Girl Talk

ShopCrazy! => FN Marketplace => Seller Reviews => Topic started by: simplykristine08 on December 13, 2010, 11:21:29 am

Title: Terrible Buyer Album?
Post by: simplykristine08 on December 13, 2010, 11:21:29 am
Sisses, ingat ng konti sa seller na to, Sircarl Antoine in FB. Magulo kausap ang inconsistent sa details ng items nya.

Here's my experience with her:

Last Friday night, pinareserve ko yung Jumperoo nya, price at 3.5k. Okay na, so nagtatanong ako ng details about the item, then after ilang minutes, binago nya yung price, naging 5.5k na. So sabi ko sige I'll still get it despite sa paiba iba sya ng price. Sabi ko I will pay on Monday or Tuesday, then meetup nalang kame or kunin ko sakanila. She insisted kung ayaw ko daw bang delivery, sabi ko pickup ko nalang. Then we both agreed. Reserved na for me so Yey! The next day, she pm'd me and told me na sorry daw at nakuha na yung item last night. Binenta na daw ng kapatid nya. She apologized naman but I replied with this: "next time dont put items online if you dont plan on selling it. you're giving false hopes on us, buyers". Then nagblog na about me sa FB page nya, that I'm a terrible buyer blah blah. I commented on the album but decided to erase all my comments nung marami ng nakikisawsaw na iba. I pm'd her and dun na kame nagkasagutan. Hindi naman pwede na sya lang ang magtataray, mas may Karapatan ako sakanya noh! In one of my replies, nasabi kong WTF as an expression. Pero masyadong hot ang lola mo. Yes, mali ko siguro yun, but in the first place sya ang magulong kausap and nilagay pa ako sa Terrible Buyer Album. Hindi nakontento, nilagay pa yung photo ko na karga ko yung son ko! Aba, hindi na ako papayag. Kahit ni-cut nya yung face ng son ko, yung comments kasi dun sa album and sa photo pati pagka mother ko eh kinikwestyon! Wala kang karapatan i-judge ako cause hindi mo ako kilala girl. Mahiya ka dahil may anak ka rin. I know you put that photo para magpaawa sa mga friends mo at magcomment ng negative lalo sakin. I told you, wag mo idadamay ang anak ko, sabi ko nga magsesend ako sayo ng Solo Pic ko diba? Bnlock mo ko sa FB mo but saved a photo of me? I thought you said na ayaw mo na ko makatagpo ever again? Move on girl! Am I that special to you? haha. Patawa ka! Ikaw na nga ang may kasalanan at may mali, ikaw pa malakas ang loob! Pinalagpas kita nung wala pa kong photo or kung solo ko lang, pero kung pati comments nyo eh off topic na dahil personal ka ng naninira, wala na yun. Hindi pwede yun sis.

Well, lesson learned? I should've listened to our mutual friends and some online sellers na wag ko na ituloy yung transaction ko sakanya. Dahil sya lang pala sisira sa mukha at pangalan ko! Charge it to experience na din. Haha. Sabagay, it's not online shopping kung walang twists na ganito. And btw, terrible buyer album? Baka terrible seller! Pauso ka sis, wala ka kasing bogus, para mapansin ka, gumawa ka ng sarili mo. Goodluck sayo!

Sorry sisses, medyo mahaba. yan na yung shortest version ng story eh.
Title: Re: Terrible Buyer Album?
Post by: evilwoman on December 13, 2010, 01:37:00 pm
uulitin ko lang comment ko sa kabila. wala syang K na ipost ang pic mo sa terrible buyer album sabay tag pa sa ibang seller. sya ang mali, matuto syang magpakumbaba at humingi ng dispensa. kung sa pakiramdam nya nayuyurakan ang pagkatao nya dahil sa mga di kanais-nais na buyers for her (na at the end of the day, buyer pa din), wag sya magtinda.
Title: Re: Terrible Buyer Album?
Post by: stormy on December 13, 2010, 02:08:15 pm
^^wala bang admin ang FB? Ask ka ng tulong sis. Loka pala yan, ginawang ebay ang FB :)
Title: Re: Terrible Buyer Album?
Post by: evilwoman on December 13, 2010, 02:13:23 pm
^ nireport ko na sa FB admin para kay tin. hehe.. ewan ko lang kung papansinin. dati naman mabilis ang response ng FB. pag di nila ako pinansin, aaraw-arawin ko sila.
Title: Re: Terrible Buyer Album?
Post by: simplykristine08 on December 13, 2010, 02:38:32 pm
^ haha, thanks sis. araw arawin talaga. tulungan kita! LOL.
naku, wala talagang karapatan sis. at ang masama dun, halata naman na nagpapatulong at nagpapaawa sa ibang sellers, kasi itag pa ba naman sila. ayaw daw nya ako makausap at makita, aba, bakit ka magsasave ng pic ko, type mo ko? at ayaw mo kong kausap, pero enjoy na enjoy kang pagusapan ako. o ngyaon, mas sikat ako sayo diba?! kaloka ton seller na to sis. beware! mahirap na mangyari pa to sa iba.

^ sis, haha. sya ang terrible seller. magpopost ng items online tapos kapag may kumagat boglang idedelete. nice one! eh nakakuha sya ng katapat. malas nya!
Title: Re: Terrible Buyer Album?
Post by: antagonist on December 13, 2010, 03:01:51 pm
joining the forces... because i am a seller, a buyer and a MOTHER...

foul na ginagawa nya kasi if minura mo man, sa private conversations nyo na. eh ang attack nya now is bad-mouthing you in public plus hinahayaan na nya i-judge ka ng ibang "nakikisawsaw" as a mother and as a person na. sinabi pa nyang di sya marunong magmura eh what do you call a person letting others do that for you??? ::) besides, WTF is just an effing expression! babaw naman nya...

quote ko lang ang isa:

Frenchies OnlineShoppe: bka wala "pinagARALAN" hehe! :) wala naman masama magInquire,ang prob wag nalang mgpareserve.. at biglang wag magparamdam diba?? we sellers are those na "MAKIKINIG" pero kung hindi makikiusap.. iba na yun hehe tama??

tama ba yun??? ang gulo nya ha! :o

*need to edit some of the words sa quote, puro [textspeak!] lumabas ;D
Title: Re: Terrible Buyer Album?
Post by: evilwoman on December 13, 2010, 03:05:57 pm
^ ngek! sumawsaw agad ng di naiintindihan ang istorya.. ang layo na yata ng topic nya. kung kilala lang nya si tin, SUPER SERIOUS buyer yan. kulang na lang mamakyaw ng paninda. hehe..
Title: Re: Terrible Buyer Album?
Post by: simplykristine08 on December 13, 2010, 03:17:19 pm
^^ sis, hindi ko sya minura. ang WTF na sinasabi nya eh expression lang yun. imposible na hindi pa sya nakakatanggap ng bad words dahil sa attitude nya, malamang hindi lang sya sakin nakatikim. hindi ko nilalahat ang sellers sis, kasi sya lang ang naencounter ko sablay at TERRIBLE seller! lahat ng nabilhan ko, super nice sellers. and im pretty sure ganun ka din sis :) at inelaborate pa meaning ng WTF, hello, eh lahat ata ng tao eh ginagawang expression yun, if not all, most of us. at para magpakampi? lalo yung mga nakikisawsaw. napakawalang sense na nga ng usapan eh! nakakatawa nalang, pauso lang sila sis. wala siguro masyado pumapansin. hehe. i viewed the profile of some sellers na nakikisawsaw, ang babaw ha. haha ewan ko ba.

^ loka ka sis. hindi naman namamakyaw. yung tamang kaya lang ng budget. ayaw ata nila ng serious buyer sis, mukhang ang tipo nila eh BOGUS buyer. haha.
Title: Re: Terrible Buyer Album?
Post by: antagonist on December 13, 2010, 03:40:11 pm
yes sis, ang issue nya is yung pagmura mo daw sa kanya... hahaha ;D

pagpasensyahan nalang natin, di daw kasi marunong magmura kaya ang WTF sa kanya is a VERY, VERY BAD WORD to say...
Title: Re: Terrible Buyer Album?
Post by: pretty_lexie on December 13, 2010, 03:45:33 pm
anak ng tipaklong naman palang seller yan eh kapal ng face value ha!!!
gano katagal na bang online seller yan sis at hinde mo ba nakita kung may nega feed backs jan sa bruhildang yan???

magpalitan ng masasakit na salita is worst na nga eh, but yung pag post niya ng picture mo sa fb na alam niyang millions ang makakakita eh personal attack na, na para bang ikaw pa may atraso sa kanya.

as online buyer nakakainit na ng ulo yung mga sellers giving false information but in this case na close na yung deal then last minute ica-cancel niya kairita. ok na rin since no choice ka na kung wala na talaga or ayaw niya ibenta pero yung magsabi pa siya ng mga foul words at yung ginawa niya hinde kaaya aya yan!

hehe siyensya na affected much natalo ko haba ng post mo sis.....
Title: Re: Terrible Buyer Album?
Post by: twelvth_goddess on December 13, 2010, 04:12:51 pm
I reported her too. Yung mga friends nyang sellers, particularly Frenchies OnlineShoppe, hinde ko alam kung naka-drugs ba or what. Mga wala sa hulog ang mga pinagsasabe, basta may mai-contribute lang sa issue. Nakakaloka!
Title: Re: Terrible Buyer Album?
Post by: simplykristine08 on December 13, 2010, 04:53:23 pm
^^^ ewan ko nga bakit ang big deal sakanya ng WTF. eh parang expression at natural word nalang yun. as if naman minura ko talaga sya at dinuro pa. worse pa nga ginawa nya eh. nakakainis na nakakatawa nalang. kasi parang mga walang magawang mabuti sa mundo.

^^ hindi ko sis alam kung may nega feedbacks sakanya eh. i dont really know her, nakita ko lang yung jumperoo nya tapos superlike ko talaga. so kahit inconsistent ang pricing nya ng item na yun eh kukunin ko pa rin. ganun ko ka-like yung item. ewan ko lang sa seller na yan bakit ganun. actually 3 items yun na bnew eh. friday pinost, then nung sinabi sakin ng saturday na nakuha na yung jumperoo ng friday night, pati yung 2 bnew items nya nawala sa page nya. kaya pala feeling ko nun, it's too good to be true. LOL.

^ thanks sis Van! :) naku sis, may iba pang mas malala. lalo yung katokayo ko. as if naman kilala nya ako. eh kaya lang sya nakasali dahil nakikisali sya at nakikisawsaw.
Title: Re: Terrible Buyer Album?
Post by: simplykristine08 on December 13, 2010, 05:04:59 pm
and eto pa pala. sabi nya sa comments nya, TEXT AKO NG TEXT. i texted her once yesterday kasi nakablocked na ko sa FB nya and saka nya pinakalat yung photo at comments nya. i told her na okay lang ipost nya ako, wag nalang idamay sa usapan yung son ko. sabi ko nga bigyan ko pa sya ng SOLO PIC ko eh. i told her na lumaban sya ng patas. kasi sabi nya well educated daw sila. then after ko mabasa yung post nya na text daw ako ng text, i texted her kanina. 2nd text ko to sakanya. i told her na how come nasabi nya na text ako ng text eh once lang ako nagtext. and i asked her bakit nya nasabi na ayaw nya na akong makatagpo at makausap pero nagsave sya ng pic ko at enjoy na enjoy sya na ang topic eh ako. medyo hindi ata tugma ang comments nya sa ginagawa nya. so parang ang engot lang umintindi. and lastly, i told her na bakit kelangan magpakampi, duwag ka ba?! haha. hindi makasagot, puro comments lang. eto lang comment nya:

Sircarl Antoine: eto tlgng lukaret na to ayaw p rin ako tantanan, blocked na nga nagtetext pa! Gusto pala kausapin ko cya tapos nya ko murahin! Low IQ tlg! hmmmppp.

girl, sino mas LOW IQ satin? at sino ang mas nakakahiya? may picture man ako sayo pero mas nakakahiya ang ginagawa mo dahil halata na wala kang breeding! nakakatawa ka na nakakaawa. haha.
Title: Re: Terrible Buyer Album?
Post by: antagonist on December 13, 2010, 06:38:25 pm
WTF!
 
;D ;D ;D
Title: Re: Terrible Buyer Album?
Post by: simplykristine08 on December 13, 2010, 07:17:26 pm
^ haha, natawa ako dyan sis! nakakainis lang kasi yung ibang buyers nagkakaron ng trust issue sa ibang sellers. one Gtalker nga na friend ko in FB commented on my post na dahil sa ganitong sellers, affected din halos lahat ng sellers kahit na matino at maayos sila kausap. grrr.
Title: Re: Terrible Buyer Album?
Post by: yapeegurl on December 13, 2010, 07:45:03 pm
tin, ang foul sa kanya number 1 was to post your picture on FB wherein the public can view it.. with your son pa.. ako nga na hindi nya friend naview ko album nya na yun..

number 2, i dont quite understand why she had to bring the topic over the internet.. she could've dealt the issue professionally by sending a unicast/private message.. i find it lame as a seller.. what can she gain from it? yung enjoyment of reading words of wisdom from her co-losers?

and lastly, being a seller/buyer doesn't have to deal with motherhood..
Title: Re: Terrible Buyer Album?
Post by: simplykristine08 on December 13, 2010, 07:56:32 pm
^ yun na nga. nagcomment sya ng kung ano ano dun. then i pm'd her. aba eto na, ayaw ata ng kinakausap ng private, ipinost na yung pic ko at take note, karga ko pa si Kenzo. actually hindi ko na nga papatulan kung solo pic eh, kahit naccut yung face ni kenzo, foul pa rin. at pagusapan ang motherhood? mas lalo syang nagmukhang loser kasi halatang nagpapakampi sya. i texted her na nga eh, sabi ko luamaban ng patas. eh mukhang duwag naman. so ayan, sa internet bumabawi.
Title: Re: Terrible Buyer Album?
Post by: twelvth_goddess on December 13, 2010, 10:14:58 pm
This really says something about that seller as a person. Ang hilig nila magsabe na walang pinagaralan, low IQ etc eh hello, ang tawag naman sa kanila JOLOGS/SQUATTER/MALEDUKADO.  ::)
Title: Re: Terrible Buyer Album?
Post by: simplykristine08 on December 13, 2010, 11:06:49 pm
^ naku sis, you know switlass? she commented on that album. pinagtanggol ako *teary eyed*. lolz. ayun, gumawa ng sariling version nya. nung nagchange daw sya ng price, at nagisip ako for a FEW minutes, may nakakuha na daw ng item na gusto ko. eh bakit sya nakipagdeal sakin na meetup on tuesday and bayaran ko yung 5.5k? patawa. i called her, nung nalaman nya na ako, hindi sinagot at binaba. i called her again, naku sis, nakikinig lang. DUWAG! and wag na mageenglish kung mali mali naman ang grammar! lolZ.
Title: Re: Terrible Buyer Album?
Post by: evilwoman on December 14, 2010, 07:58:24 am
update, may bagong page sya: Sircarl Col Lection II

at syempre, bida na naman si tin. hahaha..
Title: Re: Terrible Buyer Album?
Post by: thebratinella on December 14, 2010, 10:02:00 am
i saw the album too. it's unfair really because simplykristine didn't even get to purchase the item. i would understand if the seller didn't get paid or something. she just wants an outlet for her anger which is improper. it's some form of cyber bullying the way they say negative things which do not have any relation to the issue at all. hay naku, mahirap to deal with people who do not think first before doing something. what will she get out of this? i have a lot of sellers to add to my must-avoid list.

can you file a case against her? because your photo and information are being spread by her other friends through facebook. nakakasira na ng reputation yun tapos wala kang way to defend yourself.
Title: Re: Terrible Buyer Album?
Post by: simplykristine08 on December 14, 2010, 11:44:11 am
^^ yes sis, nakita ko na din yan. at mega comment ang lola mo.

^ anong case sis? uhm, sobra na nga din pero ewan, mukhang type nya talaga ako eh. at gumawa ba ng sarili nyang terrible buyer? lol. patawa nga eh.
Title: Re: Terrible Buyer Album?
Post by: evilwoman on December 14, 2010, 01:10:56 pm
another update, may seller na nagrepost ng album ni tin: WorkingMom Bestbuys

Title: Re: Terrible Buyer Album?
Post by: simplykristine08 on December 14, 2010, 02:00:38 pm
^ saw that one too. sarap pagkukurutin eh. hehe. pinapasikat nila ako. and for those buyers, sellers na well educated, pinapakita netong mga sellers na to kung anong ugali at pinagaralan meron sila. what they're doing reflect what kind of people they are too.
Title: Re: Terrible Buyer Album?
Post by: skye* on December 16, 2010, 10:43:30 pm
Aww.. after reading and checking the fb album na notice ko na parang client ko yung seller na yan.. and after checking..she's one of my clients. Okay naman siya na client super bilis magbayad and okay naman kausap. Hindi nga ako makapaniwala na siya yan kasi okay naman siya sa akin.

I feel bad about this kasi kahit ako may sobrang grabeng buyer ako na kakaiba yung ugali ni hindi ko pinost ng ganyan. Siguro, need niyo makapagusap ng mabuti at matapos na yung ganyang issue.

Actually for me ha, if ever nakapagsabi ka ng WTF.. hindi siya macocompare dun sa ginawa niyang pag post ng picture mo and magsabi ng negative things about you. Yung WTF kasi parang expression nalang kasi siya ngayon eh. And if well educated siya as a seller, hindi sana niya ginawa yung pagpost ng ganyan instead, kinausap ka niya privately regarding the issue no matter how hot the topic is pwede naman palipasin ng sandali then pagusapan pra makapagpalamig ng ulo. :)
Title: Re: Terrible Buyer Album?
Post by: simplykristine08 on December 17, 2010, 02:23:14 am
^ actually sis kinakausap ko sya, sa fb, text and call. pero ayaw nya. i dont know why. parang gusto na talaga nya magresort sa ganung setup. ang ipost ang mukha ko at magsabi ng negative things about me. kasi ang akin, kung gusto mo ng away since ganyan ginagawa mo sa page mo, eh di ganyan gawin namin pero hindi na para ipost pa sa FB. so i assumed na duwag sya at hindi nya kaya lumaban ng patas. anyways, what she's doing naman reflects what kind of person she really is, not me. so it's a bit confusing for me when she said na well educated sya pero ganyan ang attitude nya.
Title: Re: Terrible Buyer Album?
Post by: jesrora on December 17, 2010, 03:41:08 am
ang oa naman nung seller na yun, sya na mali kaw pa terrible? di makatake ng negative feedback eh totoo naman sinabi mo. nagcomment ka lang naman na sana di ka pinaasa dahil may usapan na kayo. and para ipost pa ang photo mo with your kid. foul! tsssssk. [textspeak!] lang yun. and im sure konti lang bumibili sakanya kaya todo sour graping.
Title: Re: Terrible Buyer Album?
Post by: simplykristine08 on December 17, 2010, 12:37:37 pm
^ tama. mukhang konti lang ang benta nya at buyers nya kaya nagpapapansin sa kanyang page. hehe.
Title: Re: Terrible Buyer Album?
Post by: yapeegurl on December 17, 2010, 02:10:32 pm
Tin, hindi ko din magets bakit ayaw makipag usap... may mga tao talaga na gusto talikuran ang responsibility and issues.. and yet they attack from behind..

As long as you think you've done what's best to settle the issue, that's enough na siguro.. I just hope hindi marami ang ganyang seller... parang nagdadalawang isip na tuloy ako i-add ang isang seller sa FB account ko.. maybe i can create another account na pang add lang sa sellers just to eliminate any personal issues in the future..
Title: Re: Terrible Buyer Album?
Post by: simplykristine08 on December 17, 2010, 02:13:08 pm
^ parang nga sis. magandang idea yan! try ko ngang gawin yan? hmmm. lemmme think. kasi mahirap yung ngyari sakin. so parang lesson learned na din talaga. after the issue nga. madaming nagaadd sakin na sellers, not sure if they read the testimonials of my trusted sellers or because of that terrible seller! so hindi ko nalang inaaccept. mahirap na eh.
Title: Re: Terrible Buyer Album?
Post by: annika on December 18, 2010, 02:59:53 pm
^ anong name ng seller na yan sis?

ako naman may kadeal na seller kahapon usapan namin pupunta siya dito sa office around 2:30.. antokwa! 4:00 na wala pa.. 4:30 na nagtext malapit na daw siya and nakipag meet sa ibang buyer niya.. susme! eh siya ang nagsabi na 2:30 ang usapan eh paano nalang kung meet up talaga kami and hindi siya dito sa office pupunta edi maghihintay pala ako ng matagal.. susme! sa lahat naman ng seller eh eto ang kakaiba at pinaghihintay ang buyer!  >:(
Title: Re: Terrible Buyer Album?
Post by: simplykristine08 on December 18, 2010, 04:23:27 pm
^ Sircarl Antoine in FB.
Title: Re: Terrible Buyer Album?
Post by: sydxoxo on December 19, 2010, 12:53:35 am
posting someone's photo online just because she used WTF as an expression IS BELOW THE BELT. almost everyone swears naman pag-galit na. as a seller, she should be patient enough to tolerate these kind of clients (matanong masyado, inipin, mataray, sarcastic, etc.). if asar na si seller and educated enough (daw) siya, sana she tried settling the situation between the two of you na lang, hindi ba mas professional yun? hindi na dapat bino-broadcast yan, ang petty e. just because of 3-letters? hindi pa nga buo yan e so mas mild pa (hehe!) kelangan talaga mahaba patience mo when it comes to online selling, kahit gaano pa kataray or kakulit yung buyer, yung seller talaga, IMO, yung dapat magpakumbaba (unless bastos na talaga ginagawa syo). you need buyers for you to make a profit so if ganyan ang gagawin mo sa mga buyers dahil lang hindi mo trip ugali, pano ka makakarami ng clients? i, personally, doesn't want to deal with these kind of sellers. matanong and makulit pa naman ako.

sellers should always be nice to customers kasi dyan sila makikilala and magugustuhan ng clients nila. if saying WTF is BELOW THE BELT na for her, so ano tawag sa pag-post ng photo na wala pa naman ginagawa na bad talaga? i mean those are just words, you can just ignore it naman. hindi ka naman pumatay or tinataguan siya, you're not a criminal naman for her to warn everyone. wala pa nga transaction e, so hindi ka pa buyer.

GTalker ba yan?

OT: for victims of scammers and/or "terrible sellers" (haha! kidding!), you can post your experiences here: http://www.femalenetwork.com/girltalk/index.php/topic,214060.0.html

i really think hindi proper i-post nya photo mo. lahat naman nadadaan sa magandang usapan e, makipag-usap lang ng maayos hindi yung galit and akala mo kung sino.


 
Title: Re: Terrible Buyer Album?
Post by: simplykristine08 on December 19, 2010, 01:30:24 am
^ i dont know nga anong naisip nung seller na yun eh. super below the belt, talo ako pero wala naman akong magagawa. duwag lang talaga sya to face me one on one. and yan din ang pinagtataka ko talaga, WTF lang ang sinabi ko, not the whole word/s pero ganun na effect sakanya. at ang mga alipores nya ha, sobrang comments din. kaya sirang sira ako sa tao, but still, what she did and still doing speaks of what kind of person she really is. so now, the question is, sino ang educated?

im not sure sis if gtalker sya, can i post my experience ba dun sa thread na yun kahit hindi sya gtalker? thanks sis!

ayun, nabasa ko yung kabilang thread, part of it lang, hindi pala pwede ipost since hindi ko sure kung gtalker sya.
Title: Re: Terrible Buyer Album?
Post by: skye* on December 19, 2010, 10:11:06 am
I don't think she's a gtalker. Client ko yung seller na yan from multiply. Siguro the best that you could do is to make a write up on your side of story sa notes mo sa fb na mababasa ng iba. In that case, they won't judge you at hindi puro side nalang ni Ann yung pinakikinggan. :)
Title: Re: Terrible Buyer Album?
Post by: simplykristine08 on December 19, 2010, 12:02:07 pm
^ i already did that sis. may notes na ako sa page ko, and i made it public para makita din ng iba. and i also asked my trusted sellers na gawan ako ng short test of our transactions para naman makita ng ibang sellers, buyers na hindi naman ako tulad ng sinasabi ng terrible seller na yun.
Title: Re: Terrible Buyer Album?
Post by: sydxoxo on December 20, 2010, 12:53:35 am
^^^don't worry, ang mga kakampi niya lang naman e mga kaibigan niya, i'm sure other people won't think you're a bad person naman. i mean, i don't know you both but based on what i read, (for me) mali siya. matalino naman yung ibang tao dyan kaya i'm sure they won't judge you agad. just be humble and ignore her na lang. parang showbiz lang yan e, wag mo patulan at mawawala din yang issue na yan (kasi wala ka naman talagang ginawang bad). si hayden Kho nga proven guilty pero madami pa din supporters ng business nya, may billboard pa sa EDSA and pinopromote pa ng kapwa celebrities niya yung perfume nya. o saan ka pa di ba?!
Title: Re: Terrible Buyer Album?
Post by: simplykristine08 on December 20, 2010, 01:13:55 am
^ ganun na nga sis. hindi ko na din pinapansin. okay na yung gumawa ako ng note on my page about the incident. okay na yun, i explained and shared my part of the story. thanks sis :)
Title: Re: Terrible Buyer Album?
Post by: iceebaby on April 18, 2011, 11:51:04 pm
thanks mga sis sa topic na ito.  Magiingat na ako sa mga seller na sinabi niya mahilig pa naman ako bumili onlie.

Funny ang WTF na comment na iyan. Baka FTW (For the win!) ang ibig sabihin. haha! :D
Title: Re: Terrible Buyer Album?
Post by: meandmyhoney on May 08, 2011, 04:34:21 pm
I am seller/buyer online. sa mga buyer na puro reserved lang. di ko na ineetertain. dedma lang.
Title: Re: Terrible Buyer Album?
Post by: genivy21 on May 21, 2011, 05:27:35 pm
kaya nakakadalang magpost ng picture online. meron kasing mga tao na siraulo. gagawin kang WANTED akala mo mo nakapatay ka na. dapat diyan sinusumbong sa pulis. nakakadegrade ng pagkatao kasi walang kalaban laban sa internet. sarap ihack ang account!
Title: Re: Terrible Buyer Album?
Post by: chelle_peachy0524 on July 01, 2011, 12:36:56 am
hay naku mas terrible naman yung ginawa nya no? yaan mo na andyan si carmi kumakatok lang  :)
Title: Re: Terrible Buyer Album?
Post by: _gigles_ on July 16, 2011, 12:38:56 am
OMFG!! naiinis ako!! someone just accused me of being a scammer just because I cant do meet ups. And to think P100 lang yung bibilhin niya, her P100 aint gonna make me any richer nor would it get me anywhere, lugi pa ako with the transpo, gas, parking to do a meet up! Gosh seriously kung manloloko lang ako might as well make it big amounts noh. Like seriously jeez! I am seriously at the verge of bitching at her! I'm sorry I have to vent it out here to keep my cool. I have been really nice to my buyers and what not but to be told a scammer, damn sa kanya na yung P100 niya noh! Bigyan ko pa siya para matahimik siya!

Seriously common sense is not so common nowadays! Way to ruin my night!  >:(
Title: Re: Terrible Buyer Album?
Post by: chelle_peachy0524 on July 18, 2011, 11:50:25 pm
OMFG!! naiinis ako!! someone just accused me of being a scammer just because I cant do meet ups. And to think P100 lang yung bibilhin niya, her P100 aint gonna make me any richer nor would it get me anywhere, lugi pa ako with the transpo, gas, parking to do a meet up! Gosh seriously kung manloloko lang ako might as well make it big amounts noh. Like seriously jeez! I am seriously at the verge of bitching at her! I'm sorry I have to vent it out here to keep my cool. I have been really nice to my buyers and what not but to be told a scammer, damn sa kanya na yung P100 niya noh! Bigyan ko pa siya para matahimik siya!

Seriously common sense is not so common nowadays! Way to ruin my night!  >:(


so funny! mas malaki pa yung gagastusin mo sa item nya??? dati ako post post ako ng topic about being legit ng isang online seller but then now i understand the things and considerations of the online seller is going through :)
Title: Re: Terrible Buyer Album?
Post by: _gigles_ on July 19, 2011, 01:15:04 pm
^I do understand the feeling of being iffy to online sellers, kasi nga naman marami din naman talagang manloloko around or scammers pero sana din yung buyer gamitin naman nila yung common sense or atleast have some consideration to the seller.  and hindi porket buyer/customer sila they can be all stuck up or mayabang na. :-\
Title: Re: Terrible Buyer Album?
Post by: miss parker on July 27, 2011, 03:11:00 am
when it comes to online buying and selling, you'll never have the assurance talaga. madami and i mean madaming nagkalat na scammers, both buyers and sellers. sa experience ko, iba iba talaga ugali ng tao. may buyers na napaka bait, may buyers naman na kulang nalang lumabas sa monitor mo kung makapagsalita. may iba kala mo kung sinong magtaas kung magsalita.
but we can to avoid being misinterpreted by someone and being posted unfaily, siguro we should also be careful on how we speak or even how we will construct a sentence.
iba ang dating ng salita pag binabasa kesa sa sinasabi. so what you may mean in a nice way maybe read in a different tone.
kaya ako i always keep in mind what my boss taught me dati.

BEFORE SENDING OUT A WRITTEN MESSAGE, READ IT FIRST TO SEE HOW IT WILL SOUND, TO AVOID MISCOMMUNICATION.

I think yan lang ang naging problem eh. miscommunication.
Title: Re: Terrible Buyer Album?
Post by: stunning_anne on September 27, 2011, 06:21:06 pm
Sis tin, i saw the pic. wow. til now hindi pa rin talaga tinatanggal yung picture mo. Grabe at pinag usapan ka pa nila dun ha.. GInawang thread. Anyway, wag mo patulan na lang.. Ang kapal ng fez nung seller.
Title: Re: Terrible Buyer Album?
Post by: simplykristine08 on September 27, 2011, 08:52:54 pm
^ naku sis, hayaan nalang. Hindi pa ata makaget over kaya ganun. Lol!
Title: Re: Terrible Buyer Album?
Post by: lisse on September 29, 2011, 05:16:29 pm
Pasali mga sis!

As an online buyer, me and my friends find it a big turn-off if makita namin yung site ng seller n puno ng pics of bogus buyers or whatever it is they want to call them. our reasons?
1. hindi nila kaya ma-resolve ang issue in a professional and they have to resort to the public humiliation tactic. mejo childish iyon, diba? parang sore loser na all she can do is rant endlessly as if mare-reverse ng rantings niya yung nangyari
2. if madami siyang issues with the buyers, how sure are we na as buyers too, hindi kami magkaka-issue sa kanya? lahat naman nadadaan sa matinong usapan, unless of course one really have the intent to scam the other, yon, ibang usapan na yon.

dun naman sa mga nakikisawsaw sa issue, unless you know both sides of the story, you should not agree with one, for the one who is keen on spreading the story very seldom tells the truth, diba? (grabe sis, haba ng backreading ko lol)
Title: Re: Terrible Buyer Album?
Post by: stunning_anne on September 29, 2011, 10:20:31 pm
tama sis lisse! well said!
Title: Re: Terrible Buyer Album?
Post by: snowflakesdance on October 25, 2011, 09:48:54 pm
Pasali mga sis!

As an online buyer, me and my friends find it a big turn-off if makita namin yung site ng seller n puno ng pics of bogus buyers or whatever it is they want to call them. our reasons?
1. hindi nila kaya ma-resolve ang issue in a professional and they have to resort to the public humiliation tactic. mejo childish iyon, diba? parang sore loser na all she can do is rant endlessly as if mare-reverse ng rantings niya yung nangyari
2. if madami siyang issues with the buyers, how sure are we na as buyers too, hindi kami magkaka-issue sa kanya? lahat naman nadadaan sa matinong usapan, unless of course one really have the intent to scam the other, yon, ibang usapan na yon.

dun naman sa mga nakikisawsaw sa issue, unless you know both sides of the story, you should not agree with one, for the one who is keen on spreading the story very seldom tells the truth, diba? (grabe sis, haba ng backreading ko lol)

Yup I agree lalo na ito "
dun naman sa mga nakikisawsaw sa issue, unless you know both sides of the story, you should not agree with one"

Kasi ang tunay na professional, hindi magcocomment ng kung ano anong paninira lalo na kung hindi naman nila alam ang buong kwento.

And honestly, nakakaturn off sa lahat yung mga taong nagcclaim na professional sila pero kabaliktaran naman ang nakikita mong ginagawa nila :P

Kaya ako meron akong list ng mga dapat iwasan na sellers :P and nishashare ko rin sa mga close friends ko na mahilig mamili online. katulad lang din yan ng "prevention is better than cure". Pero syempre yung list ko is only for those people I care and trusts me din :P especially yung mga kabarkada ko na sa akin humihingi ng advice kung ano or saan okay bumili ng kung ano man hinahanap nila.
Title: Re: Terrible Buyer Album?
Post by: jaymilu_620 on December 16, 2011, 02:23:10 am
Ako online buyer na nascam ako ng gadget freak na yun last june,kaya natakot nako bumili online. Recently nadisappoint kasi yung pinang regalo ko me damage,diko na napapalitan kasi nagalaw na yung tag. Sa ngayon mahirap bumili ng items na di mo nakikita. So safest pa din na kilala mo yung seller talaga. Sana karmahin na yung gadgetfreak
Title: Re: Terrible Buyer Album?
Post by: rianne_mallows on December 16, 2011, 08:35:58 pm
i just saw the thread now..  when i visited sircarl antoine's site wala na yung pic .. cartoon na lang nakalagay
Title: Re: Terrible Buyer Album?
Post by: simplykristine08 on December 16, 2011, 09:42:40 pm
^ yung pic namin sis, wala na?
Title: Re: Terrible Buyer Album?
Post by: rianne_mallows on December 16, 2011, 09:47:34 pm
^oo wala na.. cartoon na lang ng masungit na babae.. tapos walang name mo...  client # 4 lang
Title: Re: Terrible Buyer Album?
Post by: simplykristine08 on December 16, 2011, 11:11:55 pm
^ ah talaga. Try ko icheck. 2 account nya eh. Last time nakita ko, andon pa ko. Anyways, okay na rin kung wala na. Thanks sis!
Title: Re: Terrible Buyer Album?
Post by: ishopnowfeelguiltylater on December 20, 2011, 10:39:08 am
ako naman, as much as possible I try to be a good buyer. kasi for sure busy din naman ang seller, especially if hindi naman talaga yun ang primary source of income nila.

pero minsan panicky din ako pagdi nagrereply. hehe nakakakaba rin.

may isa din naman akong naencounter na seller na siya pa nagfollow up if nareceive ko na, at nung hindi pa, siya pa yung nagworry. hehe

pasalamat din ako dahil puro mababait din ang sellers na naeencounter ko dito sa GT at sa sulit. di ko nafifeel na binebentahan lang ako para kumita sila - kundi tipong, may kailangan ako, at kaya nilang iprovide yung kailangan ko at a certain price, ganun.

sana lahat ng sellers ganito, honest sa mga transactions, online man o hindi. respeto lang sa bawat isa.

Title: Re: Terrible Buyer Album?
Post by: FOURever on December 24, 2011, 10:42:07 am
tumatagal transaction minsan kasi masyado akong maingat. Like, i want to ask the seller (pag sa voucher) kung pwede ilipat sa name ko, ano yung reference numbers at tatawagan ko pa merchants kung valid. Hehe!
Title: Re: Terrible Buyer Album?
Post by: chirochan on December 25, 2011, 08:07:03 pm
ayan eedit ko muna, kapag hindi mo binili ibabalik ko  post ko
Title: Re: Terrible Buyer Album?
Post by: lisse on December 25, 2011, 08:15:05 pm
^oh no sis, why naman what happened and seriously...Christmas?
Title: Re: Terrible Buyer Album?
Post by: chirochan on December 25, 2011, 08:22:27 pm
^yes sis kaninang 6pm lang, edit ko muna post ko pero kapag hindi niya binili within today ibabalik ko post ko, nakakainis christmas pa naman nabogus ako,
Title: Re: Terrible Buyer Album?
Post by: lisse on December 25, 2011, 09:36:33 pm
^awww, sorry to hear that sis. GTalker din ba siya? Sad naman, yaan mo Na, merry Christmas Na LAN siguro sa kanya.
Title: Re: Terrible Buyer Album?
Post by: greenpease05 on February 05, 2012, 03:57:04 pm
Ewan ko kung dapat dito ako mag post or what pero I'll take the liberty of posting it here na din.

This has nothing to do with the issue above ha. =)) Just to clarify.

Nakakaloka lang na may mga joy reservers pa rin up to now.

As in every week nalang may order but never did she settle any of it. As in nakakaloka kasi sa inventory ko pumapasok ang order nya. Pag yung iba umorder wala na silang makitang stock kasi nasa sa kanya  order form na nya. But she never inform me naman kelan siya pay or what 's her plan.

For us sellers we don't wanna be rude to clients dahil  sila ang buhay ng business. PERO naman!!! Kung wala ka naman palang balak bayaran ang nireserve mo inform mo naman yung seller para maibigay nalang nya sa iba yung item di ba?

I don't think I was rude when I sent her a message that her order has already expired. 

5days passed and nothing was said or done so sorry nalang. Tama ba ginawa ko mga sisters?
Title: Re: Terrible Buyer Album?
Post by: _gigles_ on February 05, 2012, 05:38:23 pm
^ may rules or guidelines k na napost of how long ang reservation. Pero para sa akin tama lang yung ginawa mo dahil nakakainis talaga ang mga joy reserver.

Ako as a buyer pinagiisipan ko muna if I really want the item before I contact the buyer ayaw ko sayangin both my time and the buyer's time if hindi ko naman talaga gusto yung item.

As a seller, I see your point na sayang yung chance na baka nabenta na sa iba yung pinareserve niya, sana kung ayaw niya inform na lang niya agad.

May I just suggest if she has been doing this many times, block mo na lang siya. bawasan na lang ang cause ng headache  haha
Title: Re: Terrible Buyer Album?
Post by: calin22 on February 05, 2012, 05:57:22 pm
^^kaloka nga sa GT nga madami ganyan.. yung mga tipong onti ang mga post ang madalas na joy reservers..

I encountered 3 joy reservers in a week.. yung 2 dun nagpareserve binigay pa contacts details at address ng shipping, di naman nagbayad palaging di ang reason di sila makaalis sa office. yung isa pa sabi saken magpaypay siya via BPI after ng ofis. hello! 6pm na ko siya tinext about the payment.. malamang sarado na ang bangko.. unbelievable.

nagbebenta sila sa Beauty bazaar ngayon, active pa yung listing.. 1 girl starts with an M and nickname ends with an Y.. and the other one starts with an L and ends with a E.

Title: Re: Terrible Buyer Album?
Post by: _gigles_ on February 05, 2012, 05:59:07 pm
^name nila yan or nickname?

so far sa GT wala pa ako naencounte na joy reserver - knocks on wood- sa ebay pinakamarami.
Title: Re: Terrible Buyer Album?
Post by: lisse on February 05, 2012, 06:05:39 pm
^^nagbebenta sila sa Beauty bazaar ngayon, active pa yung listing.. 1 girl starts with an M and nickname ends with an Y.. and the other one starts with an L and ends with a E.

sis, hindi naman siguro ako yung isa jan diba? hehe antakot eh!
Title: Re: Terrible Buyer Album?
Post by: calin22 on February 05, 2012, 06:11:40 pm
^sis hindi ikaw syempre "=)

^^GT nickname nila.. Joy reservers yan mga yan.. yung isa dyan tumawad pa nga eh tapos di naman nagbayad.. lolokohin pa ako na after office nalang daw babayaran. di naman ako t**** para malaman na ang office hours lang ng bangko ay until 3pm-4pm lang..
Title: Re: Terrible Buyer Album?
Post by: lisse on February 05, 2012, 06:24:55 pm
^most online sellers na na-encounter ko need ng certain downpayment to reserve and dapat ma-send yung payment let's say, within a day, otherwise i-open ulit nila for other buyers. siguro masyado ka kasing mabait sis :)

tapos yung mga sellers na repeat buyer ako eh hindi na nila ako pinapag-down if papa-reserve ako. they reserve it for me until the day na sabi ko eh babayaran ko. of course kahiyaan na lang kung lalagpas pa ako ng 3 days.
Title: Re: Terrible Buyer Album?
Post by: greenpease05 on February 05, 2012, 06:50:26 pm
I have naman Terms and Conditions ewan ko ba as in super hit ng order tapos di naman magbabayad.

mind you everyweek yan ha.  since January. pero ni ha ni ho wala. usually sa multiply they inform us kung nasend na nila ang infos kung san at paano magbayad after the client hits the submit order di ba?

O 5days na wala pa rin.

Hay life! May iba naman na kala mo sinisilaban ang mga pwet oras na makabayad kung magfollow up ng delivery kala nila pagkasabi nila na nakabaya d na sila eh pwede ko na agad padala items nila.

Antayin naman nila mag reflect sa accunt di ba? AT isa pa alam naman ng mga ito na di lang online selling ang bread and butter nating mga sellers. Feeling nila 24hrs naka online tayo. Waaah!

may 2am may 4am miss call ako at may kasama pang text. sis ship mo na ba item ko today?

Sabi ng asawa ko "Alam ba ng mga taong yan na TAO din ang kausap nila? at may karapatan din matulog? bwahahahahah!



 
Title: Re: Terrible Buyer Album?
Post by: _gigles_ on February 05, 2012, 06:57:23 pm
^if you can block mo na lang yun sis. sayang lang siya sa oras haha

ang dami din ako naeencounter na pagkabayad pa lang expect nila may teleport machine ka at nasa kanila na agad yung item. idk if they're really just that dense or just that excited. Either way gamitin naman nila common sense nila, but sad to say common sense is not so common anymore. lol
Title: Re: Terrible Buyer Album?
Post by: lisse on February 05, 2012, 07:19:59 pm
^ sis, sa sobrang common nawalan ng sense, lol!
Title: Re: Terrible Buyer Album?
Post by: greenpease05 on February 05, 2012, 07:24:53 pm
Sabi ko nga sa twitter. Gusot ko yan ang give away ko. SENTIDO CUMON. Nyaaah!

Sorry if I sounded so bad. pero alam nyo na why. =))
Title: Re: Terrible Buyer Album?
Post by: trishpassing on March 08, 2012, 01:43:18 pm
Beware and share this para makatulong na din.

http://www.ripoffreport.com/cellular-phone-companies/mark-joseph-rapisura/mark-joseph-rapisura-renomeron-20b62.htm (http://www.ripoffreport.com/cellular-phone-companies/mark-joseph-rapisura/mark-joseph-rapisura-renomeron-20b62.htm)
Title: Re: Terrible Buyer Album?
Post by: mrs.jack sparrow on March 09, 2012, 09:56:36 pm
on ebay i expect more etiquette and reason from buyers...till this woman.

sharing ..

ebay name:       epitogo
email:               emz_cebu@yahoo.com
Emma Salde
Lot 32, Block 1, Summerville Subdivision,, CotCot, Liloan, Cebu
Cebu

she bought it 5th March..8th March na nagreply that she will PROBABLY PAY NEXT WEEK.. AND WILL JUST EMAIL ME.. saang tribu sya nanggaling...i did say freakin 3 days wait time for payment..i did send invoice and email reminders aside from the auto invoice of ebay..i did provide my celphone number..di man makaresponse agad tapos wala pang masabing definite date of payment. duh. ignorante.


Title: Re: Terrible Buyer Album?
Post by: calin22 on March 09, 2012, 10:30:48 pm
^mostly na nakakatransact ko na irresponsible are non-manila area..

cebuana din yung isang nakatransact ko na sobrang nainis ako..
krizzy04 ng GT.. reserved the item, i even gave her almost 4 days extension.. nung araw na magbabayad.. sasabihin pa na palakad na siya.. after that di na nagparamdam.. until I msg her dito sa GT.. pero she apologize naman na.. kaso kakairita kailangan ko pa siya ipm sa GT para magreply lang saken. GOSH.. so irresponsible but then again.. i told her na kalimutan nalang pero for her honestly nawala na ang trust ko sa kanya..
Title: Re: Terrible Buyer Album?
Post by: sakura_bloom on March 27, 2012, 03:36:12 pm
May mga high maintenance buyers.. Parang walang life ang mga sellers sa mga demands nila.. like b*********** and k*******
Puro tawad.. tapos biglang mawawala.. hindi ka man lang sabihan...
Title: Re: Terrible Buyer Album?
Post by: ladychris17 on April 12, 2012, 12:06:41 am
Kakasimula ko lang ng business dami na agad sakit sa ulo haha di ko maintindihan, maayos naman kausap yung iba. Ako naman maayos din naman ako kausap pag bumibili ako sa bakit ako nagaganito haha oh well business is business.
One thing I learned. And fast. Seller ang hinahabol, hindi humahabol.
Title: Re: Terrible Buyer Album?
Post by: chirochan on April 12, 2012, 12:16:25 am
naku sis ladychris buti nga wala pang super haggler na buyer, yun ang masakit sa ulo hehe
Title: Re: Terrible Buyer Album?
Post by: sakura_bloom on April 12, 2012, 12:22:14 am
Tama! Ako rin, I just started selling in GT this year and GRABE. Dami na hassle. Mga bogus buyers & Joy reservers. Lalu na yung text ng text, inquire ng inquire, haggle ng haggle tapos biglang mawawala.
Grrrrrr!!!  >:(
Title: Re: Terrible Buyer Album?
Post by: ladychris17 on April 12, 2012, 01:19:28 am
^ di pa ako nakaencounter ng ganyan sis sakura buti na lang haha pero hindi din kasi pumapayag sa tawad eh. Okay lang naman saakin na di kunin kaso sana magsabi at wag todo haggle. Well okay lang naman mag haggle kasi sagad na presyo ko so di talaga ako papayag kung di reasonable pero ang nakakainis kasi yung tipong ang kulit sa haggling kasi di ka nga pumayag kulang na lang magmakaawa wahaha! Habulin pala maging seller ano ba itong pinasok ko haha
Title: Re: Terrible Buyer Album?
Post by: sakura_bloom on April 12, 2012, 01:35:39 am
^Tama sis ladychris17! Feeling ko epekto ito ng pagiging impulsive buyer on my part.
Haaayyy.. Parang gusto ko na nga magpalit ng # sa kakatanong tapos wala nitong si Joy reserver..

^^Tapos ito pa, naka BOLD letters na nga yung instructions sa top of the page, hindi binabasa, tanong ng tanong, kainezzzz  >:(
Title: Re: Terrible Buyer Album?
Post by: Antigone on April 14, 2012, 09:11:14 am
Naku mga sis, I know someone, may nag ask if pwedeng hulugan yung blush ng three gives! So maswerte pa kayo! :)
Title: Re: Terrible Buyer Album?
Post by: greenpease05 on April 14, 2012, 11:58:42 am
ang nakakatawa pa eh super haggle tapos pala di kukunin. O da va mas nakakalurky yun? =))
Title: Re: Terrible Buyer Album?
Post by: ladychris17 on May 14, 2012, 01:31:12 pm
Naku mga sis, I know someone, may nag ask if pwedeng hulugan yung blush ng three gives! So maswerte pa kayo! :)

Ngayon ko lang nabasa pero natawa ako dito hahaha.

Ako naman minsan walang pambili ng gusto ko na makeup, so ang gagawin ko pag wala siya sa busget eh pagiipunan nalang kung indi makabil sa BB edi brand new, basta maipon first ayoko kasi ng utang. Kahit sa pre-order I usually deposit the whole payment na agad para less hassle. Pwera lang siguro kung bagong seller medyo alanganin pa mag pay in full agad.
Although totoong minsan tinitipid ko sarili ko para makabili ng madaming magandang mukap hindi ko naman ipinipilit kung di ko kaya na tipong 3 gives pa hahaha
Title: Re: Terrible Buyer Album?
Post by: sakura_bloom on June 03, 2012, 01:23:45 am
^May nag-alok din sa akin ng hulugan dati. Speechless ako.  >:(
Title: Re: Terrible Buyer Album?
Post by: greenpease05 on June 10, 2012, 07:03:40 pm
kamusta naman yung oorder daw ng isang kilong pout paint para ipadala ko sa Bansang suto nya. pakilo ko na daw sa DHL para mabayaran agad nya. daming tanong abount the item at iba pang producto.

porcelana daw ng skin nya so shokot siya baka daw magpaderma pa siya pag natry siya ng ibang product other than her GUERLAIN.

umpisa palang neto duda na ako pero sige lang carry ko pa. Nung sabihin ko ang kung magkano ang bill nya. Ayun na biglang nag laho parang kampupot!

Pag puro hangin nga naman ang nakatapat mo. =))
Title: Re: Terrible Buyer Album?
Post by: chirochan on June 10, 2012, 07:21:24 pm
^ kakaloka yan sis. Kkhit 1 pout paint di binyaran kilo pa gusto hehe
Title: Re: Terrible Buyer Album?
Post by: isha17 on June 10, 2012, 07:49:40 pm
i have buyers naman,super delayed payment,na aabot na ng 3-5 days from the date they promise to pay,tapos pagtapos nila magbayad, tanong agad kung bukas daw ba makukuha na nila. Its just irritating kase,pag sila na naghihintay,super madali sila.
Title: Re: Terrible Buyer Album?
Post by: calin22 on June 11, 2012, 01:37:27 am
Hirit lang ako for terrible buyer album.
experience ko lang dito sa GT.. daming BUYER/SELLER na mahilig tumawad/last price pero pag sa kanila naman bibili, bawal. hehe.. oh well..

saken lang naman payag ako sa tawad specially to those na nakatransact ko at natatawaran ko din.. kaya for those na nagoffer ako ng tawad sa items nila.. sure yun pag nagkatransact nila ako.. pwede ang tawad.. pero for those na seller na mahal magpresyo at mahilig tumawad.. goodluck! hehe
Title: Re: Terrible Buyer Album?
Post by: k_heart on June 11, 2012, 10:33:09 am
^ha!ha!ha! tama at naka-indicate pa yun dun sa thread nila.he!he!
Title: Re: Terrible Buyer Album?
Post by: Antigone on June 28, 2012, 07:46:58 am
Mga "mahiyain" masyado yung mga yun sis ali and sis calin!
Title: Re: Terrible Buyer Album?
Post by: runawaywithyou on June 29, 2012, 07:32:39 am
Kahit nga sobrang mura na ng item, sige pa din sa pagtawad. Natatawa na lang ako pag ganun eh  ;D
Title: Re: Terrible Buyer Album?
Post by: Antigone on June 29, 2012, 07:48:17 am
Pano naman yung buyers na bibilhin sa yo yung item, gagamitin nila, pagpost aba mas mahal pa at biglang dumami ang laman! hehe! Kung binili kunwari sa yo ng 2x used, after nila i-rave sa threads post nila ng same price o mas mahal tas 2x used pa din! :)
Title: Re: Terrible Buyer Album?
Post by: runawaywithyou on June 29, 2012, 09:07:31 am
Baka nakalimot, akala hindi nila ginamit? Ha ha ha!
Meron pa magtatanong kung authentic at kung ano ano pa. Ok lang yun kasi gusto nila makasiguro bago sila bumili. Ang kaso, biglang nag iba ihip ng hangin at ibang item na hinahanap. Kung ano yung wala sa list mo, yun ang pilit hinahanap sa yo.

Nakakaaliw minsan kaso pag madalas na, medyo nakakakunsumi  :P
Title: Re: Terrible Buyer Album?
Post by: greenpease05 on July 06, 2012, 08:39:52 pm
^ O di ba nakakarealte ako dyan sister. hahaha! natatawa nalang ako pagnakakita ako ng mga ganyang gawain.

At naiinis naman dun sa kung ano ang wala siyang hinahanap sa yo. Pag andito na yung hinahanap nila. Deadma ka at parang wala lang nangyari. =/ 
Title: Re: Terrible Buyer Album?
Post by: schnidthz on July 17, 2012, 04:01:59 pm
pwede ba dito terrible seller?
Title: Re: Terrible Buyer Album?
Post by: shopaholicforkids on July 21, 2012, 04:01:49 pm
i have buyers naman,super delayed payment,na aabot na ng 3-5 days from the date they promise to pay,tapos pagtapos nila magbayad, tanong agad kung bukas daw ba makukuha na nila. Its just irritating kase,pag sila na naghihintay,super madali sila.

sooooo true   ;)
Title: Re: Terrible Buyer Album?
Post by: ladychris17 on August 01, 2012, 12:07:26 am
Hahaha nakarelate ako sa lahat ng mga sinabi dito. Basta ako, hindi nalang ako nagpapa apekto sa mga ganyan, nung una nakaka asar talaga, pero kung papa apekto ikaw din talo. Kaya deadma nalang. Haha
Title: Re: Terrible Buyer Album?
Post by: sakura_bloom on August 08, 2012, 10:59:11 am
Tamaaaa. Delayed na nga magbayad tapos aborido makuha agad yung item, tipong kakabayad mo lang ha? Kuha na agad? Excited? Ikaw na Xend???
Title: Re: Terrible Buyer Album?
Post by: CmomS on September 04, 2012, 05:03:38 pm
may buyer din ako sis as in super haggle siya. then nung masagad nya nag-ask pa kung wala daw ba akong freebie?  :o  Super haggle na may freebie pa. san ka pa. Tapos ang ending di naman pala bibili.
Title: Re: Terrible Buyer Album?
Post by: sakura_bloom on September 05, 2012, 07:49:40 pm
Joy Reserver
Jeni codilla
las pinas city, Metro Manila
Title: Re: Terrible Buyer Album?
Post by: calin22 on September 06, 2012, 11:59:34 am
^ay sis bakit anong nangyari sa joy reserver na yan?
Title: Re: Terrible Buyer Album?
Post by: rhumbafrapp on September 12, 2012, 04:52:45 pm
Hay mga sis, nagkaroon ako ng terrible buyer recently, nakakaloka talaga

Kanino ba responsibility yun pagtrack? Buyer or seller?


Ranting lang, kapal ng face nietong gtalker. So terrible na buyer talaga
Title: Re: Terrible Buyer Album?
Post by: calin22 on September 12, 2012, 05:13:50 pm
^nagkaron na din ako ng issue na ganyan.. hahaha
paiba iba utak ng nung girltalker na yun.. irita.. kasalanan ko daw na di makita ng xend ang address niya! eh tama naman yung address.. ahaha. kaloka!

starting with "S" ba ang real name niya?
Title: Re: Terrible Buyer Album?
Post by: rhumbafrapp on September 12, 2012, 05:24:45 pm
^hi sis. Hindi is, K, pero kainis talaga yun super
Title: Re: Terrible Buyer Album?
Post by: greenpease05 on September 14, 2012, 12:16:18 am
sa kin nakakatawa lang kanina. may sale aketch  nagtanong last price na daw ba ang item. kako waley na join force ka nalang sa sale 15% of  sali naman daw siya.

maya maya sabi eh baket daw siya sinisingil ng shipping eh naka 400plus naman daw siya. SAbi ko taga MM ka ba?  Sagot nya Hindi.

Ayun kako kaya may shipping ka , sagot sa kin di bale nalang. =))

Sa utak ko: kasalanan ko pala na di ka taga MM? hahahahah!

Bakla naka- SALE na gusto mo pa free shipping. napataumbling naman aketch.
Title: Re: Terrible Buyer Album?
Post by: ifly2shop on September 21, 2012, 01:08:06 am
and funny naman sis greenpease05!  ;D
Title: Re: Terrible Buyer Album?
Post by: sakura_bloom on September 30, 2012, 12:40:03 am
Joy Reserver
excel maria castro
marikina, Metro Manila 1567
Title: Re: Terrible Buyer Album?
Post by: calin22 on September 30, 2012, 09:39:04 am
^sis, hmm sis better dont post her name here sa terrible buyer sis..kasi di pa naman siya bumili sayo, no money transaction pa meaning di mo pa siya buyer. maybe check din sis kung may thread for joy reservers.  ;) just my 2 cents
Title: Re: Terrible Buyer Album?
Post by: sakura_bloom on September 30, 2012, 12:49:29 pm
^I see.
Title: Re: Terrible Buyer Album?
Post by: shopaholicforkids on October 03, 2012, 02:04:34 pm
in line with the Cybercrime Law where you can be charged with libel with whatever you say/do online, we've removed our bogus buyer pictures.  we don't want the hassle of having to deal with them again considering they are just bogus buyers.  but we definitely took note of their names, pictures, and accounts so we won't have to deal with them as buyers again.

there's this one buyer from facebook who reserved then cancelled after 2 weeks with a lame excuse, only to resurface in our multiply account after a few weeks using an email.  then when we researched that email, we found their account in facebook with a name "...thedevil"....definitely a bogus buyer   >:(
Title: Re: Terrible Buyer Album?
Post by: sakura_bloom on November 01, 2012, 12:34:48 am
I don't get it when buyers or potential buyers ask if items are "available" or details like "how much" etc. When the fact is it's already WRITTEN. They just have to READ it.
Major pet peeve.
Title: Re: Terrible Buyer Album?
Post by: ladychris17 on November 01, 2012, 06:41:02 pm
I have dealt with joy reservers na minsan 2 weeks naka reserve or more, di naman pala bibilhin. Ang luwag ko kasi yata talaga sa policies eh. Pero di ko nalang pinapansin, nakakabenta padin naman ako. So keri lang, konsensya nalang nila yun or bahala na si Lord haha

^ sis sakura, yung available,mmedyo understandable pa kasi madami nga naman sellers na di agad agad naguupdate ng info. Pero yung how much, kainis nga yan haha
Title: Re: Terrible Buyer Album?
Post by: sakura_bloom on November 01, 2012, 10:17:14 pm
^Ako kasi laging updated so siguro conundrum yun talaga sakin.

Sa joy reserves nakakainis kasi yung items mo reserved indefinitely ni hum ni ha walang contact. Tapos may mga may gusto ng items hindi ma maka move kasi hindi mo alam kung kukunin ba nila or not.

I have experiences kasi na walang contact si buyer for 2weeks so I cancelled na. Tapos paid na pala. Hindi nagregister kasi cancelled na. I was the one who sorted out the mess. Super busy pa ako sa school and social life ko. Minsan nga parang distraction sa pag-aaral ang pagbebenta ko.. Pumapasa pa rin naman ako pero my grades aren't as high as usual coz I juggle things. Mahirap talaga kumita or in my case malugi ng konti or breakeven man lang! haha.
Title: Re: Terrible Buyer Album?
Post by: ladychris17 on November 02, 2012, 09:03:20 am
^ well at least you still have a social life! Haha it helps na may taga ayos or pack ka ng gamit. Saakin iba yung nagpapack at nagpapadala. Sa technicalities lang ako. Lagi din akong updated, pero naiintindihan ko naman yung mga nagtatanong ng updated.

Chaka beofre I cancel any transaction with joy reservers I contact them muna kung kukunin pa ba or hindi na kasi kung hindi icacancel ko na dahil super nagexceed na sila sa Policy ko of 3-business day reservation. I give them a 24 hour or minsan pag weekend 48 hour warning pa to respond. Pag wala talaga chaka ko icacancel. :)

Naalala ko tuloy dati mag exceed lang ako ng one day sa alotted time pag bumili ako hiyang hiya na ako. Narealize ko ngayon, I'm such a good buyer pala haha.
Title: Re: Terrible Buyer Album?
Post by: Antigone on November 02, 2012, 11:00:47 am
Ako naiinis ako dun sa buyers na kakabayad lang ngayon, gusto i-ship din ngayon. Hello, me trabaho po ako no?

Parang inconsiderate lang. Lalo na yung antatagal na nga magbayad, pagkabayad totoxicin ka na iship mo na right there and then.
Title: Re: Terrible Buyer Album?
Post by: Lynxette on November 02, 2012, 12:03:08 pm
@sakura_bloom I have the same pet peeve with buyers who don't bother to read the description. Andun yung price, andun yung description, I already said I don't accept haggling ayun, nangungulit pa rin.  >:(

I also have a pet peeve as a buyer with sellers who don't bother to provide adequate information to their products.

Title: Re: Terrible Buyer Album?
Post by: Antigone on November 02, 2012, 12:05:29 pm
Another pet peeve, yung buyers na sobra mag haggle akala mo nasa talipapa. Or oofferan ka ng kung ano ano for swap kahit specified na no swaps and no haggling.
Title: Re: Terrible Buyer Album?
Post by: runawaywithyou on November 02, 2012, 01:39:15 pm
Ang dami kong buyer na nakakakunsumi.
Minsan di ko na lang pinapatulan kasi kung babasahin ko itong thread e parang sya din yung nirereklamo ng iba.

Kaya tingin ko ugali na nya talaga ang pagdedemand at pag imbento ng kung ano ano.

Pero dahil sa madaming beses na syang ganyan, hindi na sya makakaulit sa akin  :P
Title: Re: Terrible Buyer Album?
Post by: Lynxette on November 02, 2012, 01:55:55 pm
better to have less stress and no sale than a sale pero grabe naman stress mo para makabenta sa isang tao lang :P
Title: Re: Terrible Buyer Album?
Post by: runawaywithyou on November 02, 2012, 02:11:52 pm
^Agree ako sis!

Naalala ko, may buyer ako dati sabi isend daw nya muna half nung total nya tapos kung pwede daw ba dalawang hulog yung remaining balance. Bumbay lang???

Nakakaloka yung iba!
Title: Re: Terrible Buyer Album?
Post by: k_heart on November 02, 2012, 02:50:18 pm
^he!he!he! Nakakatawa naman yun sis! Eh how about yung mga sellers na demanding pero pag sila naman ang buyer, ang sakit din sa bangs! Sana i-apply din nila sa sarili nila as buyer,yung dinedemand nila as seller. ha!ha!
Title: Re: Terrible Buyer Album?
Post by: Antigone on November 02, 2012, 02:56:20 pm
^AGREE!!!
Title: Re: Terrible Buyer Album?
Post by: k_heart on November 02, 2012, 03:14:45 pm
^ha!ha!ha! alam na sis! : )
Title: Re: Terrible Buyer Album?
Post by: k_heart on November 02, 2012, 03:17:13 pm
^naku, naalala ko na yung sinasabi ni Sis Zai. Di na ako magbibigay ng clue. ha!ha!
Title: Re: Terrible Buyer Album?
Post by: runawaywithyou on November 02, 2012, 03:20:36 pm
^Alam na sis! Hahaha!

Hay naku, ewan ko nga ba. Minsan nga natatawa na lang kami ni chel.
Title: Re: Terrible Buyer Album?
Post by: Lynxette on November 02, 2012, 03:21:29 pm
I'm demanding as a buyer. But usually, it's for information on a product. Hindi kasi ako marunong tumawad  :P

As a seller, I think I'm very accommodating to honest questions. Minsan pa nga, I think I overloaded my client with too much info  ;D

I try to provide the best service I can kasi I'm an online seller . I know it's difficult for someone to trust somebody they can't see (or even face to face). Scammers are everywhere, unfortunately.
Title: Re: Terrible Buyer Album?
Post by: Antigone on November 02, 2012, 03:27:58 pm
hehe! APIR!

Feeling ko, sila sila din tong mga topic natin dito. :D
Title: Re: Terrible Buyer Album?
Post by: ladychris17 on November 02, 2012, 04:27:05 pm
Uy girls ako ba yan? Sorry na! Hahahahahahaha pero natawa ako ng sobra don sa kwento ni Zai na tatlong hulog ah winner yin wala pa akong na-encounter na ganon. Nakangiti ako tuloy mag isa mukhang ewan hahaha
Title: Re: Terrible Buyer Album?
Post by: Lynxette on November 02, 2012, 04:29:37 pm
okay lang naman sa akin ang hulog hulugan. As long as napag-usapan before not after  ;D
Title: Re: Terrible Buyer Album?
Post by: runawaywithyou on November 02, 2012, 05:55:30 pm
^Sis, wala nga sa usapan namin yun eh. Basta naimbento na lang nya sabihin. Kasi medyo matagal ng nakareserve sa kanya yung item. Tapos nung ininform ko sya na icancel na lang dahil di naman sya makakapay pa, ayun binalak akong gawing bumbay, hehe.

Tin, ako din pag naaalala ko natatawa ako eh. Kasi ba naman, akala yata nya may binebenta din akong payong at kumot. Bumbay!
Title: Re: Terrible Buyer Album?
Post by: Antigone on November 02, 2012, 06:00:30 pm
Hay naku ako me super terrible buyer na sa inis ko e gusto ko na lang ibigay sa kanya yung item ng matahimik na sya. :))

Grabe!
Title: Re: Terrible Buyer Album?
Post by: runawaywithyou on November 02, 2012, 06:13:23 pm
^Yan ang winner bakla! Parang ang gusto buy 1 take 1 no?
Title: Re: Terrible Buyer Album?
Post by: Antigone on November 02, 2012, 06:18:39 pm
^Sobrang panalo, bakla. Gusto pakabig lahat! O sige, iyo na! :))

Jusmio. Never again.
Title: Re: Terrible Buyer Album?
Post by: runawaywithyou on November 02, 2012, 06:22:00 pm
Blocklisted, hehe!
Title: Re: Terrible Buyer Album?
Post by: greenpease05 on November 02, 2012, 11:26:55 pm
O eh kamusta naman yung 150 n nga lang eh gusto free shipping pa? Hingiin na lang kaya? =P

yung isa naman sa halagang 500 petot deliver ko daw sa QC ang item nya. Eh sa toll palang talo na ang ganda ko! =P
Title: Re: Terrible Buyer Album?
Post by: ladychris17 on November 03, 2012, 01:05:23 am
^ HAHAHA tapos gas mo 500 din! Kaya ako I never do meetups unless super need na, like one time I offered a client na meetup sa malapit sakanya dahil same kaming QC, ireregalo niya daw for her sisters birthday which is the day after, bilang 6k worth din naman ang item. Pero siya mismo nagsabi wag na daw aabot naman daw siguro. Hehe! Diba, sellers will be nice naman kung the buyer is also nice and within reason.

Yung iba gusto nila icheck kung authentic, which I understand naman kaso wala akong time and lugi pa if isang lipstick lang kukunin mahal pa gas. Kaya minsan kung doubtful sila sa authenticity edi wag nalang. :D
Title: Re: Terrible Buyer Album?
Post by: sakura_bloom on November 03, 2012, 01:38:17 am
^Tama. Kung doubtful sila sa authenticity wag na lang.
Yung iba 79 pesos item na nga meet-up pa? Gagastos pa ng pamasahe to meet. Eh di ship na lang.
Less stress.
Title: Re: Terrible Buyer Album?
Post by: Antigone on November 03, 2012, 05:16:52 am
Ako never ako nakipag meet up. Me time na pinickup yung items sa place ko, yun pwede, pero yung meet up di talaga ako pumapayag kasi busy ako at erratic sched ko.
Title: Re: Terrible Buyer Album?
Post by: _gigles_ on November 03, 2012, 09:40:51 am
Ako ayaw ko na rin magmeet up dahil minsan nakakainis paghihintayin ka ng sobrang tagal. Dadating 1 hour or so late pag tatanong mo kung saan na sasabihin malapit na.
Title: Re: Terrible Buyer Album?
Post by: SnowBall on November 05, 2012, 07:16:37 am
Until now, nasa album pa din ni Sircarl colection II yung threadstarter, parang off naman yun, na wanted ka dahil lang sa hindi nagkaintindihan.



For me lang, as a buyer din online, walang karapatan ang mga sellers na maggawa ng "terrible buyer" album, kasama yun sa negosyo, nasa sales din kami, hindi nga lang online, we have a store of garments, and talagang madami diyang buyers na pasaway, matanong, makulit, masungit, feeling donya, feeling bibili ng tao etc. etc., naku, lahat ng tao nakasalamuha na namin, pero at the end of the day, potential costumers pa din sila.

And I agree sa isang post dito, na kung may "terrible buyer" album ka, ibig sabihin lang, hindi ka pwedeng maging seller, dahil hindi mo kayang i handle ang mga potential costumers mo ng maayos, kasama yun eh, negosyo yan, hindi paraiso.

Unless na scam ka, na impossible naman yun, since sa mga online shops, bayad ka na bago mo i-shi ship ang items diba? Kaya kung hindi ka naman na scam, at kasamaan lang ng ugali ang na experienced mo, just let it go, isipin mo na lang, good karma yun for you. :)


Bilang isang seller naman, minsan nagbebenta din ako ng mga used things namin sa sulit, kailangan maintindihan natin yung iba, na natatakot o mga tamang duda palagi, kasi aminin natin, hindi naman talaga "safe" place ang online market, madami diyan mga scammers, so dapat naiintindihan natin yun.

Yung sa mga nagtatanong naman ng price kahit nakasulat na, nabasa nila yun, ang gusto lang nila ng "evidence" o assurance, na tama yung nabasa nilang price, kasi ang text mo sa kanila, hindi mo kayang i-edit.


Sa issue naman ng "gusto i-ship agad" o "gusto nakasagot agad hello may work ako" dapat kasi may rules kayo o announcement sa website ninyo na:

- yung timeframe ng pagbabayad at shipment, kung ilang days ba after payment
- yung announcement na working moms kayo so huwag mag expect na agad agad masasagot ang texts at calls, hindi naman kasi alam yan ng mga buyers ninyo, minsan yung iba, akala nila nakatutok lang kayo online at walang ibang work.

Pag na ship naman, paki text naman yung tracking number at courier. Madami akong sellers na 2 days na hindi man ako i text kahit na i ship na daw pala, kung hindi ko pa tatanungin kung ano yung tracking no., na hello? Responsibilidad mo na i -update ang buyer mo, lalo na kung shipment, kasi nga, madami diyan scammers, pagkabayad, hindi mo na ma contact.



Pwedeng magkaroon ng terrible seller, kasi kayo ang pumili na mag negosyo, mag offer ng products and services, so pwede kayong i-review ng mga mag pa patronized sa inyo, pero ang terrible buyer? Again, kasama sa negosyo yun, iba iba kasi ang ugali ng costumers na makakasalamuha ninyo, learn how to let go kung kasamaan lang ng ugali :)





Title: Re: Terrible Buyer Album?
Post by: runawaywithyou on November 05, 2012, 08:18:52 am
^Sis, ok lang naman siguro na gumawa ng "Terrible Buyer" album, para lang ma-warn yung ibang sellers din.

Yung sa hindi pwedeng maging seller dahil may terrible album buyer, sa tingin ko hindi naman.
Sa experience ko, maayos ko naman natatapos mga transactions ko sa mga terrible buyers. Bumabalik balik pa nga sila kasi pinapalampas ko yung mga ganung attitude nila. Kaso pag pangatlo, pang apat na beses na e teka lang. Time out muna ;D

Title: Re: Terrible Buyer Album?
Post by: k_heart on November 05, 2012, 09:01:48 am
^ ha!ha!ha! Mabait naman akong seller at wala akong terrible buyer album but i don't blame also others na magkaroon ng ganyang album kasi madami din talagang buyers from hell???? ha!ha!
I mean, like you sis zai at ako, na past time lang naman ang pagbebenta at para lang din hindi masayang ang ibang beauty products at usually bargain prices talaga, may times talaga na masarap sabunutan yung ibang buyers kasi mga abusado na. (pero mabilis kami ni sis zai magship ha,he!he!)
At to escape those buyers, nakikipa sell na lang ako,buti may mabait na GT sis who always say yes to my request.
Title: Re: Terrible Buyer Album?
Post by: Antigone on November 05, 2012, 09:09:19 am
hehe! Ako din mabilis mag ship. The next day pagka confirm ng payment. Kung ma late man eh dahil lang ke Mamang Xend. Yung nirereklamo ko na gusto ship agad yung tipong ilang araw bago magdeposit, lolokohin ka pa ng date ng deposit minsan eh! hehe! Tas pagka deposit, gusto ship agad.

Gets ko naman yung point na bahagi ng selling yan, pero naghihimutok lang. Pa express lang ba ng sama ng loob! hehe!

At hay naku, bagsak presyo na kami nila zai at ali magbenta, kaya nakaka asar lang pag tatawaran ka ng sobrang patawa.

Pero yun nga, nage express lang ng inis! :) siguro naman pwede naman yun. hehe!
Title: Re: Terrible Buyer Album?
Post by: k_heart on November 05, 2012, 09:15:51 am
^ha!ha!ha! Pwedeng pwede  sis Chel. In fairness, wala naman tayong any clues kung sino sila, the others naman,manhid lang ang template.ha!ha!
Nasobrahan na siguro ng apply ng lipstick gaya ko.he!he!
Title: Re: Terrible Buyer Album?
Post by: Antigone on November 05, 2012, 09:18:34 am
Oo eksakli. Wala naman pangalan. Jusme kung ikukuwento ko lahat ng experience ko sa buyer na yun, matatawa ka na lang talaga sa inis :)) akwali, iilan lang naman silang ganyan kaso panalo pagka consistent nila. Parang goal talaga nila  na halos hingin nila yung item mo hehe!

Dahan dahan lipstick sis Ali baka mauna na lips mo maglakad kesa sa yo! :)
Title: Re: Terrible Buyer Album?
Post by: runawaywithyou on November 05, 2012, 09:23:27 am
Manhid lang ang template, ha ha ha!

Meron naman kasi minsan, magtetext ng ala una ng madaling araw, o kaya alas dos. Yung tipong nananaginip ako ng maganda tapos magigising ako sa text na- sis, last price na ba talaga yung ganito, ganyan...naku naman! Pwede naman i-pm sa akin. Nakikita naman kung online si seller.

At hindi pa yun ha. Pag di ako nakareply (shempre itutuloy ko panaginip ko) magpaparing sya. Paano naman yun?
Title: Re: Terrible Buyer Album?
Post by: ladychris17 on November 05, 2012, 09:45:41 am
Pagka napapagod ako gusto kong binibisita ang thread na to, because it is exactly the reminder na hindi lang ako ang nakaka-experience ng mga ganitong bagay at part to ng selling. It helps to just laugh about it. I don't think naman na may nagtatanim dito ng galit over thlose experiences as opposed sa frustration and anger ng nascam.
Title: Re: Terrible Buyer Album?
Post by: runawaywithyou on November 05, 2012, 09:50:10 am
^Korek Tin. Di naman nagtatanim ng galit. Tinatandaan lang yung experience para alam na kung paano sila dapat i-handle next time. Iba ibang approach sa iba't ibang tao. Pero sana maging considerate din naman yung mga buyers para parehong happy sa transaction  :D
Title: Re: Terrible Buyer Album?
Post by: runawaywithyou on November 05, 2012, 09:51:56 am
Tin, ako din pag nagagawi sa thread na to natatawa ako. Lalo na dun sa gusto ako gawing bumbay  ;D

Pero nagtetext pa din sya sa akin. Sinasagot ko pa din naman.
Title: Re: Terrible Buyer Album?
Post by: greenpease05 on November 05, 2012, 01:56:01 pm
^ HAHAHA tapos gas mo 500 din! Kaya ako I never do meetups unless super need na, like one time I offered a client na meetup sa malapit sakanya dahil same kaming QC, ireregalo niya daw for her sisters birthday which is the day after, bilang 6k worth din naman ang item. Pero siya mismo nagsabi wag na daw aabot naman daw siguro. Hehe! Diba, sellers will be nice naman kung the buyer is also nice and within reason.

Yung iba gusto nila icheck kung authentic, which I understand naman kaso wala akong time and lugi pa if isang lipstick lang kukunin mahal pa gas. Kaya minsan kung doubtful sila sa authenticity edi wag nalang. :D

Tama. if only most of the online buyers are considerate and have the common sense like your client. Masaya akong makikipag transact da va. =))



add ko lang sa pagkakaron ng terrible buyers ek ek.

there's no harm in venting our inis at times sa mga pasaway na buyers natural yun at kasama yun sa negosy as we say.

kahit mga buyers ganyan din naman. not that I'm always okay sa pagra rant ha kasi ako di ako mareklamong tao. My Patience can go for miles but there are some clients lang talaga that can really push your "inis button".

I've been in sales for years and I've encountered face to face , online clients from all walks of life kahit na mga super primadona pero deadma sa mga inarte nila kasi kasama nga sa negosyo yan. Given na. Pero aminin man natin o hindi may time na talagang nakakapikon lang at gusto lang nating mag vent out  ng BV para syempre mapalitan ng GV.So next time we know na how to handle. Karamihan nga sa tin na matagal na si biz na to ang totoong reaction is iniinis na natatawa nalang ( walang halong galet). =)

but one thing for the album sa fb or multi I'd rather not show . Gumawa nalang ako ng private album. =P

 

 
Title: Re: Terrible Buyer Album?
Post by: Antigone on November 05, 2012, 01:58:37 pm
hehe! Ka-cute talaga ng ibang buyers no?!  Minsan gusto ko tanungin, gusto mo iyo na? :))
Title: Re: Terrible Buyer Album?
Post by: SnowBall on November 05, 2012, 01:58:59 pm
^Sis, ok lang naman siguro na gumawa ng "Terrible Buyer" album, para lang ma-warn yung ibang sellers din.

Yung sa hindi pwedeng maging seller dahil may terrible album buyer, sa tingin ko hindi naman.
Sa experience ko, maayos ko naman natatapos mga transactions ko sa mga terrible buyers. Bumabalik balik pa nga sila kasi pinapalampas ko yung mga ganung attitude nila. Kaso pag pangatlo, pang apat na beses na e teka lang. Time out muna ;D




Hi sis, I know it's your opinion, so I agree to disagree. :)

Hindi lang tama for me yung "terrible buyer" album na may complete name, at picture pa, na hello? Na scammed ka ba? Like sa nangyari kay TS, hindi naman naloko yung si Sircarl, para gawing wanted si TS. That's so unfair.

Gaya ng sabi ko sis, nasa sales din kami, halos everyday, meron kaming "terrible buyer", pero hindi kami nagpopost o gumagawa ng album sa FB, o sa kahit anong online, o kahit anong warning sa ibang seller, yung bad transaction, kung naging bad sayo, doesn't automatically mean eh bad na din sa iba.

Ganun ang paniniwala namin, good karma yun sa amin, yung sungit sungitan kami ng buyers, naku, balik din sila ng balik kahit masungit, buhay pa din ang negosyo, potential clients pa din  ;D

Just sharing my thoughts as a buyer and a seller. No plans naman to convince any seller na sundin ang paniniwala ko, nasa isang seller na yun kung paano niya iha handle ang business niya, hindi naman ako ang nawawalan ng costumers kung sakali :)

Title: Re: Terrible Buyer Album?
Post by: runawaywithyou on November 05, 2012, 02:15:06 pm
^Agree ako dyan sis. Pag nascam dun lang pwede ilagay details nung buyer. Pero pag mga nang aasar lang o nangungulit, wag naman. Magkaiba kasi yung itinakbo yung pera mo dun sa kinukulit ka lang palagi.


Title: Re: Terrible Buyer Album?
Post by: greenpease05 on November 05, 2012, 02:16:28 pm
hehe! Ka-cute talaga ng ibang buyers no?!  Minsan gusto ko tanungin, gusto mo iyo na? :))

sobra....
Title: Re: Terrible Buyer Album?
Post by: Antigone on November 05, 2012, 02:41:46 pm
Sis Snowball, ang galing mo, ang haba ng pasensya mo sa mga buyers! :) ako siguro hindi ko kaya talaga magbenta ng seryoso bukod sa BB hehe!

Nabubuset ako eh. In fairness mahaba din pasensya ko pero me mga tao talagang inconsiderate. At paulit ulit na sila sila din. Im sure halos sila sila din binabanggit dito.
Title: Re: Terrible Buyer Album?
Post by: runawaywithyou on November 05, 2012, 02:52:37 pm
^Kung pahabaan lang ng pasensya e parang contest dito sa GT. Matira matibay  ;D

Yung ibang masyado talaga magdemand yung mga paulit ulit, di ko na lang ineentertain minsan. Kesa naman masira pa araw ko sa kanya diba? Tutal mabebenta naman items ko kaya oks lang  :D
Title: Re: Terrible Buyer Album?
Post by: greenpease05 on November 05, 2012, 05:15:18 pm
^tumpak nilupak!

Lahat naman tayo manufacturer ng paciencia. lol
Title: Re: Terrible Buyer Album?
Post by: SnowBall on November 05, 2012, 05:17:54 pm
Antigone, naku sis, hindi ako mapasensiyosang tao talaga, believe me or not, nung unang taon na ako na nag handle ng family business namin, ang dami kong nakaaway na mga terrible buyers ;D

Ang mommy ko lang ang nagturo sa akin talaga na habaan ang pasensiya, na ganun daw talaga, ibat ibang klaseng tao, ibat ibang klaseng ugali, as long as hindi daw manloloko, kung kasamaan lang daw ng ugali, matuto daw akong i-let go, kasi ganun daw talaga sa negosyo.

Kung hindi daw kasi ako magiging pasensiyosa sa mga terrible buyers, magiging word of mouth yun sa ibang costumers, siyempre talo agad ang business namin sa ganun, kasi automatic, yung ibang costumers na nakarinig ng bad feedback about us, eh yun agad papaniwalaan, human nature, siyempre kung sino ang ka "close" yun ang paniniwalaan agad.

So, through the years, natuto na din akong i let go, iniisip ko palagi, that's good karma, eh sa nang abala sa akin? Bad karma, so siya pa din ang talo kahit napikon niya ako ;D

Okay lang mag rant sis, hindi naman tayo mga santa, yun lang, sa loob na lang natin, pero sa harap ng costumer, all smiles, parang plastic lang, LOL, funny, pero ganun ang business eh, you deal with your costumers right, money money money :)
Title: Re: Terrible Buyer Album?
Post by: sakura_bloom on November 05, 2012, 07:50:23 pm
Nakakataas talaga sa presyon yung ihingi ng buyer na hulog-hulogan ka bayaran tapos half the posted price pa! I deal with them decently. Hindi ko binabalik yung negative energy. Professional lang.

Yun nga if you deal right sa buyers money, money, money: kung may money nga sila that they want to spend for your items. At hindi hulog-hulugan at sobra tumawad na kulang na lang libre na. Kasi parang they don't want to spend money eh. Parang they just want it to be free. Kasi may mga nangungulit at nangugulo na wala naman talagang balak bumili at magbayad.. :(
Title: Re: Terrible Buyer Album?
Post by: SnowBall on November 06, 2012, 06:51:40 am
^ Naku sis, dami akong ganyan terrible buyer, alam naman nila na hindi kami nagpapautang, cash lang, talagang mangungulit na itsetseke daw, kesyo babayaran daw sa isang linggo, o sa isang araw, as in, mangungulit sila na uubusin ang pasensiya mo, para pumayag ka na lang ata LOL ;D

Pero, with a smile, paulit ulit ko din sinasabi "Ma'am, pasensiya ka na talaga, cash lang kami, yun po ang policy, hindi po talaga magbabago yun". :) Pero at the back of my mind, okay, masasakal ko na siya hahahahaha.

May customer nga ako dati na gustong i-cheke, sabi ko hindi pwede, alam ninyo sagot sa akin mga sis? Sabi lang naman niya : "Mayaman ako, hindi lang ako makapagdala ng cash". Sabay ismid, tapos nung hindi ko talaga pagbigyan, nag walk out, hahahaha.

But still, kahit gaano sila kapasaway, all smiles pa din lagi, again, it's their karma anyway. :)
Title: Re: Terrible Buyer Album?
Post by: cherrhys on November 06, 2012, 07:59:58 am
^Agree that kelangan talaga you show good service/attitude towards your customers BUT malaking difference kasi yung may physical store ka and online selling lang.  Especially yung nagbebenta lang dito just because ayaw lang masayang yung products, like make-ups.  Isa na ako sa nakaexperience ng mga terrible buyers here.  And I don't think naman na maling magrant na kaunti dito, AS LONG AS walang personal infos na nakapost.

Gaya nung mga situations na madaling araw ka tatawagan or itext bomb, pano ka naman magpapaka"plastic" na ok lang sayo at nice ka pa rin??  Yung magbabayad ng 7 or 8pm tapos gusto niya send mo na rin agad, or worse ipipilit na 5pm mo isend kasi promise 7pm magsesend na siya ng Gcash.  Parang hello??  okay ka lang??  Or worse yung nagpareserved tapos two weeks di nagparamdam then nung naibenta mo na sa iba, biglang nagPM at galit pa.  Kapag di pa naman naubos pasensya mo, santa ka na nun!  Of course, doesn't mean na rude ka na sa kanila, but syempre you can't help but rant on threads like this.
Title: Re: Terrible Buyer Album?
Post by: k_heart on November 06, 2012, 09:31:25 am
^SUper agree with you sis Cherrys! : )
Title: Re: Terrible Buyer Album?
Post by: Antigone on November 06, 2012, 09:43:54 am
True that sis cherrys! :) ako din, pag makulet at unreasonable and demands si buyer, attitude ko dyan, kesa ma stress ako, wag na. Meron din buyer na ayaw ko replyan kasi kilala ko na. Alam ko mabubuset lang ako pag pinatulan ko yun. hehe!

Kung magiging professional seller ako, dyan na mae exercise pasensya ko. Pero sa ngayon, reserved muna sa mga pasyente ang pagiging pasensiosa ko! hehe!

Cute naman tong thread na to. Nakakatawa nga basahin mga stories eh. Kesa mainis matatawa ka na lang pag naalala mo! :) basta walang pangalan. Wala nga maski clue! :)
Title: Re: Terrible Buyer Album?
Post by: k_heart on November 06, 2012, 09:59:10 am
^Clueless yung thread.ha!ha!
Title: Re: Terrible Buyer Album?
Post by: cherrhys on November 06, 2012, 10:48:38 am
Kamusta naman ang grammar at typos ko dun sa unang post.  ;D  Kulang pa sa kape!   Anyway, basta iwasan na lang magpost ng mga personal infos here, IMO, it's ok to share your bad experiences.  Helpful din naman ito for other sellers or potential sellers, either to avoid these kinds of buyers or make their rules more clear cut to avoid potential problems like these.

Basta for me di pwedeng icompare sa actual business yung pagsell dito (not unless of course THIS IS your actual business na talaga).  Kasi sa actual business kelangan talaga yang pagbuild ng goodwill and the way you build goodwill is to give good customer service aside from good products of course.  And talagang you sell to earn, eh mostly dito selling to dispose of "back-ups" lang or unused products so most sell them at a loss na talaga minsan may freebies pa nga yan.  So in short parang "give away" na, then to experience all the headaches and dramas pa...syempre tao lang din na mauubos ang pasensya.
Title: Re: Terrible Buyer Album?
Post by: SnowBall on November 06, 2012, 11:04:35 am
^ I get what you mean, kung business talaga, magkapareho lang yan ng business ethics ke online ka or actual store.

Yung sa inyo kasi more on disposal lang talaga, you're not after the profit.


Sino ba nagsabi na mali mag rant dito sa thread mga sis? Nalaktawan ko ata ng basa. :)




Title: Re: Terrible Buyer Album?
Post by: runawaywithyou on November 06, 2012, 03:08:42 pm
Sis Cherrhys, agree na agree ako sa yo. Apir tayo!
Title: Re: Terrible Buyer Album?
Post by: chirochan on November 06, 2012, 04:48:32 pm
Parant din sa isang buyer. Tagal akong pinaghintay ng payment niya. Tapos ng nalate ako magpaship dahil maguundas na. Gusto nya refund nalang nakabili na daw kasi siya waah kaloka lang
Title: Re: Terrible Buyer Album?
Post by: cherrhys on November 06, 2012, 07:10:10 pm
^^Zai  ;D

^chirochan  Naku!  Ang daming ganyang buyers, whether dito sa GT or outside.  Kaloka no?  ::) :)
Title: Re: Terrible Buyer Album?
Post by: Antigone on November 06, 2012, 07:51:44 pm
^ I get what you mean, kung business talaga, magkapareho lang yan ng business ethics ke online ka or actual store.

Yung sa inyo kasi more on disposal lang talaga, you're not after the profit.


Sino ba nagsabi na mali mag rant dito sa thread mga sis? Nalaktawan ko ata ng basa. :)

Baka eto siguro yun, sis. Medyo nakakalito kasi:




For me lang, as a buyer din online, walang karapatan ang mga sellers na maggawa ng "terrible buyer" album, kasama yun sa negosyo, nasa sales din kami, hindi nga lang online, we have a store of garments, and talagang madami diyang buyers na pasaway, matanong, makulit, masungit, feeling donya, feeling bibili ng tao etc. etc., naku, lahat ng tao nakasalamuha na namin, pero at the end of the day, potential costumers pa din sila.

And I agree sa isang post dito, na kung may "terrible buyer" album ka, ibig sabihin lang, hindi ka pwedeng maging seller, dahil hindi mo kayang i handle ang mga potential costumers mo ng maayos, kasama yun eh, negosyo yan, hindi paraiso.


Pero you meant those who sell professionally siguro sis no?
Title: Re: Terrible Buyer Album?
Post by: SnowBall on November 07, 2012, 07:40:30 am
^ sis, wala naman akong sinabi diyan na "bawal mag rant" sa thread na to ( hindi naman ako ang admin at hindi moderator), ang sabi ko lang, for me ha, walang karapatan ang mga sellers, yes I am talking about "professional sellers", sabi ko nga "negosyo", na maggawa ng terrible buyer album, na kasama yung mga info, like complete name and photos ng terrible buyers, hindi kasi talaga tama yun for me.


Pag sinabing Terrible buyer album, may word na album kasi, so I assumed ang pinaguusapan dito eh yung may photos ng sellers, and complete names. Not just merely rants against a terrible buyer.

As i have said sis, okay lang mag rant, pero sarilinin mo na lang, hindi pwedeng i broadcast mo pa sa lahat publicly, complete with photos and details, kasi hindi tama eh, kung business ethics ang paguusapan. :)


Eto nga pala ang post na super agree ako:


Pasali mga sis!

As an online buyer, me and my friends find it a big turn-off if makita namin yung site ng seller n puno ng pics of bogus buyers or whatever it is they want to call them. our reasons?
1. hindi nila kaya ma-resolve ang issue in a professional and they have to resort to the public humiliation tactic. mejo childish iyon, diba? parang sore loser na all she can do is rant endlessly as if mare-reverse ng rantings niya yung nangyari
2. if madami siyang issues with the buyers, how sure are we na as buyers too, hindi kami magkaka-issue sa kanya? lahat naman nadadaan sa matinong usapan, unless of course one really have the intent to scam the other, yon, ibang usapan na yon.

dun naman sa mga nakikisawsaw sa issue, unless you know both sides of the story, you should not agree with one, for the one who is keen on spreading the story very seldom tells the truth, diba? (grabe sis, haba ng backreading ko lol)


Very well said :)
Title: Re: Terrible Buyer Album?
Post by: Antigone on November 07, 2012, 07:44:23 am
^Yun nga sis. Baka na-misunderstand lang din ng iba. Ako kasi, nung una ko nabasa yung post mo, yun din intindi ko. Kasi karamihan ng mga andito sa GT, puro mga nagse-sell lang ng makeup na personal nila. Pero nung naisip ko, baka you meant na this applies sa professional sellers. :)


Title: Re: Terrible Buyer Album?
Post by: cherrhys on November 07, 2012, 09:03:01 am
Let us all just agree to disagree and respect each others opinions and views.  Basta one thing for sure we all agree that it's not right to divulge private infos, unless of course proven na scammer yung tao.

For me kasi we couldn't not make blanket statements nor pass judgements unless we have experience these situations ourselves regardless if one is just a "to dispose" seller or a professional one.  But I really hope nobody else experiences the kinds of buyers some of us have mentioned here.  Dahil kahit pa business talaga yan at kelangan niyong kumita ng pera, susuko talaga kayo sa mga "buyers" na ito.  IMO, wala silang gaanong pinagkaiba sa mga certified scammers.

In a way, maganda din yung magshare ng experiences dito kasi there are a couple (or a handful) of GTalkers here na "professional reservers" or "perennial headaches" na ng mga sellers, kumbaga nagpapalit lang sila ng nicks pero ganun pa din ang ginagawa or worst deadma sila at tuloy lang ang ligaya sa iba't ibang sellers.   Kaya most of the time, at least for me ha, if I do post I do so because I want to warn other sellers about the usual "modus" of these "usual suspects". 

At the end of the day, sino pa ba magtutulungan kung hindi tayo tayo din as community, di ba?
Title: Re: Terrible Buyer Album?
Post by: SnowBall on November 07, 2012, 09:23:27 am
^Yun nga sis. Baka na-misunderstand lang din ng iba. Ako kasi, nung una ko nabasa yung post mo, yun din intindi ko. Kasi karamihan ng mga andito sa GT, puro mga nagse-sell lang ng makeup na personal nila. Pero nung naisip ko, baka you meant na this applies sa professional sellers. :)




Yes sis, that's what I meant :) Like yung problema ng threadstarter, si Sircarl ng FB, professional seller na siya, kaya sana walang ganun ganun, like sa akin, hindi na ako bibili sa kanya, na off lang ako, kasi ginawa niyang wanted si TS kahit wala namang money na involved, wala namang lokohan na nangyari, nasungitan lang, hindi nagkaintindihan, ganun na agad? Off yun.

By the way, I posted also based on experience, lahat na ng terrible buyers naranasan ko na, 15 years naman na akong nasa business. And for me, ang business, ke online yan or actual, parehas lang yan, i-apply dapat ang business ethics :)



Take care mga sis, share share lang tayo ng opinion dito, walang magaling o hindi magaling na opinion. :)

Title: Re: Terrible Buyer Album?
Post by: wahmproject on November 07, 2012, 11:51:58 am
For me, off to post personal information about the buyer including pictures (taken from the buyer's facebook page) for instances na nagkasagutan lang.  Ibang case if manloloko pala si buyer. Example, requesting for a refund or exchange item then returning a different, defective item rather than the original, functional item you sent out.  Eto ang classified na scam para sakin and a seller might be justified to post the buyer's information to warn others.  Pero if nagkataong si seller ay nagkaroon ng makulit at super matanong na buyer tapos in the end hindi rin pala bilhin ang item mo, i believe kasama eto sa selling/trade/business lalo na if the transaction is online and the buyer cant see the item physically.  They are just exercising their right to choose and decide as a buyer. And yes, meron ding masusungit na buyers. So I dont mind sellers ranting about these buyers anonymously but not thru having a "terrible buyer" album.  Now to be fair naman, buyers could also be more considerate to the seller.
Title: Re: Terrible Buyer Album?
Post by: SnowBall on November 07, 2012, 11:56:10 am
Korek sis Wahm I couldn't agree more, iba naman yung nanloloko/scammer/magnanakaw na buyers. Yun lang, we should always know the difference :)
Title: Re: Terrible Buyer Album?
Post by: ladychris17 on November 07, 2012, 12:20:12 pm
^^ Actually naexperience ko na din yan.  Parang siya yung nakasira pero defective daw. I check palagi the items before I send them out to make sure I don't send defevtive ones. Nevetheless still gave the benefit of the doubt and Pinalitan ko padin ng maayos yung item at pinalipas. Nakalimutan ko na nga name niya actually. Ginamit ko nalang yung item na binalik niya.
It'a part of the business, but it doesn't mean isarili ko nalang dapat kasi makakatulong yun sa iba kung ishshare as long aa I don't divulge personal info. Your rights are rights so long as you do not violate the rights of others. Lesson learned, have policies on defects.
Title: Re: Terrible Buyer Album?
Post by: cherrhys on November 07, 2012, 02:17:54 pm
By the way, I posted also based on experience, lahat na ng terrible buyers naranasan ko na, 15 years naman na akong nasa business. And for me, ang business, ke online yan or actual, parehas lang yan, i-apply dapat ang business ethics :)

I agree on the part about applying business ethics on both settings BUT I beg to disagree that the two are just the same platform.  In an actual business you are both (seller and buyer) actually or physically there, so talaga namang dapat lang na good customer service ang ibigay.  And also as a seller that IS your life meaning nandun na lagi si seller/owner, 9-5 job ika nga.  The business itself is already a well oiled machine and the owner have the staffs to assist in all aspects of the business, so natural lang din that the buyer only expects the best from that store/seller.  While with an online business the seller have a life other than the online one, may day job so to speak.  And mostly the seller does everything himself or herself, so obviously couldn't attend to everything all at once.  Obviously exception na dito yung mga bigger online stores though most of the time if that big na eh usually may physical stores and staffs na rin (examples would be Kimstore and Digital Traincase).

At para hindi naman maOT  ang haba ng post ko, mairelate ko lang what I posted above with one of the "situation" mentioned here.  Shipping = sa actual store kaya talaga yung on the same day magship after payment kasi madalas sa hindi may tie up na yung business with a courier, cut-off time na lang ang usapan.  Whereas sa online store di kaya, kasi si seller nasa office (or school) na when nagbayad si buyer ng...say 10am eh syempre di naman niya daladala sa office/school yung products niya at di naman 24 hours yung courier, so most likely the following day na ang sending.  Eto na ngayon si buyer text bomb na at galit at insisting na dapat naisend mo na yung item.  Tapos hanggang madaling araw may mga texts pa rin.  Minsan yan pa yung buyer na halos 2 weeks bago nagbayad ha.  :P  Yun ang reason kung bakit nagrarant ang mga sellers dito.  Di nga siya certified scammer pero ano naman itatawag sa kanya??  Nanghaharass=Harasser??  ;D

Not being makulit here ha, just trying to explain the side of some of the "ranters" here. :) :)
Title: Re: Terrible Buyer Album?
Post by: SnowBall on November 07, 2012, 02:34:24 pm
^ wala naman akong sinabing parehas ng platform sis, kung platform lang ang usapan, no comparison at all, big difference, wala naman akong sinabing ganun, you quoted me pa nga, sabi ko parehas lang dapat ina aapply ang business ethics.

Naguguluhan ako, bakit ini-explain ang side ng "ranters", may nagmamasama ba sa mga rants dito sa thread na to? I am so confused mga sis, sino ba ang nagmamasama dito? ;D


I have a feeling na "ako" ata yung sinasabi ninyong against, so i-clear ko lang, I have nothing against rants on this thread, as long as walang private info ng client. Against lang ako sa mga rants or albums sa FB/multiply with complete details and photos, eh hindi naman naloko/na scam ng client, kundi nagkaroon lang ng awayan dahil sa masamang ugali.

Also, I am talking about professional sellers. 

Sana malinaw mga sis :)
Title: Re: Terrible Buyer Album?
Post by: runawaywithyou on November 07, 2012, 03:00:25 pm
IMO, walang masamang mag rant. Wala din masama sa paggawa ng terrible buyer album basta walang name dropping o posting ng pics at important details ng buyer. Kung na-scam, may proper thread para dun.

Nagsasabi lang ng totoo yung mga nagpopost based sa mga experiences din.
Title: Re: Terrible Buyer Album?
Post by: cherrhys on November 07, 2012, 04:37:40 pm
^^Like I said, let's all just agree to disagree and respect each other's views and opinions.  ;) :D
Title: Re: Terrible Buyer Album?
Post by: runawaywithyou on November 07, 2012, 06:00:50 pm
Ay naalala ko, share ko lang. Nung bago pa lang ako dito sa GT may naging buyer ako. Nalimutan ko na lang kung sino sya. Gustong magpalusot. Sabi nya di pa daw nya natatanggap yung package, pang 3rd day na daw bakit ganun.

Akala siguro nya hindi nakikita sa website nung courier kung sino nag receive. Sya din!
Nakakaloka, ayaw pa tumigil kahit nabuking ko na. Sabi wala daw syang natatanggap at di daw sya yung pinagbigyan nung rider nila. Humihingi ng refund ha!

Di ako bumigay sa gusto nya. Tumigil din. Nagsisinungaling pa, buking na  ;D

Title: Re: Terrible Buyer Album?
Post by: cherrhys on November 07, 2012, 06:05:13 pm
^Ay! Sobra naman yan.  Scammer na tawag diyan.  >:(
Title: Re: Terrible Buyer Album?
Post by: runawaywithyou on November 07, 2012, 06:08:08 pm
^Kakainis no?  Akala nya kasi porke bago lang ako dito noon, pwede na sya mang 1 2 3! Pwes, di sya umubra sa akin! Mac items yun e. Nakalimutan ko kung sino nga ba yun.
Title: Re: Terrible Buyer Album?
Post by: cherrhys on November 07, 2012, 07:12:50 pm
^Kaya ok na din na may threads like this para naman yung mga newbie sellers eh magkaroon din ng ideas.  Like me nung bago ako dito, since we're a community here akala ko walang mga ganyan, yun pala walang sinasanto ang mga manloloko.  Meron nga dati active poster pa yun pala style din nya yun para mas madaming maloko.  Hopefully wala na siya dito, ang galing kasi nun magpalit ng mga nicks. 
Title: Re: Terrible Buyer Album?
Post by: wahmproject on November 07, 2012, 09:47:30 pm
^Agree, nakakatulong talga ang mga threads na ganito to keep people informed.  Grabe din ang mga manloloko, iba iba ang naiisip na paraan.
Title: Re: Terrible Buyer Album?
Post by: Antigone on November 07, 2012, 10:02:01 pm
Sino yan, bakla?! Dali, isipin mo mabuti!

Ako me buyer, pinagbintangang fake item ko. Kaloka. :)) Sabi ko, sige balik mo. Babalik ko bayad mo. Kahit alam kong hindi fake item ko kasi hello, hindi nga ako bumibili halos sa BB eh. Kung bibili man ako, sa mga kilala ko lang at madalang na madalang yan. Palaging sa store ako bumibili. Kaloka lang. Hindi lang siguro bagay sa kanya kaya gusto niya isoli. Para-paraan talaga ng mga tao no? hehe!
Title: Re: Terrible Buyer Album?
Post by: k_heart on November 08, 2012, 01:46:56 am
^ay kilala ko yan. Ha!ha!
Title: Re: Terrible Buyer Album?
Post by: Antigone on November 08, 2012, 06:54:57 am
^Hahahaha Secret walang clue!!!!
Title: Re: Terrible Buyer Album?
Post by: runawaywithyou on November 08, 2012, 09:30:17 am
^Memory gap bakla, di ko na maalala. Ang tagal na kasi nun tsaka parang di na sya active dito or nagpalit ng nick.

^^Ako din, kilala ko pero di ko sasabihin kung sino  ;D
Title: Re: Terrible Buyer Album?
Post by: makdonna on November 08, 2012, 10:56:50 am
^ meron din ako naging buyer, after a month bigla ako kinontact sabi saken fake daw yung binenta ko sa kanya. eh sa mismong boutique ko yun binili, so sabi ko alangan naman na fake ang binebenta nila. gusto isoli yung item, balik bayad daw, sabi ko wala ako assurance na what i shipped to her is what she will return to me. buti tinigilan ako agad. di ko alam if same buyer din sya ng sa inyo, sakit sa ulo. :o
Title: Re: Terrible Buyer Album?
Post by: Antigone on November 08, 2012, 11:02:57 am
Hay naku baka same lang! :))

Pati shipping fee gusto palitan ko. Panalo. :))
Title: Re: Terrible Buyer Album?
Post by: greenpease05 on November 08, 2012, 06:27:30 pm
meron pa nga dito taga Gt din matagal tagal na to mga ateng nasa HK pa ako. Super pa buy sige ako naman sige okay kasi tuloy tuloy naman ang communication namin thru PM at ym.

umabot ang order ni loka ng 2k HKD. So kako nabuy ko na ganyan ganyan. Pagdating ko dito hala di ko na siya mahagilap!!! nag AWOL din dito sa GT mga sister. Buti nalang mga items na pinabuy nya eh mga kashade ko. Ending akod in gumamit. Waaah!

after ilang months nagpa ramdam di daw siya nakasagot sa kin kasi may tonsilitis siya. ANAK NG.... di ba. but I didn't answer her back nalang. As in wala siyang narinig sa kin.  Less talk , less argument. At lalong di na siya nakaulet sa kin. =))
Title: Re: Terrible Buyer Album?
Post by: ladychris17 on November 09, 2012, 02:16:23 am
^ ouch. :( buti nalang sis nagamit mo rin. Pero kahinayang padin grabe! 2k hkd for mukaps in one go!
Title: Re: Terrible Buyer Album?
Post by: cherrhys on November 09, 2012, 06:22:18 am
^^Smile  Kakaiba din trip niyang "buyer" mo na yan ha.  Nahigh sa cough syrup???  ;D ;D ;D
Title: Re: Terrible Buyer Album?
Post by: greenpease05 on November 09, 2012, 06:44:04 pm
Mga kapatid at that time I was so new sa make up (late bloomer ang lolah nyo) So ako super miss congeniality di ba kasi nga kala ko most of the buyers here are honest and goody goody girl.

pero after that incident I've learned my lessons. i still did pre orders pero as much as possible I make sure na serious buyer ang inientertain ko. And so far I only maintained loyal buyers  ( kilala nyo na sila di ko na iisa isahin.)

if your buyers wanted a guarantor kung true/ original ang binibili  nila sa nyo ituro nyo sila sa kin. (ops ! to clarify ituro nyo sila sa kin if they wanted to confirm that you're items are authentic i mean.  at hindi para sakin sila buy. ha)  ;D ;D


yup hkd 2k is big pero pasalamat nalang talaga ako at cole collection ang binibili ko that time. =))

sis Che, lakas tama talaga yun sis little did i know  na madlaas pala yun ma ban dito sa GT. hahahaha!


lately may isa pang gumawa nyan sa kin taga dito. Chanel RA Lippie naman. After nya ako di sagutin sa mga follow ups ko, automatic shoot ko na siya sa KEBS file! Ending Ate ko ang masaya kasi may bago siyang lippie. =))

 
Title: Re: Terrible Buyer Album?
Post by: ladychris17 on November 09, 2012, 11:21:04 pm
^ wow sosyal sila ang hinahabol ni sis Smile! Eh naalala ko nung mga HK days na nagpapabili ako, busy busy ka pa! Special ang mga itey! Haha!