Girl Talk

Work & Money => Career Concerns => Work Woes => Topic started by: jessica_sanders on October 31, 2010, 09:18:03 am

Title: Is it acceptable na laging sumigaw ang boss?
Post by: jessica_sanders on October 31, 2010, 09:18:03 am
Ok lang ba yun?kapag may maling nagawa ang employee,kahit petty lang,kaagad na naninigaw,parang bata ang kausap. Actually medyo bata pa yung iba na employees(19-20 y.o) pero lagi syang sumisigaw e,kahit maliit lang na mali. Normal lang ba yun? Hindi pa kasi ako naka-encounter ng boss na ganon, nagagalit sila pero hindi naninigaw,kinakausap ka lang ng maayos. Kaya tuloy yung mga employees parang laging panic kapag may inutos sya, parang wala na silang confidence.  :-\ Hindi pa naman ako nasigawan kasi bago lang ako at hindi na entry-level ang position ko, pero ayokong ma-experience yun, nanay ko nga di ako sinisigawan e, except nung bata ako.
Title: Re: Is it acceptable na laging sumigaw ang boss?
Post by: blackgreen on October 31, 2010, 10:43:39 am
For me, its not acceptable.  I don't know how will you escalate the issue to your boss.  Update mo kami sis, if may nababago sa ugali niya.
Title: Re: Is it acceptable na laging sumigaw ang boss?
Post by: CityHunter on October 31, 2010, 01:22:56 pm
In most of my cases wherein people are like this its mostly linked to personal issues.  Their frustrations are vented on the helpless.  Poor stress handling skills ika nga.  It cannot be helped dahil as times are so fast paced so too are the demands which unfortunately we ordinary humans cannot possibly cope up with.

Update us if this person, your boss, tend to eat too much or no meat.  Does he/she often look spaced out when in his/her office?  Last but not the least is there a photo or picture that he often looks at.  Yan ang mga clues mo to help this person.  Ha ha, mukha sigurong weird mga replies ko but its all linked to the problem raised.

Meditate and pray for your boss too.  The person badly needs it.
Title: Re: Is it acceptable na laging sumigaw ang boss?
Post by: jessica_sanders on November 05, 2010, 12:19:14 am
thanks sa mga replies mga sis,actually kumalma sya ng konti this week kasi may nakasagutan sya na isang employee over the phone,basta medyo long story pero baka nakapag-isip isip sya.ewan ko lang hehe

tapos nadi-discover lang namin na may pagka-liar sya.maliit lang na bagay pero kasi sinungaling pa din sya,like kung nasan sya,kesyo sa meeting daw sa labas pero wala naman.o kaya yung mga napag-usapan iniiba nya yung version,pinipilit nya na tama sya kahit hindi na.

hay naku.
Title: Re: Is it acceptable na laging sumigaw ang boss?
Post by: blackgreen on November 05, 2010, 10:20:16 am
sabi ni gretchen sa interview niya sa pagtatapos ng magkaribal, (not the exact words) pwedeng nagagalit ang tao dahil meron siyang pinagdadaanan, naiintindihan niya na ng mas mabuti ang mga tao..

baka sis, meron siyang personal problem. like yun isa naming staff dati, ganyan din siya palagi nakasigaw yun pala may personal problem, though hindi dapat dinadala yun sa office. dapat siguro meron kumausap sa kanya na close friend niya and ipaintindi sa kanya consequence ng mga ginagawa niya
Title: Re: Is it acceptable na laging sumigaw ang boss?
Post by: jessica_sanders on November 07, 2010, 12:56:59 am
actually ok naman sya in general,mabait sa clients at sa mga friends nya.kaya pano nila malalaman na ganon ang nangyayari sa office.may isang time pa nga na narinig ko sya nagkwento sa isang friend nya na may "bobo" daw sa office kaya medyo stressed out sya.

ang baba kasi ng tingin nya sa staff nya,lalo na dun sa mga undergrad,minamaliit nya komo alam nyang hindi basta-basta makakahanap ng ibang trabaho yung mga ibang employees.
Title: Re: Is it acceptable na laging sumigaw ang boss?
Post by: sales_lady on November 07, 2010, 02:41:21 am
hmmm...interesting...... this can be a possible DOLE case...
Title: Re: Is it acceptable na laging sumigaw ang boss?
Post by: raven03 on November 07, 2010, 03:33:19 am
After years and years of working, first time kong masigawan sa job na sila ang nagheadhunt sa kin.

Hindi ko ito ni-re-recommend ha, depende to sa prinsipyo nyo and standing sa trabaho, sumagot ako calmly and after the weekend I approached my immediate supervisor (yung nanigaw sa kin was his boss), sabi ko I am leaving. Hindi siya bluff, I really meant it kasi ayoko ng may sumisigaw sa trabaho.

They asked me not to go and offered me a better package, pero wala akong tinanggap sabi ko lang "I'll give this job another month" after that, never na ko sinigawan pero uncomfortable pa rin ako kasi nakikita ko naninigaw pa rin siya ng iba. 
Title: Re: Is it acceptable na laging sumigaw ang boss?
Post by: CityHunter on November 07, 2010, 08:26:00 am
If it were me who owns the place I'd fire the idiot that keeps doing that to the rest of the workers.  Its always the attitude that is important when checking out for applicants may it be for the lowly positions or the managers.  I'd rather have an ordinary undergrad than a snobbish valedictorian or what.

Yup, I do agree that this is a potential DOLE case.  Think of how much damage that will do dahil sa lousy manager na ito.

The old school method was to beat the idiot up after work that he may learn his lesson.  Pero hindi na advisable yun as masama rin naman.

I strongly recommend that you go to your HR and file a report on this observation.  Most often the owner(s) of the place checks from time to time naman with HR.  Huwag naman sipain agad sa trabaho yun bad manager but he does need major attitude help.
Title: Re: Is it acceptable na laging sumigaw ang boss?
Post by: jessica_sanders on November 07, 2010, 03:20:21 pm
sisters,the sad part is,sya po yung may-ari ng company :(
small lang at hindi ganun ka-organized ang structure,parang family-owned lang sya kaya mostly sya ang "manager" sa lahat.
Title: Re: Is it acceptable na laging sumigaw ang boss?
Post by: CityHunter on November 19, 2010, 09:04:02 am
Oh.  That's bad indeed.  A business owner with an attitude.  Well, encountering a lot of those nowadays thus making you wonder if those so-called exclusive schools really do live up to their promise.

Most likely your boss is stressed to the max.  That person is a candidate for early death :P 

Your best option is to find someone who can talk some sense to him may it be the business group or family member. 

Title: Re: Is it acceptable na laging sumigaw ang boss?
Post by: cati on November 19, 2010, 09:33:39 am
most likely, kaya siguro sya frustrated kasi hindi naacomplished ng maayos ang utos nya (based dun sa narinig ng sinasabi na bobo mga staff nya), and baka may financial problem ang company

Title: Re: Is it acceptable na laging sumigaw ang boss?
Post by: Little_Star on November 19, 2010, 10:02:17 am
Para sa akin hindi dapat sumisigaw ang mga boss..they can always talk to their employees in a professional way..hindi dapat ganun..
Title: Re: Is it acceptable na laging sumigaw ang boss?
Post by: jessica_sanders on November 19, 2010, 11:59:47 pm
Little-Star,ganon din ang pananaw ko.sa ibang naging trabaho ko,hindi pa ko nasigawan,kakausapin ka lang in private,professionally.

sis cati,siguro nga frustrated sya,pero minsan kasi ang labo din ng instructions nya,kulang-kulang tapos pag tinanong mo nagagalit.kawawa mga staff :(

sis CityHunter,walng power ang employees para dun e,syempre yung family members sa kanila din yung company.

parang balak na lang tapusin nung iba yung pasko,tapos hanap ng ibang work.
Title: Re: Is it acceptable na laging sumigaw ang boss?
Post by: CityHunter on November 20, 2010, 07:30:25 am
That's sad indeed dahil if no one can help that person tiyak maging self-destructive siya.  Sigh.  But I noticed a lot tend to be like that kahit na small businesses lang even in Divisoria. 

We used to have a neighbor na lumipat na and yun buong family naging victim ng massacre.  Mabait naman yun lalaki and anak niya but the wife was terrible.  It was suspected napuno doon sa kasisigaw and such ng wife sa employee kaya nagdilim ang paningin.
Title: Re: Is it acceptable na laging sumigaw ang boss?
Post by: freeswan on November 20, 2010, 07:49:40 am
for me, not acceptable. pero kasi i work in a big company so expected that the bosses here, aside from the fact that they have exemplary work ethics, eh may breeding din sila. so if there's a problem in the office, d kelangan sumigaw. in fact, everything goes through email and a private coaching.

now, where do i often see this sigawan thing? sa mga stores/ operations. extreme examples ha, sa talyer, sa hardware shop, sa kainan/ carinderia, etc. these are the stores that has mostly the owner on frontline. so siyempre, negosyo nila ang nakasalalay. i dunno ha, pero i feel disgusted with those people especially pag ang nasisigawan eh tindera or ang mga kargador. what the heck? those people have difficult jobs and expected na yung iba eh d nakapagtapos tapos pagsasalitaan ng "t****" or "bobo". i really pity those workers. hindi porke't ikaw ang may-ari eh mangiinsulto ka or maninigaw ka. more so, kung ikaw may ari tapos ganyan ang ugali mo, wala kang breeding. dapat, ikaw may-ari you should promote harmony in your work and among all the employees. and unfortunately, yang mga ganyang business, walang HR so wala ka talaga mapagsumbungan. those owners na nagmamaltrato usually end up in xxx or imbestigador.

sis jessica_sanders, if you don't mind, what's your industry?
Title: Re: Is it acceptable na laging sumigaw ang boss?
Post by: jessica_sanders on November 20, 2010, 12:48:27 pm
freeswan,maker/seller ng beauty products.

nakakalungkot talaga,parang ang liit ng tingin nya sa mga tao pero pag kaharap mo sya,parang ang bait,ang galing sa words.
Title: Re: Is it acceptable na laging sumigaw ang boss?
Post by: freeswan on November 23, 2010, 03:06:04 am
^ naku sis, malas yan! beauty products pa naman binibenta niyo tapos i could imagine laging nakakunot ang nuo niyan. d maganda sa negosyo. give it some time sis. baka may malaki lang talagang prob. if consistent na ganun ang ugali, hay naku, out ka na diyan.
Title: Re: Is it acceptable na laging sumigaw ang boss?
Post by: jessica_sanders on November 23, 2010, 11:47:05 pm
^since last year daw sis ganun na ugali nya,manhid na nga daw yung mga older employees,pero ako parang ayokong masanay hello!im counting my days na :P

may isa pa kong question(sa mga may knowledge sa labor code), tama ba na as per DOLE/nlrc daw,6days ang work week?monday to friday lang kami pero kung kailangan daw pumasok ng saturday,hindi OT yun(no pay) kasi ayaw lang daw nya talaga ang magwork ng weekend,pero nasa law daw na 6days,so parang pasalamat pa ang mga tao sa kanya?tama ba?
Title: Re: Is it acceptable na laging sumigaw ang boss?
Post by: artegirl on February 01, 2011, 11:23:38 pm
^yes sis, sa labor code 1 day/week lang ang rest day.

depends on the company's culture.  in my first job, it was totally acceptable to shout, and magmura (as in P.I.M ha).  pero nobody takes it personsally.  high pressured job kasi and there's really not much space for mistakes.  patigasan nalang ng dibdib =D
Title: Re: Is it acceptable na laging sumigaw ang boss?
Post by: green-aholic on February 02, 2011, 10:20:14 am
^nakaya mo yon sis?

kase ngayon, i am working in a really big company. my boss is so much strict with us na parang she doesn't want us to commit mistakes. of course we, her staff understand that. pero with her attitude na lageng galet, sumisigaw at namamahiya samen sa ibang tao, mas naiistress at napepressure kame sa trabaho namen because we cannot avoid mistakes ng dahil na din sa kanya. although yung mga boss naman namen sanay na na ginaganon nga daw ng boss namen yung mga contractuals nya. mga sis, i would just like to ask your opinion if its worth it to stay? kase nanghihinayang ako sa company. the department where i'm in daw give recommendations. ang main concern ko is, i have a very stressful, deadline-oriented job in a fast paced large company worldwide, got a boss who does not understand us though lately she's been acting nice, tapos yung mga immediate supervisors namen kame pa gumagawa ng work nila. i can't let go because nanghihinayang ako sa company but i believe that there are other companies pa who will respect me as a person, at mabait pa yung boss. what will i do? pls help. sorry for the long post.
Title: Re: Is it acceptable na laging sumigaw ang boss?
Post by: ishko on February 02, 2011, 04:39:44 pm
"If you don't like what you are doing, stop doing it. Life is too short to not have fun." - annonymous

Title: Re: Is it acceptable na laging sumigaw ang boss?
Post by: artegirl on February 02, 2011, 10:45:33 pm
^^sis green-aholic, yes it was no big deal really.  kasi nga, it's part of the culture of the company.  ganun talaga eh.  everybody there is willing to go through all the hardwork (and abuse) just to have a chance to work there.  people think kasi that if you work for that company, paglabas mo, matataas ang market value mo. 

pero in my current job, hindi ganun ang culture.  kaya kung mumurahin ako ng boss ko, i will really take offense.  kung sigaw lang, ok lang yun. 
Title: Re: Is it acceptable na laging sumigaw ang boss?
Post by: hersmart4ever on February 17, 2011, 01:07:29 am
That's very unlikely of a boss. The right way will be to summon the employee in his office. Mali yung sisigawan.
Title: Re: Is it acceptable na laging sumigaw ang boss?
Post by: iyaika on February 17, 2011, 12:16:37 pm
It really shouldn't. Especially if you're doing it dahil yun ang "personality" mo. We have one boss who is like that. Well, she's not even "the boss", you know. Before, they would say na kaya sya ganun because of the medication she's taking but after some time, ganun na ulit.

Anyway, some people tried talking it our with her but to no avail. Some (well, a lot) of her subordinates even resigned because of that attitude. Ewan ko ba at di pa din natututo. Besides, she shouts for all the small things. Hindi ako nahihiya sa mga nasisigawan nya e, para sa kanya ako nahihiya.
Title: Re: Is it acceptable na laging sumigaw ang boss?
Post by: gumdrops26 on February 23, 2011, 07:33:14 pm
unacceptable

I would confront him/her straight away. Dito nga ngayon, may mafeel lang ako na iba from them (hindi nga ako sinisigawan at all, hindi PWEDE!!), kinakausap ko na sila agad.
Title: Re: Is it acceptable na laging sumigaw ang boss?
Post by: numonorean on February 23, 2011, 07:43:44 pm
Kung kasama sa job description niya, it should be okay.  Siguro kung sa stock market ang trabaho, o sa gitna ng traffic, o magta-taho siya, ayun pwede siguro. :)  Otherwise, it's unacceptable.  Kahit nasaan ka, trabaho man o hindi, you have a right to defend yourself from bad behavior.  Neither does anyone have the right to exhibit bad behavior to anyone.  Lalo na kung may position ka.  A position or a title does not give you the license to be mean or rude.
Title: Re: Is it acceptable na laging sumigaw ang boss?
Post by: simply_janee on February 28, 2011, 03:16:25 pm
i think its unappropriate for a boss to do that to his subordinates. he should remain professional and express respect even to those below him..
Title: Re: Is it acceptable na laging sumigaw ang boss?
Post by: Myealexis21 on April 06, 2011, 06:21:09 pm
For me hindi dapat.

Pero I've learned din that there are certain nationalities who really speak so loud and akala mo laging galit ang tono, but actually that is just the normal tone for them.

Title: Re: Is it acceptable na laging sumigaw ang boss?
Post by: miss resilient on April 08, 2011, 07:28:40 pm
Hindi dapat.
Title: Re: Is it acceptable na laging sumigaw ang boss?
Post by: aquacharly on April 30, 2011, 11:33:11 pm
JESSICA, if the yelling is done by the owner of the company.. wala kang magawa... but to resign if you cannot take the tension/harassment.

IF it is a govt office... you can file an administrative case.
Same thing with big companies.
Title: Re: Is it acceptable na laging sumigaw ang boss?
Post by: mbeeyap on May 10, 2011, 03:58:32 pm
owner pala. kala ko one of the supervisors lang, pwede sana ireklamo sa HR.

kung kaya namang ipalabas lang sa kabilang tenga y not.hehe

pero dito kasi samin, pag sobra na ang paninigaw at profanity.. HR na bahala sa kanila. :P
Title: Re: Is it acceptable na laging sumigaw ang boss?
Post by: fibia on May 21, 2011, 09:33:34 am
yung immediate supervisor ko, ganito sya. palasigaw, masama ugali. i have had 4 female bosses in my past work, she's the 5th boss. She's the only one like this. I have 2 words to describe her:  (1) Evil; and (2) Sinister. No kidding.
Title: Re: Is it acceptable na laging sumigaw ang boss?
Post by: prettykhae on May 21, 2011, 10:33:23 am
nakakarelate ako dito sa thread na ito! uber yung dating manager ko. papahiya ka talaga sa buong floor! parang masaya pa kapag may ibang nakakarinig habang pinapagalitan ka at pinapahiya! kaloka sya. di rin sya marunong mag-appreciate nang gawa mo. hahah... thank god, iba na boss ko. :)) hindi kasi dapat ganun e... dapat kung may mali ka. closed door na lang yung paggalit sayo.. at hindi dapat namemersonal. it lessens the confidence of your employees pag ganun na pasigaw lahat at pagalit e. mamya nyan, doubting na sila sa ginagawa nila kung tama kasi ikaw na boss e puro mali sinasabi.
Title: Re: Is it acceptable na laging sumigaw ang boss?
Post by: Purple_Power on June 21, 2011, 05:50:06 pm
Parang ito yung si Anna Manalastas sa 100 Days ah!  ;D Kapag ganyan sabihin mo sa kanya hindi siya papasa sa langit or else alam na niya fate niya. Joke!!!!!

But kidding aside maganda siguro na minsan irecord niyo mga sinisigaw niya para at least meron kayong proof kung anong pang aabuso ang ginagawa niya.

Ginawa ko yan sa boss ko dati for some reason pero hindi naman para sa court case. It was effective kasi my former boss tends to lie o magbaliktad ng statements niya kaya ayun hindi siya lusot. I agree with other sisses here na most of them mga may personal problems na dinadala sa office tapos yung iba mga mababababa ang tingin sa sarili nila.
Title: Re: Is it acceptable na laging sumigaw ang boss?
Post by: pressany on June 23, 2011, 11:16:35 am
sis, kahit sya pa ang may-ari ng kumpanya, wala syang karapatang sigawan ka UNLESS hinire ka para maging vent wall, punching bag at stress absorber nya.  Screaming is never and will never be part of professional communication unless
  sa stock market ang trabaho, o sa gitna ng traffic, o magta-taho siya,
  or kristo sya sa sabungan.  Your boss should know how to deal with her employees in a civilized way. 

Remember sis, sya ang may ari ng kumpanya pero di ka nya pag-aari.  She's paying for your labor/skills/contribution to the company pero hindi nya binabayaran ang pagkatao mo.  I'm not saying na magpicket ka sa labas ng opisina nya ha.  If you can try to talk to her nicely, kausapin mo.  If not, take the "funny road".  Like pag nagalit sya, pakita mo na your not taking it personally, pag light moments nyo na banggitin mo pabiro yung bad behavior nya.  Tipong pag may inutos biruin mo ng "Yes boss, now na, takot kaya ako na masigawan." When you do it dapat, good mood sya at nakangiti.  This way you can tell her na naaapektuhan ka ng pag sigaw nya pero in a nice way.  If hindi mo personality yung palabiro at talagang naaapektuhan na ng pagsigaw nya ang trabaho mo, better look for another job. 
Title: Re: Is it acceptable na laging sumigaw ang boss?
Post by: prettykhae on June 23, 2011, 01:42:12 pm
meron kasing bossing na hindi sensitive sa feelings ng mga tao nya e... may bossing rin na bawal ang mag-leave, dapat late ka uwi etc! haler!? magresign na lang ako kung may boss ako na ganito! i know one. :)
Title: Re: Is it acceptable na laging sumigaw ang boss?
Post by: zhajhei_08 on July 29, 2011, 10:13:10 pm
count me in... im on probationayr period right now..
its just i dont like na may sumisigaw. then if ako yung sinisigawan tapos rinig na rinig na ng ibang department and she doenst care.. i dont have choice kundi tumahimik kase pag nagsalita pa ko its useless... kaso pag nastressed na ko, di ko mpigilan ng luha ko tumulo. yung tipong di ko mailabas.
dito palang ako umiyak sa company na to.. sabe nila, yun gmga matagal na. lage daw may nagreresign sa department na to.. naiintindihan ko kung bakit ganun yung behavior niya kaso yung ugali niya di ko na maintindihan.. Do I need stay pa ba? tindi kase ng pangangailangan ko sapera kase may pinapaaral pa ko. tapos eto pa ang malupit, di kagad binibigay ang bac kpay tapos hold na yung sahod mong 1 month pag nag file ka ng resignation.
Title: Re: Is it acceptable na laging sumigaw ang boss?
Post by: 17arci on July 30, 2011, 12:08:40 pm
^ unprofessionalism ang pagsigaw sa office. kelangan parating civil.
Title: Re: Is it acceptable na laging sumigaw ang boss?
Post by: Purple_Power on July 31, 2011, 01:26:43 am
Pwera na lang kung ang mga boss na yan eh! nasa Film industry talagang hindi maiiwasan ang paninigaw run.
Title: Re: Is it acceptable na laging sumigaw ang boss?
Post by: zhajhei_08 on August 15, 2011, 10:25:33 pm
sis ang reason ba naman eh, mas nakukuha ko yung gusto ko pag sumisigaw ako..
kairita..
Title: Re: Is it acceptable na laging sumigaw ang boss?
Post by: Fall Out Girl on August 20, 2011, 10:02:47 pm
it is NOT AT ALL ACCEPTABLE for a boss to always yell at employees, especially if its for a small thing.  i know a company na ang daming nag-aalisang employees dahil sa ugali ng boss.  hindi magandang record yan.
Title: Re: Is it acceptable na laging sumigaw ang boss?
Post by: snowhite_12 on March 21, 2012, 11:25:48 pm
not ok for me parang walang pinag aralan yung boss.para bang hindi tao kausap niya.kundi hayop.
if the boss is angry or mai kasalan yung employee pwede naman pag usapan pero huwag naman ipag sigaw infront of alot of officemates and worst infront of the clients. very matapobre. i've experienced that and when the time comes naubos na pasensya ko ayun nag file agad ako ng resignation. they said its a way of training daw.huwag personalin huwag e dib2x. but if its too much like wala na sa lugar yung paninigaw. iba na yan. hindi ko type ang style of training nila not worth it.
Title: Re: Is it acceptable na laging sumigaw ang boss?
Post by: Purple_Power on March 22, 2012, 02:04:16 am
^Parang yung dati kong naging boss na actually classmate ko. He keeps on telling me huwag personalin blah blah blah but then umaabot sa point na nagiging wala na talaga siya sa hulog yung mga pinagsasabi niya. Tapos kapag hindi niya naintindihan naghahanap pa ng butas na magalit siya sa akin. Biglang nung wala pala siyang pambayad sa amin he keep on insisting na siya naiipit raw sa gulo whereas siya ang leader ng partnership sa kumpanya niya. Pinaglaban ko nga ng patayan yung sweldo ko hanggang sa napilitan niya akong bayaran.  ;D Takot rin niya.

And besides kapag naninigaw ang boss sa harap pa ng client hindi ba niya naisip na yung kahihiyan nasa kanya?
Title: Re: Is it acceptable na laging sumigaw ang boss?
Post by: MisCalculus on March 26, 2012, 10:28:58 pm
sisters,the sad part is,sya po yung may-ari ng company :(
small lang at hindi ganun ka-organized ang structure,parang family-owned lang sya kaya mostly sya ang "manager" sa lahat.

ganyan yung pinanggalingan ko (chinese pa sila) pero looking back hindi naman ako nasigawan "just because", mas madalas audience lang ako pag may sinisigawan boss ko pag nasa loob kami ng office nya. But of course hindi acceptable yun for me, nakakababa ng confidence eh, besides everytime na alam kong nasa office na sya parang takot na ko. Sa totoo lang, nasigawan lang nya ako once over the phone pa (swerte lol!).

Madaming bata at magagaling na employees dun pero halos lahat nagsialisan na  dahil sa ugali ng owners. I left the company last year, di na ko nagpapigil after the 2nd time I submitted my resignation. Sabi nga if you can't take the heat, get out of the kitchen :)

Title: Re: Is it acceptable na laging sumigaw ang boss?
Post by: eian4fun on May 15, 2012, 11:13:18 am
for me hindi acceptable yan, pero kung marunong naman humingi ng sorry afterwards baka pwede pa. meron ganyang boss dito sa office ko. actually hindi ko yun boss pero hanggang dito sa area ko rinig namin ang pagsigaw niya kahit naka sarado ang pinto ng office nya. nakakatakot and nakakahiya.
Title: Re: Is it acceptable na laging sumigaw ang boss?
Post by: 7galleons on March 03, 2013, 11:09:22 pm
No,it's not acceptable. In a technical panelinterview, the managers warned me that one should not be balat sibuyas if we want to work in theircompNy. Masigawan or madabugan lang magreresign na daw kaagad. I was offered the job but didn't accept it because of that. I don't want to work with managers like that. Worse, to be one of them. How ironic that they're professionals. Dapat sa paghandle din ng tao ganon din.
Title: Re: Is it acceptable na laging sumigaw ang boss?
Post by: caramelli on March 13, 2013, 11:08:41 pm
Hell no! In the first place, bakit kailangang sumigaw? Nasusunog ba ang office? Yelling at people is not professional kahit saang anggulo mo tignan. Kahit sa mga managerial development programs, tinuturo yung tamang pag handle ng tao, I don't think acceptable ever ang pagsigaw.

^Same here sis, may inoffer sa aking job before. First job ko sana, sabi ok lang daw ba kung palasigaw at masungit ang boss. Dati medyo balat sibuyas talaga ako, kaya hindi ko tinanggap yung offer. Nung dumami na work experiences ko, dun ko naintindihan na hindi pala talaga dapat sumisigaw ang boss.
Title: Re: Is it acceptable na laging sumigaw ang boss?
Post by: brendzy on March 20, 2013, 03:09:08 pm
Not acceptable sis! pero depende pa din, kung private naman at itong si employee eh, super duper ang pagkakamali, regardless of the guidance and assistance na natanggap to perform his job well, eh, mapapasigaw talaga ako (kung ako yung boss)  ;D
depende sin sa working environment, kung high pressured, that's exepected  ;D
Title: Re: Is it acceptable na laging sumigaw ang boss?
Post by: onlygirl on March 20, 2013, 04:57:15 pm
I experienced handling people and for most bosses, may times talaga na you can't control yourself especillay if under pressure or don't know how to handle pressure. Pero ibang usapan naman yung lagi lagi sisigawan ka ng boss mo kahit alam naman natin na pwdeng kausapin ng maayos ang subordinate.

Ako aminado na I was a strict boss, pero di ko ugali ang manigaw.  As far as I remember, in my more than 10 years of handling people, twice ako may nasigawan na tao dahil di ginawa ng maayos at on time ang trabaho nila to a point na ako na gumawa ng work nila just to meet the deadline.  Yung company pa naman kung saan ako nagwork prefers low profile employees, e ako nakapag-aral naman sa isang unibersidad kaya I always follow rules, processes and procedures and make sure every one follows.

Kaya para sa kin acceptable sumigaw ang boss, pero hindi acceptable na laging sumigaw. 

Ang hindi acceptable ay ang ginawa ni Willy sa show nya na on air pa pagsigaw nya kesyo cya ang producer. "You don't do that to.... " anyone dapat
Title: Re: Is it acceptable na laging sumigaw ang boss?
Post by: virt_train on March 20, 2013, 05:28:43 pm
Definitely, not acceptable. Lahat naman kasi pwede gawin sa mahinahong paraan. Kaya lang it happens kasi some may find it hard to control their emotions...
Title: Re: Is it acceptable na laging sumigaw ang boss?
Post by: melmedrano on March 20, 2013, 05:41:26 pm
sa akin ok lang basta wag lagi... kasi minsan may mga pagkakataon talaga na napapsigaw ang tao to emphasize yung point nila pero pag madalas na eh sya na ang may problema. at saka sana kung magagalit at sisigaw, sana yung hindi naman sa harap ng maraming tao, kasi kung ang intention mo lang naman ay i-correct yung mali nung tao at hindi sya ipahiya, hindi naman kailangan gawin sa harap pa yun ng iba.

personally, mas gusto ko ng masigawan ko at mapagsabihan ng harapan... tapos ok na, parehas na kaming mag move on sa nangyari... kaysa naman sa i-silent treatment ka tapos sa iba sinasabi ang kamalian mo at problema nya sa iyo. mas unprofessional para sa akin yun.
Title: Re: Is it acceptable na laging sumigaw ang boss?
Post by: PhamLuis23 on December 05, 2013, 10:46:21 am
Maliit na kompanya naman pala at siya pa may-ari. Kung ok siya magbayad at lahat naman kayo nasisigawan hindi ikaw lang, ok na wag na gawing big deal.

May maliliit talaga na kumpanya na matapang talaga may ari kasi ramdam talaga niya ang epekto na negosyo unlike mga swelduhan, kahit ano mangyari fixed ang sweldo nila at pwede sila lumipat ng kumpanya.
Title: Re: Is it acceptable na laging sumigaw ang boss?
Post by: graZiousa on December 05, 2013, 02:00:31 pm
mga sis, nakakarelate ako dito.. 2 years ago, ngwork ako sa isang tel company. ang head namin grabe kung magalit, since nasa sales and marketing department kailangan competitive ang mga tao. under kami sa isang account manager at ang account manager under ng isang sales head. OMG!!! si sales head grabe magalit, magwawala kung magwawala. sobra. there was a time when nagalit sya sa isang account manager to the point na pinagbabato  na nya ang lahat ng documents sa table nya..galit na galit..rinig ng rinig namin lahat kasi kami sa isang department cubicle cubicle lang...kinabukasan humingi daw ng dispensa si sales head kay account manager dahil sa kanyang ginawa. ganun2x lang ba yon? demoralized na nga sya at lahat pero ok lang sya sa ginawa sa kanya...
Title: Re: Is it acceptable na laging sumigaw ang boss?
Post by: evilwoman on December 05, 2013, 04:18:03 pm
^di dapat tinotolerate ng hr yan sis. :)

Sa pagkakaalam ko,pwede icomplain sa dole yang mga supervisor na naninigaw/namamahiya.related sa working condition laws yata.kung owner ng company,pwede pa din ireklamo pero syempre umalis ka na din dapat.di na kasi healthy na kakasuhan mo sya then stay ka pa din.pag expat ang supervisor,pwede din daw ireklamo sa immigration.pwede marevoke/di na marenew ang visa.
Title: Re: Is it acceptable na laging sumigaw ang boss?
Post by: graZiousa on December 06, 2013, 10:09:21 am
hindi naman tumuloy ng complain yong account manager kasi need nya din ang work..well compensated sya yon nga lang grabe ang head.
Title: Re: Is it acceptable na laging sumigaw ang boss?
Post by: minatay91 on January 13, 2014, 08:26:37 am
grabe. sumigaw yung isang lateral "boss" ko noon. She used to be an indirect boss. Like supervisor of my supervisor. She is extremely tough on EVERYONE including her OWN boss! :o she actually looks like the real boss instead haha

fine, maybe she can yell at everyone but cant she do it discreetly?! diba punish in private?? :(

she's actually one of the reasons why I was dead on transferring to another department.. I hate her lol but because of how motivated I am by her hatred and just wanting to get her out of my sight, I got promoted loool

Thank God the department manager (her boss) is really kind and nice.
Title: Re: Is it acceptable na laging sumigaw ang boss?
Post by: caramelli on February 14, 2014, 02:24:36 am
In my opinion, nobody deserves to be yelled at. At lalong walang karapatan ang mga boss na manigaw ng subordinates nila. I had a lady boss before na sinigawan ako sa harap ng maraming tao dahil sa kasalanang di ko naman ginawa. Nakakainis lang kasi may discrimination sa company. Pag boss ka dun, lagi kang tama. Sorry sya, naubos kami sa team nya at saka lang nasilip ng HR na sya ang dahilan kaya nag alisan mga tao nya.. too late!
Title: Re: Is it acceptable na laging sumigaw ang boss?
Post by: queenteaser on February 14, 2014, 09:22:13 am
hindi. para ka namang nasa corporate jungle instead na corporate world kung ganyan. nakakastress kaya.
Title: Re: Is it acceptable na laging sumigaw ang boss?
Post by: mommybunini on February 14, 2014, 02:34:25 pm
i can relate to this. sinanay na ng boss ko ang sarili niya na manigaw ng staff niya  ;D

nasigawan na din ako ng boss ko sa meeting kasi tinulungan ko daw si officemate na mag settle ng work related issue. as in buong division namin dinig na dinig ang pagsigaw niya. gusto ko lumubog sa kinatatayuan ko sa sobrang hiya. gusto ko na din siya sigawan pero nag pigil lang ako.

after 30 mins, pinatawag ako ni boss sa meeting room at doon ako nagkaroon ng chance. sinabi ko sa kanya na lahat ng ka-trabaho ay professionals at hindi bata para sigawan. sinabi ko din na pwede niya ako sigawan pero hindi sa harap ng madlang pipol at pag inulit pa nya yun ire-report ko na siya sa HR

mula noon hindi na siya nasigaw kahit kanino at talagang makakarating sa HR :)
Title: Re: Is it acceptable na laging sumigaw ang boss?
Post by: twelvth_goddess on March 31, 2014, 11:11:49 am
I've never been shouted at by any of my superiors in all the companies I have worked for. Subukan nila ng kaladkarin ko sila sa HR at dun sila sumigaw.
Title: Re: Is it acceptable na laging sumigaw ang boss?
Post by: sahsah_baby on March 31, 2014, 12:08:34 pm
They must not. You are hired because they need you so they must know to love and appreciate you. Pero giving the same benefit ah? What I meant is, hindi ka naman nya sisigawan kung ginagawa mo ng maayos [textspeak!] trabaho mo. So walang sigawan na magaganap if everything went well at your work/office.
Its not healthy for you as well as sa workmates mo na laging ganun yung scenario. mas masaya pa ring mag trabaho if your boss is a team leader. the one who knows the way, shows the way and goes along the way. That's the ideal boss!  ;)
Title: Re: Is it acceptable na laging sumigaw ang boss?
Post by: Drax on April 05, 2017, 12:33:50 pm
Noong sinigawan ako ng boss ko, sinigawan ko rin siya.  Napilitan siyang umayos sa pakikipag-usap sa akin. 

Huwag kang magpapasindak sa kanila, tao rin lang sila katulad mo.
Title: Re: Is it acceptable na laging sumigaw ang boss?
Post by: oyster on April 05, 2017, 01:21:15 pm
nope. that's unacceptable. siguro once pwede kung talagang kasigaw sigaw yung situation. pero kung palagi? no.
Title: Re: Is it acceptable na laging sumigaw ang boss?
Post by: CityHunter on June 07, 2017, 10:10:17 am
Question!  Has the thread starter posted an update if naayos na ang problem na ito?
Title: Re: Is it acceptable na laging sumigaw ang boss?
Post by: FayeP on June 24, 2017, 06:37:39 pm
first of all, kun nasa opisina kayo at lahat kayo ay nakagraduate naman ng college, walang need na magsigawan...lalo na un boss...usually nangyayari ang mga ganyan kun carinderia, or car wash un work nyo...pag sigaw ng sigaw ang boss, definitely di ito acceptable at kelangan na ng HR mediation.
Title: Re: Is it acceptable na laging sumigaw ang boss?
Post by: Rory_Lorelie_Gilmore on June 24, 2017, 06:57:00 pm
Hay nako mga Sis, normal na buhay yan dito sa Middle East, I for one experienced na masigawan lalo na nung nagstart palang ako mga less than a year to be exact, pero ngayon mag 7 years nako sa December awa ng Diyos tumagal naman and mabait naman mga Amo sakin. (Coordinator ako btw). Never nako nasigawan or napagalitan, ever.

Pero as far as my Bosses are concerned, normal to sa Middle East, di lang amo ko, maski saang company lalo na kung may Arab, expect mo na. At first super culture shocked ako, nakakademoralize, pero later on casual na. May times pa nga na nanakit ng physical mga amo ko pag sumobra galit sa mga lalakeng colleagues ko, as expected resign or terminate sila agad.

Im not saying na ok to, I shun it, mahirap lang talaga umalis and magresign basta lalo na kung wala ka pa lilipatan at bread winner ka.

In all honesty nakaka trauma and nakakapanghina, I can say na nagbago personality, bukod kasi sa sigawan medyo hostile din envinronment dito kasi Construction Company kami so mostly men, grabe stress and pressure sakanila.

Natuto nako maghapon mag poker face and makipaglaban, makipagmatigasan, ibang iba buhay and work experience sa abroad.

You have to be strong, makisama, makibagay, at makisabay sa agos kasi iba iba ng culture lahat ng lahi.

Glad nakasanayanan ko nalang and Ive proven myself well naman sa mga mayari and bosses. Sad to say minsan wala talaga kalaban laban sa abroad mga foreigner, lalo na pag galing ka sa 3rd world country. Either resign at uwe or tiisin talaga. 
Title: Re: Is it acceptable na laging sumigaw ang boss?
Post by: tischarmedlife on June 25, 2017, 05:06:38 am
I work in the BPO industry and on my first company, where I worked in a sales account, normal yung sumisigaw ang mga team lead. Buti na lang yun lead ko hindi ganun. Pero nakaka-trauma lang, kase AI was only 18 then. Nung nalipat na ko ng team, nag-resign na ko kase nga nakaka-stress pag ang boss mo, laging galit and naka-sigaw
Title: Re: Is it acceptable na laging sumigaw ang boss?
Post by: kiz_me1109 on March 22, 2018, 11:39:16 am
No, not even once. This is unacceptable and should not be tolerated in any workplace.

I am working in an RPO and my current client is based in Malaysia. There's one Director that's very arrogant and she's always freaking out every time she doesn't like the situation. As in kung sino yung kaharap niya sinisigawan niya.

She doesn't like me too. Because she is arrogant and mabilis magalit without checking kung sino may kasalanan or what not.

And every time she does that to me, I always defend myself and naka copy sa email lahat ng Boss. haha.

She's really arrogant kasi kahit na alam niya na siya may fault, or someone is and she made a mistake of accusing another person, she doesn't say sorry.

She has a problem with her temper and I think she was not raised well. hahaha
Title: Re: Is it acceptable na laging sumigaw ang boss?
Post by: Rory_Lorelie_Gilmore on March 22, 2018, 03:39:07 pm
^grabe, ganito din halos 2 Bosses/Owners (Arabs) namin, well not to me, usually sa mga Managers sila ganyan, partida nag adjust pa nga sila ng konti dahil kahit papano narerealize na nila how rude, unprofessional, uneducated and impolite they look pag nagsisisigaw sila. I just dont get it, ano bang napapala sa galit at sigaw, wala naman, delikado pa sa health nila. Sa laki ng income nila, they should expect na may kapalit yun na challenges sa work, So anong gusto nila, tumanggap ng milyones monthly tapos hayahay lang ang life?!  :o
Title: Re: Is it acceptable na laging sumigaw ang boss?
Post by: tischarmedlife on March 26, 2018, 01:49:21 am
Boss shouting? No, never ko pa naman na-experience and I agree with our other sissies na this is unprofessional and totally unacceptable.
Title: Re: Is it acceptable na laging sumigaw ang boss?
Post by: three8one on June 26, 2018, 08:16:51 pm
not acceptable at parang hindi naman dapat gawin.