukasan humingi daw ng dispensa si sales head kay account manager dahil sa kanyang ginawa. ganun2x lang ba yon? demoralized na nga sya at lahat pero ok lang sya sa ginawa sa kanya...

evilwoman

  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 2447
    • By Nature Handmade Soaps, Carrot Health Soap, Human Heart Nature Products
Re: Is it acceptable na laging sumigaw ang boss?
« Reply #54 on: December 05, 2013, 04:18:03 pm »
^di dapat tinotolerate ng hr yan sis. :)

Sa pagkakaalam ko,pwede icomplain sa dole yang mga supervisor na naninigaw/namamahiya.related sa working condition laws yata.kung owner ng company,pwede pa din ireklamo pero syempre umalis ka na din dapat.di na kasi healthy na kakasuhan mo sya then stay ka pa din.pag expat ang supervisor,pwede din daw ireklamo sa immigration.pwede marevoke/di na marenew ang visa.

graZiousa

  • Junior GirlTalker
  • ***
  • Posts: 208
Re: Is it acceptable na laging sumigaw ang boss?
« Reply #55 on: December 06, 2013, 10:09:21 am »
hindi naman tumuloy ng complain yong account manager kasi need nya din ang work..well compensated sya yon nga lang grabe ang head.

minatay91

  • A Whimsical, Lazy and Maarte
  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 1968
Re: Is it acceptable na laging sumigaw ang boss?
« Reply #56 on: January 13, 2014, 08:26:37 am »
grabe. sumigaw yung isang lateral "boss" ko noon. She used to be an indirect boss. Like supervisor of my supervisor. She is extremely tough on EVERYONE including her OWN boss! :o she actually looks like the real boss instead haha

fine, maybe she can yell at everyone but cant she do it discreetly?! diba punish in private?? :(

she's actually one of the reasons why I was dead on transferring to another department.. I hate her lol but because of how motivated I am by her hatred and just wanting to get her out of my sight, I got promoted loool

Thank God the department manager (her boss) is really kind and nice.
"The only shame in life is not having any."

Any typos I may have made is the direct result of me being lazy.

caramelli

  • Yeah, I'm a
  • Junior GirlTalker
  • ***
  • Posts: 373
Re: Is it acceptable na laging sumigaw ang boss?
« Reply #57 on: February 14, 2014, 02:24:36 am »
In my opinion, nobody deserves to be yelled at. At lalong walang karapatan ang mga boss na manigaw ng subordinates nila. I had a lady boss before na sinigawan ako sa harap ng maraming tao dahil sa kasalanang di ko naman ginawa. Nakakainis lang kasi may discrimination sa company. Pag boss ka dun, lagi kang tama. Sorry sya, naubos kami sa team nya at saka lang nasilip ng HR na sya ang dahilan kaya nag alisan mga tao nya.. too late!
Sometimes when you sacrifice something precious, you're not really losing it. You're just passing it on to someone else. - Mitch Albom

queenteaser

  • GirlTalker
  • **
  • Posts: 107
Re: Is it acceptable na laging sumigaw ang boss?
« Reply #58 on: February 14, 2014, 09:22:13 am »
hindi. para ka namang nasa corporate jungle instead na corporate world kung ganyan. nakakastress kaya.

mommybunini

  • GirlTalker
  • **
  • Posts: 46
Re: Is it acceptable na laging sumigaw ang boss?
« Reply #59 on: February 14, 2014, 02:34:25 pm »
i can relate to this. sinanay na ng boss ko ang sarili niya na manigaw ng staff niya  ;D

nasigawan na din ako ng boss ko sa meeting kasi tinulungan ko daw si officemate na mag settle ng work related issue. as in buong division namin dinig na dinig ang pagsigaw niya. gusto ko lumubog sa kinatatayuan ko sa sobrang hiya. gusto ko na din siya sigawan pero nag pigil lang ako.

after 30 mins, pinatawag ako ni boss sa meeting room at doon ako nagkaroon ng chance. sinabi ko sa kanya na lahat ng ka-trabaho ay professionals at hindi bata para sigawan. sinabi ko din na pwede niya ako sigawan pero hindi sa harap ng madlang pipol at pag inulit pa nya yun ire-report ko na siya sa HR

mula noon hindi na siya nasigaw kahit kanino at talagang makakarating sa HR :)
Don't let the behavior of others destroy your inner peace

 

Latest Stories

Load More Stories
Close