Girl Talk
Food & Home => In the Kitchen => Recipe Exchange => Topic started by: cubicle on March 31, 2008, 08:40:22 pm
-
Pano gumawa ng ice candy kagaya ng dun sa tabi tabi lang? Yung may buko, lychee and etc. thanks!
-
sis sa amin, juice lang to na nilagay sa "ice candy" size plastic at pinatigas sa freezer ;D
-
BUKO ICE CANDY
1 can condensed milk (300ml)
1- 1/2 cup grated buko
1 cup white sugar
1 tsp vanilla
2 cups coconut water
1/2 gallon water
- Mix all ingredients together: condensed milk, grated buko, white sugar,vanilla,coconut water and water.
- Mix well until sugar is dissolved and condensed milk well blended.
- Prepare the container or ice candy plastic bags and pour the mixture with a funnel to make ice candies. Makes 40-50 pcs. ice candies.
***
PINEAPPLE ICE CANDY
4 cups pineapple Juice
1/2 gallon water
3/4 cup white sugar
1 tsp pineapple extract
- Dissolve sugar in water thoroughly before adding all ingredients.
- Mix all ingredients together: pineapple juice, pineapple extract, sugar and water.
- Prepare the container or ice candy plastic bags and pour the mixture with a funnel to make ice candies. Makes 30-40 pcs. ice candies.
***
CORN ICE CANDY
1 can condensed milk (300 mI)
1 cup creamed corn (canned)
1/2 gallon water
3/4 cup white sugar
1 tsp vanilla
- Mix all ingredients together: condensed milk, creamed corn,vanilla and water.
- Mix well until sugar is dissolved and condensed milk well blended.
- Prepare the container or ice candy plastic bags and pour the mixture with a funnel to make ice candies. Makes 30-40 pcs. ice candies.
-
to achieve a very fine texture ng ice candy, mix the evap/condensed milk with hot water first before with the reg.water (thats what my mom taught me)...
1 big condensed milk
mangoes
half litre hot water
half litre reg. water
sugar(to taste depende sa preference) but usually dinadamihan ko ng sugar kasi tumatabang if nag-ice na sya.
>adjust mo content ng water and sugar if gaano kadami gagawin mo
>for commercialized ice candy lagyan ng konti cornstrach to achieved a fine texture!...gudluck! ;)
-
same with the above posts, pero sa amin nilalagyan namin ng nestle cream, ang texture na niya kapag tumigas eh parang sa ice cream ;)
-
wow thanks for sharing this.... im planning to sell ice candy dito sa amin ngayong summer :)
-
how much ba now bentahan ng ice candy? :)
-
i sell my ice candy at 5pesos each. :)
-
kami dati tang powdered juice lang plus water and ice. hehe.. favorite kong flavor before was mango and grapes.
-
A really good thing I've tried is the mango-flavored ice candy. :) We used to make tons of those here at home when my siblings and I were kids.
- Mix evaporated milk and mangoes and water in a blender, so as to crush the mangoes as well
- Put mixture in ice candy bags
- Freeze to desired hardness. Haha. :)
-
i sell my ice candy at 5pesos each. :)
musta naman ang ice candy negosyo mo? gaano kalaki ang ice candy mo. I tried 1 1/2 x 10 na plastic for P2.00 nalugi pa ako pero enjoy naman. I'll try 2x10 na plastic for P6.00 mabili kaya?? sana :) goodluck to us.
-
Paano kaya yung ice candy na ang texture is parang gelato?
-
musta naman ang ice candy negosyo mo? gaano kalaki ang ice candy mo. I tried 1 1/2 x 10 na plastic for P2.00 nalugi pa ako pero enjoy naman. I'll try 2x10 na plastic for P6.00 mabili kaya?? sana :) goodluck to us.
[/quote
half of it kinain ng mga anakins ko kaya lugi sa first batch,gumawa nlang ako ng mas cheaper ingts.,milo ice candy at mango puree ice candy ginamit para makatipid and sell it at 3 pesos with the smallest dimension na plastic ginamit ko...may summer league kasi dito sa amin kaya saleable nman. ;)
-
like snowball, we also put nestle cream. ang ingredients ko naman, parang sa fruit salad. mas diluted lang sya at may evaporated milk. smooth ang consistency nya. kahit matunaw, masarap pa din.
-
actually ang alam kong secret ng masarap at creamy ice candy is to put cassava starch....yan tried and tested namin.. then anchor powdered milk.
-
Naalala ko tuloy avocado ice candy na gawa ng sis ko, parang ice cream sa sobrang pino. Nilalagyan niya ng evap and condensed milk :)
-
sinong may alam ng cheese ice candy recipe?
-
may nakapagsabi sa akin na may nilalagay daw na ingridients para maging parang ice cream texture ang ice candy. i forgot what it's called pero nabibili daw yun sa palengke. i'll share it pag nalaman ko na.
-
hi sis sheric_manzon YURO ata ang tawag dun.
we tried putting it sa ice candy kaya lang hindi namin gusto yung lasa nung ice candy after ma-frozen.
-
Cheese ice candy? Paano yun?
Nung bata pa ako, nagtitinda rin ako nito sa bahay. 1 peso each. Haha sobrang tagal na nun.
Usually fruit shakes or Milo ang ginagawa kong ice candy. ;)
-
hindi ko nga din alam.... may bata lang naghanap noon kung may ganung flavor daw kami.
paano yung fruit shake ice candy?
-
^shake mo lang sa blender yung gusto mong fruit tapos ilalagay sa ice candy plastic. ;)
- Freeze to desired hardness. Haha. :)
hehe nung bata pa ako, atat, kinakain ko agad kahit hindi pa ganun katigas. ;)
-
ok thanks :)
-
we tried making melon ice candy kanina and we put in cassava flour and effective nga naging malabo ang texture nya. it's cassava flour pala na nasabi sa akin, downers lang ang pagkakasabi sa akin kasi yun tawag sa ibang lugar.
-
Favorite kong homemade ice candy - avocado flavor. Blender lang ang avocado, alpine milk, sugar at konting water kapag para na siyang shake pwede ng i-pack :)
-
rainy and summer season patok ito.
-
ang sarap ng ice candy dito sa amin. 8.00 siya buko salad ice candy. parang may nestle cream. matigas siya pero ang lambot kainin. yummy
alam nyo paano to gawin?
-
nung bata kami ginagawa kami ng mom ko ng ice candy - very common yung either milo flavor or sunny orange juice flavor. hehe....
-
my gosh tagal ko nang hindi nakakain ng ice candy ah...haha ;D dati i sell mine at 1 peso too! yun nga lang Kool-Aid lang [textspeak!] gamit ko dati...;D
-
dun sa sister ko mabentang mabenta ang ice candy niya kasi ang gamit niya ay yung timpla ng hot chocolate ng isa sa pinaka sikat na food chain lang naman. eh kasi nag wo work ako sa planta na gumagawa ng chocolate concentrate na yun at nabibili ko nag formulation na yon sa murang halaga.
imported na cocoa ang gamit namin dun kaya ang lasa ng ice cany niya ay bonggang bongga. kaya ang sister ko lagi ako kinukulit na bumili pa ang chocolate na yun, hehe!
-
meron akong binibili dati ng bata ako para syang halo halo ice candy, may mongo, beans, buko tapos ang pino nung ice. ang sarap!
-
mga sis buhayin nating ang thread na ito.. marunong ba kayo paano gumawa ng tablea chocolate na ice candy? pati melon ice candy?
naguguluhan na ako kung ilagay ba dapat ay evap or condensed.. masarap yung pag nag frozen sha slushy pa rin ang pagka tigas niya. bagay na bagay sa init ng panahon!
-
^sis I think dapat evap ang ilalagay na gatas... corek me mga sis if im wrong...
-
pano ba gumawa ng mango ice candy?[textspeak!] smooth [textspeak!] texture nya na parang ice cream???...and pano rin ba gumawa ng melon ice candy???nilalagyan ba ng milk?e di ba pag nilagyan ng milk pumapait??help [textspeak!] guys..:(
-
^ di nakaka pait ang milk.. yung nakakapait yung juice / buto ng melon.
-
we usually mix the corn starch with hot water para mas fine yung texture ng ice candy then saka namin lalagyan ng maraming water, sugar and other ingredients ;)
-
:D helo summer na ulit. at ang init init patok na patok ngayon ang mga pagkaing made of ice. pwede [textspeak!] ba ko turuan gumawa n salad ice candy [textspeak!] pangbenta [textspeak!] tig 5 pesos kc nakatikim na ko pero hindi ko alam pano nila ito gawin. pwede [textspeak!] exact ingredients at [textspeak!] exact sukat ng ingredients .thanks pls reply kau asap..
-
Naku sana nadaan ako dati sa thread na to, sana nakabili ako ng plastic ng ice candy bago ako umalis ng pinas..wala pa naman dito nun.. nakakamiss ice candy!! :)
-
we use camote (yung orange color) para sa fine texture ng ice candy
-
gawa nga ako nito.. hehe imbento lang..
-
eto tip : pakuluan nyo [textspeak!] mixture para kpag tumigas na masarap kagatin. yung pagkayelo na fine... hmmm...
mga kids ko milo lang talo-talo na hehe ubos maghapon lang..
-
^Thanks sis try ko nga pakuluan...
-
mga sis, gusto ko gumawa ng ice candy.
pano po ang measurement ng cassava flour?
pwede rin cornstarch? ano po measurement?
-
I read the same topic sa other thread but mods mukhang mas ok yong suggestion nyo to start a new one na lang to update.
I tried to make ice candy, following the same ingredients and procedures mentioned in the other thread but I just can't get its fine texture and consistency. I don't know why.. maybe some sis could give more idea on how to prepare it?
Please share your recipe sisses..TIA
-
good morning po,,,gusto ko lang pong itanong kung paano naman ang pag gawa ng "ice buko" at saan po makakabili ng hulmahan nito,,thank you...
-
Hi mga sis.. How to make ice candy that include the cornstarch or cassava. niluluto pa ba cia? I remember kasi my cousin used to make ice candy. I know she still cooking it. I don't know exactly the procedure. :-(
-
Hi sis, I read somewhere na magpapakulo ka muna ng tubig. while waiting, dissolve the cornstarch in water (ibang water ha, hindi yung pinapakuluan mo). pagkakulo, mix in the cornstarch and water mixture, pakuluan mo lang saglit and then let cool. pag room temp na, ihalo mo sya sa ice candy mixture mo.
i havent tried this kasi okay naman samin yung texture ng ice candy na ginagawa namin, pero pag sinipag gagawin ko to. hehe. :)
-
up natin toh. . .ang init init,sarap mag ice candy,masarap kaya ang ice candy na coffee flavor.
Hanap nga ako nung yuro..salamat sa mga share ng recipes and tips!
-
mga sis try niyo ice candy ng Fruitas.. masarap promise! :) medyo mahal nga lang 10 pesos ata pinakamura pero sulit naman.. :)
-
^oo nga ang sarap nga nyan sis. mas mahal din ata yung ibang flavors.
adik kami ni hubby ngayon dito.. lagi ako nagawa - mango, chocolate, orange, strawberry.
-
sa lahat ba ng fruitas branch merong ice candy??
kasi di ko naman nakikita o nakapost na may ice candy sila...
gusto ko sanang matry...
-
Sis yong yuro ba the same lang siya with cassava starch ang effect yong parang creamy?
-
Sa may hospital namin may ale na nagtitinda ng "greentea with graham cake", "mocha cake", "strawberry and oreo", "peach cake" ice candy. Masasarap lahat! Namiss ko tuloy tinda niya. I assumed na bineblender niya yung mga cakes and turn them to ice candy. Kasi andun talaga yung lasa ng cake. Haha!
-
^wow, ang galing naman ng idea nya. may i ask sis how much ang benta nya?
gusto ko rin ng green tea, san ba nakakabili nun? yun ba yung matcha? narinig ko lang somewhere..
fave din namin ni hubby ice candy.. swiss miss gamit ko for chocolate tapos add ako konting cocoa then maraming milk para mala ice cream ang texture. mango ang buko din masarap.
sisses, paano gumawa nung monggo flavored?
-
^ mura lang sis! 10 for the more expensive ones and 8 para dun sa less expensive, alam ko nga may greentea with red beans/monggo pa. Yes matcha nga ata sis yung greentea niya.
-
paano po gumawa ng pinong ice candy.kasi yung ginagawa ko pag tumigas na nag iiba na yung texture nya..saka may idea ba kayo kung paano gumawa ng ice candy na masarap , mabenta at maraming tubo.. paturo naman po..
-
Hi mga sis, update ko lang itong thread na ito. Napagtripan ko kasing gumawa ng ice candy for family's consumption super crave kasi kame dito saka sa halo halo, eh yung recipe ko naparami at di na magkasha yung iba ko pang nagawa. Ayun pinabenta ko nalang. Naubos yung 30 pcs ko na ice candy in a day. napabalik ko na half ng puhunan ko pero may 100 pcs pa ako na ice candy sa ref yung iba di pa na freeze kasi di na kasya haha! kaka tuwa lang sa puhunan ko na 150 pesos mukhang mag triple pa ata. Ngayon, di ko lang alam kung napaubos ng tindera ng byenan ko yung chocolate flavor, pero mas masarap yung choco flavor ko kesa sa una kong pinabenta na buco flavor, mejo tinabangan ko kasi yun dahil para talaga sa byenan kong ayaw sa matamis. Try nyo na rin mga sis lalo sa mga stay at home moms, kung maka neto kayo ng 50 pesos a day laking bagay na rin yun. Pwede nyo ibagsak sa mga tindahan tapos percentage nalang kayo :)
-
Cowhead Chocolate Milk i-plastic at i-freezer til tumigas = yummy chocolate iced candy ;)
-
mix it with cassava flour para pinong pino sya
-
im planning to sell ice candy this summer. melon sana because i love melon.
-
Hi mga sis,.one time i tried making one pero from juice na tinitimpla iyong ginawa kong ice candy sabi ni hubby kasing tigas daw ng ice hahaha...kindly recommend naman..thank you!
-
Magkano na ang SRP ng ice candy?