Girl Talk

Work & Money => Career Concerns => Work Woes => Topic started by: huggykaye on April 24, 2015, 01:04:17 pm

Title: bullying in the workplace
Post by: huggykaye on April 24, 2015, 01:04:17 pm
Monday -
Tenured girl 2: oh uwi ka na? iiwan mo na si (partner) dami pa ginagawa...
Tenured girl 1: oo ngaaaaa
Newbie: wala na ko gagawin eh...

Tuesday -
Tenured girl 1: wow ang aga mo ha
Tenured girl 2: naks bumabawi
Newbie: bakit masama na ba pumasok ng maaga?

Tuesday afternoon - kinausap ni manager (mainit na agad ulo) si 2 girls (nagsumbong kasi si newbie bakit daw siya inaasar ng ganoon). No offense meant, literal na nangaasar lang naman yung 2 girls kay newbie, na natutuwa sila para kay newbie dahil maaga makakauwi, LOL... si newbie naman mapang asar din pero pikon pala...


Is this an example of bullying? Simpleng asaran gone wrong...

Have you ever experienced being bullied in your workplace? What happened and what did you do about it? Please share your stories, firsthand experience or the ones you've witnessed... TIA!
Title: Re: bullying in the workplace
Post by: lilstar on April 24, 2015, 02:14:31 pm
Depende yan sis, sa work kasi kailangan di tayo sensitive. Iba iba kasi ang tao and iba iba din ng ugali. Yung offensive sa isa baka wala lang sa iba. I was bullied din pero looking back, naging sensitive lang pala ako. Mahirap kasi may issue sa office so the best thing you can do is to get used to it and makisama na lang. If bully sila, i-bully mo din. haha.
Title: Re: bullying in the workplace
Post by: huggykaye on April 24, 2015, 02:21:43 pm
tama ka nga din naman sis, magkakaiba nga tayo ng reception sa asaran diba, pero para kasing sobrang sensitive lang ni newbie... (ako kasi si girl 2) LOL ... nag sorry naman ako... si newbie din nag sorry dapat daw hindi sya dumerecho kay bosing... natatawa akong naiinis... ano pa bang serious na bullying sa office? tingin ko kasi simple lang naman ito... balat sibuyas lang si newbie... iniyakan si bosing kaya nung kinausap kami galit agad si bosing... =S
Title: Re: bullying in the workplace
Post by: lilstar on April 25, 2015, 07:56:20 am
ako kasi pag gnyan pikon di ko na jinojoke. pag alam ko na hindi sya game, deadma na lang civil. Pero pag nang asar sya, sasabihin ko lang "ano, ready ka na ba mabully?" sabay tawa. kasi ayoko makipag asaran sa pikon. :D
Title: Re: bullying in the workplace
Post by: j.adore on April 25, 2015, 09:47:54 am
What I experienced was plastikan na ok kayo yun pala dami sinasabi behind your back. I just stayed away from them and focused on my job.

TS di naman kasi kayo close why need magasaran? Bonding? Pag may bago, it's important to gauge their personality first before treating them with ways you're used to.
Baka you both come off as not approachable at lalo lang mangasar so the newbie had no other channel than to go to the boss.
Title: Re: bullying in the workplace
Post by: lonelymiss28 on April 25, 2015, 10:52:52 am
May mga tao rin kasi na titingnan kung game ka, pag ok ka sa kanila isasama ka nila sa barkada nila. Nung nagwo-work pa ako sa pinas, may isang taga asar sa mga bago kung ok at game sa mga asaran, isasama namin sa mga gimikan namin kung baga ka tropa ka na namin pero pag asar talo naku never namin babarkadahin.
Kanya kanya lang ng trip ng magbabarkada sa office yan eh. Yung samahan kasi namin puro asaran kahit kami kami lang and to think matataas katungkulan nila although yung taga asar hindi gaano then ako nagdedecide kung ok o hindi.
Title: Re: bullying in the workplace
Post by: huggykaye on April 25, 2015, 12:41:47 pm
@j.adore naku sis nag adjust lang kami para sa kanya, sya ang mapang asar feeling close kahit bago pa lang sya nun, kaya we thought game sya sa ganun! Sya nga offensive jokes nya talaga lol tapos sumbungero pala sya sa simpleng hirit na yun... Hahaha! Saka yung team namin bago sya dumating close naman talaga... Oh well, i'll charge it to experience :-) 
Title: Re: bullying in the workplace
Post by: pikapika2501 on June 12, 2015, 06:33:35 am
style dyan, pasok uwi lang. kalimutan mo nangyayari sa office. wag mo nang isipin ang politika. isipin mo ang sahod. ako, pag pasok, gawin ang work, then bye bye. i want to see my family na. wala nakong paki sa pulitika. sa mga tao, tamang work work lang :) it's all business :)
Title: Re: bullying in the workplace
Post by: momentum on June 12, 2015, 08:12:22 am
^ same tayo. ganyan din ako

no time for gatungan and asaran..oo natural may mga joking from time to time pero di naman yung kinacareer na pati newbie or what eh "tinetest" pra makita kung pwde isama sa barkada..sorry pero I find it parang bata lang..peace..kanya kanya nga tayo ng ways.. :D kasi for me, there are other ways naman to gauge kung magclick kayo ng newbie..like I don't know, maybe asking her/him to join the group for lunch? nice conversations? isama sa group pagmay team building? and not necessarily asarin or tuksuhin or pahapyaw na bully? para sakin lang yan..wala sana magalit hehe  ;D

matatanda na tayo..alam naman natin how it feels kapag bago lang tayo sa isang company without friends/barkada pa :)
Title: Re: bullying in the workplace
Post by: 123abc on August 08, 2015, 07:52:52 am
Ako hindi ko sila pinapansin. Hinahayaan ko mag comment or magsalita ng mag-isa. Hindi ko nililingon. As if wala ako narinig. Hinahayaan ko magmukha sila t@nga nagsasalita mag-isa. Otherwise, pag nagreact ako, I'm just empowering them. Uulitin lang nila.
Title: Re: bullying in the workplace
Post by: red_yesha on August 08, 2015, 09:06:50 am
so ibig sabihin si newbie malakas mang-asar pero pikon?
ano ba naman yan, parang bata. asar talo.

hindi ako mahilig mang-asar kapag di ko close yung tao. syempre papakiramdaman ko muna. baka sensitive e.
Sa totoo lang may mga jokes din na nakakaasar at di natin maiwasan na hindi maasar, ang ginagawa ko ay sinasabe ko "awat na,naaasar na ako ah" o kaya tatahimik na lang ako, bahala na sila sa buhay nila hindi ko sila pakikinggan.
After nun, mag sosorry na sila,nakaramdam siguro sila.hehe
Title: Re: bullying in the workplace
Post by: lonelymiss28 on August 08, 2015, 10:52:40 am
When we say asaran naman not to the point na mapipikon yung tao. syempre, di naman pwede sa office environment yun at baka matanggalan pa kami ng trabaho dahil lang dun. at kahit isa naman wala nagalit sa amin and in fact until now may communication pa kaming lahat kahit na nasa ibat ibang bansa na kami at 17 yrs ago na yun kaya sobrang reminisce namin yung mga pinagsamahan namin nun ang saya lang.
Title: Re: bullying in the workplace
Post by: freiavida on August 14, 2015, 03:35:29 am
sa totoo lang minsan OA, ako kasi pinagkalat nung isang kaopis ko na binubully ko siya. pero sa totoo ang oa nya lang masyado kasing maarte sa trabaho. Trabaho pa rin yun dapat gawin hindi dapat mamili.
Title: Re: bullying in the workplace
Post by: belle_v2g on August 28, 2015, 11:41:51 pm
I just filed a bullying case against a co worker. And it was escalated on the executive level. Crossing my fingers.
Title: Re: bullying in the workplace
Post by: j.adore on August 29, 2015, 09:52:51 am
What is your bullying case? Do you get anonymity or protection from retaliation?
Title: Re: bullying in the workplace
Post by: belle_v2g on August 29, 2015, 11:07:38 am
Verbal abuse with physical assault (that for her is a joke). Apparently, this co worker of mine does it all the time, especially the verbal abuse, yelling and humiliation. Regardless kahit mas mababa qualifications and position nya sa ibang professionals na kasama namin. no one complains so she gets away with it all the time. Feeling close sa lahat at feeling perfect. Sometimes may complaint from the clients, i am surprised why hindi nakakarating sa management. i was asked if i can still manage to work with her. Sabi ko ok lang but di not expect me to be buddies with her.
Title: Re: bullying in the workplace
Post by: j.adore on August 29, 2015, 11:16:51 am
I see. That's quite bad lalo if she does it to clients din. Sana ayusin na ng management.

Good for you to report her para matuto.
Title: Re: bullying in the workplace
Post by: belle_v2g on August 29, 2015, 11:33:28 am
^thanks sis! I was suppose to hear something from them yesterday kaya lang i was on a carers leave. so hopefully by monday may good news na. i wont be surprised if someday bigla na lang syang di papasukin. good on her!!
Title: Re: bullying in the workplace
Post by: lenzyfrancisco on September 24, 2015, 03:01:32 pm
Don't let people bring you down. Never ever!!!
Title: Re: bullying in the workplace
Post by: sarsingkit on September 24, 2015, 11:25:24 pm
How was the feeling of the conversation ba? Reading TS' scenario and based on how I feel, if that is how the conversation went ng Monday, I would have stopped na. Eh kaso inulit nyo pa ng Tuesday eh.  ;D
Title: Re: bullying in the workplace
Post by: Miss Taken on October 29, 2015, 06:00:11 am
Kapag nasa work, I usually stay quiet or kung makikipagbiruan man ako dun lang sa mga kaclose ko talaga and not the newbies. Sa situation kasi ni TS, mukhang pikon yung new officemate nila kahit na malakas din naman pala siyang mangasar. Much better kung huwag na lang patulan or sabihin niyo sa kanya next time na bawal ang pikon, atleast may disclaimer na kayo di ba lol
Title: Re: bullying in the workplace
Post by: naddie99 on October 29, 2015, 07:53:04 pm
Hm, for me medyo mahirap sya ijudge kasi minsan merong work mates na nangaasar ng ganun to help you learn, partly siguro they want the newbie to realize yung routines talaga nila ganun. Di lang siguro nila narealizew na offensive kay newbie yung ginawa nila
Title: Re: bullying in the workplace
Post by: donya_dyosa on October 31, 2015, 11:58:13 pm
Sumbong agad ang newbie???
Naku layuan nyo na yan... Mapapahamak lang kayo jan,
Hi and hellos nalang.

I was also bullied sa work nuon.
Wala talagang kumakausap saakin
Pag lunch ako lang.. May isang guy talagang
Ipinamukha sakin na di mo alam to??? Minsan gusto ko
Na siyang awayin pero nagtimpi lang ako kasi bago lang ako
Saka na pag tenured na,
Mga ganon. Tapos nung nagkainuman after shift...
Lumabas yung totoong bully, funny me,
After that, kinakausap nako ng lahat.
Tapos si bully guy. Nagkagusto pa sakin at naging kami pa. Hahaha
Ewww..
Title: Re: bullying in the workplace
Post by: Drax on April 05, 2017, 12:39:20 pm
I have been bullied in different jobs from all directions -- sometimes by the boss, other times my colleagues, the client, or even my subordinate.  There were times I fought back, sometimes I just kept quiet, and one time I quit.
Title: Re: bullying in the workplace
Post by: 123abc on June 24, 2017, 12:05:28 pm
Ako usually umiiwas ako sa mga nang-bubully. Kaso sa huling work ko (abroad), yung fellow Pinoy pa ang nambubully sa kin. Di naging maganda yung experience ko dun. Ayun, after 8 months di ko na matiis. Sumabog ako. Sinigawan ko na siya, sa workplace yun. Tipong wala na ko pakelam kung buong 2nd floor dinig boses ko. Natakot na siya. hehe... Ingat na siya sa binibitawan niyang salita.  :P
Title: Re: bullying in the workplace
Post by: sweetpot on August 25, 2017, 05:10:18 am
Monday -
Tenured girl 2: oh uwi ka na? iiwan mo na si (partner) dami pa ginagawa...
Tenured girl 1: oo ngaaaaa
Newbie: wala na ko gagawin eh...

Tuesday -
Tenured girl 1: wow ang aga mo ha
Tenured girl 2: naks bumabawi
Newbie: bakit masama na ba pumasok ng maaga?

Tuesday afternoon - kinausap ni manager (mainit na agad ulo) si 2 girls (nagsumbong kasi si newbie bakit daw siya inaasar ng ganoon). No offense meant, literal na nangaasar lang naman yung 2 girls kay newbie, na natutuwa sila para kay newbie dahil maaga makakauwi, LOL... si newbie naman mapang asar din pero pikon pala...


Is this an example of bullying? Simpleng asaran gone wrong...

Have you ever experienced being bullied in your workplace? What happened and what did you do about it? Please share your stories, firsthand experience or the ones you've witnessed... TIA!



haaaay buti ka nga sis yan lang

ako dito sa abroad nasabihan sa harap ng maraming staff na "I'd rather go home than to work with this girl"


feel ko minsan siguro kasi maporma din ako at naiinis sila sa presence ko... di ko na tuloy alam ang gagawin eh mukhang ayaw din naman nilang umuwi...
Title: Re: bullying in the workplace
Post by: sarsingkit on August 29, 2017, 09:19:37 am
Lumalayo ako sa bully, not because ayoko mabully but because ayoko madamay sa pangbubully nila sa ibang tao. Baka mawalan pa ako ng trabaho. Sa work ni hubby, may ganyan din, dalawa sila na nag-aasaran na medyo umabot sa green jokes. The following week, nagfile na si officemate 1 ng reklamo against officemate 2, filing it under sexually inappropriate behavior. Ayun, tanggal si officemate 2. That is how fast it is, kaya I'm always careful on what to say at work.