Girl Talk

Work & Money => Entrepreneurs => Topic started by: angelicdevil on May 04, 2010, 04:42:31 pm

Title: Meat Processing/Meat Shop Business
Post by: angelicdevil on May 04, 2010, 04:42:31 pm
Hi sisses! I've been thinking of meat processing as small business. kasi food is necessity and ang mga tao mahilig din naman sa tocino, longganisa, tapa, etc. anyone here na may business na ganito and how is it doing? any tips?
Title: Re: Meat Processing Business
Post by: kolinetongue on May 24, 2010, 03:19:37 pm
i have a friend na ganito yung inumpisahan nyang business. malakas ang kita. patok ito. nakaka 50k sya ang net income kapag araw ng palengke dito sa bayan namin.

go! go! go!


Title: Re: Meat Processing Business
Post by: Stellar27 on May 24, 2010, 03:22:09 pm
interested din ako sa business na ito. san kaya pwede mag attend ng training. yung sa pttc pa lang kasi napuntahan ko and isa lang natutunan ko kasi yun lang yung inoffer. yung pag gawa ng embutido.
Title: Re: Meat Processing Business
Post by: kolinetongue on May 25, 2010, 12:16:32 pm
yung friend ko sa tesda umattend ng training before, parang 5 days yata.

Title: Re: Meat Processing Business
Post by: briefcasediva on May 25, 2010, 12:18:48 pm
@stellar27

sis, sa tesda andaming training courses! I am sure mag-evolve pa yan interests niyo sa food and mura lang.

@angelicdevil
aside sa palengke, ang lakas niyan sa mga opisina. kaya lang since food industry, matrabaho talaga. but i'm sure it's all worth it. :)
Title: Re: Meat Processing Business
Post by: angelicdevil on May 25, 2010, 05:12:35 pm
thanks sisses sa replies! hinahanap ko nga sa site ng tesda yung meat processing eh kaso di ko makita. naghahanap ako sa net kaso parang ang mamahal - 2500 in 1 day lang :(
Title: Meat shop business
Post by: freeswan on June 17, 2010, 04:17:39 pm
mga sis, any idea how to start a meat shop business? gusto ko kasi 'to sabayan na rin ng bigasan. we live in a community type condo and puro convenience store lang meron. gusto ko sana ng spa kaso naunahan ako ang medyo matagal ang roi ng spa. how much kaya ang capital nito?
Title: Re: Meat shop business
Post by: jojielyn on June 18, 2010, 08:20:53 pm
if pork mga 10k-13k ang isang buo. plus timbangan sangkalan kutsilyo.

pero mas ok if kukuha ka part lang muna like pigue kasim liempo kaze nag sastart ka palang.

wala ako idea sa chicken and beef. mas maganda if meron ka nito pangdagdag.

HTH!
Title: Re: Meat shop business
Post by: freeswan on June 18, 2010, 08:36:26 pm
Thanks sis! Hanap muna ako ng supplier.
Title: Re: Meat shop business
Post by: chengkii on June 19, 2010, 06:17:40 am
Hindi pala kalakihan ang puhunan no...kailangan lang maganda ang feasibility. Hmm, makapaghanap nga din ng location.
Title: Re: Meat shop business
Post by: andreanina on July 29, 2010, 08:58:31 am
chengkii baka u want to expand [textspeak!] plan mong meat shop hehe

i am looking for someone na mpagbabagsakan ko ng boneless daing na bangus from dagupan..
Title: Re: Meat shop business
Post by: health.gal on July 29, 2010, 04:43:58 pm
oo nga, mura lang puhunan. meron din ba training offered para dito? i know it may sound weird, pero yun tipong saan pwede matutunan parts ng pork and beef, paano proper way of slicing and chopping, etc (aside from expensive culinary schools)?
Title: Re: Meat shop business
Post by: jojielyn on August 17, 2010, 08:57:10 pm
^ sis you will learn it sa boy mo. kaze you need someone o chop for you. in the process you will learn the parts na din. ;)
Title: Re: Meat shop business
Post by: marge070407 on October 17, 2010, 08:00:01 pm
may alam akong suppliers. I just don't know lang yun terms nila.
Title: Re: Meat shop business
Post by: milktea1010 on October 25, 2010, 05:03:24 pm
Thanks sis! Hanap muna ako ng supplier.

Hi, sis! invest ka muna sa reliable na chest freezer for starter. as for the supply, maybe we could talk. sana nasa malapit ka lang so we can do business.
Title: Re: Meat shop business
Post by: kolinetongue on October 26, 2010, 01:51:50 pm
chengkii baka u want to expand [textspeak!] plan mong meat shop hehe

i am looking for someone na mpagbabagsakan ko ng boneless daing na bangus from dagupan..

magkano?
Title: Re: Meat shop business
Post by: Halfpint on October 28, 2010, 11:11:55 pm
@milktea, pwede mo ko i-pm about sa mga products na meron kayo? We just started our meatshop just this October in Cainta. Thanks!

@andreanina, can you also pm about the lists of your products? Thanks!

@freeswan, kumusta na yung meatshop ninyo? :)

which is better, chest-type freezers or uprights? Hingi ako sana ng pros and cons of using them at saan ok bumili ng mga freezers. Thanks!
Title: Re: Meat shop business
Post by: andreanina on October 29, 2010, 08:17:14 am
Halfprint PM sent
Title: Re: Meat shop business
Post by: andreanina on October 29, 2010, 08:19:06 am
kolinetongue sent u pm
Title: Re: Meat shop business
Post by: milktea1010 on October 29, 2010, 09:05:23 pm


which is better, chest-type freezers or uprights? Hingi ako sana ng pros and cons of using them at saan ok bumili ng mga freezers. Thanks!


we bought a chest type one, Eurotek ang brand. for meat products mas recommended ang chest type kasi mabigat ang ilalagay mo, pag upright kasi shelves, shelves. pwedeng bumigay ang mga shelves sa bigat ng nilalagay. ideal lang siguro yan sa mga ice/ice candy... ang nakikita ko lang benefit ng upright freezer ay tipid sa space other than that wala na...

if planning to buy installment, longer ang terms sa anson's (12 mos 0% interest) kaysa sm and abenson (6mos lang pareho).
Title: Re: Meat shop business
Post by: Halfpint on October 29, 2010, 11:47:34 pm
^ Thanks! Initially we were planning to buy upright freezers pero sabi din ng taga Makro, mas  malakas daw sa kuryente ang mga uprights. Sige tingin kamisa Anson's din. :)

Title: Re: Meat shop business
Post by: milktea1010 on October 30, 2010, 09:47:58 am
^ buy na ng chest freezer  :) did you receive my pm pala? contact ka lang whenever you need anything (meat matters)

matipid din daw yung Eurotek na freezer kaya yun din ang binili namin, recommended din sya ng isang may meat shop na kakilala namin. eurotek and haier brand [textspeak!] pinagpipilian namin non.
Title: Re: Meat shop business
Post by: sweet25 on April 18, 2011, 12:44:33 pm
^ buy na ng chest freezer  :) did you receive my pm pala? contact ka lang whenever you need anything (meat matters)

matipid din daw yung Eurotek na freezer kaya yun din ang binili namin, recommended din sya ng isang may meat shop na kakilala namin. eurotek and haier brand [textspeak!] pinagpipilian namin non.

sis, my pm ako sayo! thanks
Title: Re: Meat Processing/Meat Shop Business
Post by: gelay18 on March 11, 2013, 10:55:05 am
pano ba matuto mag slice ng mga parts ng pork?
Title: Re: Meat Processing/Meat Shop Business
Post by: nessy on March 12, 2013, 07:46:00 am
I dont have an idea sa meat processing business. But on meat shop business, I sure have lots of those since ganito business namin. Aside from the pwesto ideally malapit, kung hindi man sa palengke, you should hire a butcher rin. Ang butcher pwede exclusive sa yo or kuni mo lang siya para makatay ang baboy mo at mag-boneless.Keep in mind that you must get someone na trusted ninyo, iyong hindi kayo lolokohin sa kilo/timbang ng ipapakatay ninyong baboy sa kanya. Ang bayad sa mga butcher will cost you 300-350 per head, katay lang yan. Kung kasama ang pag-boneless, mga 500-750 depende pa rin sa magkakatay. Kumuha kayo ng tao sa pwesto ninyo siyempre iyong trusted talaga or someone na pagkakatiwalaan ninyo. Weighing Scale! I highly suggest get the digital one, mas accurate ito at you do not need to calculate how much ang price ng binibili ng customer mo. Bili rin kayo ng kutsilyo na panghiwa sa na-boneless na kung nagsa-start pa lang kayo. Ang mga kutsilyo/itak, pwedeng pag medyo kumikita ka na since ang butcher mo, dapat may sariling kutsilyo yan. Hindi liscensed ang butcher kung walang sariling kutsilyo na de-numero. Capital wise, kung may 20-30k ka pwede ka na magstart. makakabili ka na niysan ng 2-3 baboy.Mag-start ka muna doon, pag malaki na ang demand saka ka na lang magdagdag ng katay mo.

HTH!
Title: Re: Meat Processing/Meat Shop Business
Post by: gelay18 on March 14, 2013, 12:13:29 pm
^thanks sa tips sis
Title: Re: Meat Processing/Meat Shop Business
Post by: nessy on March 15, 2013, 01:39:19 am
^thanks sa tips sis
You're welcome!

HTH

:D
Title: Re: Meat Processing/Meat Shop Business
Post by: kiz_me1109 on March 21, 2013, 12:28:26 am
How much yung Chest Freezer?
I'm planning to put up a meat shop business sa Province namin for my parents. I still have to check though kasi yung wet market e nilipat na sa New Market. So plan ko sana e ilalagay ko yung stall sa Old Market para yung mga tao hindi na pupunta sa New Market just to buy meat products. Medyo malayo din kasi yun. Yun nga lang hindi ko alam kung papayag sila. =)
Title: Re: Meat Processing/Meat Shop Business
Post by: nessy on March 21, 2013, 05:34:58 am
How much yung Chest Freezer?
I'm planning to put up a meat shop business sa Province namin for my parents. I still have to check though kasi yung wet market e nilipat na sa New Market. So plan ko sana e ilalagay ko yung stall sa Old Market para yung mga tao hindi na pupunta sa New Market just to buy meat products. Medyo malayo din kasi yun. Yun nga lang hindi ko alam kung papayag sila. =)

Depends sis. Range is from around 10k-30k. Canvass ka na lang muna.
Title: Re: Meat Processing/Meat Shop Business
Post by: kiz_me1109 on March 27, 2013, 05:44:07 am
^ Thanks sis. =)
Title: Re: Meat Processing/Meat Shop Business
Post by: lukresha on July 11, 2013, 02:01:09 pm
GT's,

Anyone interested with frozen meats : beef, pork, chicken and even seafood...We could do business/supply you.. just pm me..
Title: Re: Meat Processing/Meat Shop Business
Post by: silvermist07 on July 30, 2013, 09:28:56 pm
Hi! We are in this business. 3months pa lang since we've started. Pero puro magnolia fresh chicken & Pampanga's Best products pa lang tinda namen. Okay naman cia kaya lang this month of July medyo mahina cia. Sana next month e maging okay na din sales.. wala pa kame pork meat kasi wala pa kame capital & extra storage.. hopefully on the last quarter of this year e magkaron na para kumpleto na kame.
Title: Re: Meat Processing/Meat Shop Business
Post by: gelay18 on August 01, 2013, 11:28:00 am
^ sis magkakno capital mo? ok ba ang kita?
Title: Re: Meat Processing/Meat Shop Business
Post by: mamaGie on August 03, 2013, 06:21:30 pm
Hi! We are in this business. 3months pa lang since we've started. Pero puro magnolia fresh chicken & Pampanga's Best products pa lang tinda namen. Okay naman cia kaya lang this month of July medyo mahina cia. Sana next month e maging okay na din sales.. wala pa kame pork meat kasi wala pa kame capital & extra storage.. hopefully on the last quarter of this year e magkaron na para kumpleto na kame.

hi sis, yung ibang cuts ng chicken can be stored sa cooler na may yelo. katabi lang kasi namin yung nagtitinda ng chicken dito sa palengke sa amin at nakikita ko yun na ginagawa nila. yelo at asin ang katapat ng chicken nila kaya kahit sa cooler lang e maganda pa rin. saka why not try sell chicken feet? mabili yun, yung supplier ng mga magnolia chicken, alam ko meron din sila na ganun.
Title: Re: Meat Processing/Meat Shop Business
Post by: kolinetongue on March 18, 2014, 03:44:38 pm
I am planning to open a meat shop next month. I am on the planning stage na, just bought 2 chest freezers, ipapaconvert ko na lang para sa display. I still have 2 lumang freezer so puwede na siguro yun.

Wala pa ako is the digital weighing scale-- where to buy?

Supplier ng processed pork--- meron na.

Supplier ng cold cuts pork---siguro local na lang

Supplier ng chicken---heto wala ako mahanap, at gusto ko kase yung may brand name na.

Patulong please?  :)




Title: Re: Meat Processing/Meat Shop Business
Post by: shinta on April 02, 2014, 09:13:27 pm
pa-share naman ng suppliers mga sis, especially yung kilalang brand ng processed meats (pampanga's best, mekeni, purefoods, etc) and chicken (magnolia, bounty fresh).

we're already selling cdo products, may kinukuhanan kaming supplier. di masyadong malakas kasi sa bahay lang, tapos may tarpaulin at price list lang sa gate. pero may potential naman since sabi nung mga bumibili samin, mas mura ang benta namin. tingin ko need lang ng pwesto para ma-expose yung tinda namin.

may computer shop kami sa tapat ng bahay, kino-convince ko pa tatay ko na isara na kasi medyo mahina na ang kita at ang taas na ng rate ng kuryente. then balak naming i-convert into a meat-poulty shop ni nanay.

eventually, gusto ko ding kami na lang ang gumawa ng processed meats para mas malaki ang tubo than getting from a supplier. yung tubo kasi namin sa cdo, P5 per pack lang. yung iba like footlong, hotdog, tinitingi namin para mas malaki ang tubo.
Title: Re: Meat Processing/Meat Shop Business
Post by: kolinetongue on January 19, 2015, 01:02:19 pm
update:

i put up the meatshop last june 2014, and getting better. ;)

products are: branded chicken (di puwede sabihin brand yata), processed meat (local lang), fresh meat and egg.


2 freezers, converted into display rack, and the usual equipment for meatshop, stainless sink, aircon, around 70k start up capital.

lesson learned: you must scout canteens/cafeteria and supply them your products, dont rely sa walk in customer lang, mahina ang benta sa walk in customer.

i have two school canteen na sinusupplyan daily. dun pa lang sulit na. minimum net of 1k daily na puwera yung walk in at pa order sa office.

so far so good. ;D





Title: Re: Meat Processing/Meat Shop Business
Post by: female01 on January 20, 2015, 12:01:58 am
^it's good to know sis na your meat shop is doing well pati na rin yung ibang mga business ventures mo.

2 freezers, converted into display rack - anong ibig sabihin nito? meron kasi akong chest type na 2 doors puede rin ba yan i convert to glass top? "hard top" kasi yung nabili ko. gusto ko rin mag display ng pork and chicken meat.
Title: Re: Meat Processing/Meat Shop Business
Post by: kolinetongue on January 20, 2015, 11:10:07 am
yeah, i mean chest freezer yun ;)

ipa customize mo yung display rack sa ibabaw nya, yung ipapatong mo lang yung stainless rack para lumamig din yung meat na nasa ibabaw. then sa gabi, tanggalin mo yung customized stainless then ibalik yung takip ng freezer, malabo yata explanation ko  ;D, nagaya ko lang din yun sa malalaking meatshop.

goodluck!


Title: Re: Meat Processing/Meat Shop Business
Post by: female01 on January 21, 2015, 09:45:29 am
thanks sis kolin :)
Title: Re: Meat Processing/Meat Shop Business
Post by: shyreen on July 22, 2015, 10:10:10 pm
Sis ito rin sana plan ko itayong business for my parents sa may wet market malapit sa entrance ng subdivision. Tanong ko lang, what if hindi naubos agad yung pork ganu katagal usually bago masira kahit nasa freezer?
Title: Re: Meat Processing/Meat Shop Business
Post by: lettyscollection on November 17, 2016, 01:53:13 pm
Mga sis plan ko din mag set up ng ganitong business. Saan ba pwedeng makabili ng buong baboy na malinis at nakatay na? Yung ikaw nalang mag chop chop. Thank you
Title: Re: Meat Processing/Meat Shop Business
Post by: kolinetongue on November 23, 2016, 02:58:10 pm
update:
meatshop is still doing good. nakikilala na sya. most customers are employees, yung mga ginagabi at maagang pumapasok. still, i am the supplier of 2 school canteens  and 1 company's cafeteria.

i'd like to add organic products, since yun ang wala dito sa amin, like vegetables, meat, fruits etc.

hope to start it by 2017.

happy entrepreneuring!
Title: Re: Meat Processing/Meat Shop Business
Post by: ice16 on March 21, 2018, 02:28:18 am
Sa mga into meat processing business, how much yung binabayad sa helpers nyo? Per kilo ba na natapos nila or yung minimum wage talaga?
Title: Re: Meat Processing/Meat Shop Business
Post by: Rory_Lorelie_Gilmore on March 21, 2018, 05:07:48 pm
How much are we talking about with regards sa puhunan dito? Any idea?
Title: Re: Meat Processing/Meat Shop Business
Post by: Newbee on May 25, 2021, 01:11:03 am
Sis, bka meron kyo alam na suppliers ng mga frozen products like tocino, longganisa, hotdogs, etc. Ska dressed chicken like magnolia.

Salamat