joining,i've been looking if there's an existing thread such like this, mga sis pa help naman kung ano ibig sabihin ng dream ko,I dreamed of this long time ago na actually,tumatak lang ito sa akin kahit super tagal ko na napanaginipan,parang feeling ko may message but i don't know kung ano,
Longtime ago sa compound kami kasi nakatira,sharing with my lolo and lola and other relatives sa side ng father ko,nung time na yun,hindi ganun kasarap ang buhay namin,yung tama lang na maka kain at mabili yung mga talagang kailangan lang namin,as in walang luho or whatsoever,pero dahil sa matinding pagsisikap at pursigido sa buhay,kaya ayun masasabi ko na mas maayos yung buhay namin ngayon,may sariling bahay,sasakyan,pumapasok sa magandang school/universities mga kapatid ko,at nakatira pa ako ngayon dito sa US na never ko na imagine na makaka punta ako dito thank's GOD
back to the topic:
my lola passed away when i'm still in high school,about 8 or 9 years ago na,even thought were living in the same place,never kami naging close,unlike my other cousins na talagang close na close sa kanya,but ako hindi talaga,kaya i was so surprised na after she passed away,talagang palagi ko siya napapanaginipan as in everyday,at palagi siya nagpaparamdam sakin,may time pa nga na right after ng burial niya,i saw her na papasok sa bahay namin,minsan yung mga panaginip ko sa kanya may mensahe,like nung nagkasakit si lolo ko 3 years ago bago siya namatay,sabi ng lola ko sa panaginip ko,you take care of your lolo ok,alagaan ko daw si lolo,tapos yung isang panaginip ko sa kanya na until now hindi ko makalimutan is nasa labas daw ako nung compound at gabi yun,ako lang mag isa sa labas,at medyo may pagka dilim dahil medyo luma na yung mga ilaw ng poste,tapos nakita ko daw si Lola sa di kalayuaan (patay na siya nung napanaginipan ko ito) nakatayo lang siya at nakatingin sakin nakangiti,ang ganda ganda niya,naka gown siya kulay red at naka make up at naka ayos pa yung hair niya,lalo siya nagmukhang may lahing espanyol,super puti at kinis kasi ng lola kong iyon,tapos sa likod niya super liwanag,at yung mga kamay niya naka laylay lang sa gilid,yung tipical na naka stand up straight,parang ganun,kaya lang yung mga palm niya is nakaharap at naka open wide,yung parang kamay ni Mama Mary,basta ganun,tapos may suot siyang napaka laking Gold Necklace at yung pendant is super laki,talagang gold na gold,yung parang medalyon na sa super laki,at talagang kumikinang sa pagka gold,kaya talagang mapapansin mo tapos red pa yung suot niya,ganun lang yung set-up dun sa panaginip ko,basta nakatayo lang siya at naka ngiti sakin,may ibig sabihin kaya yun mga sissies?magmula kasi ng napanaginipan ko yun,palaisipan na sakin kung ano ibig sabihin nun eh,or just panaginip lang,TIA mga sis,pasensiya na napa haba yung kwento ko
